Gwapo

Gusto ko yung lalaking gwapo pero kengkoy. 

May mga lalaki kasi na porket gwapo, ubod na ng yabang. Mga lalaking feeling chix pa nga lalo na sa Facebook. Update nang update ng status at post nang post ng pictures tapos mga pakunwaring pa-humble pa pero halata namang feel na feel. Bawat minuto mukha nila ang makikita mo sa mga social media na para bang ganoon na lang nila kamahal ang mukha nila. Sa totoo lang hindi yun nakaka-attract, nakakainis yun. Nakakainis ang mga gwapong mahangin. 

Mas okay yung gwapo pero kengkoy. Hindi masyadong outspoken sa kagwapuhan niya. Kapag nagbiro siyang gwapo siya, alam mo at ramdam mong nagbibiro lang talaga siya; yung bang matatawa ka na lang kaysa mainis ka. Tapos imbis na puro pagpapa-cute at pagpapagwapo ang gawin niya, paminsan-minsan nag-wa-wacky din siya. Wacky pero cute pa rin siyang tignan. Hindi pilit, hindi sadya, natural lang! Willing din siya mag babakla-baklaan kasi hindi siya nahihiyang mag mukhang tanga. Tipong loko-loko pero maayos pa rin. Hindi yung loko-lokong bastos at walang modo. Dahil sa totoo lang kung talagang gwapong lalaki ka, hindi mo kailangang ma-conscious lagi sa itsura mo gaya nang karamihan sa mga babae, lalong lalo na hindi mo kailangang ipagsigawan sa buong mundo na gwapo ka at marami ka nang babaeng napaiyak.