Sulat-Kamay

Sulat Kamay

Gusto kong magsulat dahil gusto ko. Walang ibang pumilit sa akin na gawin ko ‘to. Kahit pigilan nila ako dahil hindi ko raw kaya at wala akong alam, gusto ko pa rin ang pagsusulat. 

– Wangwang (Pusit Massacre)

Gusto ko ring magsulat. Pero, kailan nga ba ako nagsimulang magsulat?

Mula noong bata ako, ang abilidad ko na sa pagguhit ang laging napapansin. Mula noong kinder/prep/elementary pa ako, laging karugtong na ng pangalan ko ang mga salitang “magaling mag-drawing yan”. Totoo, siguro masasabi kong ang pagguhit talaga ang “first love” ko. Noon, halos araw-araw siguro nagdo-drawing ako. Naging takbuhan nga ako noon ng mga klasmeyt kong gustong magpadrawing, maging nung ilan kong mga teacher.

Nagpatuloy ang ganung kalakaran pagdating ko sa high school, lalo pa noon na Drafting ang pinili kong shop. Doon mas minahal ko ang sining ng pagguhit at pagpipinta. Nag-apply pa nga ako noong artist sa school publication. Akala ko, magdo-drawing lang talaga ako, pero di ko mawari (naks!), nahikayat akong magsulat. Siguro kasi, writers ang posisyon ng mga kaklase ko noon, kaya sinubukan ko na rin. Nagpasa ako noon ng short stories at feature article sa wikang ingles. At ayos naman ang kinalabasan. Nagustuhan ng dalawa kong teacher sa pagkakatanda ko. Kaso, yung dalawa kong short stories e di napublish dahil sa isang istoryang kinuha naman sa net (bitter). Iyon na siguro ang simula. 

Di ko akalaing ang nasimulan e magpapatuloy. Sinubukan ko noon mag-apply bilang artist sa student publication, pagpasok ko sa kolehiyo. At natanggap naman. Artist ako, at kini-claim ko naman hanggang sa ngayon. Pero, sa nilagi ko sa publikasyon, mas naging manunulat ako. Mas ginusto kong sumulat. Ewan ko ba, pero ang lakas ng loob kong sumulat. 

“Sulat Kamay”, yan ang isa sa mga isinulat ni Wangwang. Ang totoo, malaki talaga ang naitulong ni Wangwang sa akin at sa kagustuhan kong sumulat. Pakiramdam ko noon e di ko kaya, hindi ako marunong sumulat lalo pa’t ang kurso ko naman e hindi nakalinya sa pagsusulat. Pero, gora lang! Lumakas lalo ang loob ko na magsulat at magsulat pa nang nalaman ko na hindi ako nag-iisa at hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganung mga bagay. Sabi nga ni Wangwang noon, dapat pala kami ang magba-buddy, kasi naisip niya rin yung mga iyon dati. Kaya siguro naisulat niya ang mga pananalitang iyon sa itaas. Walang makakapigil sa kaniyang pagsusulat. Walang makapipigil sa gusto niyang gawin.

Gusto kong sumulat. Gustong-gusto ko. Bagaman, hindi pa rin nawawala sa akin na isipin na hindi ako magaling na manunulat, gusto ko pa ring sumulat. Sabi nga ni Wangwang (kakatext niya lang), huwag daw akong bibitiw, kaya ko to. At, yeys, kaya ko nga to. Tulad niya, natagpuan ko rin ang pagsusulat bilang isang mabuting kaibigan. O baka mas astig sabihing, ang pagsusulat ang nakatagpo sa akin.

Napaka-inactive ko na rito. Pasensya na sa mga hindi ko pa nafa-follow back at hindi ko narereplyan. Naging busy rin kasi.

Hindi, pakshit din kasi ‘tong mga nangyayari at nararamdaman ko. Napakagulo. Masaya tapos mamaya hindi na. Nahihinto kasi ang saya ko sa ngayon. Lalo na kapag may naiisip akong isang bagay na dating masayang alalahanin. Ang hirap nga rin naman kasing maging masaya kahit hindi naman dapat. Aayos din 'to. Sana!

Dami kong alam. 'Ge! Tulog na ulit ako. Pasensya na ulit sa inyo. Kapag medyo lumuwag ang sched. Babawi ako.

Isang binata ang nagustuhan,
Hinangad na kanyang maging kaibigan,
Nagulat na lang isang araw,
Tinanong mo ako kung pwede bang manligaw.

Ilang linggo ang nagdaan,
Lumalim ang pagmamahalan,
Umabot ng isang buwan,
Sinagot din ng agaran.

Minahal kita ng lubusan,
Sayo’y sobra ring nasaktan,
Inaming pinagpustahan,
Di matanggap ang katotohanan.

Masaklap na buhay pag-ibig,
Palaging aking bukambibig,
Bakit ba hindi makalimutan,
Ang masalimuot kong nakaraan.

Hindi na ako makapaghintay na makauwi upang ika'y makita. Kahit isang sulyap o isang tingin lang sa iyong imaheng matagal ko ng hindi nakita. Sana mayakap kita ng mahigpit kahit sandali lang. Kahit sa huling pagkakataon bago ako muling bumalik sa bagong mundong aking binubuo.

Sana ika'y aking makita.

Kay sarap isipin kung paano nagsimula ang lahat noon, kung paano tayo nagkakilala at kung saan tayo unang nagkita. Hindi naman masamang balikan ang nakaraan kahit alam kong mag-isa na lang akong umaalala sa mga ito at kahit na alam kong kaakibat nito ang sakit na mararamdaman sa aking puso.

Napakasayang balikan ang unang pangyayaring ginawa nating magkasama, ngunit nakakalungkot dahil alam kong hindi na mauulit. Nasayang ang mga panahong iginugugol ko para lang mahintay ang mga sandaling ikaw ay muling makasama.

Oo. Alam kong marami akong naging pagkakamali at pagkukulang sa'yo, pero sapat na ba ‘yun para ipagpalit mo ako? Minsan ba sumabit sa kokote mo kung ano ang nakikita ko sa hinaharap para sa ating dalawa o kung ano ang mga plano ko para sa atin? Siguro nga’t hindi. Alam ko rin na maraming beses na tayo nagkakatalo, pero mas marami namang beses na tayo'y nagkakasundo. Kung kaya’t hindi ko mawari kung bakit mo ito nagawa.

Wari ko lang naman sa'yo ay huwag mong baligtarin ang kuwentong iyong ginawa sa relasyong ngayo'y gago.

7

Happy New Year everyone. Pagpasensyahan niyo na po ang aking sulat kamay Hahaha :) Ito ulet ang mga tao na nasa following ko.  They always inspire me to keep moving forward and just write what you feel ♥ Awww :) Sana makita ito ng lahat na nandyan hahaha :* Thankyou and God Bless.