aba matinde

Pagdating ko sa bahay.
  • Me:'My, magrerent nalang ako ng bahay sa QC, nakakapagod magbyahe araw araw.
  • Mom:Ikaw ha, baka naman may kalive-in ka na?!
  • Me:Kalive in agad? Diba pwedeng gusto lang maging independent?
  • Mom:Tumigil ka.
Lola version 3.0
  • DATI:Tapos ka na maligo?! parang winisik mo lang! Nakakapit pa mga dumi sa katawan mo! pati pagligo kinakatamaran! bla bla bla
  • NGAYON:Pooy! ano ba ginagawa mo jan? tagal mo matapos maligo, aksaya ka naman sa ilaw tsaka tubig! wag ka na lang lumabas jan bla bla bla
Nang dahil sa loom bands.

Napakalandi nung pamangkin kong grade 6. Nagpapabili ng dalawang loom bands bracelet sa mommy niya tapos ibibigay ‘yung isa sa crush nya kastress!
Pero wag ako mag-inaso grade 2 lang humarot harot na rin ako hihi :))