ak ang

Muling naligaw


Ilang taon na rin ata akong naliligaw. Hindi alam kung saan tutungo. Dapat bang kumanan, kumaliwa o diredirecho lang dapat sa paglalakad?
Hindi ko alam.
Hindi ko pa rin talaga alam.

Matagal na akong naliligaw. Pilit hinahanap ang tamang daan. Gustuhin ko mang humingi ng tulong sa iba ngunit ang lagi nilang sambit ay nasa sakin pa rin ang sagot. Ako pa rin daw ang makakaalam kung anong direksyon ang aking tutunguhin.

May pagkakataon noon nang akala ko ay nasa tamang daan na ko.
“Sigurado na ako rito. Eto na yun. Eto na talaga yun!”
Pero habang patuloy kong tinatahak ang daang akala ko ay tama na, bigla akong napahinto at napaisip. Nag duda.
Tumalikod ako at bumalik. Nag babakasakali na sa pagkakataong ito, tamang daan na ang tatahakin.
Mag kahalong pagod at takot ang dala-dala ko pabalik. Umaasa na sana tama ang desisyon kong bumalik.
At ngayon andito ako sa kalagitnaan ng kung saan. Ako'y muling naligaw. Patuloy na naliligaw.
Gulong gulo ang isip. San ba talaga? Saan nga ba ako dapat magtungo?
Hindi ko alam.
Hindi ko pa rin ata talaga alam.
Dugtungan poetry entitled "Noong sinabi mong tapos na."

Ramdam ko sa aking balat ang lamig ng hangin,
Naroon tayo sa may bakanteng kwarto nang sinabi mong tapos na ang meron sa atin.
Ang lamig ay unti-unting nanunuot sa aking tenga na nangangarap na sana panaginip lang ang lahat.
Ang ala-ala nating dalawa ay pinilit mong sinunog, pilit mong ikinalat.

Sabi ko “saan ba tayo papunta”?
Sinabi ko ang mga salitang umiikot sa ating dalawa baka sakaling kumapit ka pa.
Pinilit kong hawakan ang mga luhang umaagos galing sa mga salitang ayaw kong marinig sa nagsilbi kong ligaya.
Kasabay ng aking pagluha ang pagluhod ng mga bituwin.
Ang kalangitang minsan nating pinagsaluhan ay ngayo'y hindi ko na kayang marating.

Feel free to reblog at dugtungan ang mga salitang babasag sa inyong mga puso. Paagusin ang mga salitang nakatago sa mga luhang matagal nang gustong sumuko.
HAPPY NEW YEAR PEOPLE ON TUMBLR WORLD!

Sige na, advance na! Hahahaha
So yeah, I’m so grateful na nagkafriends ako dito. Thank you guys for being part of my 2016! I hope na sa 2017 hanggang 3017 kasama ko pa din kayo! Hahaha char!

So yeah,
Thank you ANONKADA for being my best kada sa tumblr tho kayo lang talaga kada ko dito. Haha thank you sa mga kabalahuraan niyo at kababuyan at namantsahan ang aking isipan. Oh my pure and innocent mind! Hahah char! Haha labyu guys and more meet ups please sa 2017.

@babaeng-mahilig-sa-fries @cammiecpa @the-reckless-rebel @naligawsaneverland @eyy-story @bonifaciamadlangtuta @foureyedmonsteryeahx @cm-psycho @hugoterongmakata @fallenpoetess @boyishnamariaclara @anak-ni-freud @gavlin @magigingcpadinako @foreverish @nikolngbuhaymo @katianaa-marie

@med and from my friends pa from the very start, nung time na hindi pa ako anon at hindi pa to url ko. hahaha PLEASE KULAYAN NA NAMAN NATIN ANG MGA NASA SKETCH PAD NATIN TSAKA PAKISS NA SA KUYA NI TAL! HAHA @anglakwatserangbaliw NASAN NA URL NI TAL AT ELLA! KINGINAAAA! HAHAH SS MO NA LANG TO JO!

and sa mga following ko dito, at followers ko (meron ba? haha char), shit! keep blogging guys ha! usap tayo minsan, sa mga di ko pa nakakausap! haha dun sa nakakausap ko na, hoy! kwentuhan naman ulit!

@noli-me-tangyna KING INANG YAN! MISS NA KITAAAAA HUHUHU PUNTA NA KO JAN SA PANGASINAN!!! SOON! HAHA


@tatsilog @superjubibo @orlandoluyunjunior @ecoology @andrelaline-rush @lalaking-iniwan @thyfrenulum @huwagmokongpansinin @paolopalanca @mckorney @conzenokaman @lalakingpatayna @xbaliwnabaste @faithfuldaw @queenbes @jaesen @chinitongprynito @put-a-synthe-shit @notanyoneseverything @pancit-with-ketchup @kapepagirl @mylostletterstoyou @hindiakowitty @hindi-ko-birthday @huwagmoakonghanapin @bahalanasisuperman @kape-girl @erwanspeaks @mother-of-dragonsss @sikolohistang-baliw @kinikimkeem @whosthatpoke-mon @babaengmaclingy @babaeng-irreplaceable @ica-jpg @ekasinamaneh @gagongdonut @xkeptic @thoughtlessjoey @x-ooohchinito @wailingeuphoria @vonquaint @nawawalanngurl @writerfromneverland @findingherlostsoul @thyloveblog @jilliannoreen @shomaiprince @hey-its-kiffxr @teenxskylar @feelingero @kheenstories @bawal-sumaya @ex-masbitterpasakape @trappedxqueen @mapangarap @notyourplanb @medyochinito @dakilang-option

@masara HAPPY NEW YEAR GUYS!!!



P.S. SORRY DUNN SA DI NA-MENTION! :( huhu

Pagkakamali ko'y aking inaako,
di ako magsisinungaling o lalayo
kung kapalit nito'y di na ako umibig pang muli
ito'y aking tatanggapin ng walang pasubali
patawad, saktan ka'y di ko kailanman pinili.

Nagmahal ako ng dahil ako'y bigo
kahit na di pa handa ang aking puso
ako'y sumubok ngunit nabigo
nasaktan ka’t ako'y sumuko,
pinaasa kita na tayo hanggang dulo.

Marahil di  sapat ang paghingi ng tawad
Sana'y di mo na lang ako nakadaupang-palad
o aking sinambit mga matamis na salitang nilalahad
tulad ng gasera na tanglaw sa gabi
namamatay at di umaabot hanggang sa huli.

Sa bawat paghalik sa'yong labi,
alaala nya pa rin ang nananatili
sa bawat haplos ko'y imahe nya pa rin aking nakikita
patawad, pagkat ako lamang ay nadala
nais ko lang makalimot sa pangungulila.

Patawad kung ika'y ginamit kong kasangkapan
makaalpas lang sa kalungkutan
sa ilang buwan,
ako'y paulit-ulit nitong pinarurusahan
Patawad, pagmamahal mo'y di ko matutumbasan.

Minahal kita kahit papaano,
ngunit pag-ibig ko'y naglaho
puso ko'y di pa handa para sa'yo
pagkat ito'y para pa rin sa kanya
hanggang ngayon mahal ko pa siya.

youtube

A piece from Juan Miguel, I just thought this is so beautiful not to share…


Mga Basang Unan ni Juan Miguel Severo

Noong iwan mo ako nang walang pasabi at pangako ng pagbabalik umiyak ako buong gabi. Umiyak ako nang sobrang tindi, kinailangan kong ibilad sa araw ang unan ko kinabukasan. Ang sarap pala sa pakiramdam ng patulugin ka ng sarili mong pag-iyak. Naisip ko, hindi pinakuluang dahon ng bayabas o alak ang sagot sa ganitong klaseng sakit. Luha ang pinaka-mabisang panglanggas sa sugat ng puso.

Kaya inaraw-araw ko ito. Sinisimulan at tinatapos ko ang araw na ginagamot ang mga sugat na iniwan mo. Binabalikan ko lahat ng alaala at hinahanap kung saan silang lahat bumaon sa puso ko. Nakakatawa. Akala ko noon, kung dumating man ang panahon na ‘to, puro mga away at hindi natin pagkakasunduan ang mga sugat na iintindihin ko. Na sila ang mahirap gamutin. Na sila ang, kahit ilang balde na ng luha ang aking pigain mula sa mata ko, magdurugo pa rin.

Pero mas nagdurugo ako para sa mga tawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga patawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga yakap mo. Sa kung paanong ang balat ko ay parang nalalapnos kapag dahan-dahan mo akong hinahaplos at kung paanong ang hininga ko ay nahahapo at kinakapos kapag niyayapos kita. Nadurog ako noong gabing umalis ka, pero mas nagdurugo ako sa unang gabi na pinili mong manatili. Nadurog ako noong gabing sinabi mong ayaw mo na, pero mas nagdurugo ako sa gabing tinanong mo ako kung puwede pa ba. Nadurog ako noong gabing tinalikuran mo ako, pero mas nagdurugo ako na noong pagtalikod ko, nandoon ka pa. Nadurog ako noong sinabi mong hindi mo na ako mahal, at nagdurugo ako, at nagdurugo ako, at nadudurog at nadudurog at nagdurugo pa rin ako sa alaala na ikaw pa ang mas naunang magsabi ng “Mahal kita.”

Mahal. Kita.

Kung titignan ko nang maigi ang mga salitang sinulat ng lahat ng mga sugat na naiwan mo, yang dalawang yan ang mababasa ko. Mahal. Kita. At sa inaraw-araw ng pagbibilad-unan ko, nagmamahid na sila. Mahal. Kita. At sa dami ng luha na pinanglanggas ko rito, naglalangib na sila. Mahal. Kita. At sa tagal niyang kumikirot dito sa dibdib ko, medyo nakakasanay na. Mahal. Kita. At sa tagal ng panahon na ginugol ko sa gamutan, sigurado magsasara na sila. Magsasara at magiging pilat na paulit-ulit kong mababasa at ang parati lang sasabihin ay “Mahal kita.”

Mahal, kung magkita tayong muli at tanungin mo ako uli kung puwede pa ba, ang hihilingin ko lang sa’yo ay mga bagong unan. Dahil lahat ng akin ay ‘kala mo naulanan dahil lahat sila ay akin nang naiyakan ng mga kwento natin at nag-iwan ng marka sa kanila at ayaw ko na. Ayaw ko nang matulog sa unang basa at malunod sa pagtulog sa alaala na mahal kita. Mahal nga pala kita. Mahal pa rin pala kita. At sa wakas, hindi na kasing sakit ng dati, pero mahal, masakit pa.

Gumuguhit na ang alak sa aking lalamunan
humahagupit ang hilo sa aking kaisipan
Paulit-ulit, malupit, pinanghihinaan.
“Malungkot ako, maari mo ba akong samahan?”

Umiikot na ang aking paningin,
di ko alintana iyong sasabihin,
yayakap ako’t magpapaalipin
kahit ngayon gabi lang ako'y mahalin.

Handa akong gumawa ng kasalanan
kung ikaw ang aking pagbibigyan
handa akong makipagpisan
kahit na ito'y panandalian.

Tinakasan na ako ng katinuan
bukas naman ito'y makakalimutan
tulad ng pagmamahal kong di pinapahalagahan
agad pinagsasaawaan, iniiwan.

Sa'yo muna ako sasama,
kahit pansamantala
mapawi ko lang ang pangungulila
dahil pinagpalit nya ako sa iba.

Tulungan mo ako na siya'y kalimutan,
ako'y iyong halikan
tulad ng ginagawa ng magkasintahan
kahit sandali at walang kasiguraduhan.

Ilang bote pa ng alak ang iinumin
para puso'y pahilumin?
Paano ko ba sasabihin,
na siya pa rin ang gustong mahalin?

Pangarap Kita

Ikaw ang hiling sa lahat ng bituin,
Sa maykapal ikaw ang aking dalangin.
Lahat ay gagawin upang ‘yong mapansin,
Magmukha mang tanga sa iyong paningin.

Sana'y mabigyan kahit konting pagtingin,
Pagibig ko sa'yong hindi ko maamin.
Pagkakatao'y hindi ko sasayangin,
Araw-araw ika'y aking mamahalin.

10

Yesterday, January 14, 2017, I was able to attend the BGC Arts Fest. Kasama ang aking bestfriend na si Marj, nanuod kami ng spoken poetry for the first time. At nameet at nakapagpairma din ako ng books sa writers ng Tuwing Ikatlong Sabado from Words Anonymous. Hindi namin alam na may mercato din pala every Sat kaya dun kami kumain instead of the plenned Tokyo Tokyo. Naubos ang pera ko sa food. Huhu. Pero masaya ang gabi na yun. 😊

Nasaan na nga ba ang aking pagkatao?
Sarili'y ‘di na malaman ang gusto
‘Di na malaman kung saan patutungo
Dahil sa mga salitang kanilang ibinato
Sa mga pangakong hindi nagkatotoo

Mga sugat na aking tinamo
Mga salita nilang matalim pa sa kutsilyo
Paulit-ulit na sumasaksak sa aking puso
Paulit-ulit na sa isipa'y gumugulo

Nahan na ang dating Ako?
Ako na wala pang sugat na tinatamo
Isipa'y hindi pa magulo
Puso'y hindi pa nasasaktan ng husto

Binago ako
Binago ako ng aking mundo
‘Di na maibabalik ang dating pagkatao
Dahil parte na ito ng nakaraan ko.

—  e.s.

May mga araw talaga na hindi ko alam kung anong dapat maramdaman.
Yun bang, para kang
Nasa pagitan ng “Masaya” at ng “Malungkot”.
Sa gitna ng “Okay” at “Hindi Okay”.

Litong lito ako.
Hindi ko alam kung bakit may nga araw na ganito.
May mga araw na “Mahal kita”
Meron din namang “Hindi na”

Ang gulo.
Hindi ko na alam kung anong meron sa mundo ko.
Nawawala ata ako sa mundong nakasanayan ko.
Sana makabalik pa ako, bago mawala ang aking buong pag-katao.

Tumakbo ako nang mabilis
sa pagbabakasakaling maunahan
ko ang aking luha sa pagpatak,
Humakbang ako nang malaki
sa paghahangad na malagpasan
ko ang aking lungkot sa pagdanak,
At tumalon ako nang mataas
sa paniniwalang matatakasan
ko ang aking puso sa pagliyag.
Sa aking pakikipagsapalaran,
hindi ko sukat namalayang
malayo na pala ang aking narating,
Nais ko pa sanang maglakbay
Ngunit ang sariling
pawis,
laway,
at luha,
na nakipagtalik sa
alikabok,
dumi,
at usok,
ay naging balakid na sa
landas na aking tinatahak.

Tinulak mo na ko noon palayo
Umiyak ng matinde
Nagmuni-muni kung bat iyon nangyari
Tinanong ang sarili kung anong ginawang mali
Naguluhan, hindi maintindihan
At ako'y tumigil nalang
Ako ata'y may kamalian nanaman

Araw ang lumipas
Mga salita mo bumungad saking pagbukas
Mga katagang nagsasabing ako'y nananabik na
Tara sa aking tabi
Tila yan ang iminumungkahi

At ngayon di na ulit hahayaan
Ang tulad mo'y itulak ulit ako palayo
Hindi ko na gugustuhing mangyari pa ulit ito
Dahil ngayo'y ikaw na ang itinitibok nitong puso ko

That thing called “Break-up”

Napakaraming palabas na ang aking napanood sa telebisyon at sinehan na may ganitong eksenang break. Ito ang pito sa ilang linyang naalala ko.

1. “Break? Edi break kung break!!!”

2. “Hindi ko na kaya. Akala ko noong una kakayin ko na dalawa kami sa buhay mo. Ayoko nang may kahati sa puso mo. Sorry, pero gusto ko nang tapusin kung ano man ang meron sa atin.”

3. “Hindi na ikaw ang lalaking una kong nakilala. Minsan na kitang pinatawad pero binalewala mo iyon. Tama na. Itigil na natin into. Paalam.”

4. “Bakit mo ginawa sa akin ito? Ano ba ang pagkukulang ko? Kulang paba ang pagmamahal na ibinibigay ko?”

5. “Hindi talaga ikaw ang may problema. Ako ang may problema. Patawad, pero kailangan ko munang lumayo at hanapin ang aking sarili.”

6. “Wala nang patutunguhan ang relasyong ito. Dahil kung meron pa, sana hindi mo ako ipinagpalit.”

7. “Sobra na ito. Hindi ko na kaya. Ayoko na.”

Sa bawat break na nangyayari, laging may nasasaktan. Laging may malungkot. Pero sana, that ‘break’ will make the both persons grow personally. Sana magkaroon sila ng realization kung ano ba ang kailangan nilang ayusin individually. If time comes and the wounds are already healed, tapos magtagpo ang landas nilang dalawa.

Ang sakit kaya ng ganto. Ang sakit kaya kapag nakikipaghiwalay.