Kowts

Baka kasi hindi talaga tayo?

Baka kasi pinapaglaruan lang tayo ng tadhana?
baka kasi pinaparanas lang sa atin yung sarap ng pagmamahal, pero may sarap ba talaga sa pagmamahal kung tayo ang nagsasama?
baka kasi, pinipilit lang natin? baka naman kasi nakalaan tayo sa iba?
baka kasi pinipilit lang natin na maging tayo kahit na yung tadhana ayaw na sa atin?

Hindi kaya hanggang dito lang tayo?

Ang sakit sakit na kasi eh,
at alam ko nasasaktan na din kita.
hindi ko alam sa kung anong paraan pero, alam ko at ramdam ko na ayaw mo na.

Itigil na lang kaya natin to?
itigil na kaya natin to?
Sumuko na kaya tayo?

Sabi ko sa sarili ko minsan, gusto ko na. gusto ko nang tumigil sayo.
Pero dumadating yung punto na, lumalakas yung pintig ng puso ko at iibigin nanaman kita.

Pero sa tuwing nagaaway tayo, at hindi nagkakaintindihan, pumapasok sa isip ko na wakasan nalang natin ang lahat lahat.

Siguro, hayaan nalang natin ang panahon na magpatila ng ating katiting na nararamdaman para sa isa’t isa.
malay naman natin kasi… tayo pala, sadyang pagsubok lang ang mga ito diba?

BAKA KASI TAYO NAMAN TALAGA?
Sadyang malupit lang ang pagsubok para sa atin?

Baka kasi, TAYO NAMAN TALAGA?
Sadyang madami lang problema ang dumadating.

Baka kasi, nagugugluhan lang tayo dahil sa dami naman ng nakapaligid na pagsubok na pilit tayong pinaglalayo at tinatapos ang kung anong mayroon sa atin diba?

Siguro, kailangan lang maging malakas.
Siguro, kailangan lang maging matatag.

Baka kasi yung “hindi tayo talaga” nakuha lang ng mga isip natin dahil sa hirap ng pinagdadaanan natin? baka kasi, pinagtagpo na tayo pero sinusubok lang tayo.

—  Ang gulo mo kasi, Tadhana