Lito-Lapid

In Defense of Lito Lapid

Words by Lourd de Veyra

Art by War Espejo

Hindi ako nang-aasar pag sinabi kong idol ko si Lito Lapid.

Seryoso ako: idol na idol ko si Lito Lapid nung ako’y bata pa. Kung hindi ka lumaki sa probinsiya nung 1980s, hindi mo ito maiintindihan. Halos umiyak ako ng dugo at naglupasay sa harap ng nanay ko nung ayaw niya akong dalhin sa sine para manood ng Geronimo, ang pelikula kung saan siya gumanap na Indian (“Indian” as in Native American a.k.a. Indian Pana as opposed to “Bumbay”). Kung paano nagkaroon ng mga Indian at mga cowboy sa Pilipinas ayon sa pelikula, huwag niyo na akong tanungin—akala ko talaga noon ay may tribo ng mga Indian sa Pilipinas.


Hindi ko na rin masyadong maalala yung kwento. Pero ang tumatak talaga sa akin ay yung eksena na nakikipag-paluan siya ng palakol sa ibabaw ng isang net na naka-stretch sa dalawang magkatapat na dulo ng bangin. Wasak yun. Ang lalim pa ng bangin. At siguradong walang daya dahil hindi pa naman uso ang mga special effects dati. Pero ang taas nung pinaglalabanan nila na pag napunit o nabutas ang net, alam mong hindi sila mabubuhay pag nahulog sila sa putanginang bangin. Hayop din yung theme song (“Geronimo… Sikapin mooooo….”) na parang opera tenor pa ang kumanta.

Continue reading»

Not my Senator.

"Wala akong magagawa kung ipinanganak ako nang mahirap, anak ng labandera, eh. Hindi ako nakapag-aral dahil sa kahirapan. Ewan ko ang ibang tao, baka nag-aral sila, baka naiinsulto pag ganon na hindi sila natapos. Eh ako, tinanggap ko talagang ganito. Anak lang ako ng labandera."

- Senator Lito Lapid’s defense on his inability to participate in debates due to his faulty English.

Look, I agree that a politician doesn’t need to be fluent in English to effectively serve his people but for Senator Lapid to use ad misericordiam (appeal to pity) in order to excuse himself in not making an effort to at least learn basic English is really ridiculous. Pacquiao did it in Congress. You can do it too, Mr. Lapid.

It’s not about a poor boy (Lapid is fvcking rich now, okay) being bullied by rich-well-educated elitists. It’s about a Senator who can’t make a simple effort of adapting and participating in the senate and just accepted the fact that he is “incompetent”.

Asked how he conveys his support (or lack of it) for the RH Bill, Lapid replied:

"Kung minsan nagtatanong naman ako nang pabulong sa kanila (Sen. Santiago and Cayetano), eh." 

Naman. Daanin sa sunglasses?


youtube

Magic horse,

No revolver reloads,

Super hangtime,

Philippine classic 

Lito Lapid

Hahaha!

youtube

(Lito Lapid will KICK YOUR ASS!)

JULIO-VALIENTE! JULIO-VALIENTE! (LSS. LOL)

Feel-good.

GGV! (April 14, 2013)

8:30PM PO ANG GGV TONIGHT!!!

Abangan…

Ang paliligo… este ang kabog na opening number ni Vice with the G-force.

Ang pakikipag harutan at ang horse back riding ni Vice with Sen. Lito Lapid. Kasama narin ang cutiepie  niyang si Jhong Hilario.

At ang pasilip sa music video ng newest single ni Vice na KARAKARAKA!

At alamin kung sino ang maswerteng napili para sa Wish Upon A Horse!

Spend your Sunday night right, spend it with Vice!!!

youtube
"High School lang ang naabot ko"

Sa pagsisimula ng mga debate sa senado ukol sa pagsusulong ng Reproductive Health (RH) Bill, biglang kumambiyo si Senador Lito Lapid. Hindi raw niya kayang makipagsabayan sa matalim at banyagang dila ni Senadora Miriam Defensor-Santiago, pangunahing tagapagsulong ng RH Bill sa senado. Dagdag pa niya, “pasensiya na lamang dahil High School lamang ang natapos niya.”

.

Bahagya akong nainis sa tinuran niya. Hindi ko nagustuhan ang hindi katanggap-tanggap na dahilan ng senador kung bakit hindi siya natuto sa wikang ingles. Tingnan na lamang natin si Manny Pacquiao, congressman ng kaisa-isang distrito sa Saranggani. Isa ako sa mga tumatawa sa baluktot niyang ingles nung mga panahong nagsisimula pa lamang siya sa kanyang karera. Ngunit ngayon, bunga ng pagsasanay at pag-aaral, nakikipagsabayan na siya sa iba sa inglisan, bagaman minsan palyado pa rin.

.

Totoong hindi dapat gawing batayan ang “educational attainment” sa mga kwalipikasyon sa pagiging mambabatas o sa kahit ano pa mang posisyon sa gobyerno. May dahilan ang mga may-akda ng konstitusyon sa paniniwalang ito. Ngunit aminin natin na may mga kakayahang kailangan upang magawa nang maayos ang mga trabahong hinihingi ng pagiging public servant. Matagal na si Lapid sa posisyon niya. Bata pa lang ata ako nasa pulitika na siya, hindi ko matandaan ang eksakto pero batid kong matagal na siya rito. Dapat pinagyabong niya ang sarili sa pamamagitan ng pag-aaral. Hindi kailangan ng diploma. Ang kailangan ng tao ay inisyatibo na pagtibayin ang sarili upang lalo pang matugunan ang pangangailangan ng masang kailangan alayan ng serbisyo.

.

Hindi ito usapin kung anong wika ang dapat gamitin sa debate tungkol sa RH Bill. Ingles man o Filipino, walang kaso basta’t matutuloy ang debate at maiaangat ang tunay na sentimiyento ng may ayaw o pabor sa panukalang batas. Dahil sa mga ganitong mga usapin, naaantala ang pag-usad ng mga proseso at sa huli tayo ay talo.

.

Matuto na sana tayo. 

twins, triplets, FOURPLETS!

Lito Lapid is living proof that we need sex education in this country. He asked Sen. Pia Cayetano if cleft lips were caused by pregnant women tripping because some people say so. During the debate he insinuated that people might just use condoms as plastic balloons. Naglolokohan ba tayo? 

What’s worse is that he even said that our lands stretch out far and wide so maybe we can relocate our squatters. Subukan mo kayang tumira sa bundok na malayo sa kabihasnan!

Haay naku! Thank you sa mga bumoto kay Lito Lapid, you wasted a seat in the Senate dahil sa senador ninyong tinawag na FOURPLETS and quadruplets. 

Lito Lapid's vote: A high school graduate judges the Chief Justice

Kasamahan kong senador-judge, prosecution, at depensa; sa ating mga kababayang nanunuod at nakikinig sa TV at radyo. Magandang hapon po sa inyong lahat.

Alam niyo po, wala naman akong speech dito, wala po akong dala. Ang mga kasamahan ko dito, pag pinasok sa isip nila, dadalhin sa bibig at maganda na ang sasabihin.

Bilang high school graduate po, sa isip marahil ng ating mga kababayan: “Anong sasabihin ni Lito Lapid na hindi marunong mag-inggles, na hindi maalam sa batas? Ano kaya ang kanyang magiging desisyon?”

Didisisyunan po ang Katas-taasang Hukom na isang high school graduate lang at taga probinsya ng Pampanga.

Napakinggan ko po ang depensa. Siguro purihin po natin ang depensa, napakagaling nila sa mga nakaintindi ng abugasya. Purihin rin po natin ang prosecution, sa paghanap ng ebidensiya, nakinig po ako sa bawat ebisensiyang inihain nila dito. Lalung lalo na kay Cong. Fariñas. Iyon pong prinisenta niya kahapon dito, para sa akin po, malinaw na malinaw na na si CJ Corona ay lumabag sa batas.

Siya mismo inamin niya na may $2.4 million at P80 million na bank account. Yun po siguro hindi na kasinungalin yun, yun po ay totoo na.

Nagpiprisinta po ako dito hindi bilang abugasya. Hindi po ako pwedeng magsalita ng Republic Act dahil hindi maniniwala ang tao sa akin. Hindi po ako nagmamarunong dito. Ang ginagamit ko lang po konsensya. Ako ay representate ng masa na hindi nakapag-aral, hindi marunong mag-inggles, na walang alam sa batas.

Noon pong nagsasalita si Chief Justice Corona, nagsusumbong sa taumbayan, awang-awa po ako sa kanya. Akala ko totoo ang sinasabi niya. Hindi pala.

Mas pinaniwalaan ko po si Cong. Farinas nung nag-Powerpoint dito. Ngayon ang sinasabi niya, isang pizza pie, hindi totoo yan na may 82 akong account. Siguro kung ako ho, ang pagbabasehan ko ay: Kung isandaang basong tubig nailagay sa apat na drum lang ang kanyang account…

Naawa po ako sa kanya dahil naiintindihan ko po kung anong damdamin niya at sa kanyang pamilya. Naranasan ko rin po yan.

At sana sa pagkakataong ito, pasasalamatan ko siya dahil nung pangalawa kong panalo bilang senador, sa kanya ako nanumpa bilang senador.

Pasensiya na po. Pasensiya na po. Ang hatol ko sa inyo, guilty.

youtube

The only reason why Chuck Norris is still alive because this guy allows him to live.