Facts-About-Girls

Pakipot. Gusto niyan nilalambing, kaya madalas nang-aaway o di kaya'y nagpapapansin. Ang mga babae kasi, sila yung mahirap i-pinta. Para kasi silang abstract, yun bang magulong tignan pero maganda pa rin.

Mabilis mainis. Ayaw ng binababaan ng phone bigla. Ayaw ng nire-replyan ng “?” o ng “K.” Ayaw n'yan ng tinitinipid sila, ‘pag ganun kasi iisipin n'yan na ayaw siyang kausap. 'Pag sinabi niyan sayo na “Sige, ituloy mo nalang 'yang ginagawa mo”, ibig sabihin nun ihinto mo muna 'yang ginagawa mo at kausapin mo siya. 

Maalalahanin. Kapag alam niyang galit ka o naiinis ka, automatic na kakausapin ka n'yan. Hindi 'yan titigil hangga’t hindi kayo nagkakaayos. Kaya huwag mong iooff 'yung phone mo, tatawag 'yan dahil nag-aalala siya.

Gusto sinusuyo. Kapag galit siya, suyuin mo. Kailangan mong babaan ang pride mo dahil malamang, magkakaroon ng World War III kung hahayaan mo lang na gan'yan lang ang mangyari sa inyo. Kapag nagtanong ka kung ano ang problema niya at sinabi niyang “wala”, huwag kang magsasabi ng “okay”. Tanungin mo siya ulit, dahil ayaw nila ng madaling kausap, mas gusto nila 'yung kinukulit sila.

Matampuhin. Kapag binabaan ka n'yan ng phone, gumawa ka ng  paraan para makausap mo siya, 'wag mong papaabutin ng umaga 'yan na wala kang ginagawa, dahil iisipin niyan na she’s not worth your time. 

Kapag binigyan ka niyan ng oras, 'wag mo sayangin.