a-photo-a-day

9

Day 2: May 25, 2017

• Nagising ako ng ganito ang view sa labas. Thank you talaga kanila nanay (hindi namin kaano ano) na nagpatuloy sa amin ng isang araw. Wala silang supply ng tubig pero ok lang talaga tapos alam mo yung bahay sa nga bukid? ganun tinulugan namin. At sobrang saya promise kasi kakaibang experience lalo na nung nagkapaltos yung kamay ko dahil sa kakahatak ko ng lubid sa balon para makakuha lang ng tubig pangligo.
• Sinimulan namin ang araw ng paglalakad para manguha ng mangga. Tinatanong ko si nanay kung saan yung kuhaan sabi niya malapit na pero halos 1 and ½ kami naglakad tapos maputik pa hahaha. Ang dami ring treasure sa paligid lol hahahaah.
• 2 plastic bag ang binitbit ko shet para lang sa mga mangga na ‘to.
• Hapon na kami nakapunta sa Tondol Beach at hindi na ako nagrash guard kasi wala namang araw pero nagkamali ako dahil biglang umaraw ayan sun burn tuloy.
• Katamad lumangoy kaya sa buhangin nalang muna.
• Ang lakas magtopless eh buto buto naman.
• Katakot yung ulan pero okay lang naman kasi kalmado naman yung dagat at masyadong malaki ang alon di tulad sa Patar.
• Ang mema ng sand castle huhuhu.
• Hi Patrick! lol ang dami niyo at nakakalat pa kayo.

flickr

18 :: 365 by Hello Twiggs