ako at sya

napaisip ako.

kung nakikita ko nga kaya kung pano mo ko iyakan gabi gabi, ipagpapatuloy ko parin kaya to? kung alam ko kaya kung pano mo ko ikwento sa mga kaibigan mo, kung pano mo ko isumbong, kung pano ka mag-drama, kung pano mo ko ipagmalaki sa kanila, ganto parin kaya yung tratong ibibigay ko sayo? pano kaya kung one day, bigla ko nalang marealize na ikaw na nga pala talaga. ikaw na pala yung taong lagi kong pinagppray kay God. pano kaya pag ikaw na nga pala talaga yung taong hinihingi ko sakanya? yung taong iintindi sakin. yung taong pagt-tiyagaan ako. yung taong hindi ako susukuan. kasi diba, ikaw naman talaga? ginagawa mo na nga diba? ayan ka na nga oh. ginago na kita lahat lahat, andyan ka parin. andami nang sinasabi ng iba sayo about sakin, andyan ka parin. tinulak na kita palayo lahat lahat, andyan ka parin. pano nga kaya kung one day, bigla ko nalang marealize na ikaw na nga pala talaga, gagawin ko parin kaya lahat ng to? papasakitin ko parin kaya ulo mo? sasaktan parin kaya kita? papahirapan? papaiyakin? iiwan?

diba, ganyan? ganyan yung nasa isip mo. at ganyan rin yung gusto mong maisip ko.
siguro kung sobrang lakas lang talaga ng loob mo, matagal mo na kong pinabaril ng shot gun sa lalaking naka-color brown na leather jacket sabay papadukot mo utak ko tas papabigay mo kay jimmy neutron para ma-program nya sa lab nya tas papalagay mo lahat ng yan sa utak ko.
hoy ikaw, tigil na okay? naiintindihan ko.
maniwala ka, naiintindihan ko. pls lang wag mo na ko pahanap sa lalaking naka-color brown leather jacket na yan.

pero ikaw ba, naiintindihan mo rin kaya ako? bukod sa mga pinaintindi ko sayo, naiintindihan mo rin kaya yung mga bagay na hindi ko sinubukang ipaintindi sayo?

sana alam mo kung gano ko gustong mag-travel from north to south. and from south back to north, mapuntahan ka lang. mapatahan ka lang. ma-comfort ka lang sa personal. ma-hug ka lang. sa tuwing naiyak ka, gusto kong hawakan yung mga pisngi mo, gusto ko na ako rin mismo yung magpunas ng mga luhang dulot ko. dahil kung nagawa ko sa ibang tao yan, mas gusto kong gawin sayo. kahit pa-ulit ulit pa yan, kahit nakakapagod na, okay lang. hindi ako magsasawa kasi ganyan yung mga gawaing gusto ko. at ikaw yung gusto kong gawan ng mga yan. kaso wala. malabo.
sana alam mo na gusto kong makabawi sayo. sana alam mo na willing ako patunayan na totoo lahat ng sinasabi ko.

sana alam mo rin na hanggang ngayon, ikaw pa rin yung gusto kong pagkwentuhan at pagtanungan ng lahat lahat. andami nang nangyari sakin at sa lahat ng yun, ikaw yung una kong gustong pagsumbungan. gusto kong isumbong sayo yung science teacher ko na parang alien na nanghihigop ng enerhiya ng tao kasi sobrang nakakaantok talaga sya. tas one time nasita ako kase lagi ako natutulog sa class nya. eh bat ako, sinita ko ba sya kase lagi sya parang alien? di naman diba. tas meron pa kong new classmate na sobrang foul ng personality, as in nakakainis talaga, sobrang annoying. pero ginagawa ko yung best ko para di magalit kasi goal ko this year yung maging kasing bait ni Pope Francis kaya ang ginagawa ko nalang lagi ko syang kinakausap tapos lagi ko syang tinatanong tas sya naman ang effort sumagot sa mga tanong ko di nya alam puro oo lang ako sakanya pero di ko naman talaga sya pinapakinggan. pero seryoso, nagpapakabait na talaga ko.

sana alam mo rin na alam ko na sa tuwing tinutulak kita palayo, binibigyan ko na rin ng chance yung ibang lalaki na agawin yung trono ko. sana alam mo rin na kung nap-praning ka sakin, mas nap-praning ako sayo. sana alam mo rin na sa iilang punto ng buhay at pagkatao ko, tama ka, selfish nga talaga ako.

nabanggit ko na sayo to. pero sana alam mo kung gano ko ginustong sabihin sayo ng harap harapan na “pwede bang ako lang?” kasi gusto ko ako lang. kahit na gago ako, kahit na tarantado ako, kahit na maloko ako, kahit na paulit ulit nalang at di na talaga ko nagbago, pwede bang ako lang? gusto ko ako lang.

siguro sa sobrang pagka-maloko ko, may times na napaisip ka na di na talaga ako seryoso. at mukang di ako magkaka-time para dito. gusto kong malaman mo na may insecurities rin ako. malinaw sakin na anytime, kayang kaya kang agawin ng kahit sino. nagseselos ako. kahit wala pa yung hinayupak na mang-aagaw na yun, nagseselos na agad ako. kasi gusto ko nga ako lang.

gusto ko sakin ka lang maiinis. gusto ko ako lang magpapasakit ng ulo mo. gusto ko ako lang yung iiyakan mo. gusto ko ako lang yung magiging dahilan kung bat 12am gising ka pa, nagd-drama sa zizzum mo. nagrereklamo kung bat ba napaka-hirap ko intindihin. kung bat ba napakaharot ko. kung bat ba di ako mapirme sa isa. tas mags-send ka ng screenshot sakanya ng kung ano anong nonsense na pinagsasabi ko sayo tapos papagalitan ka nya kase ayan ka nanaman. gusto ko sakin ka lang ganon. at gusto ko ako lang. gusto ko ako lang yung haharot sayo. gusto ko ako lang nakakaalam ng about sainyo ni gatorade girl. gusto ko ako lang.

sorry. alam ko kung gaano ako ka-komplikadong tao. alam ko na bago tayo mapunta sa ganto, sobrang daming tanong ang sumagi muna sa isip mo. alam kong di ka sigurado sakin dahil nga pabago-bago ako. alam ko na pagdatin sakin, mapapa-dalawang isip ka talaga kasi kanina, okay tayo. ngayon, hindi. bukas, andyan pa ko. kinabukasan, wala nanaman. sorry sa lahat ng confusions na dala ko. sorry kung talo pa kita sa sobrang gulo ko. siguro nga, hindi pa ako tapos. hindi pa ako buo. hindi pa ako sigurado kaya kahit ako sa sarili ko, naguguluhan pa.

sorry kung may commitment issue ako at mas gusto ko yung pa-fling fling lang. sorry kung wala pa kong balak magseryoso ng full time. sorry kung napakaharot ko. sorry kung napaka-isip bata ko to the point na parang nilalaro ko lang lahat ng bagay. sorry kung lagi akong nagc-cause ng overthinking mo. sorry kung sa iilang punto, napaka-immature ko.

thank you. thank you sa pagtitiis. thank you sa pagt-tiyaga sakin. thank you kasi kahit ilang beses na kita pinagtulakan palayo, andyan ka pa rin. alam mo, sobrang ikakatuwa ng parents ko pag nalaman nila na bukod sakanila, meron pang taong nagpumilit na umintindi sa anak nilang napagka-hirap hirap intindihin. sobra talaga kitang ina-admire as a person. yung tipo na pag nagkaron ako ng homework ng “list of people you admire the most”, ikaw yung ilalagay ko sa number one. sobrang swerte ko talaga kasi nagkaron ako ng ikaw. thank you for that always-open-door. thank you for the second chance. for the third, fourth, and so on. thank you for all of the chances you gave to me. hindi ako magsasawang magpasalamat kay God kase binigyan nya ko ng chance sa'yo. at hinding hindi ako magsasawang kausapin sya at paki-usapan ng paulit ulit na baka p-pwedeng ibigay nya sayo yung pinaka-the best life ever kasi deserve mo yun. at alam kong alam nya rin yun.

minsan napapaisip ako, sobrang gago ko talaga kasi tignan mo yan, di ko maintindihan kung bat dumadating ka sa puntong sarili mo yung sinisisi mo. hindi tama yun kasi kung meron mang dapat sisihin dito, ako. ako. at ako lang yun. wala kang kasalanan. wala kang nagawa na kahit ano para maging dahilan kung bat tayo napunta sa ganto. ayokong sisihin yung sarili mo. ayokong mag-isip ka ng mag-isip kung san ka nagkamali kasi wala naman talaga. ayokong matulad ka sa iba na ang tingin sa sarili nila may something wrong kasi walang ganon. okay?

wala akong iba. wala akong babae dito o ano. sorry nalang talaga. sorry kung out of nowhere, narealize ko na hanggang ngayon affected parin pala talaga ako sa ex ko. sorry kung nasasaktan parin ako sakanya na dapat hindi na talaga. sorry rin kung dumating sa point na pakiramdam ko naglolokohan nalang rin tayo. na kaya lang tayo nagkakaganto kasi eto yung meron tayo ngayon. sorry kung masyado kong binig deal lahat ng mga nangyari. sorry kung sobra akong nagalit sayo nung sinaktan mo ko kahit na alam kong ginawa mo lang naman yun para sakin. sorry kung kinuha ko na yung pagkakataong binigay mo para tuluyan nang makatakas dito. sorry kung biglang isang araw, nagising nalang ako, ayoko na. pagod na ko. pagod na ko maging dahilan kung bat lagi kang naiyak, kung bat lagi kang nasasaktan, kung bat lagi kang naguguluhan.

wala nang rason para mag-exist pa sa mundo mo. sobrang bigat ko na at wala na kong balak magpa-bigat pa sayo. kaya kung magpapaalam man ako, hayaan mo nalang. tanggapin mo nalang nang hindi ka na nag-iisip kung bakit, kung san ka nagkamali, kung ano nanaman ba yung nagawa mo o ano. isipin mo nalang na nangyayari to dahil tapos na. tapos ka na sakin. tapos na ko sayo. tapos na tayo. natutunan na natin yung mga bagay na dapat matutunan. nakuha na natin yung dapat makuha. ubos na yung rason para makilala pa natin ang isa’t isa dahil nakilala na natin ang isa’t isa. at hindi na siguro natin trabaho yung magkakilanlan pa. pero gusto kong isipin mo na gusto ko pa. gustong gusto pa. yun nga lang sa puntong to, kailangan na nating makuntento sa kung anong meron tayo.

kuntento na ako sa kung anong naging meron tayo. kuntento na ako na nakilala kita. at naging parte ako ng buhay mo. kuntento na ako na meron akong maipagyayabang sa iba at masasabi ko sakanila na minsan na ko nagkaron ng tao sa buhay ko na kahit anong kalokohan yung gawin ko, tanggap parin ako. na kahit napaka-hirap kong intindihin, iintindihin ako. at kahit pagtulakan ko palayo, pag binalikan ko, tatanggapin at tatanggapin parin ako.

ayokong sabihin kung gano kita kamahal, ayokong sabihin sayo na “mahal na mahal na mahal kita” kasi gusto ko sa paraan ng pagsulat ko, ikaw mismo maka-realize nun. i want you to be enlightened and be informed that there are things na kaya mong gawin na never mong inimagine na kaya mo pala. like this, honestly, di ko parin talaga trip tong shit na to. ayoko talaga magsulat. kasi unang una sa lahat, nakakatamad. pangalawa, ang drama. pangatlo, ang korni. pero ewan ko ba, there is something in you that makes me want to write everything. ubos na ubos na ako sa salitang gagamitin pero sa bawat bagay na ginagawa mo, sa bawat bagay na pinapakita mo, unintentionally mo kong nar-refillan ng mga panibagong salita. pagdating sa'yo, hindi ako mauubos. you will always be a big part of me na hindi kayang agawin o palitan ng ninuman, kahit future girl ko pa yan. i will forever be grateful to God because of you. and you will forever be the reason why this korning blogger named supermakhtan exist.

irina angela lising de guzman, it was a great adventure. and it’s a big pleasure of mine to have an adventure with you. when i grew older, i will never forget na when i was young, i fell in love with a girl na kasing bait ni mama mary that soon became my rapunzel. and i will never ever regret na nangyari yun kasi it’s the best thing that has ever happened to me.

i would like to thank your friends, for always making you happy. and for treating you right. to your parents, because of them, you exist. and to God, for you, for this wonderful experience, for everything. this is the best blessing ever, you are the best blessing ever. thank you Lord.

there is always an ending — “we” end. there will be no more kulitans between you and me. those pa-ulit ulit na paga-away and pagtatalo. and so much more. the time will come na mawawala na talaga lahat ng ‘to. there will be no more source of information. there will be no more communication. but always put this in mind, a part of me will always be this much in love with you. and if i will be given a chance to say kung ano yung pinaka-gusto kong sabihin talaga sa'yo it’s just, “i wish you the very best”.

this is the last time that i will write. that supermakhtan will blog. please, take my words and our memories together with you, always.

this is the end of us. and the beginning of you, and me.

love,
supermakhtan | flynn rider, 2014.

Wag ako

Kung ichachat mo ko kasi bored ka, wag ako.
Wag ako kasi ieentertain kita.
Pag na-entertain kita at humaba ang pag-uusap natin,
Mafa-fall ako.
Kaya pakiusap, wag ako.
Kung lalandiin mo ko kasi bored ka, wag ako.
Mabilis ako maattach sa isang tao,
Kaya kung magbabalak kang lokohin ako,
Pakiusap, wag ako.

Kung gusto mo lang magkaroon ng experience sa lovelife, wag ako ang piliin mo.
Hindi ako tester sa mga make-up na pagkatapos subukan eh hindi naman pala kukuhain,
Hindi kukuhain kasi hindi ko nareach ang expectations mo,
At ako? Uuwi ng luhaan.
Kaya pakiusap, wag ako.

Kung papapiliin ka kung siya ba o ako, siya nalang wag ako.
Ayoko yung habang tayo pa eh manghihinayang ka na sinayang mo sya,
At ako, masasaktan kasi hindi ako sya.
Kaya pakiusap, wag ako.

Pagod na ang puso ko,
Tuyo na ang mata sa pag-iyak ko,
Manhid na ang katawan ko,
Kaya pakiusap,
Kung mananakit ka lang ng damdamin,
Wag ako.

anonymous asked:

Ang hirap mag move on haha. Yung exgf ko pinalitan ako kaagad. Sabi nya di sya gagamit ng iba para makamove on e. Sana respeto nalang sana sa feelings ko :( Anyare ngayon di pa tapos 3month rule may bago na. Haha how to move on po :(

Actually, bro. Sa panahon ngayon wala na halos 3 month rule. Kase may moments na kahit legally kayo pa, hindi mo alam na may iba pa pala siya. Hindi ka nag iisa sa puso niya. 

Yung mga ganyan kaseng pangyayari sa buhay natin is already beyond our control. Kase kapag break na kayo at nag jowa siya ng iba kahit weeks palang ang nakakalipas, wala na tayo dapat pakialam doon although alam nating masakit. Kase buhay nila yun eh. gagawin nila ang gusto nilang gawin. 

Take the situation on the brighter side na pinapa experience yan sayo ng panahon para alam mo din kung paano maging matatag on your own. That you can always make it through sa mga challenges. Ang alam ko lang sa ngayon ay hindi ikaw ang nawalan, kundi siya. :)

ang cute ng tatay ko :c 

inaasar ko sya na umuwi sa debut ko kasi sabi nya maglagay daw kami ng mobile bar sa venue hahaha e ayoko pumayag kasi sabi ko baka mag-inom mga kaibigan ko e hindi ko naman mao-offer bahay namin kasi maaga din kami aalis for another debut naman saka, wala naman sya so para saan pa diba hahaha so ayon, sabi ko papayag lang ako kung uuwi sya sa pinas which is impossible tas sabi nya ayaw ko daw sya pauwiin huhu goodness, kung alam lang nya. mas okay sakin na andito sya sa pinas :c miss ko na tatay ko huhu. eh ang cute nya kasi maglagay daw kami ng program saka sumayaw daw kami!! hahahahaha utas e nasayaw na kami dalwa nung ate ko kaso yung isa hindi ganon, tas sabi nya yung mobe na sayaw daw tas sinasayaw nya!!! as in huhu giling na giling huhu ang cute ni abeoji grabe po hahahahaha eh dancer kasi tatay ko nung panahon nya hahahaha huhu ang cute nya sana talaga umuwi sya kahit di talaga pwede hay

anonymous asked:

Ang hirap lang sa part ko na kung kelan malapit ko na syang makalimutan at kung kelan mdyo nka move on na ako. Saka naman sya biglang magpaparamdam na parang wala lang.

Tinetest kalang kung tanga ka pa sa kanya, hahah surprised midterms ng tadhana for you! Bongga.

anonymous asked:

Bigyan mo ko ng opinyon kung paano umalis sa siyam na taong relasyon na sobrang toxic na. Ito ang sumusunod na sitwasyon: (1) Wala na ang tiwala. (2) Sa loob ng syam na taon, apat na taon doon ay LDR. Ako ay nasa America at sya ay nassa Pilipinas. (3) Hindi nya na pinaparamdam sayo na mahalaga ka sakanya. (4) Hindi sya nakikipag-tulungan para mag-work parin ang relasyon ninyo. (5) Pagod ka na sa paulit-ulit na pag-aaway sa paulit-ulit na dahilan. (6) PERO MAHAL MO PA.

Anon. I think it’s more appropriate to say na, “Mahal kita, pero sa sitwasyong meron tayo ngayon, mas pinipili kong mahalin ang sarili ko kase deserve ko din maging masaya.”

Yung mga binigay mong options are already you valid reasons to walk away, pero KUNG maghihiwalay man kayo or choice mo na ang kumalas, do it with justice by being honest with yourself and with that person. Sabihin mong mahal mo siya at kahit kailan minahal mo siya. Pero mas pinipili mong maging masaya at mahalin pa ang sarili mo even more kase yun naman talaga ang totoong essence ng LOVE, maging HAPPY. 

Kwentong hijab

Ewan ko ha pero natutuwa ako kapag nakakakita ng mga babaeng muslim na nakahijab. Nakakatuwa kasi isipin na devoted talaga sila. Minsan napagkamalan akong muslim nung hs pa ako. May nakasalubong ako sa supermarket na babaeng nakahijab tapos bigla syang huminto, parang nagbow tapos nagsmile tapos may sinabi sya na di ko maintindihan. Ako naman, nagulat. Di ko alam anong gagawin non so nagsmile ako tapos takbo. Tapos nung pabalik na ako, nakasalubong ko na naman sya tapos nagsmile talaga sya sakin na kita ngipin e kaso non creeped out na ako. Sabi pa nila mama pagkauwi ko baka may kamukha raw akong prinsesa nila lol. Simula non creeped out na ako sa kanila not until nung may nakaklase akong nakahijab ulit. Di ko maiwasang tumitig at maappreciate yung dedication nila kasi kitang kita sa asal nila at pananamit. Ang cool. Minsan sumubok ako maghijab tapos pinagpicturan ako ng mga tita ko, bagay raw sakin maghijab. Mukha raw akong arabo. Sa isip ko non, ako lang yata ang arabong pango hahaha. Pero yun nga, nakakatuwa yung mga babaeng muslim. Nakukyutan ako sa kanila.

anonymous asked:

hi,nainlove ako sa kapwa ko girl at love nya rin ako, kaso di pa sya out at takot sya mag out dahil takot sya sa sasabihin ng family at ng ibang tao sakin walang problema ano ba dapat kong gawin ang hirap para sakin gustung gusto ko sya ipagmalaki kaso bawal lahat kse ayaw nga nya na may masabi ibang tao sa amin.

Hindi pa ba kayo nasasanay sa buhay natin dito? May gawin kang masama, may sasabihin ang tao. May gawin kang mabuti, may sasabihin sila. Manahimik ka, ichichismis ka, pag madaldal ka naman, bungangera ka daw. You see? People will always be people around you. 

Wag mo na pakialaman kung anong iisipin nila. FUCK WHAT THEY THINK ABOUT YOU BOTH. Minsan lang maging masaya ang mga tao. Utang na loob, gawin niyo ang makapagpapasaya sa inyo. Thanks, Anon!

buti pa ate ko, panood nood na lang ng concert huhu inggit ako, bumili sya ng ticket sa concert ni ed sheeran!!!!!! im crying :–( teka inggit c ac0e. dapat ako pa bibili ng ticket nya ngayong umaga kaso na-injure na naman ako kagabi hahahaha sorry na tanga talaga ako. so ‘yon, may ticket na sya!!! inggit ako huhu kaya minsan gusto ko na magkatrabaho tapos dami na nya pera haha nagkaroon sya ng appraisal at mid-year bonus pa nya :(((( minsan gusto ko na maging tagawalis sa office nya hahahahaha shet talaga

Punta akong laguna nextweek cause tinder baby boy wants to see me. Hahaha jk papalibre lang ako kape total mai trabaho naman sya, ako wala. Chaar gusto ko din harotin yon ehez

i just hate it when my uncle is invading my space (my bed, my bedroom and all lmao). he is sort of insensitive. i am showing him some clues that i want to be alone pero mukhang walang makakapigil sa kanya. look, nasa sala na ako at sya itong nasa kwarto ko at natutulog. lmao naiinis ako. ugh i better watch some kdrama now.

4

060417 👫💑

My boyfriend and I had a date last Sunday. It’s been a while since we see each other. Ugh,God knows how much I miss him!We had a movie date. We watched Bay Watch. Ayaw nya kasi ng Wonderwoman. Ha ha! I asked him why. Sabi nya,“Si Zac Efron at Dwayne Jonhson yun,baby. So,maraming abs. Alam ko matutuwa ka dun.” Kainis! Di ko alam kung dapat ba akong matuwa dun e. Haha! It was a good movie,tho. Matatawa ka talaga kahit na R-16 sya! Ha ha. After that,he told me na he saw some Bieber stuff sa isang store dun. So,pinuntahan namin yun. And he was right! Ha ha. Nakita nya raw kasi yun habang hinihintay nya ako. Pinapili nya ako ng mga gusto ko. Sya ang naghanp ng mga sizes ko. Tapos nasa labas sya ng fitting room habang nagsusukat ako. Tapos titingnan nya kung maganda. May mga napili ako tapos tinanong nga kung yun na daw ba mga gusto ko. Sabi ko,oo. So,I gave it to him. He knows me well. Alam nya na addict ako kay Bieber! Haha. Then,after that,he asked me if Im already hungry. Kaya naghanap kami ng pwedeng makainan. Kaya lang wala pang available na seats. Sabi nung guard na meron daw available pero sa gitna at hindi sa couch. E,gusto ko sa couch uupo. (Bakit ba?! Tsk. Ha ha) He looked at me na parang tinatanong ng mga mata nya kung gusto ko ba. Ha ha. Then he said,“Hindi na. Maghihintay na lang kami. Gusto nya sa couch uupo e. Sya ang masusunod”,then he smiled. To be honest,sa kanya ko lang naransan ‘to. Lagi nyang inaalala mga gusto ko. Talagang lagi nyang pinaparamdam sa akin kung gaano nya ako kamahal. I’m blessed to have him in my life. Kahit gaano sya ka busy sa work nya,may time pa rin sya to talk to me,kamustahin ang araw ko and everything. He’s always updating me whenever he has a time kung ano ginagawa nya with pictures pa. Ha ha. I love him more than anything and I know and I feel that he loves me so much,too. Mararamdaman mo naman kung totoo sayo yung tao,di ba? At ako,ramdam ko yun sa kanya. 💖

anonymous asked:

Ang hirap lang sa part ko na kung kelan malapit ko na syang makalimutan at kung kelan mdyo nka move on na ako. Saka naman sya biglang magpaparamdam na parang wala lang.

Closure ang kailangan.

anonymous asked:

Ate pano po pag yung bestfriend ko hinalikan ako ng ilang beses sa lips tapos sa leeg eh tipsy kami both, di naman ako nagkiss back. Sya lang humahalik tas pinatigil ko rin tapos sinapak ko po. Is it okay na pinatawad ko pa rin sya? Kasi ayoko naman sya mawala kasi bestfriend ko yun. Kahit gago yun mahal ko yun bestfriend ko eh. Tinamaan lang talaga ng alak. Tama po ba ginawa ko? -g

Tanungin mo din siya kung bakit niya nagawa yun kasi kahit papaano dapat ni control niya yun kahit na lasing siya pero atleast nag sorry naman siya diba? Hinay nalang kamo sa susunod.

anonymous asked:

Ate pano po pag yung bestfriend ko hinalikan ako ng ilang beses sa lips tapos sa leeg eh tipsy kami both, di naman ako nagkiss back. Sya lang humahalik tas pinatigil ko rin tapos sinapak ko po. Is it okay na pinatawad ko pa rin sya? Kasi ayoko naman sya mawala kasi bestfriend ko yun. Kahit gago yun mahal ko yun bestfriend ko eh. Tinamaan lang talaga ng alak. Tama po ba ginawa ko? -g

wait ilang taon na ba kayo? for me lang naman, pag-usapan nyo yan kasi bakit ka nya hinalikan? and i don’t think tamang rason yung “tinamaan ng alak or nakainom” para manghalik lang basta. hindi kasi tama for me ‘yon lalo na kung hindi naman kayo at mag-bestfriend lang. talk to him and pag-usapan nyo ‘yan kasi ewan haha di ba kayo awkward? kasi ang ano naman na bestfriend mo tas ganon nangyare diba?

naaawa ako sa pamangkin ko.

may anak kasi sila ate na sobrang bata pa, 3 years old at pamangkin ko sya, tapos nagpapa-tourist dito sila ate ng mga pinsan namin para alagaan sya kasi nagtatrabaho sila ng asawa nya dito sa japan from 6:30 AM to 9 PM kaya gusto nilang may mag-alaga sa anak nila.

kaso, umuwi na yung pinsan ko last sunday, tapos yung kapalit nya naman na isa ko pang pinsan, sa july 8 pa pupunta dito. so no choice ako at sila, ako magbabantay sa pamangkin ko for 3 weeks.

yung una ayaw ko, kasi hindi ko gustong mag-alaga ng bata, ayokong may responsibility ako pero as time goes by, nagugustuhan ko. mahal ko ‘tong pamangkin ko, sabi ko nga sa kanya, kapag nagka-work na ako bibilhan ko sya ng gun na napapanood nya sa youtube *lol, nanonood na din sya ng vlogs na pambata kasi*

naaawa lang ako sa kanya kasi hindi ko sya mabantayan ng maayos, parang hindi ako capable. kanina umiyak sya habang pinapaliguan ko sya kasi may sabon na pumasok sa mata nya, di naman sabon yung parang bula ganon.

eh ako hindi ko alam gagawin ko, nininerbyos din ako kasi hindi ko din talaga alam mag-alaga ng bata, pero gagawin ko yung best ko bukas pag nilinisan ko na sya, or sa isang araw, kasi every other day yung ligo nya.

ayon, nar-realized ko na nang unti-unti yung mga bagay bagay. *sigh*

Last Night’s Babe Time

We were both tired the whole day of May the 29th.

Me, after sa DFA sa Pasay for new passport application, bought food for him kasi toxic sa Hospital kaya wala sya time na lumabas to buy food. Then proceed ako sa NBI sa UN. The queue in NBI will makes you exasperated - imagine, start sa gate until third floor, tapos mga nasa counter attitude pa - biometrics ko “with hit” pa! nakaka-p@#&+-(“* talaga! so balik pa ako ng june 8, nakauwi na ako around 5 pm na.

I messaged him na sunduin ko sya sa hospital pag-out nya around 7 pm. Unfortunately, nakatulog ako until 8pm sa sobrang pagod. So todo sorry kuya nyo… 😔😔😔

Pero bumawi ako, sinundo ko sya sa bahay nila *sa may kanto lang kasi baka makita ng papa nya* and we go out, dinner sa Kuya J’s Restaurant sa Baclaran. Masayang-masaya lang kahit parehas pagod.

He told me, “Babe ang sarap talaga ng Halo-Halo nila.” and I replied, “Mas masarap ka pa rin babe.” 😂😂😂
Babe:
Halo-Halo:
Kuya J’s Restaurant:
😂😂😂

Had videoke rin after magdinner for an hour sa Music21 before kami umuwi. Then we kissed and say goodnight.

ILOVEYOU BABE!!! 😘😘😘