akin ng lahat

Hindi ako magbabago para sa inyo, hindi niyo buhay to, hindi niyo pagkatao to. Kung nanjan kayo para baguhin ako pwes mahihirapan kayo, malaki na ako ang dami kong laban sa buhay na nilabanan simula pa nung bata ako kaya alam ko ang ginagawa ko. Magbabago ako kung gusto ko, hindi niyo kailangan lagi akong sabihan o pilitin, alam ko ang mga ginagawa ko lahat may dahilan at alam ko rin ang tama at mali. Lahat ng sinasabi niyo sa akin tanda ko, lahat ng mga pinaglalaban ko sa buhay pinaninindigan ko at ang mga pagkakamali ko naman ay itinatama ko rin kahit paunti-unti. Tigilan niyo na ako kasi nahihirapan nako, inaayos ko buhay ko kahit ang hirap-hirap mabuhay sa mundong puro magagaling at tama ang kasama mo.

June 20, 2017

Para akong binuhusan ng malamig na tubig matapos ko basahin ang mensahe mula sa'yo. Nabubulag na ako dahil alam kong lagi kang nandyan. Hindi ko na nakikita na ilang beses mo sinusubukang pasayahin ako. Mula sa maliit hanggang sa mga bagay na pinaglalaanan talaga ng oras—ginagawa mo, para sa akin. Di ko man lang naappreciate. Isang taon at anim na buwan ka na ding nagtityaga sa akin, sa lahat ng gusto at ayaw ko. Nagtitiis sa mga bagay na ‘di sigurado. Nasasaktan ako dahil nasasaktan na pala kita. Sa lahat ng ginawa mo para sakin, wala man lang ako nagawa para sa'yo. Tumatanggap ako pero di nagbibigay. Babawi ako.

redserpentfortytwo  asked:

REDSERPENT42

1. First impression: cool.
2. Personality (1-10): 9. hahaha medyo bastos bunganga eh. hahahahaha.
3. Looks (1-10): -100 HAHAHAHA NEVER KA MAGIGING POGI SA PANINGIN KO.
4. Would I hug you: Depende! HAHAHA pag masaya ako, baka.
5. Would I date you: n e v e r
6. I ship you with: you know who :P
7. Have you made me laugh: tons!
8. Have you pissed me off: kanina, gagu ka sa favor mo eh. HAHAHA. 
9. What I like about you: straight-forward
10. What I dislike about you: malandi to the nth level
11. How close are we (1-10): 10!!!!
12. Do I love you: as much as I hate to say this, Yes. HAHAHAHA.
13. To be honest: Akin lahat ng crush mo, walang iyo. charot! HAHAHAHAA. Ako ang pinakamaganda mong friend :P

Mahal ko, pasensya ka na sa akin ha? Pasensya ka na kung minsan topakin itong girlfriend mo. Iyon bang minsan nawawala nalang ako minsan sa mood nang walang dahilan. Iyong parang bigla nalang nagiging cold ‘yong responses ko sayo. Pasensya ka na kung minsan okay nalang ‘yong nirereply ko sayo. Huwag mong isipin na di ako interesado sa pinagsasabi mo ha, basta minsan tinatamaan lang talaga ako ng topak. Naiinis din naman ako sa sarili ko kada ganoon eh. Pag naaaway kita, sinasapak ko talaga ‘yong sarili ko pag tinamaan na ako ng realization na di ko dapat ginagawa ‘yon sayo. Minumura ko pa nga sarili ko eh. Pasensya na rin mahal kung maliliit na bagay minsan pinapatos ko pa. Pasensya na kung minsan maliliit na issue pinapalaki ko pa. Pasensya na rin mahal ha kung pati ‘yong nakaraan di ko makalimutan. Minsan talaga mahal napaka-sensitive ko. Naku pasensya na rin kasi sobra akong insecure. Kahit gaano mo pa sabihin na ako ang pinakamagandang babae sa buhay mo, di ko pa rin maiwasang mainsecure eh. Pasensya ka na dyan mahal ha. Minsan siguro talagang pumapabebe lang ako. Kainis nga eh. Ang abnormal ko nga mahal kasi minsan naman lagpas hanggang pluto yung kilig ko kada appreciation mo sa akin, kahit maliliit na compliments mo lang mahal naku nangingisay na ‘yong mga laman-loob ko sa kilig. Pasensya ka na rin mahal ha kung sobrang selosa ko. Ewan ko ba. Alam ko naman akin ka lang eh. Pinaparamdam mo naman talaga sa akin na ako lang at ako lang ang mundo mo. Hindi ka nagkukulang sa akin mahal. Pero minsan talaga di ko maiwasang magselos. Kahit barkada mo minsan pinagseselosan ko pa. 

Pasensya ka na talaga sa akin mahal ha. Alam mong hindi ako palahingi ng mga bagay bagay. Minsan nami-misinterpret mo pa kasi parang di ako interesado at parang di ako masaya sa mga bagay na gusto mong ibigay sa akin. Hindi ako masyadong demanding sa mga ganyang aspeto pero sa oras at atensyon mo mahal sobra akong demanding. Pasensya ka na ha. Alam ko naman eh na ginagawa mo lahat ‘yong best mo para maibigay sa akin lahat ng oras mo. Nagpupuyat ka pa nga lagi eh para lang magkausap tayo. Pasensya ka na mahal kung confusing ako. Pag pinapalayas na kita para matulog ‘wag mong isipin na ayaw kitang kausap ha kasi gustong gusto kitang kausap. Alam mo naman gusto ko lang makatulog ka ng tamang oras eh. Tsaka mahal pasensya rin kasi ang bossy ko minsan. Ayaw ko talagang nasasaktan ka at nalalagay sa panganib kaya kahit gaano mo pa kagusto ‘yong mga hinihiling mo sa akin na gagawin mo, umaayaw ako. Ayaw ko talaga mahal. Natatakot kasi ako baka mapano ka eh. Tsaka mahal alam ko napaka annoying ko pagdating sa pagkain. Alam mo naman importante sa akin ang pagkain mo sa tamang oras. Kailangan magtubig ka palagi ha. Higit sa lahat mahal pasensya kasi tinatagalog kita ngayon. Alam kong di mo to maiintindihan. Minsan kasi nakakapagod mag-English eh, nakakaubos ng salita. Pero mahal hindi ako mapapagod kailanman na mahalin ka. Hindi ako mapapagod na intindihin ka. Hindi ako mapapagod sayo mahal. Iyang pagiging clingy mo sa akin, ‘yang pagkaka demanding mo kayang kaya ko yan mahal. Iyang pagiging clingy mo nga ang isa sa minamahal ko sayo eh. Hindi ako mapapagod umunawa, magmahal at umintindi sayo. May mood swings ka rin gaya ko pero hindi iyon ang dahilan para sukuan kita. Mahal na mahal kita baby ko.

2
  • Yung kapag hindi ako okay yayakapin niya ako, kahit na maraming tao sa paligid. Wala siyang pakialam kung ano man yung sasabihin ng ibang tao, basta nanjan lang siya para sayo. Handa siyang gawin ang lahat mabawasan lang yung lungkot na nararamdaman mo. 
  • Yung kapag hindi kami okay, gagawa talaga siya ng paraan para magsorry at bumawi sa akin. Di baleng magmukha siyang tanga at magdala ng mga regalo sa school, o kakapalan na niya yung mukha niya para magpatulong sa mga kaibigan namin. Yung lalaking handang gawin ang lahat mapatunayan lang niya na sincere siyang nagso-sorry sayo.
  • Yung kapag monthsary o anniversary namin hindi siya magdadalawang isip na gumawa ng effort para sa akin. Hindi siya usually na ganyan, hindi siya yung lalaking mahilig sa mga couple shirt o gumawa ng mga scrapbook, pero dahil sa gusto niyang maging memorable ang monthsary o anniversary niyo, magpapakakorny siya para sayo.
  • Yung lalaking iiyak sa harapan ko. Mukha lang silang maangas, matapang sa panlabas pero ang totoo niyan mabababaw lang din yung mga luha nila. Gusto kong maranasan na iyakan ako ng isang lalaki, kasi ibig sabihin nun mahal talaga niya ako at may tiwala siya sa akin kaya sa akin niya nilabas lahat ng sama ng loob niya. 
  • Yung lalaking hindi mahihiyang mag-pass muna sa lakad ng barkada niya kasi sasamahan niya ako. Kahit na manonood lang kami ng mga paborito kong movies, kahit na hindi siya mahilig sa mga romantic comedy, ako pa rin yung pipiliin niya. Di baleng sabihan siya na under siya sa girlfriend niya, basta ba maramdaman ko lang na ako yung priority niya.

Her pov:
Sabi ko sa sarili ko kapag nagmahal ako dapat dun sa lalaking mahal na mahal din ako. Yung lalaking handa akong ipaglaban kahit kanino. Yung lalaking hindi basta basta susuko sa mga problema na dadating sa relasyon naming dalawa. Yung lalaking walang pakialam sa sasabihin ng iba. Para sa akin kasi kapag mahal mo ang isang tao, ipaglalaban mo sya kahit gaano pa yan kahirap. Kahit gaano pa yan kadalas mangyari at kahit pa paulit-ulit. Kapag mahal mo kasi ang isang tao, hindi mo sya hahayaang mawala di ba. Hindi mo sya pakakawalan. Hinding hindi mo sya susukuan. Gusto kong mahakanap ng lalaking gagawin ang lahat para sa akin at pangakong mamahalin ko sya ng sobra sobra at hinding hindi iiwan.

His pov:
Ano bang mali sa akin at lahat ng babaeng mamahalin ko, iniiwan ako. Lahat naman ginawa ko para sa kanya ah. Sinikap kong maging angat sa lahat ng lalaking matipuhan nya. Pinilit kong maging prefect boyfriend nya. Ginawa ko lahat para magtagal kami.. para manatili sya sa akin. Hindi pa ba sapat yung mga ginawa ko para hindi nya ako iwan. Hindi pa ba sapat na mas minahal ko sya kaysa sa sarili ko. Hindi pa ba sapat lahat ng ibinigay ko. Ano pa bang kulang at nakaya nyang iwanan ako. Ano bang mali at humanap sya ng iba. Kasalanan ko ba kung bakit sya nangiwan o sadyang hindi lang talaga nya ako ganun kamahal. Bakit ganun? Hindi pa ba ako sapat?

MMK Presents: "PATAYIN SA LANDI SI BOGART"

Dear Ate Charo,

Alam mo yung feeling na parang hindi mo na alam ang hiwagang nangyayari sa daigdig? Yung tipong parang bigla na lang nag-iba ang alignment ng buwan at mga bituin sa langit pati ang guhit ng betlogs mo dahil bigla na lang nagparamdam si crush at tinext ka ng, 

“Labas tayo minsan.” na may napakacute na emoticon sa dulo na talaga namang tumunaw sa pagkatao ko ng buong-buo.

Kung sasaliksikin kong mabuti ang nais ipahiwatig ng txt niya, nangangahulugan lamang ito na handa na niyang ihandog ang kanyang sarili sa akin para sa isang “ultimate romantic date ever” hanggang sa tuluyan na niyang isuko ang hiyas ng kanyang pagkababae. Parang ganun Ate Charo.

Hindi ko din alam kung bakit pero hindi yun usual na scenario sa pagitan naming dalawa. Sa lahat-lahat ng ginawa niyang pangsiseenzoned at pandededma sa akin, nabalewala ang lahat ng yun dahil bukas loob kong tinanggap ang kanyang imbitasyon.

At napatxt na nga ako ng, “ I do.”  Ate Charo.

Ito na ang simula ng aming “forever”.

—-

Dumating ang araw na pinakahihintay ko. Malayo pa lang kita ko na yung ngiti niya. Nakikita ko na rin ang “forever” naming dalawa. At nung magkasama na kami, bigla niyang hinawakan ang kamay ko, sabay sabing, “May pupuntahan lang tayo saglit." 

Kinilig ako dun Ate Charo.

Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na nasa orientation ng "networking” na sinasalihan niya, pinagbebentahan ako ng sabon at herbal tea. 

And she was like,  "Maraming buhay ang binago ng networking na ito. Yung magfifishball sa amin sumali dito, ngayon Executive Fishball Vendor na. So amazing di ba? Kaya ano pang hinihintay mo? Isangla mo na ang iphone mo, pati takip ng kaldero niyo isama mo na rin. For sure yayaman ka dito!“

 And I was like,

TO MY DEAREST MOM, NANAY, MOTHER, INAY, MAMA..

Ma, thank you so much. Gusto kong magpasalamat ma sa lahat-lahat ng nagawa mo para sa akin. Alam ko marami kang isinakripisyo para lang maging maayos at maganda ang buhay ko ngayon. Gusto kong magpasalamat ma kasi unang-una, binuhay mo ako. Hindi kasi lahat ng bata nagkakaroon ng pagkakataon na masilayan ang mundong ‘to. Salamat ma sa pag-aalaga sa akin simula ng nasa sinapupunan mo pa lang ako hanggang ngayon. Maswerte ako kasi hindi ka naging pabayang ina sa akin. Salamat ma sa pagpapalaki sa akin ng maayos, kasi kung hindi dahil sayo.. hindi ako ganito ngayon. Sabi nga nila, “Kung sino ako ngayon.. eto ay dahil sayo.” Salamat ma kasi palagi kang nandyan para sa akin. Sa lahat ng bagay na gagawin ko nandyan ka naka-suporta at nakagabay. Salamat ma kasi pinapatawad mo ako sa tuwing magkakamali ako. Alam ko minsan mahirap para sayo pero hindi mo ko tinitiis ma.. hindi mo ako hinayaan. Salamat ma sa pagmamahal mo sa akin. Maraming salamat talaga mama.

Ma, sorry po. Sorry ma kung minsan nagiging pasaway ako. Minsan may mga bagay ako na nagagawa at nasasaktan kita ng dahil dun. Sorry ma kung minsan ako ang dahilan kung bakit ka maraming iniisip. Minsan nasasagot kita ma. Minsan inaaway kita. Minsan naiinis ako sayo. Minsan nagtatampo ako sayo. Kaya patawad ma kung hindi ako naging perpektong anak sayo. Sorry ma.

Ma, I LOVE YOU. Hindi naman sapat yung pagmamahal na ipinapakita ko.. hindi man sapat yung pagsasabi sayo ng i love you.. hindi nun kayang patunayan ma kung gaano kita kamahal. Kung gaano ako katakot na mawala ka sakin balang araw. I LOVE YOU MA. Alam ko hindi ko palaging nasasabi sayo yan. Alam ko hindi ko palaging naipapakita at napapadama yan. Pero ma, sa maniwala ka o sa hindi.. mahal na mahal kita. Wag na wag mo po yan kakalimutan ha?

Ma, happy mother’s day! Gusto kong maging masaya ka sa raw na to ma. Hindi mahalaga yung regalo, mas gusto kong maglaan ng pwesto sa blog ko ma para sayo. Dahil lahat ng nasa blog ko, totoo. Lahat ng nararamdaman ko andito. Kaya gusto kong sabihin at isulat lahat dito para sayo ma. Sana mabasa mo to. Pero kung hindi man, sasabihin ko naman sayo to ma. Stay beautiful inside and out ma! You’re the best! Again, you are the best and most beautiful mom in the whole world. You will always be my number 1.

May pangarap ako sa buhay at masasabi kong ayun  talaga yung pinaka lamang ko sa ibang kalalakihan.

Gusto ko makapagtapos ng pag-aaral. Pagkatapos nun, Magpapayaman muna ako tapos pag mayaman na talaga ako, bibili ako o di naman kaya magtatayo ako ng sarili kong planeta at doon ako titira ng mag-isa. Pupunuin ko yun ng mga chocolates at iba pang masasarap na pagkain at akin lang lahat ng yun… HAHAHA JOKE LANG, De eto na talaga, Pag nakapagtapos na ako, Maglilibot libot muna ako. Pupunta ako kung saan saan tapos malay mo, sa ganon ko na pala mahanap yung tinatawag nating the one. Gusto kong magkapamilya. Gusto ko ikasal sa taong mahal ko. Gusto ko ring makita someday yung sarili ko na naluluha sa loob ng simbahan nang dahil lang sa naglalakad yung taong mahal ko nang dahan dahan papalapit sakin at sa araw na yun, ayun na yung kasal namin. Gusto kong ikasal sakanya ng paulit ulit, kung maaari, every year pa eh! Basta ba sa tamang panahon simulan. Gusto kong gawing byenan yung mga magulang nya. Gusto kong maging kapatid yung mga kapatid nya. Gusto ko magka-anak. Gusto ko magkaron ng mga little princesses tapos gusto ko ako mismo yung magb-braid ng mga buhok nila (and I want my wife to be the one who will teach me how to do that). Hindi ako bading ah haha pero gusto kong paglaruan yung mga muka nila, pagsasabuyan ko ng kung ano anong make up ng asawa ko, lalagyan ko sila ng napakakapal na lipstick at kung ano ano pa hahahah, Experiment lang para maiba naman diba! Gusto ko sasabayan ko sila manuod ng mga disney movies. Gusto ko makita sa mga mata nila kung gano sila mag-gwapuhan kay Flynn Rider ng Tangled (ako kasi yun, naks jk). Gusto ko makipag-laro ng lutu-lutuan sa kanila, Gusto ko ako yung mamimitas ng mga dahon dahon sa labas ng bahay namin tapos susunugin namin (haha, my kind of lutu-lutuan talaga pramis. gayyysht). Sa pagdadalaga nila, Gusto ko ako yung bibili ng mga napkin nila (HAHAHAHAHA SOBRA NA TO) and I’ll make sure na hindi sila maiilang sa akin. Gusto kong maranasan na ako naman yung mag-iinterview sa mga manliligaw ng mga magiging anak kong babae (magiging masaya to panigurado! patay kayo sakin ngayooon haha. hot seat ba kamo? kayo naman gigisahin ko, gaganti ako jk) at syempre, gusto ko rin magkaron ng mga anak na lalaki. Gusto ko paglaki nila, sila mismo yung makakasama ko sa paglalaro ng basketball. Gusto ko silang makalaban sa larong dota o di naman kaya ng mga laro sa y8 (BOXHEAD 2PLAY HAHAHA). Gusto kong tulungan sila sa paghahanap ng mga chix (ay bad oh, jk lang haha). Gusto ko silang maka-inuman. Gusto ko silang turuan how to drive at gusto ko rin silang turuan kung ano ba yung dapat maging trato naming mga lalaki sa mga babae. Marami akong plano. Marami akong gusto pero alam kong bago ko maabot lahat ng yan, Iwas muna sa mga bagay bagay na alam kong hindi pa tama at dapat dahil nga hindi pa ito yung tamang oras, aral muna diba diba? Hi future, I’m getting ready at masasabi kong excited na talaga ako! -Makh.

“Ang INACTIVEKADA bow!!”

isang kadang nabuo sa kalagitnaan ng gabi, sumali ako kasi sobrang bored ako nung gabing yun saktong nakita ko to sa dash ko, so sumali ako!!… isa siguro ako sa mga naunang members… simula pa lang nun sobrang active na nila lahat, sumabog yung notifications ko nung gabing yun, ang ending natulog ako ng mga madaling araw na…

Isang kada na pinagtatalunan ang bulalo at adobo. walang peymus, lahat friends. mga ilang weeks pa lang tong kada na to pero yung mga members akala mo taon ng nagsasama. wahahahhahaha

salamat sa pagtanggap sa akin, yiee!! sa lahat ng mga pwends ko na!! go #TeamAdobo!!!

doodle by: dakilang-doodlero
Full Image: http://dakilang-doodlero.tumblr.com/image/79354451244

When you were my man.. ako yung pinaka-masayang babae sa mundo. Akala ko kasi that time, natagpuan ko na yung taong para sa akin talaga. Napaka-perfect kasi natin nun eh. Everything was so perfect. Pero biglang nagbago ang lahat nung tumagal na. Naalala ko nung ikaw pa yung mahal ko, lahat ginagawa ko para sayo. Never akong nawalan ng time kahit na marami akong ginagawa. Lagi akong gumagawa ng paraan para makasama kita. At lagi akong nanatiling tapat kahit na may mga oras na pakiramdam ko nag-iiba ka na. Nung una super thankful ako kasi ikaw yung taong nagparamdam sa akin na hindi lahat ng lalaking dadating sa buhay ko ay paglalaruan lang ako. Meron at meron pa rin palang lalaki na masarap magmahal. Totoo magmahal. Natatandaan ko pa nga, lagi akong nagloload para makatext ka. Hindi ako mapakali kapag hindi ko hawak yung cellphone ko. Tapos parang kulang yung araw ko kapag hindi man lang kita nakausap sa phone. Ang kulit pa nga eh. Madalas kasi nagpupuyat tayo, para lang magkwentuhan ng kung anu-ano. Yung ganung pag-uusap lang, kuntento na tayo. Favorite bonding natin? Yung mag-foodtrip! Walang katapusang kaen. Walang katapusang kulitan, kwentuhan at pag-gala kung saan saan. I just wanna let you know na hindi ako nagsisisi na naging part ka ng buhay ko. Minsan mo rin naman akong napasaya. Minsan mo rin naman akong napatawa.

Yung lalaking walang ibang alam gawin kundi pasayahin ako. :)

Gusto kong makatagpo ng lalaking walang ibang alam na gawin kundi pasayahin ako. Yung lalaking ayaw akong makitang malungkot, umiiyak o nakasimangot. Gagawin nya ang lahat para lang mapangiti o mapatawa ako kahit na sa mga gagawin nyang yun eh magmumukha syang tanga o korni. Nakakatuwa lang yung mga lalaking may sense of humor. Yung kayang-kaya kang patawanin ng sobra o pangitiin kahit na sobrang inis ka sa mga nangyayari sa buhay mo. Yung lalaking punong-puno ng kakwelahan sa katawan. Yung lalaking di nauubusan ng surprises. Yung lalaking laging ready para maging clown mo. Yung lalaking magiging sentro ng kaligayahan mo. Hinding-hindi nya ipaparamdam sayo na mag-isa ka sa buhay, lagi nyang ipapaalala sayo na mas maganda ka kapag naka-ngiti ka, yung lalaking alam yung kiliti mo sa katawan at yung lalaking dadalhin ka sa mga lugar na parehong magiging memorable sa inyong dalawa. Kung makakahanap man ako ng lalaking ganito, masasabi kong mamahalin ko sya ng sobra. Hinding-hindi ko sya hahayaang maagaw sa akin ng iba. Tapos lahat ng ginagawa nya para sa akin, iaapprecite ko yun. Ipapakita ko na dahil talaga sa kanya kaya ako naging masaya.. kaya ko nagagawang ngumiti kahit gaano kahirap at sisiguraduhin ko na magiging masaya rin sya sa akin.