absent kasi

pero alam niyo ba malapit na materminate tong crush ko sa office. absent kasi ng absent pota parang college student ang datingan. makikipagdate lang naman tapos ako yung naiipit dahil pinagtatakpan ko daw (sabi ng boss niya). kaya sabi ko sa kanya last week, lahat ng gagawin niya labas na ako doon. wala na akong pake kamo??? kaso, luh hindi ko matiis. iba talaga kapag nagtatama na mata namin naaawa na ako. tapos simula monday nagaaway kami dahil sa pinaggagagawa niya. kanina lang kami nagkaayos eh haha deh concern lang kasi ako siyempre pag nawala yon edi malungkot na puso ko niyan. babalik na daw siya pampanga if ever pero baka iuwi ko na lang to sa cubao chareng.

tapos ang pinaka-intense na away namin kahapon. gusto niya kunin at kalikutin phone ko wtf??? sabi niya palit daw kami at malaman na kung sino daw talaga may tinatago. eh gago hindi mo nga ako mabigyan ng label tapos ganon??? edi hindi ko binigay lol bahala ka magalit dyan (pero kabado ako dahil ang dami kong kalokohan dito hekhek)

11:04PM

Wala ngang pasok bukas, pero parang may pasok pa rin dahil sa dinami-dami ng gagawin for finals. Hindi pa ako tapos mag-edit ng pictures ng mga kaklase ko tapos magpo-proofread pa ako ng mga autobiographies at testimonio na ginawa nila. Gagawa pa kami ng validation sheet sa research paper namin at irerevise pa namin yung mga contents ng research paper. Kukumpletuhin ko pa yung mga na-miss kong mga quiz kasi nakailang absent ako. 😂 Pero buti naman din na walang pasok bukas kasi hindi na naman matutuloy yung halos isang buwan na dapat iququiz namin. HAHAHAHA. Hays, ang saya ng buhay!

Makatulog na nga. Ang sakit na ng mata ko sa kakatutok sa laptop. Hahaha! Stay safe people! ❤️

College ka na. Ano nga ba ang dapat mong gawin?
  1. Civilian lang ‘pag first week ng pasukan. 
  2. Be ready sa “Introduction, pakilala chu chu” mag-paimpress ka agad sa crush mo.
  3. 'Wag kalimutan ang index card, 2x2 picture at bolpen sa first day. Nakakahiya naman kasi kung manghihingi ka pa sa katabi mo. Kapal ah!
  4. Kung dati sampung notebook ang dala mo lagi, sa college binder at bolpen lang sapat na!
  5. 'Wag kalimutan ang sched, nakakahiya kung mali ka ng mapasukan na room.
  6. Maging friendly, 'pag marami kang friend 'di ka mawawalan ng Yellow Paper. Pramis!
  7. Kalimutan mo na ang lahat… 'wag lang ang ID.
  8. Tropahin si Manong Guard para 'pag nakalimutan mo ID mo, idaan mo lang sa kwento at suhol. Pwede ka na pumasok. Epektib 'to men!
  9. 'Wag ka papa-late kasi bengga ka sa prof mo for sure.
  10. Dapat good-looking ka sa ID picture mo kasi ilang months din 'yan titignan ng guard bago pumasok. Kahiya naman kung pati dun haggard ka.
  11. 'Di na intermediate ang papel n'yo. Yellow paper na. Uso ang hingian kaya isa-isa lang ang labas. 
  12. Smile lagi, kasi marami na ngayon ang nang-stolen shots sa mga campus tapos gagawing meme tapos cacaption-an ka pa ng “Boom Banges”. Sakit sa heart!
  13. 'Pag sinabi ng prof n'yo na pwede nang mag-take down ng notes. Ibig sabihin nun, pwede n'yo nang picturan 'yung white board. Logic lang 'yan mehn!
  14. Sa college, better than absent than late. Kasi pag-iinitan ka lang ng mga prof n'yo whole discussion kung late ka. Bawi ka nalang next meeting. 
  15. Good luck and Study hard!

hindi ako pinagpapansin ng crush ko sa office kanina tangina ano na naman ba ginawa ko pota. pero ang alam ko lang ayaw niyo ako mag resign eh tapos hindi daw ba ako nabibigla sa mga ginagawa ko. kahapon kasi absent ako sa office kasi may nilakad ako ganon tapos kinausap niya yung isa sa close ko. pwede mo naman kasi ako kausapin about sa resignation ko, ititigil ko haha harot. deh basta para kang timang??? aayaw naman ako basta pigilian mo lang ako haha joks. bale ayun, lately para lang kaming hangin sa isa’t isa. naks wala na ba? ayaw mo na ba? kasi ako, gusto ko pa ge bahala ka na muna. 

ps: tho ramdam ko na umiiwas ka kasi sabi mo last time naguguluhan ka. kupal naman pota.

anonymous asked:

Tatin & Cyrus ficlet please. Yung mga panahong maayos pa sila. Gusto ko sanang makita yung difference ng dynamics ng TinRus sa Bayrus. Haha. Thank you! :))

Hi, anon!

Pagsasamahin ko yung dalawang request for Cytin sa post na ‘to. I accidentally deleted the other one huhuhu stupid me

Gagawa ulit ako ng ficlet about this, don’t worrry!

**

 Ever since Grade 6, uso na sa barkada nila ang dibs pagdating sa crushes. Bawal na magkaron ng crush sa lalaki kapag may nakapag-dibs nang iba sa barkada. So far wala pa naman silang pinag-aawayang lalaki (well, muntikan na nilang pag-awayan ni Fel si Wes noong Grade 6. But in the end they decided na hindi worth it pag-aawayan ang lalaki. He clearly liked someone else).

When Cyrus Casabueno came into their lives, si Ria agad ang unang nag-dibs sa kanya.

Matagal nang attracted si Ria sa mga chinito at matatangkad kaya hindi niya pinalagpas si Cyrus. Pumanig pa ata sa kanya ang swerte nang pinaupo ng adviser nila ang bagong transferee sa harapan niya. Siya ang kauna-unahang bumati at nagpakilala kay Cyrus, her patented way for making dibs. Tuwang-tuwa siya na walang pakialam si Tatin sa gwapong katabi nito. After all, alam niyang hindi type ni Tatin ang tulad ni Cyrus.

So she did everything to make Cyrus notice her. Lagi niya itong kinakausap sa loob at labas ng klase,. Ilang beses din siyang nagvolunteeer na maging partner nito sa kung anu-anong activities. At first okay lang kay Cyrus, kaso after four activities, he politely declined her offers. Kung anu-ano pa ang ginawa niyang tactics para makuha ang loob ni Cyrus pero laging palpak.

Sabi ni Chass baka raw bading si Cyrus Casabueno.

Sabi ni Fel baka raw focused lang talaga sa studies at basketball si Cyrus kaya hindi interested sa kanya.

Tatin didn’t say anything. Lagi namang ganun ang kaibigan, hindi nakikialam sa mga love-related stuff. Kahit siya ang pinakamaganda at pinakasikat sa kanilang apat, walang pakialam si Tatin sa mga manliligaw. Kuntento na ito sa mga crush niya.

One August morning, nagulat na lang si Ria nang makita niyang bumaba sina Cyrus at Tatin sa iisang tricycle. Agad namang nagpaliwanag sa kanya ang kaibigan. Last tricycle na raw sa village nila at no choice na magsabay silang dalawa para hindi malate. Tinanggap naman ni Ria ‘yon at nagpakwento kay Tatin ng tungkol sa biyahe nila. Hindi naman siya nagsasalita eh, sagot sa kanya ni Tatin. Sobrang tahimik niya.

A week later, pinili ni Cyrus si Tatin na maging partner nito sa assignment nila sa Business Math. Double kill kay Ria ‘yon. Absent kasi si Tatin that day at nagtataka siya kung bakit of all classmates, si Tatin pa ang pinili ni Cyrus.

I.. really don’t know, sagot sa kanya ni Tatin the next day pagkapasok nito. I was surprised na dumaan siya kagabi sa bahay para ibigay yung assignment. I’m sorry, Ria. Pwede namang magpalit na lang ako ng partner. I’ll explain to him na lang.

Nahiya naman siya kaya pinilit niya si Tatin na wag na kausapin si Cyrus. Okay na sa kanya na ang kaibigan ang maging kapartner nito kesa sa iba nilang kaklase.

After that, unti-unti niyang napansin ang pagbabago nina Cyrus at Tatin (as if she had a choice, they were sitting right in front of her). Madalas na silang nag-uusap, napapatawa ni Cyrus si Tatin (this was the biggest surprise of all. Mahirap patawanin si Kristina de Asis!) at natutong kumain ng kwek-kwek ang kaibigan niya. Mas naging masiyahin ito, mas approachable at mas carefree. Ibang-iba mula sa kaibigan nilang si Kristina de Asis na hindi kumakain at galit sa mga magulang niyang kakadivorce lang.

Alam ni Ria na dapat masaya siya para kay Tatin. Who wouldn’t be happy for their friend’s happiness, right?

Kaso, come October, after matalo ni Tatin sa muse competition, nagkaalaman na.

Inamin ni Tatin ang real score sa kanila ni Cyrus. Na ever since June ay halos lagi silang magkasabay umuwi (‘di sinasadya nung una pero eventually naging routine na nila). Na kapag ‘di siya sumasabay sa barkada ay si Cyrus ang kasama niya, kumakain ng kwek-kwek sa stand malapit sa bahay nila. Na madalas silang magkachat ni Cyrus sa Yahoo! Messenger. Na just last month, umamin si Cyrus sa kanya na may gusto na siya kay Tatin.

Na mahal na ni Tatin si Cyrus.

Na plano nang sagutin ni Tatin si Cyrus sa October 28.

Masaya sina Chass at Fel para kay Tatin, nagyakapan pa nga ang tatlo after ng confession ng kaibigan. Si Ria ang huling nakiyakap, unti-unti pa niyang tinatanggap ang lahat ng sinabi ni Tatin. Her friend smiled at her sadly, muttering endless I’m sorry, Ria. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa’yo ‘yon. Sana hindi ka galit sa’kin. Sa’min ni Cyrus. I’m really really sorry.

Again, who wouldn’t be happy for their friend’s happiness, right?

Nakangiti niyang sinagot si Tatin. Na kesyo wala lang sa kanya ‘yon, na hindi na niya crush si Cyrus at matagal na siyang nakamove on dahil ang masungit naman ang lalaki. Na masaya siya kasi finally, Tats! May boyfriend ka na! Head cheerleader na lang then okay na ang high school life goals mo!

But deep inside? She felt betrayed. Sure, hindi niya mahal si Cyrus. Simpleng crush lang naman ang meron siya. Pero siya ang naunang nag-dibs! It was their rule! Wala lang ba kay Tatin ‘yon? Ang pagkakaibigan nila?

Porke hindi niya mahal si Cyrus at mahal ni Tatin si Cyrus babalewalain na lang ang rule na ‘yon?

Hoes before bros, ‘di ba?

Masaya siya para sa dalawa, kaso masakit. Ano ba naman ‘yung magsabi na may something pala sa kanilang dalawa? Hindi siya ganung katalino pero nakakaintindi naman siya. Hindi siya ganung katanga.

Official couple na sina Cyrus at Tatin pagbalik nila galing sembreak. Ang dating apat sa table ay naging lima na. At first awkward sa kanilang tatlo (mostly on hers and Tatin’s) pero naayos naman kahit paano. Natutunan din niyang makisama sa dalawa at natanggap na niyang na sila na.

Pero that didn’t mean naniniwala siyang magtatagal ang dalawa.

Binigyan niya ng five months na taning ang dalawa para magbreak. Bawat away nilang dalawa ay nagbibigay siya ng medyo maling advices para mas lalo pang mag-away ang dalawa. Minsan effective ang ginagawa niya, kaso nagkakaayos naman agad ang dalawa. Kabado siya na mapansin nina Chass at Fel ang tactics niya pero ginagawa niya pa rin. Naniniwala kasi siya na hindi naman seryoso sina Cyrus at Tatin. First year high school tapos seryosong boyfriend? Wala namang ganun, ‘di ba?

Pero mali siya.

Ang five months na taning ay umabot ng eight months.. one year.. pero wala pa rin.

Matibay pa rin sina Cyrus at Tatin.

Hindi niya maintindihan kung bakit nakaabot ng isang taon ang dalawa. Magkaiba naman sila ng personality! Tahimik si Cyrus, sobrang daldal ni Tatin kapag kinausap mo. Sporty si Cyrus, hanggang cheerleading lang ang kaya ni Tatin. Matakaw si Cyrus, ayaw kumain ni Tatin. Sa halos lahat ng bagay magkaiba sila..

Pero bakit nakakatagal sila? Bakit natitiis nila ang isa’t isa? Ilang taon lang ba sila, 15 years old? Eh bakit parang old married couple ang asta nila?

Her question was answered one day habang kumakain sila sa canteen.

Wala silang mahanap na upuan sa canteen, kasabay kasi nila ng break ang elementary students. May practice sila ng cheer squad in 15 minutes, pero kailangan nilang makakain ng kahit anong light snacks para ‘di himatayin (as per Tatin’s orders). Binabantayan nila ang isang table nang biglang mag-offer si Cyrus na siya na lang ang bibili ng snacks nila. Sinabi nilang tatlo ang ipapabili nila nang mapatingin si Ria kay Tatin.

Then she noticed it.

Wala namang sinabi si Tatin kay Cyrus. In fact, nagtitigan lang sila saglit. Pwede naman silang mag-usap, magkakarinigan naman sila.

But they opted to just stare at each other.

Ah okay, got it, sabi ni Cyrus after ng saglit na titigan nila at pumunta na sa tindahan. Minutes later bumalik ito dala ang pinapabili nila at isang ensaymada at apple juice para kay Tatin. Hindi niya maintindihan kung anong nangyari, pero tuwang-tuwa si Tatin sa binili ni Cyrus para sa kanya.

That bothered her a lot. Anong meron sa dalawa? At kelan pa naging mind reader si Cyrus?

Since that day she observed them. At doon niya napansin ang mga bagay na hindi niya nakita dati.

They can communicate about a million things in a single exchange of looks. Tipong kapag tahimik sa classroom, magtitinginan lang sila at bigla na lang matatawa. Kapag magkagalit sila, mapapangiti na ng isang tinginan ang isa’t isa. Lagi rin sila nag-uusap, inaayos kagaad ang mga away. At may sarili silang buhay out of their relationship.

They treat each other not just lovers, but also as each other’s best friends.

Cyrus and Tatin reminded her of her parents.. before her mother died of breast cancer five years ago. Ultimate relationship goal niya na makahanap ng lalaki na tulad ng daddy niya. Na mamahalin din siya kagaya ng pagmamahal nito sa mommy niya. Dati hindi niya maintindihan kung bakit nagkaayos agad ang mga magulang niya kapag nag-aaway sila. Na sa isang tinginan lang nagkakaintindihan na. Na bigla lang silang tatawa kahit walang dapat tawanan.

Ngayon alam na niya.

At hiyang-hiya siya sa pinaggagawa niya para lalong mag-away ang dalawa.

Paano niya kinayang gawin ‘yon kina Cyrus at Tatin? She was blinded by her bitterness and pain. Hindi niya nakita kung paano nag-improve ang dalawa dahil lagi niyang hinahanapan ng mga mali ito. Hindi niya nakita kung gaano nila kamahal ang isa’t isa dahil lagi niyang iniisip na hindi magtatagal ang dalawa.

 Siguro nga, wala sa edad ang true love. Siguro nga, kaya ng mga batang tulad nila na magmahal sa sarili nilang paraan. Siguro nga, kakayanin nina Cyrus at Tatin hanggang dulo.

Right after her realization, pinuntahan niya si Tatin at inamin lahat ng ginawa niya. She couldn’t help but ugly cry in front of her friend, begging for forgiveness. Pati si Tatin naiyak sa mga inamin niya at pinatawad naman siya nito.

Nakakainis, mahal mo talaga si Cyrus, ano?

Ngumiti si Tatin. Bagay na bagay sa kaibigan niya ang ganung ngiti. Nakakainis, oo. Akalain mo ‘yun, sinungitan ko lang nung first day tapos..

TL ka na sa kanya, ano?

No choice eh. I mean, I’ll always choose this no matter what.

Para silang tanga sa kakaiyak-tawa nila.