agad agad :(

  • Agad: you kids have to run wyrmroost! the whole world depends on you!
  • Kendra: but why us?
  • Agad: ...because only children can run the dragon preserve
  • Seth: but why is that?
  • Agad: Why?
  • Seth: Yeah, why?
  • Agad: Because it's a fucking fantasy book, that's why! The caretakers are always whiny little shit children!
May 09, 2017

I once applied sa position na to I failed, then it opened again and I was asked to join. Wala ng interview, no more questioning kumbaga appointed na.

This is bigger than what I thought. In just a month 2 promotions na agad agad. Thank you G! I don’t know what I did to deserve this. Maybe patience is really a virtue, pag talaga hindi naging okay sa umpisa may naghihintay sayong mas maganda.

🙏🏼

Sinanay mo na ako.
— 

Naalala mo ba noong unang araw
Na nagpangabot ang ating landas
Simula noon hinanap hanap ka na
Simula noon hindi ka na naalis sa isip

Naalala mo ba noong nagpintig ang
puso, ikaw ang laman agad, ikaw ang mahal agad, Hindi ko pa din makakalimutan ang lahat sa iyo.

Sinanay mo akong maging masaya
Sinanay mo akong ngumiti
Sinanay mo akong magmahal
Sinanay mo akong huwag lumuha

Ngunit ano ito, bakit ka umaalis?
Bakit mo inuunahan ang tadhana
Na husgahan kung ano ang atin
Bakit ka ngayon nagpapaalam?

Masyado ng malalim ang ugnayan
Masyado ng malayo ang narating
Masyado na kitang gusto at mahal
At ayaw na kitang lisanin pa

Pero ano ito,
Bakit ka unti-unti yatang nagpapaalam
Bakit unti-unti mong tinatanggal ang daliri sa akin kamay? Ano ito? Ano itong nakikita’t nararamdaman ko?

Alam ko na, alam na alam ko na
Hindi na bago sakin ito
Iiwan mo rin pala ako.
Pasensya ka na, nasa iyo ang puso ko

Pasensya ka na, sinanay mo ako
Pasensya ka na kung naghihinakit ako
Hindi ko kasi inaasahan na iwanan mo ako, pasensya ka na, nabulag na ako

Nabulag na ako sa katotohanan.
Masyado na kasing nasanay ang puso ko sa saya at sa presesnsya mo.
Hindi ito patas, hindi ito sapat

Pwede bang ibalik natin lahat?
Sumagot ka ng may linya na
Tama na, pagod ka na
Kaya sige, umalis ka na, bumitaw ka na

Ohayooo!

*in the tune of benji’s voice*

Pampasaya ko talaga yung itsjudyslife na vlog lalo pag malungkot ako instant gv na ko non agad agad marinig ko pa lang goodmooooornin’ ni judy. Tas angcute ng mga junakis nya. Mapapapray ka na sana magkakambal ka rin. Hahaha kaya pag may kambal na saging kinakain ko agad. Oke dami alam naman da!

Pag malungkot kayo manuod kayo non pramis mawawala lungkot nyo

May mga  tao talagang dadaan sa buhay natin para

  • saktan tayo
  • pasayahin tayo
  • paiyakin tayo
  • iwan tayo
  • gawin tayo matatag

Hindi natin dapat pagsisihan na nakilala natin sila o kaya pinapasok natin sila sa mga buhay natin dahil lahat sila ay may kanya-kanyang papel na gagampanan. Balang araw maalalalaman mo din kung para saan at kung bakit nangyare lahat ng nangyari sayo. Sabi nga “Everything has a purpose.” kaya lang hindi mo agad-agad malalaman kung ano yun. In God’s perfect time. Magtiwala ka, magiging okay ka. Magiging okay din ang lahat.

anonymous asked:

Recently, nag away kami ng BF ko, simpleng away, lumaki kasi kinulit ko. Lumabas lahat ng problema sa isa't isa. Hindi siya nag initiate ng convo pero pag kinausap mo siya, sasagot siya. Nasa alanganin na lahat. Tinatanong ko siya kung ayaw na niya, suko na ba siya. Pero ang sabi lang niya, 'Di ko alam'. Tinatanong ko kung bakit ayaw pa niyang itigil kung ganun lang gagawin niya ang sabi lang niya, 'Mahirap kasi, mahal kita, Nag iisip pa ako' . Ano na ba gagawin ko? Super hirap. Clueless na ko

First of all, ano ba kase yung naging cause ng simpleng away na yan at lumaki ng lumaki? Tsaka alam mo yung away na isang bagsakan lang ng sumbat at galit, kumabaga, all in one binagsak sa isang arguement. Meron akong feeling na walang openess sa isa’t isa yung relationship niyo.

Kase para sakin, maliit or malking bagay man yan, kailangan talaga pinag uusapan na agad agad. Mga tipong, “Okay, here’s the problem.” Then, what’s your next resolution? Sinong dapat mag adjust? Anong dapat gawin? Teamwork kase yun. So kailangan, napag uusapan na agad ang problema para hindi naiipon yun sa heart niyo.

Wag niyo kase unahan agad ng “Ayaw mo na ba? Itutuloy pa ba natin to?” Wag kayong nag iinitiate ng ganoon, mga bes. As much as possible, kapag nag aaway kayo, AWAY LANG. Wag na kayo mag open up ng break-up solution kuno, KASE PAREHO KAYONG GALIT. Malamang isa sa inyo, sasagot ng OO, MAG BREAK NA TAYO. In short, hindi mo din magugustuhan ang sagot. Instead of asking, “Mahal mo pa ba ako?” Ask what’s better to do? Is there any adjustments na pwedeng gawin? Ano pa bang dapat gawin to make you stay or happy with me? Wag puro break. Nyeta naman eh. Thanks.

Minsan pala sa life, kahit gaano ka man kasayahing tao, mayaman at sikat, yung tipong nasa iyo na ‘yung lahat hindi pa rin pala mawawala sa buhay mo ‘yung lungkot, yung tipong may iisang tao pala talaga na magpaparamdam sa'yo na you’re not deserving and you’re not worth it to be loved.

But after that person cursing at you and keep on making you down meron pa ring tao na handa kang itayo, handa kang damayan at handa kang mahalin. Hindi man agad agad yang dumarating pero sa dulo masasabi mo nalang it’s worth it.

I saw my ex yesterday.

After ilang weeks nang pag iwas ko at pag iisip na sana wag ko syang makita. Pero aun, pinagtripan na naman ako nang tadhana, nakita ko sya. Ofcourse di ko sya nilapitan, at di ko din sure kung nakita nya ko pero ito lang ang sigurado, nanghina ako. At ang gusto ko lang nung mga time na un, maglaho parang bula para di nya ko makita. At aun nga, dali dali akong lumabas nang mall. Pati dapat dun ako maglalunch, nawala sa isip ko. Gusto ko nalang makauwi agad agad.

Sabi ko kagabi bago ako matulog, “Lord, alam ko may purpose bakit mo hinayaan na makita ko sya ulit.”

Hindi ko sya napanaginipan kagabi. Pero nagising ako na alam ko na ung purpose bakit. Alam ko na bakit nangyari ung kahapon, bakit kelangan na maramdaman ko un. Alam ko na.

God let me saw her para ipaalam sakin ung pakiramdam nang hindi pa nakakamove on. Para malaman ko ung pakiramdam nang di pa totally heal kahit na araw araw kong sinusubukan gamutin ang mga sugat sa puso ko.

Para sa susunod, sa susunod na makita ko sya ulit maaalala ko yung araw na to. At makukumpara ko yung pakiramdam ko at sa panahon na un, masasabi ko na sa sarili kong, nakamoveon na ko.

HOY IKAW! OO IKAW NGA.

Ikaw na nagbabasa nito, gusto ko lang na malaman mo na may mga taong nagmamahal sayo, na may mga taong handang tumulong at makinig sa mga problema mo at lahat ng problemang yan may solusyon maaring hindi mo agad malalaman kung ano pero sa tamang panahon malalaman mo din kaya wag ka agad agad susuko.


Kung lovelife problema mo, nako mahirap yan. Hahaha. Basta  lagi mo lang iisipin na mahalin mo muna sarili mo bago ka magmahal ng  iba dahil mahirap magbigay ng bagay na ikaw mismo eh wala. Seek God’s love first.


Kung financial problem naman yan, hindi ka nag-iisa! Halika damayan kita. De, alam mo kasi yang pera kung tutuusin hindi natin yan dapat  pinoproblema pero hindi naman natin yan maiiwasan kasi diba? Hayaan mo God will provide, He knows our needs kaya wag mong paka problemahin yan at ipagpray na lang natin.

Kung acads naman yan, tara tulog! Haha. Hindi wag. Walang patutunguhan ang pagiging tamad. Kelangan mo lang mag focus at alamin mo yung goals mo sa buhay. Tanungin mo sarili mo kung para kanino ka ba nag aaral? Ano bang mangyayari sa buhay mo kapag hindi ka nakatapos? Kung may ibinagsak ka na subject nako naman, I feel you bro pero don’t give up! Edi i-repeat ang subject pero this time siguraduhin mong i-uuno mo na yang subject na yan sa second take mo. Wag kang panghihinaan ng loob agad agad. Hindi solusyon ang kung anu-anong bagay ha.


Alam kong matatag ka at wag kang bibigay sa mga pagsubok sa buhay ha! Kapit lang at ‘wag mong kalimutang ngumiti sa kabila ng mga problema na kinahaharap mo dahil yang problema mo walang wala sa problema ng iba kaya blessed ka pa din. Wag mong kakalimutan na God’s always there for you and He loves you more than anyone does.