ako lamang

Tanging Hiling - Short Cover
Tanging Hiling - Short Cover

Tanging Hiling

‘Wag ka nang umiyak, tahan na
Ayoko na nalulungkot ka
Sige na, ngumiti ka na
Mas maganda ka ‘pag tumatawa
Nandito lamang ako, 
‘di mawawala sa tabi mo

Sana'y dinggin

Tanging hiling, iyong pansinin ang pag-ibig ko na inaalay
Handang magbigay at maghintay na ibigin mo rin balang araw
Nangangako, hindi lalayo, sasamahan kita araw-araw
Umaasang iyong makikita na minamahal kita
Tanging hiling


Please, bear with my voice. Hindi po ako singer, but I did my best. Nagandahan lang talaga sa kanta. Credits to the composer. :)

Ikaw lang sapat na sobra sobra pa

Hindi kita na meet nung 3 years old ako at hindi din ikaw ang first love ko
Hindi din kita classmate at hindi din kita minahal simula pa nung una
At oo, minsan inaamin ko na mas mahal ko pa ang dota kesa sayo
Oo minsan pag gising ko sa umaga almusal ko na ay dota
Pero wag kang mag alala dahil ikaw lamang ang aking minamahal, ikaw lamang ang aking inaasam
At tuwing kasama kita gusto kong tumalon sa saya dahil ikaw ang kapiling
At saiyo lamang ang puso ko
At higit sa lahat
Ikaw lang ang dahilan ng aking pag hinga
Sana habang buhay tayong mag kasama pagka’t masaya ko sayo

Lahat Nananatili (Everything Stays Filipino ver.)
Dom Ortega (kinikxluna)

Happy speak your language day! I really didn’t know what to do, but some of my friends know I have a habit of badly translating english songs into tagalog, and well, today is just perfect.

Pasensya sobrang baboy nito :(( di ako magaling sa ingles o sa tagalog;; medj nasa gitna ako (HAHA TAGLISH LAMANG). tsaka di ako sanay bumirit!! falsetto lang po ako pero dito ang awkward OOPS.

Lyrics:

Punta tayo sa hardin
May naghihintay
Kung saan mo iniwan
Naka baliktad

At ‘pag nahanap mo
Kumupas na ito
Maputla na ang ilalim
‘Pag inikot mo

Lahat nananatili
Saan man iniwan
Lahat nananatili
Pero umiiba
Unti-unti lang
Araw’t gabi
Sa maliit na paraan
Lahat nananatili

Pagkatapos niyang iparamdam sa akin na mahalaga ako sa kanya, pagkatapos niyang sabihin sa akin na gusto niya akong makasama, pagkatapos niyang magpakita ng motibo na kailangan niya ko sa buhay niya, naglaho na lang siya at biglang nawala. Pinaasa niya ako, akala ko yun na, akala ko ako ay magiging masaya na. Sino ba naman kasi ang hindi aasa kung puro magagandang bagay na lang ang ginagawa at pinapakita niya, diba? Ako ay isang tao lamang na naghahangad ng pagmamahal, at naghahanap ng magmamahal, pero bakit ako pa? Bakit mo ako pinaasa.
—  Angelo


Namimiss mo na ako pero mas namimiss na kita.  Namimiss ko na yung yakap mong kay init sa tuwing ako'y nanlalamig. Yung mga halik mo na nag-iwan ng bakas kung gaano mo ako kamahal sa oras na ‘yon.  Pati din ang paghawak mo sa kamay ko na pinapahiwatig na “ako'y sayo lamang” at hindi mo kayang bitawan yung kamay na kahawak mo sa oras na ‘yon. At yung mga kiliti saating mga labi na nagpapangiti saatin na pinapakita na tayo’y masaya lang, maging masaya lang dahil tayo ay nagkita at magkasama ngayon.

Binitawan mo ako
At matututo rin akong bumitaw.

Maraming gabi ang nagdaan,
Marami na ring bituin
Ang nahingian
Ng mga sana.

Puno na ang kuwaderno
Sa kasusulat ng mga letrang
Puro alaala natin ang umaanino

Napagod na kaantay
Sa huling byahe ng tren
Papunta sa iyo

At sumuko na yata
Itong aking mga luha
At nag-uugat kong mga paa

Nagdaan na ang mga kantang
Tila kaagapay ng ating mga ngiti
At pagsuko

Nangulila,
naubusan ng luha
Pagod na yata akong ituloy ang ating istorya
Ako na lamang yata ang nagtutuloy at sumusulat pa?

Binitawan mo na ako
At unti-unti na akong bibitaw, sinta

Bumitaw ka
Isang hinga
Isang pikit
Isang sulatin na lang
Tapos
Bitaw,
Takbo

Bumitaw ka,
At pikit mata akong bumitaw papalayo.

—  her (MIS), paglaya, paglayo

May isang taong sa akin ay mahalaga,

Siya ay sobrang halaga,

Kahit na hindi ito halata,

Nakikita ko ang aking sarili sa kanya,

Nakikita ang tahimik na bersyon ko,

Sa kanyang katauhan,

Isa siyang kapatid para sa akin,

Nakakabatang kapatid,

Kahit kami ay di magkadugo,

Ngunit kapag siya ay hindi maayos,

Ako ay nag-aalala ng lubos,

Kung ako ay malapit lamang,

Maaring siya ay natulungan na,

Sa abot ng aking makakaya…

#PoleAsPresident pt. 1

Ang pinakamagandang master post sa balat ng lupa! Kasi naman jusko ang saya siguro sa Pilipinas kung si Pole ang naging presidente? Inalok naman ni Miong eh bago niya tinanggap yung role ano. Willing si Miong ibigay sa kanya ang presidency tas magiging Captain General chuva lang si Miong, like tanggap talaga ni Miong. Ba’t mo tinanggihan badang! 

Sanhi ng pag-uusap namin ni @d-artist-freude​ sa twitter :))

[ part 1, part 2, part 3 ]

What if Mabini became the first Philippine President?

Pole as president: Anong ganap
Luna: Kailangan labanan ang mga Amerikano!
Cabinet: Pero—
Pole as president: Ok go

Pole as president: Anong problema
Janolino: Tinanggalan ako ng ranggo ni Luna
Janolino: Dahil naging pabaya ako
Pole as president:
Janolino:
Pole as president:
So sinong tanga

Mascardo: Sa presidente lamang ako susunod
Pole as president: At anong sinabi ko?
Mascardo:
Pole as president:
Diba

Luna: Maghuhukay ng tricheras mula Navotas hanggang Quinga
Paco: Di ba tututol ang presidente?
Pole as president: Nah

Pole as president: Anong masasabi ninyo kay Luna
Pole as president: Maliban sa alam na natin
Paterno:
Buencamino:
Miong:
Uh
Pole as president: Ano yun
Miong:
Pole as president:
Ayan

Rusca: Uh yung dalawang heneral po—
Miong: G na ba ako sa Arayat
Pole as president: Kaya na ni Isabel yan
Miong: Sino yun
Pole as president: Kaya niya yan

Pole as president: Naaalala mo pa rin ba si Bonifacio
Miong:
Pole as president:
Kahit slight?

Miong: Plano ni Luna na magpalakas ng depensa sa Norte
Miong: Di ko trip
Pole as president:
Pole as president:
Magbakasyon tayo sa Baguio
Miong:
Pole as president:
Miong:
Pole as president:
Mag-impake ka na

Pole as president: Asan si Goyong
Miong: Heto o
Goyong: Po?
Pole as president: May sinigawan ka daw
Goyong: Uh
Pole as president: Grounded ka

Miong: Dapat may gawin tayo tungkol kay Luna
Pole as president: Nasubukan mo na bang hulihin ang hangin
Miong:
Pole as president:
Ayan

Paterno:
Pole as president:
Paterno:
Pole as president:
Paterno:
Pole as president:
No.

Buencamino: Nakipag-usap ako sa mga Americano
Pole as president: Ew

Pole as president: Nagkasagutan kayo ni Luna?
Miong:
Pole as president:
What did we learn today?

Luna: Pinatawag nyo raw ho ako, Señor Presidente?
Pole as president: Akin na yang kamay mo
Luna: ?
Pole as president: - very good star stamp -
Luna: !!!!

Laureana: Parang ang saya mo anak ah
Luna: May star ako!

Miong: Ba’t wala akong star
Pole as president: Naaalala mo pa rin ba si Bonifacio?
Miong: Alam mo

Goyong: Pupunta akong Tirad
Pole as president: No
Goyong: Pero
Pole as president: Gusto mo bang magpakamatay
Goyong: Kung isang malaking hukbo–
Pole as president: No

Pole as president: Di ka pupuntang Tirad
Goyong: Pero
Pole as president: Sa Baguio tayo pupunta

Pole as president: Nag-away nanaman ba ang mga bata
Pole as president: Este mga heneral
Alejandrino: Haiszx

Goyong: Ikaw ba nagsumbong sakin!
Alejandrino: Hehe
Goyong: ALAM MO IKAW
Pole as president: Sino yung sumisigaw
Goyong: WALA PO

Goyong: Señor, nakapagpasya na ako
Goyong: Pupunta nga akong Tirad
Pole as president: Ay, kininam

Tagsibol

Sabay-sabay na nagtumbahan
ang mga uhaw na palay
sa kabila ng sinag ng araw. Buo pa naman
ang minsang-binalangkas
na katawang-lupa.
Ako'y naka-paa lamang na
naglalakad, ramdam ang hamog.

Sabay-sabay na nagtumbahan
ang dapat matumba.
Lumisan na
ang dapat lumisan,

nauna
ang dapat mauna,

nagtampo
ang dapat magtampo.

Minsan, muli'y katatagpuin ka
sa isang sulok ng mundo kung saan
hindi kinakain ng apoy
ang mga gumamela, kung saan
hindi nasusunog
ang mga sampagita.

— A. P.

Ako'y kulang ngunit pinuno mo ng pagmamahal
Di mo kawalan
ngunit ang sabi mo
Ako'y iyong yaman
Ako'y binago mo
Ikaw ang buhay ko
Walang katulad mo sa mundo
Panghahawakan ko'ng pag-ibig mo
Sa'yo lamang ako

Ako ang daigdig
Ako ang tula
Ako ang daigdig
ang tula, ako

Noong unang panahon, matapos biyakin ng ibon ang kawayan ay may lumabas na isang nilalang. Pinangalanan sya ni Bathala bilang “Ako”. Matapos ito ay iniiutos ni Bathala sa mga guro na ituro sa eskwela ang tamang pag-gamit sa “Ako”

Listahan ng mga Tamang Paggamit ng “Ako”:
1. Ang “Ako” ay isang pangngalan na dapat mauna sa lahat.
2. Ang “Ako” ang palaging dapat na paksa sa mga pangungusap.
a)Ako ang daigdig. b) Ako ang tula. c) Ako  ang daigdig ng tula ang tula ng daigdig
3. Ang “Ako” ay isang makahulugang salita na dapat lamang gamitin sa makabuluhang pamamaraan.

Ngunit makulit ang ibon, kaya muli nyang tinuka ang kawayan. May lumabas na namang isang nilalang at tinawag ito ni Bathala bilang “Ikaw”. Agad-agad ay pinatawag ni Bathala ang buong sangkaguruan at sinabi sa kanila ang mga tamang pag-gamit ng “Ikaw”

Listahan ng mga Tamang Paggamit ng “Ikaw”:
1. Ang “Ikaw” ay isang pangngalan na dapat mauna sa lahat, kasunod na lamang ang “Ako”.
2. Ang “Ikaw” ang dapat palaging paksa sa mga pangungusap.
3 Ang “Ikaw” ang dapat palaging paksa ng mga pangusap ni “Ako”
a) Ikaw ang daigdig ni Ako  . b) Ikaw ang tula ni Ako c. Ang daigdig ng tula ang tula ng dagidig ni Ako ay Ikaw Ikaw Ikaw
Pero sadyang may angking kapilyuhan ang ibon. Sa pangatlong pagkakataon ay tinuka nya na naman ang kawayan. Muli, may lumabas na isang nilalang dito at tinawag ito na Bathala bilang “Siya”. Pinatawag ni Bathala ang lahat ng mga guro mula sa hilaga hanggang sa kanluran.

Listahan ng mga Tamang Paggamit ng “Siya”:
1. Ang “Siya” ay isang pangngalan na dapat mauna sa lahat.
2. Ang “Siya” ay palaging dapat sundan ni “Ikaw”
3. Ang “Ikaw” ay palaging dapat sundan ni “Ako”
4 Ang “Siya” ang dapat palaging paksa sa mga pangungusap ni “Ikaw”
a) Siya ang daigdig ni Ikaw. b) Siya ang tula ni Ikaw c.) Siya ang daigdig ng tula ang tula ng daigdig ni Ikaw

Kaya simula noon,  unti-unting nalimutan ang tamang paggamit sa “Ako”. Nalimutan na si “Ako” ay isang pangngalan kaya itinuro sa eskwela na si “Ako” ay isang panghalip.

Listahan ng mga Tamang Paggamit ng “Ako” bilang isang Panghalip:
1. “Ako” ang kamay na humahawak kay “Ikaw” sa tuwing malapit na itong sumuko.
2. “Ako” ang bisig na palaging kasama ni “Ikaw” sa mga malalamig na gabi
3. “Ako”  ang tinatakbuhan ni “Ikaw” sa tuwina.
4. “Ako” ay ang palaging kasama at ang palaging tinatakbuhan ni “Ikaw” dahil si “Ako” ay isang panghalip kay “Siya”.
5. “Ako” ay isang panghalip.
6. “Ako” ay isang panghalip sa tuwing wala Siya
7. “Ako” ang numerong tinatawagan ni “Ikaw” sa tuwing hindi sinasagot ni “Siya” ang telepono.
8. “Ako” ang kwartong pinupuntahan ni “Ikaw” sa tuwing hindi binubuksan ni “Siya” ang pinto
9. “Ako” ang mga labing humahalik sa mga kamao ni “Ikaw” na nagsugat na sa kakakatok.
10. “Ako” ay isa lamang panghalip dahil sa pagkabuhay ng umaga ay sa mga kamay pa rin ni “Siya” mapupunta si “Ikaw”
11. “Ako” ay hindi ang kamay na hawak ni “Ikaw” kapag naglalakad.
12. Dahil “Ako” ay isang panghalip lamang.

Ako ang daigdig
Ako ang tula
Ako ang daigdig
ang tula

Noong unang panahon, matapos biyakin ng ibon ang kawayan ay may lumabas na isang nilalang. Pinangalanan sya ni Bathala bilang “Ako”. Kay Ako ang lahat ng bagay na naabot ng kanyang paningin, ang mga ilog, ang mga kapatagan, ang mga bundok ang kalangitan, ang dagat ang araw. Ang lahat ng mga ito ay kay Ako ngunit pakiramandam niya ay balewala lang ang lahat kung siya’y mag-isa kaya humingi sya ng katuwang sa buhay kay Bathala. Hiniling nya na tukain ulit ng ibon ang kawayan. At hindi iyon itinuro sa eskwela.

At hindi rin itinuro sa eskwela na dapat nating suklian ang mga bagay na ibinibigay sa atin, materyal man o emosyonal. Kaya hindi rin masisi ni Ako si Ikaw na mas pinili ni Ikaw si Siya. Kaya hindi rin masisisi ni Ako ang sarili nang ito’y naging isang panghalip.

—  Ako, Ikaw at Siya: Isang Alamat | (j.d.a)
Mabinaldo

Emilio had just returned from a rather tiring early morning discussions with one of his subordinates only to find the prime minister already seated in his usual place. Alarmed after suddenly remembering that Apolinario was sick the past few days, Emilio approached the sleeping Apolinario with great caution. The early rays of the sun that managed to spill its glory from behind the dawn clouds caressed Apolinario’s face, bathing the man in ethereal glow. So much was the surprise of Emilio that he nearly tripped on his own feet. He sighed in frustration. If anything, Emilio had learned that Apolinario is a tough man, and that he wouldn’t follow orders, even if it was from the president himself just for the sake of his inang bayan.
‘Apolinario,’ he said softly, ‘gising na.’
The prime minister did not stir. Sighing, Emilio decided to carry Apolinario. Just as he was easing Apolinario’s body, so he’s comfortable and that Apolinario is too, the prime minister’s eyes fluttered open.

‘Señor Presidente!’ He started.

‘Magandang umaga din sa’yo, Pole.’

Emilio greeted warmly. Emilio noted the spreading blush dusting the prime minister’s cheek.

Better than a pale, Pole. He thought.

‘Maari nyo na po akong ibalik sa aking kinauupuan, señor presidente. Naidlip lamang ako, hindi na po ito mauulit.’ Apolinario apologized, refusing to meet Emilio’s eyes.
‘Hindi ba’t sinabihan na kita na mahalaga ang iyong kalusugan? Hindi ba’t sinabi ko rin na kinakailangan mong magpahinga sa loob ng tatlong araw pa? Hindi ba malinaw yon? Emilio reminded him.

But the prime minister was having none of it. He huffed defiantly, which was very unusual for his prime minister who is usually controlled.

‘Walang magagawa ang aking pagpapahinga. Kinakailangan nating ayusin ang pakikipagugnayan natin sa ating mga gabinete. Kinakailangang maayos ko na and mga importanteng papeles-’

‘Pole,’ Emilio said sharper than he intended. That stopped Apolinario midrant. Apolinario now risked a glance at him.

‘Isantabi mo muna and mga plano mo. Kung gusto mo itong gawing ngayong araw, Hindi kita pipigalan. Ngunit alalahanin mo and iyong kalusugan. Ihahatid kita sa iyong silid at ipadadala ko ang iilan sa mga nararapat mong gawin. Pero pagkatpos ng dalawang oras magpapahinga ka na.’ Emilio stated.

When Apolinario did not deign him with an answer, Emilio sighed. He figured that while he did enjoy having Aplonario to accompany him throughout the day, a sick Apolinario would have him worried sick too. And seeing that the stress of the politics is taking it’s toll on the prime minister, a cranky prime minsiter is not somebody Emilio would want to mess with, president or not. The only best way he could offer Apolinario is for Apolinario to continue his job, although in bed. Informal though it was, at least Apolonario would not be bothered anymore by the bickering that he would have to endure for about two hours.

Besides, he knew Apolinario would find a way to turn things to his favor afterwards. It is something that Emilio wouldn’t deny and admire the most from the Prime Minister. He tensed when Apolinario leaned at the crook of his neck.

‘Maari bang wag na nating gawin ito?’ Mabini mumbled.
‘Ang alin?’ Emilio asked confusedly. It was Mabini’s turn to sigh.
‘Pwede naman akong dalhin ng aking mga katulong sa aking silid. Hindi mo na dapat akong dalhin doon.’
'Pole, nakita ko kaninang papaalis ang mga tauhan mo. Maaring kakain sila labas. Hindi ka naman nakakasabal, total maaga pa naman.’ Emilio answered. The last one was a lie. He remembered asking Apolinario’s helpers to buy him newly baked pan de sal the last night. He was planning to eat breakfast with Apolinario from now on. He would have to cross the line when he get there. He carried Apolinario all the way to his room. Apolinario was quiet throughout. Emilio left the prime minister to his thoughts.

'Señor presidente, sandali,’ Apolinario croaked when Emilio was about to leave him for privacy.
'Bakit mo ba ito ginagawa?’ Apolonario asked clearly confused. Emilio smiled at the prime minister. The prime minister only frowned but that didn’t deter Emilio from sitting at the side of Apolinario’s bed. He placed his hand on Apolinario’s forehead. Apolinario flinched. He didn’t make a sound of protest, and as Emilio had thought the fever has not fully subsided yet.
'Nagalala lamang ako sayo, Pole. Hiling ko rin na sana wag mo na akong tawaging señor presidente sa iyong silid,’ the blush that dusted Apolinario’s cheeks earlier returned. 'Hindi ko gusto na mapahamak ka.’
'Ano pa nga ba ang magagawa ng isang lumpong gaya ko.’ Apolinario averted his head away from the searching eyes of Emilio.
'Maniwala ka sa akin, wala akong gustong makita kundi gumaling ka. Mahalaga ka sa akin. Hindi dahil sa ikaw ang aking punong ministro. Marami akong natututunan sa iyong mga sinasabi. Kung hindi dahil sa iyong tulong, wala na ako sa kinauupuan ko. Hayaan mo namang ako ang makatulong sa'yo kahit sa maliliit na bagay man lang.’ Emilio answered honestly. He felt as if he bared his soul to Apolinario. It’s true that he cared for Apolinario. In fact, he felt as if he cared more than he should. He didn’t mind. Apolinario is the best that he could have. He is also, perhaps, the only one he would consider as a friend, his stability when needed, and somebody who could put things into perspective into his chaotic living.

'Maraming salamat sa tiwalang binigay mo sa akin, Emilio.’
Emilio smiled upon hearing his name uttered by Apolinario.
'Walang anuman.’ Emilio answered.
'Kung ganun, hinihiling ko lamang na pahabain mo pa ang oras ng aking trabaho.’ Apolinario bargained.
'Hindi maari. Ang huling maibibigay ko sayo ay ang isang oras na dagdag sa iyong trabaho. Pagkatapos ng takdang oras ako na mismo ang kukuha sa mga papeles na iyong hawak. Hinihiling ko na ito bilang presidente.’ Emilio pleaded.

'Talagang nababaliw ka na, Emilio.’ Apolinario said. Despite the taunt, Apolinario was smiling.

'Sa tingin ko pumapayag ka sa aking napagpasiyahan. Ipaghahanda lamang kita ng iyong makakain. Hanggang sa aking pagbalik.’ With that, Emilio left Apolonario’s room with a victorious smile. He ignored the 'Emilio, bumalik ka dito. Nasisiraan ka na ng bait!’ only to proceed to the kitched to prepare their breakfast.

The event sparked a deeper friendship between the two. It is also after that, that Emilio began eating his breakfast with Apolinario. Be it in Apolinario’s room, or the dining room.


I am new to the Heneral Luna fandom. (And barely active on Tumblr) Pagbigyan nyo po ako. This is for @mabaeni and @mabinibini I have been looking at your profiles for the past week… I think I’m a Mabinaldo shipper now? *gets shot*

Kung malapit ka lang sakin. Mapaparamdam ko sana sayo araw-araw kung gaano kita kamahal. Oo, alam kong nararamdaman mo yung pagmamahal ko pero ayoko sa paraang text at videochat lang. Gusto ko harapan. Gusto kong iparamdam sayo mula umaga hanggang gabi na mahalaga ka talaga sa akin. Ihahatid kita, sabay tayong kakain na dalawa, gagala at manunuod ng sine hanggang sa magsawa, hahawakan ang kamay kahit pa may pasma, poprotektahan laban sa mga masasama, ihahatid sa bahay kapag gumabi na. Gusto ko ganyan o mas higit pa.

Kung malapit ka lang sakin. Magagawa sana natin lahat ng gustuhin natin. Wala nang hahadlang sa mga bagay na nais nating subukan Tulad ng gawin ang mga bagay na hindi pa nararanasan, panunuod ng mga paborito nating pelikula, magkaroon ng maraming cute pictures na magkasama, pumunta sa mga lugar na hindi pa nakikita, abutin ang mga pangarap nating dalawa at hindi na tayo nalilimitahan ng internet at teknolohiya. Oo, malaki ang naitutulong nito sa atin dahil ito ang rason kung bakit tayo nagtatagal at kung paano nararamdaman ang pagmamahal kaso ayoko lang ng ganito, gusto ko magkasama na tayo.

Kung malapit ka lang sakin. Wala na sanang araw na may lumuluha. Wala na sana sa malungkot, puro na lamang saya. Oo, alam kong masakit dahil araw-araw nating namimiss ang isa’t isa kahit pa magkausap tayong dalawa. Pero ipaparamdam ko sayo kung gaano ka sakin kahalaga. Makikita mo yung mga ugali kong hindi mo pa nakikita, Yung ugaling bibo, magpapatawa sayo at magpapahagalpak sa tuwa. Magiging clown mo ako para lamang mawala ang mga problema. Walang araw ang masasayang kung nandito ka lang sana, walang araw ang papalipasin ng lungkot lang ang nakikita.

Kung malapit ka lang sakin. Hindi na sana limitado yung maari nating gawin, kung malapit ka lang sana sa akin magagawa natin lahat ‘to. Kung nandito ka lang sana sa tabi ko, gagaan ang pakiramdam ko at masasabi kung gaano mo pinapasaya ang buhay ko. Na bawat ng bahagi ng pagkatao ko ay kinikumpleto mo. Kaso, hindi.. malayo tayo sa isa’t-isa. Doon ako nasasaktan at napapaluha. At yun ang katotohanang hindi ko matanggap talaga.

Gusto kitang kasama sa huling araw ng taon.  Yung tipong mamamalengke at magluluto tayo para sa ihahanda natin sa Media Noche. Sasama at tutulong sa mga magulang natin na pumili ng mga ihahanda. Habang hawak ang bayong, hawak din ang kamay ng isa’t isa. Yung tipong pupunasan ko yung pawisan mong ilong dahil hindi magkanda ugaga sa bilihin at dami ng tao. Siksikan, paguran at pawisan. Uuwi ng masaya at kasunod ay haharapin naman ang pagluluto. Kahit hindi tayo kagalingan magluto, ipipilit natin na tayo ang magluto kahit isang putahe lamang. Aasikasuhin natin, buong pusong iluluto kahit hindi karunungan, ayos lang, may mga cooking manuals naman, kahit hindi kasarapan basta may makain, basta kasama ka, busog na ako. Yun lamang ang kakainin magdamag dahil yun ang pinaghiran.

Gusto kitang kasama sa huling araw ng taon. Dahil gusto ko, pareho tayo ng isusuot na damit. Red and white na polka-dots, from head to toe. Kahit magmukha tayong magkapatid, ayos lang, at least suswertihin tayo sa darating na taon. Hindi ko ikakahiya na pareho tayo ng suot sapagkat hindi ko ikinahihiya ang pagmamahal ko sayo. Magliliwaliw sa kalsada habang kasama ang ibang kapamilya. Makikipagkulitan, makikipaglaro, sandamakmak na picture na magkasama. Hindi iindahin ang pagod bagkus ay mas gaganahan pa, dahil nga magkasama na.

Gusto kitang kasama sa huling araw ng taon. Gusto kong ubusin ang nanatiling mga sandali ng kasalukuyang taon sa piling mo. Yung tipong gagawa tayo ng mga bagay na hindi natin nagawa buong taon, Maglalaro, maghahabulan na parang bata, magiging masaya at gagawing buong taon ang kasiyahang dala. Dahil nais ko, pagtanda natin, magandang mga alaala ang mga babalikan nating dalawa sa taon na daraan.

Gusto kitang kasama sa huling araw ng taon. Yung tipong ilang sandali na lamang, magbabagong taon na, excited dahil magkasama nating sasalubungin ang bagong taon, ang panibagong sandali nang ating pagsasama. Makakarinig na tayo ng kabilaang putukan sa kalsada at daan, makakakita ng mga fireworks na kumukulay sa kalangitan, makakarinig ng hiwayan, kasiyahan ng mga bata sa lansangan. Tipong habang nagka-count down ay tinitingnan ka sa mata, numanakaw ng halik sabay dila. Hanggang sa pumatak ang alas-dose, sabay nating babatiin ang isa’t isa ng Happy New Year pagkatapos ay mahigpit na yakap at I love you. Sabay tayong manunuod ng libreng fireworks habang nakayakap ako sayo. Nakatingin sa makukulay na paputok na gumuguhit sa madilim na langit habang may ngiti sa mga labi dahil isa nanamang taon ang natapos at naging bahagi ng masayang alaala nating dalawa. At humihiling na ang darating na bagong taon ay mas magiging mas makabuluhan at mas masaya pa sa piling mo, sinta.

ITANONG MO SA #SELFIE NIYA HA?

Siguro ito yung isa sa pinaka hindi ko mapapalampas na status ng isa kong kaibigan sa FB.

Alam kong hindi ako yung pinapatamaan niya dahil unang-una, hindi ako ganun kaganid sa pagseselfie at pangalawa, hindi ako pangit. Wala akong dating at average lang ang sex appeal ko pero alam ko sa sarili kong hindi ako panget. At kung aaminin kong pangit ako, para ko na ring ininsulto ang lahi ng nanay at tatay ko na pilit ipinagtanggol ng lolo ko laban sa mga Dayuhang Kastila mabuhay lamang ako . End of explanation.

Gusto kong maging mala-nobela ang comment ko pero napacomment na lang ako ng, 

Pero sa likod ng “ang hardddd” kong comment nagsusumigaw ang mga salitang, 

Ganun ba talaga kapangit ang pagmumukha ng pinatatamaan niya para magpost ng ganitong status? Nacurious tuloy ako.

May mga taong masyadong ginagawang komplikado ang buhay pero kung tutuuisin, ang dali-dali namang mag-unfriend at mag-unfollow. Tatlong click lang yun kesa magstatus ka na halos iclaim mo sa buong newsfeed mo na ikaw lang ang may karapatang magselfie dahil ang pogi mo.

Merong mga taong kumukuha ng lakas ng loob sa pagseselife kahit alam nilang hindi sila kasing ganda ng iba. Sa simpleng pagseselfie, pwede niyang isigaw sa buong mundo na, “Konti na lang. Malalampasan ko din lahat problema ko. Pa-selfie muna ng 10x.” Pero palaging namimisinterpret ng iba. Dahil ang alam lang ng iba, nagseselfie sila para lang magpapansin, magpacute at maghakot ng likes.Mas makitid pa ang utak sa eskinita ng iskwater.

Hindi mo alam kung anong kwento sa likod ng selfie nila at kung ano yung mga bagay na pinagdaanan nila para makapagselfie. Yung isa kong kaibigan, biktima ng cancer of the lymph nodes, continuous pa rin yung treatment hanggang ngayon. Alam kong hirap na hirap na siya pero nagagawa pa rin niyang ngumiti sa mga selfie niya. Kaya sino ka para sabihing, “Magsalamin muna kayo. Nakakasira kayo ng araw.”? Buti nga isang araw lang yung sa'yo. Yung sa iba nga, halos buong buhay na nila yung masira. Pati ba naman pagseselfie ipagkakait pa?

Minsan, gusto kong talikuran ang buong mundo at humimlay sa gitna ng madilim at malawak na kalangitan. Nais kong takasan kahit sandali ang mga problemang sa akin ay nagdudulot ng kahinaan. Nais kong humiga sa ilailm ng bawat maliwanag na bituin habang pinagmamasdan ang madilim na kawalan habang ang ihip ng hanging panggabi ay pinakikinggan. Purong tunog ng katahimikan na nagpapagaan at nag-aangat sa aking sa aking kinahihigaan at mundong kinagisnan. Nais kong ibato sa bawat talang nakikita ko ang poot, hinanakit at sakit na nararamdaman. Nais kong isigaw sa blangkong langit ang sakit na nagmumula sa kaibutura ng pagkatao ko at isipan. Bawat sakit na ako lamang ang nakakaintindi at nakakaramdam. Bawat luhang ako lamang ang nagpapawi at nagpupunas. Bawat sandaling mag-isa lamang pinapalipas. Bawat kirot na ako lamang ang naghahanap ng lunas. Nais kong kalimutan ang dinaranas at matulog habang pinagmamasdan ang malawak na kalangitan.