ako na yun

2

Sepmtember 23, 2017 // 7:06am

Nagcelebrate kami ng mga HS friends ko pati salubong ng birthday ko. Dapat talaga magdi-dinner lang kami kasi plano today talaga mag-walwal. Pero napawalwal pa rin kami ng wala sa oras. Before kami magdinner, nasabihan na ako ng mga roommates ko kung uuwi daw ba ako, or saan matutulog. Sabi ko naman uuwi ako tsaka sa apartment matutulog. Sabi ko lang 2am ako uuwi. So yun na, naparty kami sa Central Taft tapos nag-antay sakin mga roommates ko pauwi. Pag uwi ko naman, tulog na sila. Tapos bandang 7am, ginising nila ako para i-surprise. Dapat talaga pag-uwi ko isusurprise na nila ako kaso na-extend ang walwal namin till 3am. 7am na nila ako sinuprprise kahit ang pangit pangit ko pa. Hahahaha love ko na tong mga roommates ko. Unexpected yung friendship namin. Hahaha so yun, walwal na naman mamaya. Bata pa naman ang 22 diba? Ahahaha

Kung gusto mo malaman kung paano ka niya binabalewala dapat basahin mo to. Actually matagal ko na tong alam at hindi ako sure kung aware na rin ba yung iba dito pero kapag sinasabi ko kasi sa mga kaibigan ko nagugulat sila parang mga timang chot

Ayan so active siya. Siyempre mag a-assume ka na online yan tho sabi ng iba may instances “daw” na nakagreen button yan pero hindi naman daw sila online at naka-on lang ang wifi.

Etong sumunod hindi siya applicable sa iOs na messenger pero sa android working siya mga mamsh. Basta kapag gumagalaw yan na may bilog ibigsabihin nakatambay siya sa chatbox niyo. Interesado siya sayo at gusto ka niya kausap. Pero kapag nag chat ka tapos gumalaw yan ng matagal tapos ang ending tumigil at hindi siya nag reply, besh manggigil ka na jk.

Pero teka nagalawa rin pala siya sa iOs di ko lang napapansin kasi kapag may kachat ako ineexit ko na haha yun lang.

At dito ako pinakanaiinis. Guys wag kayo maniwala na hindi siya online kahit walang green buton dahil ang totoo, naka turn off chat lang siya sa lahat or sayo. Malalaman mo yan na online kapag naka stuck lang siya forever sa 1 minute at tangina nakakakupal ng pagkatao.

Take note talagang gagawin ka pa nilang tanga na hindi daw sila naka turn off chat sa lahat at hindi daw sila online. Kahit??? Mga ulol na to.

Eto rin hassle sa feelings. Inboxzoned/deliveredzoned ka bes hutaena

Pero sa lahat, dito ako panatag. Legit na hindi yan online mga mamsh. Basta ganyan itsura (unless nakapatay wifi at nakaclose ang app pero wag ka ring paranoid) pero minsan traydor pala yan haha online tapos ganyan nalabas ay ewan ko ba

Hindi ko na kelangan mag explain. Tangina mo seenlord.

So ayan lang naman ang mga nalalaman ko at hindi ko rin alam bat ko to shineshare haha pero yeah salamat at nawa'y marami ang maghiwalay charot.

If you have a time, and interested to my college brief story, please take time to read this. Thank you! And to all batch 2017, congratulations.

The best profile picture ever!

Tila ang sarap pakinggan ng mga katagang “Graduate na ako.” Hindi ko kayang pigilan ang umaapaw kong kasiyahan na nasa loob ng aking katawan kasabay din nun yung luhang nagtatago sa likod ng mga mata ko na tiniis ko sa loob ng limang taon. Oo tama, luha. Luha na dulot ng sobrang tuwa, luha na nagsasabing sa wakas tapos na ang mga paghihirap mo, ito na yung pinapangarap mong degree (well actually hindi ko alam na dito sa kursong ito pala ako magtatapos). Sa wakas makakahanap ka na ng isang maganda at disenteng trabaho na maipagmamalaki mo sa kung kanino. At syempre yung luhang nagsasabi sa loob ko na… “Sa wakas Rayniel, nakaya mo. Lahat ng pagsubok, lahat ng mga mahihirap na exams, quizzes at projects, sige isama mo na rin yung mga seatwork na akala mo quizzes sa sobrang hirap na ultimo utak mo talagang mapipiga at matutuyo.“

Sa totoo lang hindi lang isang beses ang maisipan ko yung fastest way to exit this course which is to quit. Sa limang taon ko sa College of Engineering and Technology, hindi lang isang beses na sinabi ko sa sarili ko na "tama na hindi ko na kaya”. Dumating pa nga yung araw na sinabi ko na mismo sa dean namin na “Sir pwede po bang mag shift nalang po ako sa ibang course pero same lang ng college kasi po sobrang hirap na.” Ilang quizzes na ang iniyakan ko, simulan natin sa first year, yung college algebra na inakala kong makaka uno ako pero nauwi sa 2.25 tapos yung trigo ko na sabi kong basic lang pero 2.25 lang din. Grabe first year palang sinabi ko na sa sarili ko “IMPYERNO ATA TONG PINASOK KONG KURSO”. Nalagpasan ko ang first year ng matiwasay pero pag sapit ng second year, UGH! PHYSICS. YES, kung saan nakakakuha kami ng grades na 26/100 at maswerte kana nyan kapag ganyan ang nakukuha mo dahil kahit papaano tumatama ka ng isang problem out of four problems. Dahil hindi namin alam kung saan kumukuha ng tanong yung prof namin dyan (puro pang out of this world). At iniyakan ko yang subject na yan, sinabi ko na sa sarili ko na hindi ako para sa engineering at kung babagsak man ako, it means ayun na yung sign. After ng semester, nalagpasan ko ang physics at alam mo ang sabi ko sa sarili ko? “Rayniel bakit mo pinasa, dinugtungan mo lang yung buhay mo dito sa impyernong course na to”. Pero believe it or not, nung pinasa ko ang Physics kahit tres lang ang nakuha ko, naging determinado akong lumaban. Akala ko makakaya ko na dahil ayan na third year nako sa ibang course kasi diba pag third year na wala ng problema, yun pala. Simula palang ng kalbaryo ng buhay namin sa Electronics Engineering. Pumasok ang electronics at circuits, aba himala wala akong problema kaso biglang sinabitan ng Differential equations, at muli nanaman akong nawalan ng lakas ng loob at determinasyon. Dyan din yung muntik nako ma-HD at mapalipat dahil sa failed to reach the cut-off. Thanks to that warning-warning-hd rule, dahil isang warning palang ako at pangalawa ko na yun nung bumagsak ako. Nung naisip ko yun sabi ko sa sarili ko, “Kailangan mong lumaban, nandyan kana. Konting tiis nalang oh, konting tumbling nalang.” Kaya after nung sem na yun, oh guess what, 1.86 na ang GWA ko from 2.58. Diba grabe ang batak ko nung sem na yun. After kong bumagsak sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi na ako pwedeng bumagsak at ayoko na. Kaya pinilit ko yung sarili ko, nag aral ako ng mabuti. Laban lang, laban kung laban, puyat kung puyat. At nagpaka-GC ako ng bahagya nun. Alam ng mga classmates ko kung gaano ako nagsusumikap para maging regular muli at para makahabol sa batch namin. Ako na nagsasabi, hindi biro yung pinagdaanan ko sa loob ng dalawang taon, yang fourth year and fifth year life ko. Nandyan yung kulang nalang hatiin ko yung katawan ko dahil sa magkakasabay at magka overlap na sched from regular to irregular subject. Nandyan yung napagsabihan ako ng prof ko na “napaka espesyal mo talagang estudyante Magsino kundi lang ako bilib sayo dahil kinakaya mo hindi kita pagbibigyan”. Lahat yan kinaya ko hanggang sa makarating ako sa kung ano tong kinalalagyan ko ngayon…

My first greatest achievement to myself and one of the reason why I forced to love this Electronics Engineering is being a licensed Electronics Technician under-graduate of Electronics Engineer. I proved to myself to my professors and colleagues that I belong in this field of engineering. And I’m very proud to say that I am an ECT passer. Yung puyat ko, habang nasa OJT, review everyday, habang nasa bahay kahit pagod sa school basa ng reviewers, habang nasa school kahit hirap balansehin pinipilit kong isingit ang review ko kahit may exams pako sa mga subjects ko, lahat yan nagbunga ng makita ko yung pangalan ko sa results of passers. Sobrang naiyak ako, gusto kong tumalon sa sobrang saya, at sobrang pasasalamat ko kay Lord dahil alam kong hindi nya ako pinabayaan sa pag-eexam ko.

And other than that, is this, completing this five year program in five years. All I could say is wow, just wow. *teary-eyed*


Rayniel S. Magsino, ECT
12-61-107
Bachelor of Science in Electronics Engineering🎓🎓🎓
Universidad De Manila
Batch 2017

Dumating ka ba sa point na masaya ka sa isang tao kahit hindi kayo? Yung masaya kang kausap siya, masaya kang iniinis mo siya, masaya kang nagjojoke sa kanya, yung basta masaya. Yung saya na walang halong kalandian. Yung gusto mo ganun lang kayo, walang mag maglelevel up walang maglelevel down. Yung saya na alam niyong dalawa yung limitasyon ng bawat isa. Na parang natatakot kang magbago yung kung anong klaseng friendship meron kayo. Dumating ka ba sa point na yon? Kasi ako, nangyayari na yun ngayon. Masaya na ako kung paano kami magturingan. Di na ako humihingi ng dagdag atensyon kasi ayoko maumay siya sakin.

Umaasa akong may tao pang tatanggap sa akin kahit pa alam kong ubos na ubos na ako. Sana tanggapin pa rin niya ang pagmamahal na kaya kong ibigay. Sana mapunan niya ang mga bagay na ipinagkait sa akin. Mga bagay na gusto ko ring maranasan at maramdaman. Tulad ng ipaglaban at hindi iwanan. Kaya pa kaya niyang mahalin ang isang taong kagaya ko? May isang tao pa kaya na kayang tatanggapin ang nakaraan ko? Makakaya ko pa kayang hintayin siya? Dahil alam kong sa mga oras na ito ako'y nasasaktan pa rin ng sobra. Madalas kong ninanais na mawala na lang sa mundong ito, ngunit umaasa ako sa taong yun, na makikilala ko pa siya at mararamdaman ko pa ang pagmamahal niyang makakatanggal sa sakit na nararamdaman ko sa oras na ito. Nasaan na kaya siya? Meron pa kayang siya?

Pagkatapos niyang iparamdam sa akin na mahalaga ako sa kanya, pagkatapos niyang sabihin sa akin na gusto niya akong makasama, pagkatapos niyang magpakita ng motibo na kailangan niya ko sa buhay niya, naglaho na lang siya at biglang nawala. Pinaasa niya ako, akala ko yun na, akala ko ako ay magiging masaya na. Sino ba naman kasi ang hindi aasa kung puro magagandang bagay na lang ang ginagawa at pinapakita niya, diba? Ako ay isang tao lamang na naghahangad ng pagmamahal, at naghahanap ng magmamahal, pero bakit ako pa? Bakit mo ako pinaasa.
—  Angelo

this day is kinda normal. paulit-ulit na lang rin siguro ang mangyayare sakin araw-araw. work then uwi na. nagiging interesting lang ang araw ko kapag nakikinig ako sa usapan ng mga katrabaho ko tungkol sa iba’t-ibang bagay. nakakatuwa silang kausap. hindi ko pa rin kasi sila kilala masyado so we had some free time para malaman ko ang mga interests nila. i met a new girl rin which proved me that the world is really small. nagulat ako na kilala nya ako then nalaman kong may mga mutual friends kami. trainee na sya ngayon sa company and my workmates are teasing me kase kumikitang kabuhayan raw ako kase yung trainee yung narefer ko hahaha may 1k kase kapag nakapag refer ka. so yun, medyo blessed ako sa part na yun. mababait ang mga tao sa company na yun, mabuti na lang.

6

Ito naman MaRinKa ata. BAKIT ANG CORNY KO.

I’m on a roll tonight. Another Tagalog thing. I must be stopped. STOP ME NOW PLS.

R: makoto, are you coffee?

M: why, rin?

R: because you’re hot and you keep me awake!

M: (ah.)

H: makoto, are you water?

R: DAMMIT HARU CAN YOU STOP ASKING THAT?

BONUS (Rin naman o, wag mong putulin yung banat ni Haru.)

External image

H: [makoto, are you water?] …because, i can’t live without you.

“Kapag mahal mo, lahat ibibigay mo nang walang halong panghihinayang.”

Maraming nagsasabi na kapag nagmahal ka raw, dapat ‘wag mo ibibigay yung ‘lahat’ mo. Dapat raw magtira ka para sa sarili mo.

Ako, hindi ako naniniwala sa kasabihan na ‘yun. Hindi ako naniniwala na dapat pigilang mo ‘yung sarili mo na magmahal ng sobra kasi baka masaktan ka lang din ng sobra sa huli. Para sakin, kapag mahal mo, lahat ibibigay mo nang walang halong panghihinayang. Yung lahat ng kaya mong ibigay, ibigay mo. Yung kasabihan kasi na ‘yun, para sakin, nagiging excuse lang ng mga taong minsan nang nasaktan ng sobra dahil sa pag-ibig. Na kasi nung na-experience nila ‘yun, pakiramdam nila ubos na ubos yung pagkatao nila dahil ibinigay nila ‘yung lahat. Pero diba, dapat nga maging proud ka kasi ibinigay mo ‘yung lahat. Na masasabi mo sa sarili mo na ‘hindi ka nagkulang’. Na kahit hindi niya man nakita o naappreciate lahat ng ginawa mo para sa kanya, deep inside sa sarili mo, ginawa mo ‘yung part mo. Na ginawa mo ang lahat para sa kaniya. ‘Yung mga taong nagsasabi na “Dapat kasi nagtitira ka para sa sarili mo.” is not even a valid reason o way para matulungan kang mapagaan ang sitwasyon. Kasi pag nagmahal ka, you’re being blinded by euphoria. You’re under the state of too happiness. Paano mo maaafford magtira sa sarili mo kung ang gusto mo lang naman ay makitang masaya ang taong mahal mo ng sobra. Na kapag nakikita mo siyang sobrang saya sa piling mo, libo-libong saya ‘nun ang bumabalik at naisusukli sayo. Mas okay na ‘yun kesa maramdaman mong nakukulangan siya sa kaya mong ibigay. Mas masakit kasi alam mong nagiging rason ‘yun para maghanap siya for something more.

Sabi sa movie, “We accept the love we think we deserve.” Thus, you should give someone yung pagmamahal na deserve nila. Na kung nakikita mong deserving sila sa buong pagmamahal mo, ibigay mo lahat, ibigay mo nang buong-buo. Kasi pag nakita mo siyang masaya, masaya ka rin. Wala tayong karapatan na ipagdamot ang pagmamahal sa ibang tao. Pwede mong piliin kung hanggang saan, kung gaano karami. Pero never kang magdadamot. Kung nasaktan ka, ‘wag mong iisiping sayang. Kasi at the end of the day, nasa’yo yung peace. Nasa’yo yung happiness, yung satisfaction, yung serenity. Kasi you did your part. You’ve given your best to see someone happy who makes you happy and feel special as well. Hindi ka nagkulang, at ‘yun ang pinaka-importante sa lahat.

Gabi gabi na ata susumpungin si tita, oo alam ko may point siya. Ayaw nya may katawagan ako gabi gabi tas sabi ko naman babae yun tas iba na iniisip. Eh kung lalaki naman sasabihin di ako nagfofocus sa pag-aaral kasi magkakaboypren ganun. Duh!!, kahit mapababae o lalaki wala talaga ko kawala eh no. Sakal na sakal na ako pramis, di ko na alam kung maiinis ako o malulungkot. Yun na nga lang nakakapagpasaya at nakakapagpawala ng stress ko sa school at sa buhay, ipagkakait pa.

Taken na ako

No, please dont. Kung naghahanap ka ng kasparks, please wag ako. Wag kang mag ily and imy sakin dahil selosa sya, wag kang gumawa ng “endearments” natin dahil kami lang dapat ang magtawagan ng cute na endearment na ako pa ang pumili dahil wala syang maisip, wag kang makipag flirt saakin as if single ako, kahit na hindi pa kami at hindi ko pa sya nililigawan kasi bawal pa sya, HINDI AKO PWEDENG LUMANDI SA IBA DAHIL SAKANYA LANG AKO MAKIKIPAG FLIRT, LANDI, AT SYA LANG ANG BABAENG MAMAHALIN KO. Jusko po, ilaan mo na lang sa iba ang paghahanap mo ng kasparks, hindi porket ako yung parang “dream guy” mo eh ako na yun, I’m sorry pero…..taken na talaga ako and I’m proud of it…kahit hindi pa kami official.

Naalala ko ‘nung 2011, worst birthday ko ‘yun dahil first time kong hindi kasama family ko sa birthday ko and mismong day din na ‘yun hindi kami pinapansin ng coach namin, whole day. Kasi mga pasaway kami hahaha kumakain at umiinom ng bawal tapos hindi sumisipot sa oras na napagusapan. Sobrang araw din 'nun. Sabi ko sa sarili ko mukhang unang bes rin na magbirthday ako na hindi umulan. Kinagabihan, umiiyak ako kasi iyakin ako, lagpas 11pm na 'yun, malapit na mag12 nang biglang umulan 🙃 iba talaga. Hahaha

Tapos last year lang, legit sunog ako sa mismong birthday ko dahil may training ng volleyball 'nun tapos sobrang tirik ng araw at walang nakapigil sakin. Hahaha sunburn tuloy ang inabot. Sunog na sunog ako, tustado kumbaga, mismong birthday. Paguwi ko sa bahay may cake, bnlow ko then pinicturan ako hahahahahahahap wala akong balak ipakita kahit kanino 'yung picture na 'yun. Uling diba. So 'yun ang sinasabi ko lang sobrang init ng araw na 'yun, akala ko nanaman mabbreak na 'yung sumpa sa birthday ko na lagi nalang umuulan, pero nagkamali nanaman ako, umulan nanaman kinagabihan hahaha

Wala lang talaga 'tong post na 'to. Memap lang.

This is a 2:58AM thought.

I am the type of person who always put limit on things. Hindi ko binibigay lahat, lagi akong nagtitira for the next time. For example, kakausapin kita pero hindi ko sayo sasabihin lahat ng gusto kong sabihin para sa next na pag-uusap natin, may masasabi pa ko. Another example is magb-blog ako ngayon pero hindi ko ilalagay lahat ng feels ko para sa next na blog ko, may mailalagay pa ko. And maybe that’s because I always think that there is always a next time. And besides, I don’t care din naman if this shit will satisfy you, if my words will satisfy you, if our conversation will somehow satisfy you. Basta may ginawa ako, yun na yun, wala akong pake kung matuwa ka sakin or hindi. Anyway, I never cared about anything naman pala kasi talaga. I am the type of person who is very much not interesado about anything. I know this might be so rude pero wala eh, ewan ko ba basta wala talaga akong pake. Wala akong pake sayo, wala akong pake sa mundo, wala akong pake kung wala ka ring pake sakin. Basta, wala akong pake kasi sobra talaga akong hindi interesado sa mga nangyayari sa mundo, ang iniisip ko lang palagi sarili ko kasi nakokornihan ako sa mga tao. Ganyan na ganyan ako dati. And then I met this person who turned me into something I never expected I will be. Hindi ko ugali yung pagbibigay ng best ko kasi tinatamad nga ako pero pagdating sakanya, damn, I really want to give everything I could give, I want to give the best I have in me. Sobra talaga akong interesado sakanya. Gusto kong malaman lahat ng bagay na pwede kong malaman about sakanya. Kahit kailan, hinding hindi ako mauubusan ng sasabihin sakanya. Sya yung tipo ng tao na kahit i-spend ko yung buong lifetime ko na kausap lang sya, alam kong kulang at kulang parin yun kasi sa huli, alam kong meron at meron pa rin akong mga bagay na gustong sabihin sakanya. Pagdating sakanya, gusto ko nalang gawin lahat ng pwede kong gawin na I know will make her satisfied and happy. Gusto ko nalang sabihin lahat ng bagay na pwede kong sabihin na alam kong ikakatuwa nya. Gusto ko nalang sabihin sakanya lahat ng salitang gustong gusto nyang sabihin sakanya. Gusto ko nalang sabihin lahat ng salitang makakapag-comfort sakanya. Wala akong pakealam kung maubusan ako, basta ang mahalaga nalang sakin is yung ma-satisfy ko sya at matuwa sya sakin. Gusto ko makita nya sakin yung worth nya. Gusto ko ipa-feel sakanya kung ano yung value nya as a person. I want her to see herself the way I see her. Gusto ko lahat ng pag-uusap namin maging memorable. Gusto ko pagdating samin, lahat good memories. Gusto ko ibigay sakanya lahat ng kaya kong ibigay, Gusto ko ibigay sakanya lahat ng deserve nyang ma-receive bilang tao, bilang babae, at bilang sya, She really deserves the best. Pag nag-aaway kami, gusto ko magkaayos agad kasi ayokong maalala nya ko someday as a person na kayang tiisin sya kasi hindi ako ganon pagdating sakanya. Pag nagj-joke ako okay lang kahit korni na basta mapatawa lang sya. Nag-bakla baklaan na nga ko lahat lahat kasi alam kong ganon yung mga trip nya. Nakapag-take na rin ako ng mga online disney personality quizzes kasi alam kong curious sya kung sinong disney prince ako at kung sang disney movie ako nanggaling kahit na sa sarili ko tangina tawang tawa nalang talaga ko kasi hindi ko na alam kung normal pa ba yung mga pinag-gagagawa kong yun.

Sobrang ibang iba ako pagdating sakanya. Nakakapanibago man pero gustong gusto ko talaga yung sarili ko when it comes to her. Feeling ko ang bait bait ko. Feeling ko ang tino tino ko kahit papano. She made me do things I’ve never done before like this tumblr shit. I’m not that vocal, lalo namang hindi ako madrama before pero basta, gusto ko nalang talaga ipagsigawan sa buong mundo yung mga bagay na naf-feel ko sakanya. I want the whole world to know how blessed I am kasi nakakilala ako ng taong katulad nya. She brought out the best of me. And maybe that’s the reason kung bakit sya pinakilala ni God sakin: To know myself more. For me to know na kaya ko, kaya ko maging matino, kaya kong maging hindi gago even just for a while. Hindi ako sigurado pero kung ano man yung rason kung bat ko sya nakilala, gusto ko lang ipaalam na sobra talaga akong thankful sa Panginoon kasi sa dinami rami ng lalaki sa mundo, ako pa yung pinili nyang makilala sya. Sa dinami rami ng tao sa mundo, yung landas pa naming dalawa yung pinag-meet nya. Every time na makakakita ako ng photos nya, hindi ko mapigilang hindi mapaisip: “Lord, bakit ako? bakit sya? bakit kami pa?”. Every night bago matulog, lagi akong nagp-pray at wala akong ibang sinabi kay Lord kundi “I only want the best for her po”. Wala na akong pakealam kung sakin ba sya mapunta kasi alam ko rin namang lugi sya sakin eh, sasakit lang ulo nya kaya ayun, bahala na, gusto ko nalang talaga yung best para sakanya. Ang tagal na tagal na at sobra talagang nakakaloko kasi sakin, wala paring nagbago. Pag nagb-backread ako sa conversation namin, kung ano yung naramdaman ko nung una ko syang nakausap, ganon at ganon parin yung naf-feel ko. Ilang beses ko nang sinabi sakanya to pero hanggang ngayon, sya parin talaga yung pinangarap kong ipakilala sa parents ko. Sya parin yung babaeng gusto kong idahilan sa mga friends ko kung bat di ako pwede manchix today kasi mab-beast mode si inday ahaha. Sya parin yung babaeng gustong gusto kong inisin tsaka galitin kasi ang cute cute talaga haha. Alam kong ang tagal narin, more than two years na nga since nung nakilala ko sya pero hanggang ngayon, natotorpe parin ako sakanya. Hindi ko na nga talaga alam kung ano gagawin ko sa feelings ko sakanya eh. Ang hirap kasi alam kong pagdating sakanya, hinding hindi ako mauubos pero wala, gusto ko na talaga magpaka-ubos. Ayoko na mag-blog pero this is the only way para maging okay. Sabi ko sa sarili ko, suko na talaga ako. Gusto ko na mawala lahat ng to. Gusto ko na mag-start ng panibago. Gusto ko pa pero ayoko na talaga, at sigurado na ko dun. Pinaka-birthday gift ko talaga sa sarili ko eh yung maging okay na ko. Malapit na, at sana, sana lang talaga mapagbigyan ko sarili ko. Hinding hindi mawawala sakin yung feelings ko para sa taong ‘to pero muli, gusto ko pa, gustong gusto pa pero ayoko na. at sigurado na ko dun.

Inom.

Galing nanaman ako sa inuman. Yun na lang ata lagi kong ginagawa ngayon ha? Bukod sa mag-gym na sobrang naka-counter din kasi nga nagbi-beer ako. Hahahaha. Sayang ang abs shet. Pero okay lang, at least nakakasama ang tropa, nakakalimutan ang stress sa work at life, masaya.

Isa pang bucket para sa lahat ng baket.

Hayaan mo na, ikaw pa rin naman.
— 

Hayaan mo akong bigkasin ng puso
Ang bawat letra ng pangalan mo
Pagkat hanggang ngayo'y
Iyan mga letra na yan, iyan pa din
Ang sinisigaw ng puso

Hayaan mo akong bigkasin ang letra ng pangalan mo, hayaan mo na ako
Dahil yun nalang ang tanging alaala
Na iniwan mo, ang mga alaalang nagsilbing unan ko sa pagtulog

Hayaan mo akong alalahanin ang mga tawa mo, hindi mo alam kung gaano ito nagsilbing liriko na humuni sa malalamig kong mga gabi.

Hayaan mo akong haplusin ko nalang magisa ang aking mukha, dahil sa mga panahon na ginawa mo ito sa akin, nagpapaalala ito lagi sakin kung paano mo sabihin ako'y hindi nagiisa

Hayaan mo akong lumuha
Hayaan mo akong humagulgol
Dahil sa puntong ito, sa mga oras na ito
Ikaw rin, ikaw pa rin ang mahal.

5

Barcelona 2017: Day 1

Sobrang surreal pa sakin non yung mga pangyayari. Akalain mo yun, first time ko mag-eroplano mag-isa! Mag-travel mag-isa! Eto pwera biro, nung kararating ko don, kumakanta ako ng “I’ll Never Love This Way Again” na theme song ng Barcelona: A Love Untold habang nag-gagala kami ng kaibigan ko na taga don. Tawang-tawa talaga sya sakin kasi amaze na amaze ako sa place. Basta noong unang araw hindi pa talaga nagsi-sink-in na nandon na ako. Yun na yun.

Grabe talaga noon ang dami na naming napuntahan e kararating ko lang. Nakakapagod oo, pero pinaka-nakakawala talaga ng lakas e yung hagdan ng bahay na tinutuluyan ko, 4th floor mga tsong. Instant gym. Pero wala sigi, araw-araw parin gumagala.

Day 16: How is your school life?

Sa awa ng langit, nakapagtapos naman.

Elementary days, wala talaga akong hilig mag-aral. Pumapasok lang ako kasi takot ako sa parents ko. Mas takot ako sa kanila at masira ang reputasyon nila kaysa sa mga nambubully sakin sa school kaya pumapasok pa rin ako. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung paano ako nakatapos ng grade school e. Kasi nagugulat nalang talaga ako na pagpasok ko ay exam na pala.

High school, pinasok nila ako sa isang tanyag at pribadong eskwelahan. 2 years lang ako dun kasi ang mahal ng tuition ko tas yung grades ko nananaga. Sobrang nakakapressure ri yung mga classmates mong mga RK at talagang maa-outcast ka.

Last 2 years ko sa high school, sa isang pampublikong paaralan kung saan umaabot ng 50 - 60 na estudyante sa isang silid-aralan ako pumapasok. Kinakantyawan pa ako na eskwelahan daw yun ng mga bobo, mga siga, mga gago at mga patapon ang buhay. NO. Hindi yun totoo, dahil nasa pampublikong paaralan ang totoong buhay. Doon ako namulat sa totoong mundo. Kumbaga lahat ng logic gates ng utak ko ay nagbukas. Gumanda rin ang mga grades ko. Hindi na ako takot sa mga bullies, dahil maski mga gangsters ilag sakin. Malaki ang frame ng katawan ko, poker face pa kaya intimidating ang dating ko. At kapag alam kong nasa tama ako, wipe out silang lahat.

College, 2 years ako sa isang international school kuno na puro pera nalang lahat. Pero marami akong naexperience dun, naging presidente ako ng music org, naging bahagi ako ng student government at… Nasuspend ako ng 30 days.

Lumipat ako sa State Univ. Mejo mahirap kasi sobrang hirap talaga maging irreg. Binitawan ko lahat ng extra curricular activities na aktibo ako. Hanggang sa naka-experience ako ng pre and post graduation depression.

Pero ayun nga may awa ang langit. Hindi ko alam pero ang bait nilang lahat sa akin. Head ng department, mga professors, pati yung mga staff sa registrar at si Dean. Pati yung napasukan ko sa ng OJT, sobrang babait sa akin. Hindi ako pinabayaan ng Lord.

Nakapagtapos naman ako.

Journalism

Nung 4th yr hs ako, gusto ko talaga mag journalism. Pero ang daming reason bat di ako natuloy sa field na yun. (Mahal ko pa rin naman engineering).

May journalism sa campus namin. Di ako sumali ng artisan nung 1st and 2nd yr ako kasi ewan di ko alam kung ano gagawin tsaka wala akong idea pano makapasok dun tsaka wala naman talaga akong interes magsasali ng mga orgs. Di ba nga ambivert ako. E nung mga panahon na yun e takot ako makipagsocialize, ang kinakausap ko lang nun e mga tropa ko lang talaga. Kaya ayun di ako natuloy. Tas nakita ko pang napepressure yung kaklase ko na kasali sa artisan kaya ayun di na talaga ako natuloy.

Tas ngayong sem, nagpasa ako ng poems sakanila. Tatlo lang ata yun e, mga patapon pa. Pero waa sana mapili sya para kapublish next sem or next year. Haha.

Inaya ako nung kaklase ko sa proba na officer pala ng org na yun na sumali sa org nila. Sabi ko ayako kahit gustong gusto ko. Hahahaa. Yako kasi ng pressure. Gusto ko nagcocontribute lang ako. Haha. Magpapasa na lang ako next time.

  • Lately, dahil sa health condition ko, madalas, I feel anxious. Anxiety talaga siya bes. Minsan di ako makatulog dahil kaiisip ko kung may sakit ba ako or wala. Madalas, sobrang peaceful ng tulog ko, then suddenly, magigising na lang ako. Madalas nga, tatawagan ko pa si Bryan para lang iyakan ko, kahit madaling araw pa yan haha. Kaya naman, thank you Bryan!
  • These past few weeks, sobrang busy namin from schoolworks, especially sa thesis kasi kailangan na namin mag data gathering. Para sa CAS Days, kasi mystery booth yung sa group namin at kailangan namin mag film ng video para maipanood sa mga participants at ako pa talaga naassign na leader. Idagdag pa na nagpapacheck up ako.
  • Last August 15-16, di ko nasulit yung walang pasok. For 2 days, nagpapacheck up lang ako. Isa na rin yun sa dahilan kung bakit di ako nakapagreview for BioChem plus pagod na ako pag-uwi. Good news kasi napakalala ng mga iniisip kong sakit, minsan nga iniisip ko mamamatay na ako eh haha pero di naman pala. Isa pang good news, magkakaanak ako in time, syempre gusto ko namang maging nanay haha
  • This month, twice yata kaming nagkita ni Bryan. Sa date namin na yon, may biglaan at may planado talaga.

So, iyon lang. walang exciting sa buhay ko. Simpleng tao lang po ako at mag-aaral haha.