abutin mo

ang saya lang makita na yung taong papakasalan mo sa tamang panahon na masaya, na unti unting naabot yung mga pangarap nya. ang sarap ipaalala sakanya bawat minuto na andyan ka lang palagi para suportahan sya. na sasabayan mo syang abutin lahat ng mga pangarap nya.
—  supermakhtan
2
  • Kaya mo yan! Kaya mong mag move-on. Kaya mong ipagpatuloy ang buhay mo kahit wala na siya. May rason ang lahat ng bagay, kung hindi niyo man narating yung inaasam niyong forever, ibig sabihin nun may taong darating na mas okay pa sa kanya. Taong mas kaya kang mahalin higit pa sa pagmamahal na ibinigay ng taong iniiyakan mo ngayon. Kaya mong tiisin ang lahat ang lahat ng sakit, lahat naman ng sugat naghihilom sa tamang panahon. Tumayo ka sa pagkakadapa mo at huwag kang matakot na magmahal ulit.
  • Kaya mo yan! Kaya mong patunayan sa lahat na kahit na nagkamali ka noon, kaya mo pa ring magdesisyon ng tama para sa sarili mo. Ipakita mo sa mga magulang mo at sa ibang tao na may ibubuga ka rin. Na sa bawat pagkakamali mo ay may natututunan ka. Hindi naman masamang magkamali, kasi kung hindi tayo nagkakamali hindi tayo natututo. Kahit na paulit-ulit kang magkamali okay lang, basta sa bawat pagkakamali mo bumabalik ka ulit na mas mabuting tao na.
  • Kaya mo yan! Kaya mong abutin ang mga pangarap mo. Hindi namang masamang mangarap ng mataas kasi dahil sa mga pinanghahawakan nating mga pangarap, nagsisikap tayo sa kasalukuyan. Kahit na nahihirapan na tayo sa school, kahit na tumira tayo malayo sa mga magulang natin, kahit na nagpa-part time job tayo, kahit gabi-gabi nalang puyat, kahit na wala ka ng oras para magsaya, okay lang. Basta ba para sa mga pangarap mo, pagsisikapan mong matupad. Hindi lang din naman tayo nangangarap para sa sarili natin kundi para nari sa mga taong malalapit sa puso natin.
  • Kaya mo yan! Kaya mong patunayan sa mga taong nanghusga, nang-api, nang-away, at nag down sayo noon na mabuti kang tao at may mararating ka sa buhay. Na mali sila na hinugshagan ka nila dahil lang sa mga pagkakamali mo noon. Na sila yung nawalan kasi nawalan sila ng tunay na kaibigan. Kaibigan na maaasahan sa lahat ng bagay, kaibigan na hindi mang-iiwan kahit sa oras ng problema. 
Ví̱ma  Eîs

          Pasensya na, kahit na alam kong pinatawad mo na ako— patawad pa rin, patawad nang paulit-ulit. Sapagkat sa panahong nasaktan ka, kasalanan yung naging takbuhan mo at hindi kita pinigilan doon bagkos tinulungan pa kitang mamulat sa ganoong klaseng gawain. Pasensya na, sapagkat nang dahil doon, takot ka nang abutin yung pangarap mo. Patuloy na nagmumulto ang kahapong hinahatak ka pabalik sa nakaraan niyo. Patawad, wala kong magawa— hindi ko kayang burahin, hindi ko kayang linisin. Hindi mawaglit sa isipan ang bawat gabing dumarating at iyon ang iyong kapiling, isang akademikong hindi nararapat. Bata ka pa noon, walang muwang ngunit inudyukan kita, masyadong malikot yung makitid kong pag-iisip kaya pasensya na at nang dahil doon, takot kang maisipan ng masama. 

          Nang nakita kitang nagtangis sa harap Niya, nasilayan ko kung paano ka nagpakababa, kung paanong pinatawad mo ako at humarap ng may tapang sa sasabihin ng iba. Alam kong nariyan pa ang hiya ngunit huwag kang mangamba kasi sa pagkakataong ito, kasama mo na ako— ako na pinakanakakakilala sa iyo. Hindi ako mandidiri huwag ka lang magtago sa akin. Sapagkat kahit ako ikaw, hindi pa rin kita maintindihan. Pasensya na at oo, pinapatawad na kita sarili ko. Tanggap pa rin kita. Mahal na mahal kita at papahalagahan kita upang ang kasalanan noon ay hindi na maulit ngayon. At kung sakaling umibig ka muli, sana buo ka na, at hindi ka matatakot sabihin sa kaniya kung sino ka noon na hindi mo makikitaan ng peklat ngayon. Patawad. 

GRADUATION SPEECH 

This speech was delivered by a La Sallian engineer in one of the graduation ceremonies at the UP College of Engineering.

“Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number ka na nagsisimula sa “94”at pataas, kung lumipas ang isang buong school year at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan.

Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante sa iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti, isang subject na bagsak na lang ay pwede na masipa ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito.

Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para i-acknowledge ang paghihirap ng ating mga magulang sa pagpapaaral satin. Hindi ko din ito ginawa para maghayag ng political statement,o kumbinsihin kayo na huwag umalis sa bansa at tulungan itong makaahon. Ang speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil madalas, wala talagang pakialam ang unibersidad sa mga achievements nila. May mga awards na gaya ng “Summa Cum Laude”, “Best Thesis Award” at “Leadership Award.” Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng unibersidad na nagbigay ng “Hang-on and managed to graduate despite nearly getting kicked-out during his academic stay” award.

Maaaring isang malaking kagaguhan ang konseptong ito para sa karamihan. Bakit mo pararangalan ang isang estudyanteng bulakbol, bobo, tamad o iresponsable? Hindi ba dapat isuka ito ng unibersidad? Ito yung mga tipo ng estudyanteng walang ia-asenso sa buhay, hindi ba?

Ayun. Natumbok niyo. Iyun na nga ang dahilan. Madalas, pag ang isang estudyante ay may pangit na marka sa paaralan, lalong lalo na sa kolehiyo, nakakapanghina ito ng loob. Nandiyan yung tatamarin ka mag-aral, nandyan yung iisipin mo “Ano pa kayang trabaho ang makukuha ko? Call center na naman o clerical? Ba’t kasi ang bobo ko. Kung matalino lang ako, sana, sa Proctor and Gamble ako, o kung saang sikat na kumpanya.”

Mas mahirap ang dinadaanan ng mga estudyanteng bumabagsak. Kahit na sabihin mong kasalanan nilang bumabagsak sila, hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam ng ganun. Madaling sabihin na “Kaya mo yan, mag-aral ka lang,” pero alam ba natin talaga ang sinasabi natin?

Kapag ang isang estudyante ay bumabagsak sa unibersidad, nandiyan yung tatawanan niya lang yan. O di kaya naman, ipagmamalaki niya pang “TAKE 5 NA KO!!!” o “Pare, magpi-PhD na ako sa Anmath3/ Calculus/etc.” Pero hindi alam ng mga isang Summa Cum Laude kung ano ang nasa isip ng isang normal na estudyante sa tuwing matutulog ito at alam niyang pag-gising niya, kailangan niya na namang ulitin ang isang subject na nakuha niya na sa susunod na term.

Kaya ngayong graduation, ang speech na ito ay inaaalay ko parasa mga estudyanteng lumagpak, muntik-muntikan nang masipa o yung sa lahat ng paraang pwede,ginawa na para lang makatapos. Gagawin kong patas ang mundo para sa inyo kahit isang araw lang. Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo kasalanan mo man na pangit ang marka mo o muntik ka nang makick-out, saludo ako sa hindi mo pagtigil sa pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka ng loob na harapin pa rinang mundo kahit alam mong hindi ito magiging patas sa iyo. Saludo ako na kahit pangit ang transcript mo, taas noo ka pa rin ngayong graduation at proud na proud sa sarili mo.

Ano ngayon ang mangyayari sa mga graduates pagkatapos nitong graduation? Ayoko nang puntahan yung pwedeng mangyayari sa mga Cum Laude. Baduy. Alam mo namang may patutunguhan ang buhay nila e. Pero dun sa mga lumagpak, ano ang meron?

Maaring makakuha kayo ng mediocre na trabaho lang. Pwede ka rin swertehin, baka makapagtrabaho ka sa magandang kumpanya. Madami pang pwedeng mangyari. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Kung nung college, nagtiyaga kayo e ba’t titigilan niyo yung pagti-tiyaga ngayon?

Pwede ring ganito: Mag-aral ka ulit. Ipakita mo sa kanila na kung sisipagin ka lang, malayo ang mararating mo. Subukan mong patunayan sa kanila na kapag pinilit mo, kaya mo ring abutin yung naabot nila. Na hindi ka bobo, kundi tinamad ka lang.

Baka sabihin ninyo, drowing lang ako.

I’ve been on both sides. Naranasan ko na ring lumagpak, at muntikan na din akong masipa. Naranasan ko na ang umulit ng 4 na beses sa iisang subject. Naranasan ko na ang masumbatan ng magulang, kapatid at kung sino-sino pang propesor na walang pakialam sa pakiramdam ng estuyante.

Naranasan ko nang hindi makatulog ng maraming gabi sa pagiisip kung paano ko na naman sasabihin sa magulang ko na maybagsak na naman ako. Kaya alamko ang pakiramdam ninyo.

Akin ang transcript na ito.

Pagkagraduate ko ng college, ano ang ginawa ko? Eto. Nagtrabaho muna ng konti, taposaral ulit. Kuha ng Masteral sa kurso ko. Hindi para sa trabaho o kung ano man. Kundi para patunayan sa sarili ko na noong mga panahong bumabagsak ako, tinatamad lang ako.

This is a rebellion. I raise my middle finger to every professor, over-achiever, naysayer and detractor THAT TOLD ME THAT I CAN’T MAKE IT. I raise my middle finger to every valedictory or graduation speech that only gratifies the university, those who were achievers in school or those who gratify the country when it’s supposed to be the graduate’s moment of glory. You are supposed to acknowledge EVERYONE. Even those who failed many times.
Kaya sa inyong mga graduates na medyo hindi maganda ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya ko ito, kaya niyo rin to. Imposibleng hindi.”

Mga uri ng relasyon.

Boy lang nag e-effort Relationship: Eto yung mga na taken for granted na lalake. Maaaring hindi ganung ka taken for granted pero malapit na dun. Sila yung gumagawa ng paraan para sa relasyon nila. Tipong sila na lang palagi. Eto yung mga “Boyfriend Material” at normal naman talaga dapat na ginagawa ng mga soon to be boyfriend na nagkalat sa kapaligiran. Eto yung mga lalakeng susunduin ka at ihahatid kapag magkasama kayong dalawa. Minsan may mga hinahatid at sundo na na mga girls pero wala lang sa kanila to know na pinapangarap din ito ng ibang babae na gawin ito ng boylet nila. Masasabi nating ang mga Boy lang nag eeffort relationship eh yung mga lalakeng sobrang under o kaya naman eh sobrang chicks ng GF. Takot mawala eh, so gagawin lahat para sa kanila. Tapos ang karelasyon eh yung mga matatapang at mapaparide na babae. Syempre. Alam na gustong gusto sila nung lalake. Edi magmamaganda sila.

Girl lang nag e-effort Relationship:  Syempre pwede ba namang lalake lang ang may problema? Syempre ang mga babae din! Eto yung mga babaeng napasubo. Ooops! Yung utak! Ibang napasubo ang ibig kong sabihin. Eto yung mga umamin tapos sakay naman agad itong si Boy. Pasok agad sa relasyon. Tapos lately lang nalaman na infatuation lang pala ito. Eto yung mga babaeng masarap isalba sa mga coupal na Lalake eh. Eto yung mga babaeng halos makagawa na ng nobela sa libro sa mga Social Networking Sites sa dami ng hinaing nila sa mga boylet nila. Alam niyo yung walang wala na pero umaasa pa rin sila na maaayos pa? Sila yung mga babaeng habol ng habol pero hindi nila alam na wala na silang hinahabol. Isang diretsong daan na walang finish line. Tipong sila yung anino at hinahabol nila eh yung sarili nila. Sila din yung mga babaeng wala ng ginawa kundi umiyak sa relasyon. At isang sorry lang ng boylet nila eh ok na ulit sila. Paano akala nila magiging ok na ulit lahat dun. Pero hindi nila alam good for some days lang ang lambing na iyon. Then back to the ball game ulit! Malungkot na ulit!

DOTA/LOL/HoN o AKO Relationship: Hah! Eto naman yung mga lalakeng puro DOTA ang ginawa at halos syotain na ang Computer habang nag hihintay ang girlfriend nila. At eto namang mga girlfriend eh patuloy na nagseselos sa DOTA kahit na hindi naman dapat pagselosan. Pero syempre ang selos na ito ay in a way na gusto lang naman nila makausap ang boylet nila. May mga ibang relasyon na swerte dahil parehas silang naglalaro at ayun ang past time nilang dalawa. Kumbaga ayun yung pinaka date nila as a couple. Pero paano nga naman kung hindi naglalaro si Girl? Paano na? Edi paranoid na lagi? Minsan may natanong akong babae na hindi naglalaro ng Computer Games pero sobrang maglaro ang Boyfriend niya. Ang sabi niya sakin “Ok na yun, kesa naman mambabae siya”. Kumbaga nasa tao na lang talaga paano niya iintindihin. As long siguro na kontrolado ng lalake ang oras niya walang problemang maglaro. Ganito lang ka simple yun eh. Kung gusto mo lagi maglaro ng Computer Games at wala kang oras sa relasyon mo. Then stay single. Hindi naman laruan ang babae na tska mo lang gagalawin kapag trip mo. Babae yan pre. Minamahal at Inaalagaan. Sige ka, kapag ayan na first blood ng iba. Ikaw den. 

Almost there kind of Relationship: Alam mo yung natatanaw mo na pero hindi mo maabot? Tulad ng Ulap. Napaka ganda diba? Parang gusto mong hawakan. Yun bang parang kaya mo itong abutin pero hindi mo naman talaga maaabot? Eto yung relasyon na parang panaginip. Eto yung relasyon na HINDI PA KAYO. Ok? HINDI PA KAYO. Ayan isa pa ulet. Eto yung halos nagawa niyo na lahat. Kaso trapped siya sa nakaraan niya. So hindi siya makapag decide kung babalik ba siya o ikaw ang pipiliin niya. Eto yung relasyon na hinihiling ng lahat “without the PAST Part” eto yung almost perfect na relasyon dahil nag eeffort yung lalake at yung babae.

Kaso syempre, magaling si GOD eh. Hindi pwedeng masaya palagi. Kailangan balanse. Kailangan may problema lagi para maging mas ok ang relasyon. Ang mahirap kasi sa ganitong relasyon. Anytime pwedeng mawala ang isa. Anytime pwedeng bumalik sa EX niya. Yun naman ang kinakatakot ng mga nasa ganitong klase ng relasyon eh. Pero astig kasi eh. Holding hands? Kiss? Yakap? San ka pa? Matatawag mo bang pagkakaibigan yun? Kumbaga andun na eh. Nasa tuktok na eh. Pero wala pa yung flag para malaman na nakarating na kayo dun. Parang Mutual Understanding ito na may twist eh. Kasi madalas ang Mutual Understanding eh wala ng involved na nakaraan eh. Kaso eto meron. So automatic sa ganitong sitwasyon may karibal ka. Eto yung mga hihilingin mo na sana kayo na agad eh. Tipong puno kayo ng pangarap pero wala eh. Anong magagawa niyo? Trapped yung isa eh? Kahit na anong gawin mong tulong. Matindi ang bakod na iniwan ng nakaraan. Kaya todo effort ang isa’t-isa. 

Praning Type of Relationship: Eto naman ang mag syotang bihira magtagal. Paano paranoid ang isa’t-isa. Like WTF? Nag relasyon pa kayo kung wala kayong tiwala sa isa’t-isa. Lahat na lang pinagselosan.

  • Hinawakan ang aso, Gusto kamay lang niya hinahawakan.
  • Tumawag na busy ang phone pero ang kausap mo magulang lang.
  • Kasama ang pinsan,.
  • Kasama ang mga kaibigan,
  • Kulang na lang pati kapatid pagselosan.

Yun bang kapag hindi ka nagreply agad eh kung ano na iisipin. Kunwari kumain ka. Tapos mga 15 minutes kang nawala. Tapos kung ano ano ng text ang matatanggap mo. Tipong sino kausap mo? Nakikipaglandian ka na naman sa iba?! O kaya naman eh ANDAMI MO NA NAMANG KATEXT!! Mga ganyang klase ng text for example.

Eh huwag mo din naman kasi hayaang ma paranoid. Gawin mo din ang part mo na magpaalam. Kung alam lang naman niya kasi agad ang ginawa mo edi hindi siya magdududa. Pero parang ang panget ng ganitong relasyon diba? Kaya kumakalas agad yung iba. Sino ba naman pumasok sa relasyon para ma stress? Mas mabuti na ngang tapusin kesa naman magtagal sa relasyon na puno ng pagdududa. 

Matanong kita.

Masasabi mo bang relasyon ang isang relasyon kung isa lang gumagawa ng paraan para maayos ito? Masasabi bang relasyon ang isang relasyon kung  isa lang ang nagmamahal? Palagi na lang may nagkakasakitan? Tulad nga ng sabi ko dati ang relasyon eh ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan. Pumasok kayo sa relasyon dahil gusto niyong i commit ang sarili niyo sa isa’t-isa. Hindi katulong yang mga yan. Hindi for hire. Hindi yan dumating sa buhay mo para pagsilbihan ka lang. Gawin mo rin part mo. Two sided dapat lagi. At never magiging one sided. Alagaan ang isa’t-isa. Tandaan na masarap magmahal. Sobrang sarap.

Mahirap pero kailangan.
  • Mahirap kalimutan ang isang taong sobra sobrang kasiyahan ang binigay sayo pero kailangan kasi hindi na ikaw yung dahilan kung bakit siya nakangiti. Nagbago na ang lahat sa inyo, hindi na kayo katulad ng dati at wala ka ng magagawa para maibalik yun. Kailangan mo na siyang bitawan para hindi na kayo mahirapan at masaktan pareho. Kailangan mong tanggapin na wala na, tapos na kayo.
  • Mahirap hintayin ang isang taong kailanman ay hindi na babalik sa buhay mo. Nakakapagod umasa at maghintay sa wala. Nakikita mo naman na masaya at maayos na siya ngayon pero hindi mo pa din binibitawan yung pag-asa na baka magbago pa yung isip niya at bumalik siya sayo. Huwag ganon, hindi naman kailangang huminto kang mabuhay kasi wala na siya sa buhay mo. Tuloy pa din dapat ang buhay, mag-aral ka ng mabuti, abutin mo mga pangarap mo. Lovelife? Darating din yan sa tamang panahon.
  • Mahirap pero kailangan mong tanggapin na hindi lahat ng taong nagpaparamdam sayo na espesyal ka ay mananatili ng matagal sa buhay mo. Minsan yung iba kailangang lumisan ng maaga kasi tapos na yung misyon nila sa buhay mo. Yung iba napasaya ka na, yung iba nabigyan ka na ng aral sa buhay, yung iba napatatag ka na. Gustuhin man nilang manatili sa buhay mo, hindi pwede kasi hindi nakatadhana na manatili sila ng manatagal sa buhay mo. Trust God, may plano siya para sa ating lahat.
That "sana close kami nila Mama at Papa" feeling.
  • Yung may napagsasabihan ka sa mga bagay-bagay.
  • Yung pwede mong hingin yung payo o mga opinyon nila sa tuwing magdedesisyon ka.
  • Yung kapag hindi mo na kaya, pwede kang umiyak sa balikat nila.
  • Yung kapag may hindi kayo napagkakasunduan, nasasabi mo sa kanila ito ng hindi ka napagtataasan ng boses.
  • Yung naiintindihan ka nila na bilang isang anak, minsan nakakagawa ka ng mga maling desisyon at imbis na magalit sila, tanggap ka pa din nila.
  • Yung suportado ka nila sa lahat ng bagay. Hindi ka takot abutin ang mga pangarap mo kasi alam mong nasa likod mo lang sila.
  • Kapag nadapa ka, sila yung unang-unang magtatayo sayo, sasamahan ka nila na lakbayin yung daan na gusto mong tahakin hanggang sa makaya mo na ulit maglakad mag-isa.
  • Alam mo na kahit anong mangyari, maabot mo man o hindi ang mga pangarap mo, paulit-ulit ka mang magkamali sa buhay, hinding hindi ka mag-iisa, may pamilya kang uuwian.
Graduation
—  9 na letra pero yan ang pumutol sa masasayang araw ng isang studyante. Ito din ang puputol sa iilang samahan ng grupo ng magkakaibigan, kasi may aalis, may lilipat. Pero di ibig sabihin na dapat tapusin mo na ang storyang binubuo mo kapag humantong ka sa pinaka araw na yan. Jan palang magsisimula ang lahat, ang kalbaryo, ang pag pupursigi. Kundi ka magsisikap sa tingin mo makakamit mo ang hinahangad na pangarap? Wag ka tumigil! Abutin mo, onting tiyaga sa huli worth it lahat. Goodluck sa panibagong libro mo, wag kalimutan ang poong may kapal na lagi gumagabay sayo.