Bagyong-Sendong-2011

Bagyong Sendong

Sendong yung pangalan ng bagyo di ba?

Naalala ko nung binalita sa 24 Oras na darating sa bansa ang bagyo pagdating ng mga sunday o monday. Sa Mindanao daw tatama yung bagyo. Nung oras na yun, naisip ko na baka hindi naman masyadong malala yung bagyo. Akala ko nga, dadaan lang siya sa bansa natin. Ngayon ko lang narealize na grabe pala talaga yung mga winasak ng bagyong yun. Kaya pala nung linggo sa Party Pilipinas, nagpatelethon sila at nung nagsimba ako kagabi, nabanggit ng pari na sana ay maging okey na yung mga naapektuhan ng bagyo.

Nung nakita ko kanina sa dash ko yung picture ng lalaki (tatay ata siya) kasama ang dalawang bata, halos maluha na ko nun. Siguro maiisip niyong ang OA ko pero nakakalungkot lang kasi. Magpopost pa naman ako kung gaano ako kasaya kahapon tapos ang makikita ko sa dash ko ay ganun agad. Nakakalungkot lang talaga kasi hindi nila maabutan ang Pasko. Kung kelan magpapasko pa, saka sila nawala. Feeling ko nga, ang swerte ko pa kasi kahit hindi kami kumpleto ngayon (nasa abroad si papa), okey na rin yun atleast buhay pa kaming lahat.

Sayang. Nakakalungkot talaga. Naapektuhan talaga ako dun sa picture na yun. Nireblog ko pa nga yun eh. Kaya sa lahat ng magsasabi na malungkot ka dahil sa SMP o wala kang BF/GF ngayong Pasko, sana isipin mo muna na mas malungkot kapag ang pamilya mo na talaga ang hindi mo kasama ngayong Pasko.