akala ko kasi totoo

Him: Naniwala ka naman? Ikaw magugustuhan ko? Asa
Her: Ah hindi ba totoo? Sorry naman. Akala ko kasi totoo. Totoo na gusto mo ko, na special ako sayo. Sorry ang tanga ko naniwala ako sa mga sinabi mo. Ang tanga ko naniwala ako sa mga kasinungalingan mo.
Him: Sorry.
Her: Tanginang sorry yan. Bakit kapag ba nag sorry ka ng ilang beses mawawala tong sakit na nararamdaman ko? Kapag ba nagsorry ka ng paulit-ulit mababawa mo yung mga putanginang kasinungalinagn mo. Pinaniwala mo ko. Bakit? Pwede mo naman sabihin yung totoo eh, bakit kaylangan pang magsinungaling ha? Durog na nga ako oh. Dinurog mo pa lalo.
Him: Hindi ko naman ginusto na paniwalaan ka.
Her: Eh ano? Bakit mo ginawa ha? Dahil ba natutuwa kang may nasasaktan kang tao? Dahil ba natutuwa ka kasi may naniniwala sa kasinungalingan mo?
Him: Sige saktan mo din ako. Suntukin mo ko. Hampasin mo ko.
Her: Ayoko. Ayokong masaktan ka. Hindi naman matutumbasan ng suntok at hampas ko ang sakit na nararamdaman ko. Sige na iwan mo na ko. Lumayo ka na please lang.
Him: Sorry. Bye.