adminmermaid

No matter how strong a girl is, she has a weak point. And sometimes, all she needs is a hug

Ang mga babae malakas, Hindi man siguro lahat kayang ipakita yun sa pisikal na kaanyuan. Pero ibahin mo sa loob na katauhan. Iba-iba ang babae, pero lahat sila malalakas. Kasi kahit anong gawin mong sakit, panloloko, paasa, curse words, paninira, panlalait at pagbintang sa kanila ng mga bagay na hindi naman sakanila. For short kahit anong sakit na iparamdam mo sa kanila. Andun yung encourage idea ng bawat babae na “Wag magpaapekto” Siguro Girls do na magpaapekto, it’s natural kasi sino ba naman ang taong di magrereact kapag galit diba? it just based from emotion pero hindi ibigsabihin yun nagpaapekto na siya. Kasi ang totoong malakas na babae.Yug hindi inaalintana ang sakit, at ang tanging alam lang niya ay kung paano mawala yung sakit na nararamdaman niya.

Girls are just the best example of one of the most great pretender in the world. They can show you how they strong they really are. But when the time you’ll see her heart. No matter how bravely the outside look. Inside of it is a weakest heart that can only define strength because no matter how hurt and hard to show she’s ok. But she’s really not, And all she need is a hug.

Tototo, yung kahit anong mood mo, badtrip ka man o good mood basta kasama mo friends mo. Solid, walang kasing katulad. Lalo na kapag Free kayo buong araw. Usap dito usap doon. Sobrang gaan sa pakiramdam, tska hinding hindi ka mauubusan ng topic, kwento, pagkaen at gala. Kapag naman malungkot o may problema. Kapag kasama mo ang barkada. Wala ang problema, dadamayan ka nila pero sasamahan ka nila na makalimutan yun. Syempre hindi sa inuman kung di pasasayahin ka nila ng parang nangyaring masama. Kasi hindi sila sanay na malungkot ka at umiiyak. Yan ang tunay na kaibigan. Through ups and downs, thick and thin. Friends will be the best comforter than others. 

When you genuinely love someone it really doesn’t matter what you are doing, the only thing that does matter however is that, that one special person that means the world to you is by your side. I mean just being able to hold them, make them laugh, and smile, These things just brighten up your day when you see it because you know you are their source of happiness and it’s a good feeling inside your heart that makes you smile and feel happy too. Whether it may be a couple of minutes or  hours or a day, you both cherish every minute you are together because you just enjoy being around them so much, you know?, Everyday you just look forward to seeing them, you look forward to holding them in your arms and just being next to them. This special person should be cherished, Let them know that you love them with all of your heart and don’t let go. <3

It’s hard to pretend to be friends with someone special when every time you look at that person, all you see is everything you want to have. Yung kaibigan mo na mahal mo. di mo masabi sa kanya na mahal mo siya. kasi natatakot ka na baka mawala yung pagkakaibigan nyo. Yung tagal na panahon na magkasama kayo, pero isang araw na ramdaman mo na lang na mahal mo siya at mahalaga siya sa buhay mo higit pa sa pagkakaibigan. Yung tinatago mo nalang yung nararamdaman mo kasi baka hindi din ganun yung nararamdaman niya sayo. baka di ka niya maintindihan at biglang magbago, at lumayo. 

Mahal mo siya pero hindi pwedeng maging kayo, kasi hanggan kaibigan lang pwedeng mamagitan sainyong dalawa.

Walang impossible sa mga bagay na pinaniniwalaan mo lalo na kapag alam mong makakaya mo ito at mapagtatagumpayan mo. Ni kahit sobrang hirap ng sitwasyon at sobrang layo pa para maabot ito o makuha man ang isang bagay masatesfied ang nararamdaman mo o kung sinong tao man ang pinapangarap mo. Lahat ng yan makakamit mo kung ikaw mismo sa sarili mo na niniwala at may dignidad na kakayanin mo ang lahat makamit lang ito. Ang pangarap o ang pagkamit sa isang bagay o sitwasyon na walang bilib sa sarili niyang kayayahan e isang senyales na pwedeng ika'y manghina at hindi magtagumpay sa kung ano man hangarin mo sa buhay. At ang bagay na tanging gusto mo pero walang aksyon at paninidigan ay parang pangarap lang na suntok sa hangin na bahala na si batman kung mangyayari ito o hindi.

Manindigan ka kung ano man ang hangarin mo sa buhay o sa kung anong aspeto mo sa yung sitwasyon maniwala ka sa kakayahan mo at ngayon palang mag lagay ka ng pundasyon para mas maging matatag at malalim ang itatayo mong mga plano. 

You are lucky to have a best friend like this. Yung magagalit sayo dahil palagi ka nalang malungkot at umiiyak. Yung hindi kukunsintihin yung mga pagkakamali mo at mga dahilan kung bakit ka nasasatan. Oo andyan siya lagi para sumoporta sayo sa kung ano ang ikaliligaya mo, ikakikilig, ikaka hanap ng maayos na kalagayan, kun saan magiging komportable ka. kung saan dun ka umiibig at masaya sa taong mahal mo din at importanter sa buhay mo. mga gusto at ayaw mo. Oo swerte ka! sobra. swerte ka na umiiyak din siya sa tuwing nasasaktan ka. tumatawa at nagiging masaya siya sa tuwing masaya at nakikita ka niyang maligaya. swerte ka kasi nagagalit at naiinis siya sa mga taong na nanakit sayo. 

Swerte ka kasi andyan siya lagi sayo, ups and down. thick and thin she/he always be there. for you and only you.

Natatakot ako na baka isang araw hindi na kita katabi, hindi ko na mahawakan kamay mo. Hindi ko na masabi sayo na mahal kita. Natatakot ako na baka isang araw wala ng tayo. Wala na yung sobrang saya na nararamdaman ko sa tuwing kasama ka. Natatakot ako na baka isang araw hindi na kita makita, hindi na kita mayakap hindi na kita matawag na akin. Natatakot ako ng sobrang sobra. Ayoko na mawala, sobrang mahal kita e. sobrang sobra. Natatakot ako na baka isang araw walang na yung salitang “tayo” yung tayo na naging buhay ko, naging mundo ko, kung saan ako ngaing masaya, naging totoong ako natutuong masaktan at magmahal ng tapat at walang halong biro. Yung sobrang saya na magkaroon ng isang taong katulad mo, yung mahal mo na mahal ka din. Yung isang taong naging dahilan ng buong buhay ko. Natatakot ako na mawala ka.

Hindi naman kasi purkit na may pinagdadaanan ka, dapat sumuko ka na kagad. O kaya mag-back out or mag walk out. Isang way lang yun na sinasabi mong di mo kaya. Oo siguro di mo kaya through emotion. Kasi masakit, Talagang masakit yan, lalo na kapag patungkol sa pag-ibig. Pero dapat di ka manghina. Oo minsan nakakapanghina yan, walang sino man di nakakaranas yan. Pero cheer up! nakakasawang masaktan umiyak magmukmuk, magwala mag walk out at mawala sa sarili dahil lang sa pinagdadaanan mo. Alam ko masakit at di madali pero lahat naman yan malalagpasan mo e. Hindi masamang umiyak pero wag ka sumuko! malalagpasan mo yan kaya wag mo pabayaan sarili mo. Gawin mong halimbawa yan na dapat maging better and stronger person ka. Think positive! lahat yan magiging ok din. ilabas mo lahat ng sakit pero wag na wag mo kikimkimin. Talo ka kapag nagawa mo yun. Move on and let go mo lahat ng masasakit at pangit na pangyayari. At itira mo yung mga masasayang pwedeng magbigay halimbawa sayo na dapat di na ko ganun. :)

Kung gusto mo pang ipagpatuloy yang relasyon niyo o yang nararamdaman mo para sa kanya kahit sobra ka ng nasasaktan. O iiwan mo siya bibitiw ka at kakalimutan ang nararamdaman mo para sa kanya. Alam ko hindi ka manhid at alam ko din na ramdam na ramdam mo yung sakit na binabaliwala ka at maging tanga sa taong hindi ka naman kayang panindigan at pasayahin. ikaw at ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo kung gusto mo ng hindi na masaktan at maging masaya ulit. Ikaw at ikaw lang din ang makakapagpigil sa sarili mo na umibig sa taong hindi naman karapat dapat sayo.Happiness is a choice kaya wag mo ikulong ang sarili mo sa mga bagay na hindi naman karapat dapat sayo. Kung masakit na at alam mo ng hindi mo na kaya at wala na talaga. Tigilan na!

Guy bestfriend masaya magkaroon ng lalaking matalik na kaibigan. Bakit kamo? kasi alam niya lahat ng isang damdamin ng isang lalaki. Tama naman diba? in a way kapag nasasaktan ka dahil sa pagmamahal alam niya kagad ang solusyon kasi alam niya yung side din ng isang lalaki sa sitwasyon, Fair di ba kung icoconclude mo yun sa opinion and emotion ng bawat panig. Tsaka when you have a guy bestfriend, secured ka e kasi lalaki, ang lalaki kasi kapag may tao silang mahal o mahalaga sa buhay nila proprotektahan nila ito hanggat sa makakaya nila. At ayaw na ayaw nilang nasasaktan ito. syempre babae ka e, tapos malaking parte ka din ng buhay ka niya kaya he will treat you like princess and one of the best romantic girl he ever met in his life.

Kwela, makulit, korni, joker, sweet at cool ang isang lalaking kaibigan. Mas masaya kapag mas komportable kayo sa isa’t-isa. Kabisado niya lahat ng galaw mo mga dahilan mo mga sikreto at kung ano ano pa. Ang sweet and cool kapag magkaroon ka ng guy bestfriend. Secured ka at hinding hindi ka magaalala.

Minsan nakakaramdam talaga tayo ng mga taong minsan nagpapadown sa buhay natin may mga taong hindi din maintidihan yung kahalagahan natin sa buhay nila. Nakakalungkot at nakakaiyak lalo na kapag may malaki kang expectation dun sa taong yun. o kaya naman naging parte ng buong buhay mo, naging taong mahal mo kasintahan o matalik na kaibigan. Nakakapanghinayang lang na ginagawa mo na ang lahat lahat pero parang lahat kulang parin para maapreciate nila, Yung mga gawa mo, yung mga pagbabago mo, yung mga paraan mo para makabawi, yung new living, the way you treat them. Parang iba parin e still hindi parin nila mafeel yung kahalagahan mo. Ang sakit nu?

Pero wag ka malungkot kasi alam ko na may tao paring nagmamahal at nagpapahalaga sayo, sa paraan na kung ano ka, sa kung ano talaga ang pagkatao mo. Siguro hindi naman lahat, hindi naman lahat maapreciate at maiintidihan ka, pero ito na lang isip mo. “True people will stay and love you in your life and you are beautifully worth it for someone who deserve for” kaya wag na malungkot smile na :)

Big Girls don’t cry but it doesn’t mean that they aren’t hurt anymore
Minsan tinatago nalang nila yung sakit, kahit sobrang sakit na. Yung bigat sa damdamin na parang sinasakal na sila. Yung iyak na sobrang pinipigil nila sa harapan mo kasi una umiyak ka man ikaw parin mali sa harapan nila. Yung feeling na ikaw at ikaw lagi ang mali kahit ang katotohanan hindi naman talaga ikaw. Oo dapat hindi na kami umiiyak e, kaso hindi ibig sabihihn nyun e hindi na kami nasasaktan, ngayon malaki na kami mas ramdam na namin lahat ng detalye sa mga pangyayari. Yung sakit na unti unti at dahan dahan na gumuguhit sa aming mga puso. Yung luha na unting unting pumapatak. Pero dahil nga sa kadahilanang malaki na kami at matatag. Yung bigat ng damdamin namin? iiyak lang namin yan, ilalabas ng panandalian after nun tapos na ngiti na ulit ganun lang yun. Pero yung sakit syempre nasa loob parin bahala na ang panahon ang maghilom. 

Every one wants a fairy tale love story. Pero hindi lahat ng pag-ibig e parang ala fairy-tale. Hindi din lahat ng sitwasyon ng kani kanilang relasyon e smooth at parang walang problema. May konrtiba at kontriba talaga diyan at may mga bagay at taong hahadlang at hahadlang talaga sa pagiibigan o relasyon niyong dalawa. Pero kahit ganun pa man ikaw at ang iyong kaibiyak ang iyong prinsepe o prinsesa ang mananatiling bida ng inyong istorya. Magmamahalan kayo at magtatagumpay sa mga binabalak ng mga taong nais manira sa inyong relasyon. Mapagtatagumpayan niyo yung mga pagsubok at patibong na ninais kayong pigilan ng taong gutsong manira at magpaawat sa inyong pag-iibigan.

Lahat naman tayo may prinsepe o prinsesa sa kanya kanya nating puso siguro hindi mo ngayon siya nakikilala pero soon makikilala mo din siya at alam ko na maninirahan kayo at magsisismula kayo ng mapa fairy tale na love story. Pero sa realidad hindi laging fairy tale ang isang relasyon, hindi lahat maganda at lahat kayang pagtagumpayan pero naniniwala ako na makakaya niyo lahat yan kapag ang taong minamahal mo ngayon ay ang taong nakalaan para sayo.