Truetolife

Gahh, been there, done that…. I could not even imagine having that long hair again…. Just brushing it, takes a good arm muscles and time.
Noelle: just want to grab a pair scissors sometimes and cut it 😥💇
#bjd #balljointeddolls #doll #dolls #marchenwaltz #resindolls #resin #abjd #toycrewbuddies #toyartistry #truetolife #photostory #vd_photostory #vd_Noelle

Made with Instagram
Maniwala ka man o hindi, nangyari ito.

February 11-12 2011.

Feb 11 - UIC JS PROMENADE, sa hapon nung araw na ito, okay pa kami ng Papa ko, sinabihan niya pa ako na ang ganda ko daw sa gown ko. Nagpasalamat ako at binigyan ko siya ng halik, ngunit may sinabi siyang gumambala skin buong hapon, “Pero wag kang maging masyadong masaya anak, dahil sa oras na malaman ko na may tinatago ka sakin na di ko gusto, pananagutan mo ang lahat ng ito.”

Between 4pm nagpunta ako sa mall, nagpapastudio… My bf was there, he gave me 3 roses and a box of ferrero rocher, that made me smile. He gave me a kiss then he left.

6pm, the prom is about to start, nasa loob na lahat ng students and timing may nagtext!! Pag basa ko, message ni Papa “Potang ina kang bata ka! Sinabihan kita na ayaw kitang magkasyota kasi ayaw kong matulad ka sa ate mo! Bullshit ka! Pupuntahan kita jan! Susunugin kita! Letse ka!” — this text, ruined my last prom. And it ruined my whole life! 

7pm to 1am, the show must go on, nakaiyak ako pero after nun, in-enjoy ko nalang ang prom kasi alam ko na ang mga masasamang mangyayari pag uwi ko sa bahay. inisip ko nalang na mabubugbog lang din naman ako, edi dapat magpakasaya na ako ngayon! Pero, di parin yun sapat kasi ang pinakamahirap na feeling sa mundo ay mag pretend na masaya ka, kahit hindi naman talaga.

FEB 12. 1am onwards .. Na shock ako dahil sinundo ako ng lahat ng Kuya, ate at pinsan ko, may mga bodyguards pa, convoy kami pauwi 3 sasakyan, para bang may a-ambush sakin -.- Kinuha nila lahat ng mga gamit ko, alahas, cellphone at pinadelete nila ang # nung syota ko. Di na ako nagtaka. Binigay ko nalang. At habang nasa sasakyan, nag-umpisa na ang sobrang takot ko.

Nasa bahay na, pinuntahan ko agad si Papa. Kasi yun ang sinabi nila Kuya. Pag pasok ko pa lang sa kwarto niya, tinapunan niya kaagad ako ng remote, at natamaan ang kamay ko, nasugatan yun, ewan ko din kung bakit, susuntukin sana ako ni Papa, pero lumapit ang Kuya ko at sinabi niyang “Wag pa. Wag ka nang ganyan”. Sa lahat ng Kuya ko, si Kuya Arjonel lang talaga ang may lakas ng loob na samahan at ipagtanggol ako kay papa nung mga oras na yun. Pero mas nagalit lang si Papa at sinabihan siyang WAG MAKIALAM. Dinala ako ng papa ko, at hinampas sa kama. Naumod ako at bumangon ulit, ipinakita niya sakin ang picture namin ng ex ko, ipinakain niya sakin ang papel. Sinapak na naman niya ako, at MADAMI pang sapakan ang nangyari, di na ako makapagsalita at di na ako makagalaw, nag nu-numb na ang katawan ko, tila ba immune na ito mula sa mga sapak, sampal at suntok ng papa ko tuwing tinatanong nya ako at di ako sumasagot. 

Tinanong niya ako, kung sino ba raw ang gusto kong mabuhay, ako o yung syota ko. (Kasi nga, ang pananaw niya kapag may syota ka, nagsex na kaagad kayo) Kumuha siya ng baril, kinasa niya, at ang sagot ko ay “Ako na lang pa, kasi di porket syota ko siya ay ginalaw niya na ako. Wala din namang ginawang masama sakin yung tao”. Tinutok niya sakin ang baril, tinignan ko ang mata niya, pulang-pula. Natatakot na ako. Pero tinapon niya ang baril at binatukan ako! Nauntog ako sa pinto ng cr nila dun. Binuhat na naman niya ako, inihampas sa kama at sinampal. 

Tila napagod na siya sa kakasampal, kakasapak at kakasuntok sakin, kaya umupo siya, habang ako, tulala, ayokong umiyak, pero di ko mapigilan ang luha, ipinakuha niya lahat ng cellphones ko, at yung laptop ko. At sinabi niyang “isang taon ko daw yun di makukuha”. Nagpatimpla siya ng kape kay Kuya, at nung dumating na ang kape, nagtanong siya sakin. “Ano ba talaga ang gusto mo Kim? Ang mag-aral at matapos, o ang magkasyota at manglandi nang di nakakatapos?!” Sinagot ko siya ng “Mag-aral” tapos sumigaw siya “Mag-aral?! Tpos ngayon pa lang lumalandi ka na? Bullshit ka!” At binuhos niya lahat nung mainit na kape sa mukha ko. Pinalabas niya ako sa kwarto at inalalayan ako ng Kuya ko, sa labas ko pa naramdaman ang pagkahilo at panghihina ko, dun na din ako nakahagulgol ng sobra2x. Noon, magkatabi kami ng kwarto ni Papa pero nung araw na yun, pinaalis na din niya ako sa kwarto ko at pinalipat sa kabilang bahay at ipinashare ng kwarto sa mayordoma namin.

4am, Ginamot ako nila kuya arj and atejet, binigyan ng damit at pinaligo. Pinahiram ni Kuya Arj ang phone niya sakin para kahit ngayong araw lang man matawagan ko ang ex ko at masabi ko sa kanya ang lahat ng pangyayari. yun nga tinawagan ko siya, di pala siya natulog kasi kinakabahan na din siya sa mga pangyayari, alam niyang mangyayari na ang mga ganun sakin. Tinanong ko siya kung gusto niya pa bang ipatuloy ang relasyong yun, kasi kung ipapatuloy pa, baka ikamatay niya kasi, ipapapatay siya ng papa ko. Sinagot niya ako nang “Pipiliin ko pang mamatay, kaysa mawala ka sa buhay ko”. Tinandaan ko ang mga katagang yan, at yun natapos ang pag-uusap namin. Natulog ako at nang …

9am, ginising ako ng stepmom ko, dahil nasa labas daw si papa ng kwarto, at gusto niyang magbihis ako dahil gusto niya na magpunta ako sa mall at ipakita ko sa mga tao ang mukha ko na puro sugat! Sabi ko na ayoko. At parang narinig ito ni Papa kaya sumigaw siya na “Kung di yan aalis, ako mismo ang guguyod sa kanya papunta sa mall kahit di pa yan nakaligo at nakabihis!” . No choice, kaya yun naligo ako at nagpunta nga kami sa mall.

11am nasa mall na kami, lakad at lakad, di ko nalang pinansin ang mga taong nakakakita sa akin. Pero may biglang lumapit at hinagkan ako ang sabi “Star, anong nangyari sayo? :( ” Ang nagsabi ng mga katagang ito ay si Kate Santamarina, di ako makapagsalita kasi andyan ang stepmom ko at mga bodyguard namin nakatingin, kaya nagsmile lang ako sa kanya at hi-nug siya. May isa na naman akong kaibigan na nakita, si Axel Josol nagtanong din siya kung anong nagyari skin, same lang ang ginawa ko sa kanya sa gnawa ko kay Kate. At sinabi niya na andito din raw ang ex ko sa mall.

12pm nag yogo kami, sa cafe na yan, glass ang walls, kaya kung may dadaan makikita ko, at yun nga nakita ko ang ex ko, nakita niya din ako pero yumuko lang ako.

2pm, nag punta kami sa ticket booth ng sinehan. Sa tabi niyan ay bar, may billiards at inuman. Nakita ko ang ex ko, may nilapitan na babae, magkatabi sila, magkausap. Di ko lang siya pinansin kasi akala ko friend lang yun.

6pm, umuwi na kami.

Feb 15 - May klase, umagang-umaga lang pupunta na sana ako sa skwelahan, nang walang baon and all. Nakita ko ang Papa ko na may hawal na cup, umiinom ng kape, ayokong lumapit sa knya kasi may trauma na ako, baka itapon na naman niya sakin yung kape, lumapit ako sa kanya. At nag bless, pero umiwas siya at ang sabi “Wag na wag ka nang mamano sakin, kasi simula ngayon di na kita anak”. Ouch ha, pero umalis lang ako at pilit na pinipigilan ang luha ko.

Pagdating ko sa school, sinalubong ako ng COF, binigyan ng hug, at inasikaso ang pagkain, at lahat ng kailangan ko sa school. Pinahiram ako ng phone ni Loraine, tinawagan ko yung ex ko at nagtanong ako sa kanya kung sno yung kasama niya na babae, sabi niya kaibigan lang daw nila.

NANIWALA DIN AKO. 

=======================================================

Lumipas ang mga araw, lumabas din ang katotohanan na hindi sila magkaibigan, nag date sila nung araw na yun. Hindi ko maisip kung bakit ang gago ng ex ko na yun, nalaman niya na nga na binugbog ako ng papa ko dahil IPINAGLABAN ko siya, pero nagawa niya parin akong pagtaksilan kahit na ganun ang nangyari. Nag usap pa kami na ipapatuloy namin ang relasyon na yun, kahit na ikakamatay niya siya pa ang nagsabi. Pero ganun din pala ang gagawin niya. Umabot kami ng isang taon ng syota ko na yun, isang taon ng pagtago, isang taon ng pangloloko, isang taon ng pagiging martyr ko, at isang taon ng pagpapakatanga ko sa isang lalaking walang ibang ginawa kundi gaguhin ako.

Madami pa siyang nagawang panloloko sakin kahit na ipinaglaban ko siya sa papa ko. Kahit na ipinaglaban ko ang pag-ibig ko sa kanya kesa sa pag-ibig ko sa papa ko. Pero yun siya, nakikipaglandian sa ibang babae, at ginagago ako.Currently, he’s happy with his life, yung feeling na parang wala lang nangyari, patuloy parin siyang nakikipaglandian sa iba’t-ibang babae. Ohwell, diyan naman siya magaling. Good luck nalang sa mga babaeng magagago niya in the future.

Nakamove-on na ako sa ex ko na yun. 6months na kaming break sa kasalukuyan. Ang hindi ko lang talaga kayang imove-forward ay yung trauma na binigay sakin ng Papa ko, kasi hanggang ngayon takot pa din ako sa kape, baril at act ng parang pagsampal. Nakakaiyak parin ako tuwing naaalala ko yung mga masasakit na kataga na ibinanat niya sakin. At higit sa lahat yung mga sapak, at sampal, na sasobrang sakit di ko na maramdaman.

Okay na kami ng Papa ko now. Pero kahit sabihin mong ok na kami, ang trust para yang sugat, maghihilom man pero may balat parin na mananatili. Okay na kami, pero hindi ko na mababalik yung ibang klaseng bonding namin dati.

Greatest Lesson I’ve Learned? ” Never give your whole love to someone who’s not giving even a single shit for you”. & “Always follow your parent’s decision, for they may not always know what’s gonna happen, but they know what’s best for you.”