WhereToEat

6

TIMMY’S PARES & MAMI

Located at Brgy. Tenejero, Balanga City, Bataan. Tapat ng Tenejero Elementary School

So yun kumain kami kanina sa Timmy’s. Maganda yung mga review sa kanila. Madalas rin nasasama to sa mga must try na kainan na pinopost ng mga pages sa lugar namin, mostly by students who were looking for affordable lunch and foods. And sabi nila mama masarap daw yung pares nila so we decided na dito na nga magdinner.

Maliit lang yung lugar nila pero puno. As you can see, yung walls nila ay parang nagsilbing freedom wall ng mga customers, yung iba nagtatanong sa wall kung di daw ba sila magbbranch out sa MNL, kung di ba sila mag eextend ng place para mas marami pang ma-accommodate. So as you can see konti lang yung nasa menu nila tho rest assured na masarap siya. We ordered Sizzling Beef Pares. 85 pesos pero sulit. Masarap yung peres nila, medyo sweet na maasim na idk hahaha di ko actually maexplain kasi first time ko ata kumain ng pares, tho yung tito ko sabi kalasa daw nung favorite na kinakainan niya ng pares sa Espanya pag naluwas siya. Maarte sa pagkain yun pero nasarapan siya. Umorder rin sila ng Dumpling and it’s good. Di ko lang napicturan.

The place was very relaxing, kahit along the road is napakaganda nung vibe, then yung mga nagseserve rin are very nice. May mga nakakainan kasi kami na medyo bastos yung mga nagseserve tho dito ay napaka chill nila. Closing na sila and natapos narin sila maglinis pero sila mama tuloy parin sa kwentuhan kaya di sila totally makapag close pero tinapatan pa nila ng electric fan kasi mainit yung panahon ngayon. And lagi silang nakangiti which is mas nakakapagpa good vibes sa Timmy’s.

ScienTea’s Cafe

So kanina we decided na magtry sa ibang kainan and here we tried ScienTea’s Cafe.

Located siya sa Abucay, Bataan. Few blocks away from Petron.

Science lab. yung theme ng cafe, and they offer diff. games din, like Jenga, Uno, and marami pa mga beshycake. So yun umorder na kami hahaha.

We tried Soy Chicken- 100 php. Crispy siya actually, di masyadong malasa pero kung irerate 3/5 stars. Not bad pero di rin siya yung tipong babalik balikan mo.

Then susunod yung Glazed Pork- 65 php. It’s actually nice. Goodthing sa kanila is sulit yung serving nila.Sweet siya pero sakto lang naman  yung sweetness. Medyo nasobrahan lang yung garnish pero ayos naman. 4/5 stars.

Kung drinks naman yung usapan, di sila papahuli. Yun yung pinaka pinupuntahan dito. Theny have a lot to offer naman. So yung  inorder ko is yung Experiments- 115 php . Pipili ka kung anong tea yung gagamitin: Black Tea, Green Tea, Fruit Tea. Then next is yung Syrup, marami silang inooffer na flavor like Vanilla, Butterscotch, Mocha, Ovaltine, Blueberry, Kiwi, Strawberry, Watermelon and etc. Then yung parang effects na, I chose Popping Boba.

Then there’s  the Popping Boba, Black Tea, then Butterscotch Syrup. You’re suppose to mix it with the base. Akala ko nung una Sago lang yung nasa first testube, yun pala para siyang may balot na pag kinagat mo, magpapop yung liquid sa loob ng bibig mo, parang nagmemelt. 4/5 stars.

Then my friend ordered Coffee Caramel. This idk kung magkano and how it tasted sorry haha.

Here are the other pictures that I’ve taken…

All in all I’ll rate it 3.5/5. The place is cozy, friendly yung mga staffs and etc. Its a good place to hang out with friends. And sulit yung bayad sa servings nila.Yung mga food nila nagrerange lang rin sa 50-250 php.