@walang ginawa

Bumababa ang tingin ng tao sa sarili niya kapag nalalaman niyang pinagpalit siya sa iba. Hindi niya kasi maiiwasan ikumpara ang sarili niya sa mga taong pinili kaya rin sila nagiging malungkot. Yung akala kasi nilang best nila, mafi-feel nilang wala lang kasi hindi ka lang nakuntento.

Sa dami ng problemang pinagdaanan niya ay napili ka pa rin niyang pagsilbihan at sa dami ng doubts niya sa paligid ay natutunan ka pa rin niyang mahalin. Tapos iiwanan mo? Sa tingin mo ba magiging masaya ka kung alam mong may tao kang sinaktan? Masyado niyong pinapabayaan yung mga taong seryoso sa inyo. Palibhasa hindi niyo pinaghihirapan kaya wala lang sa inyo kung mawala. Sana i-consider niyo lahat ng efforts niya bago niya ito ipakita o ibigay sa ‘yo. Pinag ipunan, pinagharapan at yung oras na nilaan. Sana magseryoso na kayo, hindi biro bumangon ulit kapag sobrang nasaktan. Hindi singdali nang pang-iiwan niyo sa mga taong walang ginawa kundi intindihin ang kasiyahan niyo.

Pagod ka na.

Pagod ka ng umintindi sa mga kadramahan ko. Pagod ka ng umintindi sa pagiging paranoid ko na baka mawala ka sakin at magkaroon ka ng iba. Pagod ka ng marinig ang mga nakakarinding sumbat galing sakin kapag nagpapaulan ka, kapag nagiging matigas ang ulo mo. Pagod ka na, kaya parang pakiramdam mo hindi na sapat ang mahal mo ko. Pagod ka ng sumuyo tuwing magaaway tayo. Pagod ka na sa isang katulad kong hindi sapat para sayo. Pagod ka ng masaktan tuwing nagaaway tayo at nagkakasakitan. Pagod ka ng umiyak. Pagod ka na sa isang babaeng walang ginawa kundi magpakatotoo at mahalin ka lang. Pagod ka na. 

hindi ka ba naawa sa sarili mo? paulit ulit kang nasasaktan nandahil lamang sa isang taong walang ginawa kundi paasahin ang ikaw. hindi ba dapat kailangan mo nang kumawala mula sa pagpapaikot niya sayo at gumising sa katotohanan na walang patutunguhan ang inaalok mong pag-ibig sa kanya. magising ka na mula sa iyong masayang panaginip at harapin ang masalimuot na realidad na kahit kelan ay hindi magkakaroon ng salitang ‘’kayo’’ sa bokabolaryo ng mundo nyo. 

Some types of blogger

At dahil nag-silipana ang mga blogger ngayon, hindi lamang sa Tumblr kundi sa iba pang free hosting sites, may iba’t ibang uri ang mga blogger. Alamin mo kung ano ka sa mga sumusunod:

1.) THE HUGOT BLOGGER

Walang ibang ginawa kundi humugot ng humugot ng humugot. Pati brip na nakasampay sa bakuran ng kapitbahay ay hindi makakaligtas sa mapanghusga nyang mga mata. Walang ginawa kundi bigyang kahulugan ang mga bagay-bagay na walang kamuwang-muwang.  Sila yung mga blogger na madalas na “one-liner” at niloko ng mga mahal sa buhay. Hindi naman masamang humugot, pero bumaon din naman minsan.

2.) THE RE-BLOGGER

Sila yung mga blogger na madalas mong makitang active sa dash. They more often to reblog than to blog. Sila din yung mga magaling mag-appreciate ng bagay dahil like lang, re-blog na kaagad pero minsan, nakaka bismud dahil nakaka spam sila sa dash.

3.) THE PORN BLOGGER.

They love porn to the moon and back! May pagka aswang sila dahil kadalasan ay lumalabas sila tuwing gabi. Mag-ingat ka sa mga ‘to dahil once na na-i-scroll mo ito at nasa likod ang nanay mo , magdasal ka na. Oh well, sabi nga nila, “A true blogger is a porn immune.”

4.) THE PERSONAL BLOGGER

Sila yung mga blogger na gustong-gustong i-share ang mga nangyayari sa buhay nya. Like kung anong lasa ng mocha frappuccino sa starbucks, kung gaano ka-gwapo/ka-ganda ang crush nya, kung ilan ang pusa nila sas bahay at kung ano ano pa. May mga blogger na masarap sila - i mean masarap silang mag-kwento kung anong nangyari sa kanilang araw.

5.) THE KATIPUNERO BLOGGER

Sila yung mga blogger na walang alam kundi lumandi sa Tumblr. My god, sila yung kadalasan na blogger na mabait sa’yo, caring sa’yo, nagmamalasakit sa’yo, lagi kang tini-TA jusko, nilalandi ka lang pala. Sila yung mga patunay na kapag may blog ka, malandi ka. MAKATIpunero. 

6.) THE HATER BLOGGER

Sila ang lupon ng masasamang kalbo. They love to hate in anonymous way. Sila yung mga pinaglihi sa balut. Balut na bulok. Pinaglihi sa sama ng loob. Walang ibang ginawa kundi manira at mamintas ng kapwa blogger. They will be like “Oy, ampanget ng blog mo.” Like potangina lang po koya ha, kung ayaw nyo dun sa blog, feel free to unfollow, 

7.) THE INSTA BLOGGER

Themesong nila ang kanta ni Justine Bieber na “Love Yourself”. They love themselves. Sila yung mga blogger na puro GPOY, picture ng pagkain at tourist spot ang laman ng blog nila.

8.) THE LONG POST MAKER BLOGGER

Ditong blog madalas masarap tumambay. They love to compose long post blogs. Minsan hugot, minsan random stuff, minsan article. Though hindi mo mawawala yung fact na minsan, nakakatamad basahin.

9.) THE KOMIKERO BLOGGER

Sila yung mga blogger na inaabagan mo mag-post. Yung tipong, hindi buo ang araw mo kung hindi ka mapapadaan sa blog nila. Mapapa headbang ka kasi kakatawa when you make basa on their blogs. Sila rin yung mga blogger na maraming admirers dahil sa sense of humor na taglay nila.

10.) THE FAMOUS BLOGGER

Sila yung mga blogger na nasa spotlights. Naghihimutok ang notes at sumisigaw ng “Mainggit ka please” sa sobrang dami. Kadalasan, sila yung mga good-looking, gwapings o gwapa. Pero meron din na blogger na famous dahil sa way ng pagba-blog nila. 


BOTTOMLINE: Kapag nandito ka sa Tumblr, matik na isa kang blogger. Sabi nga nila, Tumblr is the easiest way to have a blog. Sign-up ka lang and post o re-blog ka lang and tada! May blog ka na! Huwag kang paapekto sa mga nagsasabing “eto ang tumblr noon” “kesyo noon kesyo ngayon”. In the end of the day, blogger ka pa rin. 

So, ikaw? anong type ka ng blogger? 

Few minutes of pleasure or a lifetime of pain?


Wala kang hiya, bukod doon, wala ka pang sense of commitment at respeto sa partner mo. Alam mo kung anong meron ka? Libog! Eh mahal mo pala partner mo? Bakit mo niloloko! Isa kang ga**! Bakit mo lolokohin at sasaktan ang taong walang ibang ginawa kundi mahalin ka at maging mabuti sa'yo? If you’re claiming that you love this person, think again. Maybe, not really. A real man never hurts a woman. Gigil si acuh! Gusto kitang sikuhin, tadyakan, konyatan, patahin sa ginawa mo. Pinasok mo na yan. You have to face the consequences of your decisions and actions.


Love is about making sacrifices. Yung tipong kahit maraming babaeng nakahubad sa harap mo at nag-aaya sayo, kahit alam mong masasarapan ka, pipiliin mo pa rin ang tama. If you truly love and respect your partner, being loyal, faithful and committed is easy. That’s true love. Kahit alam mong masarap, doon ka pa rin sa hirap. Ang tukso nakakaloko yan, papaniwalain kang masarap. Ang hindi mo alam nawawala na yung bagay na tunay na mahalaga sayo - your character.


Aanhin mo ang tagumpay kung hindi mo kasama yung taong pinag-aalayan mo ng tagumpay mo? What is success to you? Yun ba ung magandang career? Or yun ba yung may maganda kang pagkatao?

Hindi ko alam kung pano natitiis nung mga tatay/nanay yung fact na wala sa tabi nila yung anak nila. Na natitiis nila na hindi nila nakikita ng ilang araw, buwan at yung iba nga taon. Pano nila nagagawa yun no? Ako kasi wala pa kong 24 hours na nawala sa bahay, siya at siya agad hinanap ko. Paki batukan naman yung tatay nito oh, walang ginawa kundi mag inom eh, ni kamusta sa anak niya hindi niya magawa. Kyaahhh pengeng pang gatas at diaper, aanak anak ka tapos di mo mapanindigan. Gago

“KELAN KA BA MAG-AASAWA?”

SCENE: Nasa family reunion ka. Wala ka naman talagang balak umattend dun pero sa ngalan ng madaming madaming pagkain, nagpunta ka pa rin. Saktong dadamputin mo na yung paborito mong crispy fried chicken sa harapan mo nang biglang lumapit yung kamag-anak mo na walang ginawa kundi pakialam ang buhay ng may buhay tapos bigla kang tatanungin,

“Uy. Kelan ka mag-aasawa? Napag-iiwanan ka na ng mga pinsan mo.” 

Ok lang naman para sa’yo na sagutin yung tanong pero everytime na magkikita kayo, yun palagi yung bukambibig niya na parang nililitis ka at niyuyurakan pakatao mo.

Tapos lahat sila nakaabang sa sagot mo.


And you be like,

Kase, pagod na pagod ka ng mag-explain. Gusto mo sana silang pagtatampalin ng breaded fried chicken sa pagmumukha pero pinigilan mo na lang ang sarili mo dahil pinalaki ka ng mga magulang mo na may takot at respeto… sa fried chicken. And sayang yung breading.

Pero deep-inside, you just want to slay them like,

1. “Pag hindi na po kayo pakielamero.”

2. “Eh kayo? Bakit ang tagal niyo ng panget?”

3. “Masamang espiritu lumayas ka sa katawan ng baboy na ito!”

4.  “Wow. Makapagtanong parang ang saya ng buhay may-asawa niya. Kumusta yung kabet?

5. “Excuse me. I don’t wanna end up like you.”

6. “Kapag umamin na yung mister mo na may kabit siya.”

7. “Kapag napatay ko na lahat ng chismosa sa mundo.”

8. “Try ko mamaya ha. Ako na mag-aadjust. Nakakahiya naman sa inyong lahat!”

9. “Saka niyo na lang ako tanungin ulit pag perfect na yung marriage niyo.”

10.  “Baket? Hindi ka naman imbitado ah.”

11. “Tapos ano. Magiging miserable din buhay ko katulad mo? Wag na uy.”

12.  "When it’s legal for everyone to get married. Charoot!”

13. “Libing niyo muna. Sukob kapag this year din eh.”

Pero siyempre joke lang yan. At dahil mabait kang bata,

Pakyu with class na lang.

Dedmahin na lang yung mga taong walang ginawa kundi i-pressure at bigyan ka ng sandamakmak na negativity sa buhay. Ang mahalaga, masaya ka sa buhay na meron ka. Hindi man kasing saya at perpekto ng sa kanila pero “Pake ba nila di ba? Kanya-kanyang trip lang yan.” Hindi porket yun ang makakapagpasaya sa iba ay yun na din ang makakapagpasaya sa’yo. Di tayo obligadong gawin ang mga bagay na ‘hindi pa’ o hindi natin gusto.

The art of Dedma. 

Dahil sa nanay kong fragile, natuto akong mawalan ng pake sa mga tao. Seryoso. Ang saya saya mawalan ng pake sa mga pukenanginang mga taong walang ginawa kundi mamplastik. Tangina kawawa sa inyo pows. Pero yun nga, hinayaan ko na sila sa mga buhay nila.. Basta ako dito, chill af. 

BUKAS PA-’PAK GANERN’ ANG MGA TALA

Unconditional Love? Wala kong panahon sa ganyan. Ang kailangan ko ngayon, air-conditional love. 70 deg C lang naman ang heat index dito sa Qatar na parang tinutunaw ang kalahati ng pagkatao ko kapag nagtatrabaho ako sa field. Para kang pandesal sa loob ng oven, ganyan. Akyat dito, takbo dun, tawag sa radyo, mega-update sa control room kung anong nangyayari sa labas. Ang lakas ko maka-action star sa sobrang hassle ng trabaho ko. Yung tipong tumutulo na sa mata yung mga pawis ko sa noo kaya halos di na ako makamulat sa sobrang hapdi. Palaging nag-rereunion yung luha at pawis ko na parang tuwang-tuwa pa sila habang napapa-tangina na ko sa sobrang pagod. Basang-basa lagi yung cover-all na suot ko. Sa buong 12-hours shift, nakakadalawang palit ako ng damit at brip na pwedeng-pwede mong pigain tapos isasampal mo sa pagmumukha ng kung sinong haharang sa daan mo at magtatanong sa’yo kung ‘okay ka lang’. Tapos may mga oras pa na pagod na pagod ka na nga sa trabaho pero papagalitan ka pa ng boss mong walang ginawa kundi magpalamig lang sa loob ng opisina. O yung tipong makakapagpahinga ka na din sa wakas, kauupo mo lang tapos ready ka ng kamutin yung betlogs mo dahil yun na lang yung tanging stress-reliever mo pero tatawagan ka ulit sa radyo dahil may kailangan na namang gawin sa field. Bukod pa dun yung kailangan mo pang pakisamahan yung mga katrabaho mong puro ibang lahi na hindi mo maintindihan yung ugali. Stress Level: Sagad. Tapos para sa ibang tao, ang bilis lang para sa kanilang isipin na madali lang kumita ng pera dito sa abroad dahil lang sa nagpicture ka na namasyal ka sa mall nung day-off mo. 

Kung tutuusin pwede ko ‘tong ipadala kay Ate Charo para sa next episode ng MMK kaya lang mas gusto kong mag-inarte na lang dito sa blog ko para mas damang-dama ko. Baka sabihan niya lang ako ng, “Ginusto mo yan eh!! So shut-up ka na lang.“ 

Hindi lang iisang beses na sinabi ko sa sarili ko na, “Tangina. Ayoko na. Uwi na lang ako.” Every duty ata yan ang pamatay na linya ko. Yet andito pa din ako, under the same scenario. Pero alam mo yun, sa kabila ng lahat ng hirap na nararanasan ko dito, napapangiti na lang ako minsan kapag naiisip kong dito ko mas natutunang pahalagahan ang mga maliliit na detalye sa paligid ko, na noon binabalewala ko lang. Kung gaano kasarap ng malamig na tubig sa dispenser lalo na kapag pawis na pawis ka, yung mainit na kape na taga-gising ko kapag night duty, yung malambot kong unan na amoy panis na laway, kung gaano kasarap gumising ng walang tumutunog na alarm clock, yung random na pagmention sa'kin ng mga kaibigan ko kapag may nakakatawang videos sa fb, mga simpleng chat galing sa taong mahal ko, maikling skype call galing sa inay at tatay bago ako pumasok sa trabaho, at yung bilang na bilang na mga oras na kasama ko sila kapag nagbabakasyon ako ng ‘Pinas.

Siguro, meron talagang mga bagay na kailangan mong gawin kahit ayaw mo. Mga bagay na kailangan mong gustuhin at piliin dahil yun ang kailangan at yun ang mas dapat. At dahil dun, mo mas mararamdaman na buhay ka. 

Hindi man ako palaging masaya dahil palaging ‘may hirap’, ~*atleast*~ atleast nagagawa ko pa ding ngumiti sa mga simpleng bagay na meron ako ngayon. At sapat na siguro ang lahat ng ‘to para masabi ko sa sarili kong, “Hoooh! Bukas ulit!” with so much feels.

#ProudOFW

IPIS

Yan ang tawag sa mga egyptian dito sa dubai. Ipis kasi malalaki daw ang katawan pero maliit ang utak. Pero di naman lahat malalai talaga ang katawan pero maliliit talaga ang kanilang utak. Kung ang mga pilipino ay utak talangka, sinisiraan ang iba para bumagsak. Ang mga egyptian naman ay nagtutulungan at inaangat ang isat isa. Yun ang maganda sa kanila kasi naghihilahan sila pataas.

Nagtatrabaho ako sa isang resto dito sa dubai. Egyptian ang manager ko, egyptian din ang chef. Nung una ay dalawa lang sila pero di nagtagal ay naging 4 na ang chef. Burger ang product namin kaya sa tingin ko ay di naman na need ng chef para lang magluto at magdress ng burger. Yung mga chef dito ay walang ibang ginawa kundi mag utos. Donkey kasi ang tingin nila sa mga pinoy, my tali sa leeg. Palagi silang tama. Puro “i know” ang sasabihin nila pag iko correct mo sa kanilang ginagawa. Palagi silang nagmamarunong at alam lahat kahit di naman. Pag sila nagkamali ay ok lang. Pero pag ikaw ang mali ay galit na galit na sika. Di ka din makakapag reason out sa kanila. Di ka pwedeng mag explain ng side mo kasi palagi lang sila dapat ang pakikinggan mo. Ok lang sana kung palagi silang tama, kaso hindi.

Kung alam ko lang na ganitong klase ng tao ang mga egyptian eh di sana di ko na tinanggap ang trabahong ito. Di sa pagmamayabang pero graduate ako ng i.t at passer ako sa civil service exam. Ibinaba ko na nga ang sarili ko sa company na to pero di ko na ibaba ang sarili ko sa kanila.

Malapit na matapos ang buwan, puro problema pa rin. Last year ganito din. Sumuko na ko sa buhay nung nakaraang taon, napabayaan ko yung sarili ko, walang ginawa kundi umiyak, mag-isip ng kung ano-ano. Pero ngayon, kahit may problema at may dumadagdag pa, laban lang ng laban. Kahit nakakapagod, konting hinga lang, sugod na ulit. Kahit nakakawalang gana, minsan kailangan talagang ipilit. Kahit walang wala na talaga, hanapan ng rason para di na tumigil.


Ayoko na matulad yung dati. Ayoko nang maawa sa sarili ko ng paulit-ulit. Ayoko na maging malungkot kada minuto, kada araw, yung kahit anong gawin tatawa lang saglit tapos babalik na naman sa lungkot. Yung tulog lang yung pahinga mo sa mga problema pero minsan sinusundan ka pa rin sa panaginip.


Oo minsan parang ang sarap bumitaw. Para lang matapos na lahat. Pero hindi kasi ganun kadali ngayon. Mas marami na kong rason para kumapit pa. Konting tiis lang naman, alam ko matatapos din lahat to.


May susunod pang taon. At kung naging matatag ako ngayon, sa susunod alam kong magiging mas matatag pa ko. Kaya bawal sumuko, bawal magdalawang-isip. Kapit lang hangga’t kaya pa.

anonymous asked:

Good for you. Ako kasi nakapalibot sa mga taong walang ginawa kundi ang sabihin na layuan siya kasi hindi daw dapat pinagkakatiwalaan ang mga taong nakikilala thru net 🙁

Hmmm, napuntahan kana ba niya? Nagkita naba kayo? Hindi naman lahat ng tao na makikilala thru net ay hindi katiwa tiwala, yun nga lang pipiliin talaga kung sino ang pagkakatiwalaan. Prove them wrong po, ipakita niyong dalawa na mali ang iniisip nila. :) Msg mo ko daliii kwentuhan tayo.

Hanggang dito na lang ba?

baka pwede pang umandar tayo ng kahit kaunti, tipong konting tulak pa at baka magawan pa natin to ng paraan diba? Ayokong tumigil ng hanggang dito lang, yung bang walang ginawa dahil alam na wala na talaga. Gusto ko sa huling tulak, alam kong may ginawa ako, may ginawa akong paraan para lang maapandar pa to, ayokong magpakatanga sa bandang huli lalo na nung ika’y tumigil at napagod na kakatulak.

Baka Sakaling Huling Habilin

‘Pag sumapit ang pagkakataong marinig nyo ang pangalan ko sa isang balita, ikalat nyo ito. Dahil ang buhay ko ay wala pa sa pito.

Mura nga lang e, wala pang isang libo.


Sinaksak, binaril o pinuno ng tape ang mukha

Iisa lang ang paksa.

Oo, talo na ako sa sinasabi ng masa.

Baka nga nagkamali ako.

Hindi na ako lalabas ng gabi, pangako.

Pero gusto kong malaman nyo, namatay akong nanalo.


Oo. Runner ako. Tumakbo ako nung makita ko kayong papalapit.

Oh diba, parang sa patalim lang ako kumakapit?

Wala naman ako ginawa.

Ngunit may ginawa kayong walang awa.


Pusher rin ako. Sapagkat, tinulak ko kayo papalayo.

Pero “wag kang papalag” ang nasambit na payo.

Hatak nyo ako hanggang kanto.

Pero teka, pag usapan natin to. May exam pa ako.


Ginamit ko kayo sa habilin na ito. User siguro ako.

Wala akong magagawa,

nagbabasakali lang na baka ito na pagwawakas.


Ako'y nanlaban, kaya ako'y tinokhang. Kaya kung ako sainyo, wag nyo akong tularan.

              Noong una kitang nasilayan, noong una kong napagmasdan ang kislap ng iyong mata, noong una kitang isinilid dito sa aking puso, isa lang ang tanong na tumakbo sa utak ko “bakit ka naman ba iibig sa boring na taong tulad ko?” na walang ginawa kung hindi humawak ng pluma at papel. Isang taong takot na isigaw ang pagkatao. Lumaki akong ikinukulong ang bawat pangungusap sa aking lalamunan. Hinahayaan kong ang aking mga kamay ang kumilos upang ito ang magtatatak para marinig ng iba.

             Hindi kita kayang ibili ng isang bouquet ng rosas katulad ng iba, pero handa akong mag-alay ng isang buong dangwa ng mabubulaklak na salita. Sabay tayong magtatayo ng hardin kung saan tayo magtatanim ng ating mga pangako. Hindi kita kayang bigyan ng tsokolate sa Valentines pero handa akong ipatikim sa iyo ang tamis ng ideya ng pag-ibig, hayaan mong magkasama nating timplahin ang linamnam na kukurot sa ating mga panlasa. Wala man akong teddy bear na maibibigay ngunit ihahandog ko sa'yo ng buo ang aking sarili nang walang itinatago. Lulunurin kita sa init ng aking yakap. Bubuo tayo ng apoy. Lilikha tayo ng lagablab. Palawakin natin ang alab ng pagmamahalan

             Iuukit kita sa aking isipan gamit ang mga parilala at talinhaga. Sabay nating hanapin ang ating mga sarili sa misteryo ng buhay. Ipagtatayo kita ng simbahan, maghihintay ako sa altar at magkahawak kamay tayong lilipad sa kalangitan. Kaya hayaan mo akong mahalin ka. Bigyan mo sana ako ng pagkakataon. Sana. Kung ayos lang.

Bakit hindi nalang kasi tayo…


Ako naman kasi yung laging andyan para sayo diba. Lahat naman gingawa ko mapasaya ka lang. Ako naman yung taong hindi hindi marunong sumuko. Ako, hindi kita sasaktan kahit nasasaktan ako ng dahil sayo. Hindi kita ipagpapalita kahit na sino pa ang dumating na bago sa buhay ko. Ako hindi kita iiwan kahit na iniwan kana nila lahat. Hinding hindi ako mapapagod sayo kahit na ang daming dahilan para mapagod sayo. Ganun naman siguro pag mahal mo ang isang tao diba? Gagawin mo lahat para sa kanya. Kahit minsan nagmumukha ka ng tanga. Lahat naman ginagawa ko sayo, kahit minsan nababalewala mo lang mga effort ko sayo. Kahit madalas nag mumukha na akong tanga sa mga ginagawa ko para sayo, hindi parin ako tumitigil. Pero bakit parang kulang parin? Ganun kana ba talaga ka manhid? Bakit hindi mo maramdaman kung gaano kita kamahal? Bakit hindi mo maramdaman na nasasaktan mo na ako? Bakit hindi mo ako makita kahit na ang lapit lapit ko na sayo? Pwede bang wag mo ng hanapin yung mga taong iniwan ka lang, yung mga taong wala naman sa tabi mo, yung mga taong sinasaktan ka lang? Hindi ba pwedeng kahit minsan maramdaman at makita mo naman ako? Kasi, ako ginagawa ko lahat para lang mapansin at makita mo ako, lahat ginagawa ko para lang maramdaman mo na may isang taong nagmamahal at hindi sumuko sayo, pero bakit ganun, bakit hindi parin sapat? Ang problema kasi sayo naghahanap ka sa mga taong walang ginawa kundi saktan ka lang. Samantalang ako heto walang ginawa kundi mahalin ka pero nasasaktan mo parin ako ng hindi mo namamalayan. Bakit kailangan mo pa parihapan ang sarili nating dalawa, kung sanang ako nalang ang minahal mo hindi ka sana masasaktan, hindi rin sana ako nasasaktan ng ganito ngayon. Pero kasi ang labo mo e, mahal mo ang isang taong hindi ka mahal at sinasaktan ka lang at ang tanga ko naman kasi mahal ko yung taong hindi ako mahal at may mahal ng iba. Lahat na ginagawa ko para sayo kahit wala akong nakukuhang kapalit, pero sana minsan matuto ka namang makaramdam sa mga taong nasa paligid mo. Hindi habang buhay may magtiya-tiyaga, magpapakatanga at magmamahal sayo kagaya ng ginagawa ko para sayo. Lahat ng taong may hangganan, lahat ng tao napapagod, pero minsan darating din sa point na mapapagod kana kasi wala ng natira sayo.

Nainlove ako sa lalaking walang ginawa kundi bwisitin ako.

Nakakainis. Nakakainis sya. Hindi ko nga lang kung bakit ako nainlove sa mokong na yun! Wala syang ginawa kundi asarin ako. Naiirita na nga ako sa mga ginagawa nya sakin e. Iritang-irita na. Kaya nga napapaisip ako kung bakit sa dinami-rami ba naman ng lalaking pwedeng mahalin, eh sa kanya pa ako nagkagusto. Noon, normal lang sakin na mainis at magalit sa kanya. Hindi naman kasi talaga nakakatuwa yung mga pangtitrip na ginagawa nya sakin. Pero ngayon, nahihirapan na akong mainis sa lalaking to. Kahit gaano ko pilitin yung sarili ko na mainis at mapikon sa kanya, hindi ko na magawa. Pilit na lang talaga kung minsan nasisigawan ko sya. Minsan pa nga, sinsadya ko na lang mainis para mapansin nya ako. Noon, gusto ko na syang tumigil sa mga pang-gu-goodtime nya. Sawang sawa na kasi ako noon na palaging naaasar. Pero isang araw, nung hindi ko naramdaman yung presence nya, talagang hinanap-hanap ko sya. Talagang nalaungkot ako. Hindi kasi ako sanay na wala sya. Kahit pa hindi sa sweet na paraan nya ako napapasaya. Yung dating inis at galit ko sa kanya, napalitan ng saya at kilig. Minsan nagtext ako sa kanya nung umabsent sya sa school..

“Hoy unggoy. Bakit absent ka?”

“Bakit? Miss mo na ako no! Wai ka lang, umabsent ako kasi pinaghahandaan ko yung pinaka-biggest trip ko sayo.”

“Ayos ka ha. Pati ba naman dito ginaganyan mo ako. Seryoso, bakit ka nga umabsent?”

“Seryoso naman yun.”

Hindi ko alam pero iba yung naramdaman ko sa huling text nya sakin. Parang naniwala ako na seryoso talaga sya sa sinsasabi nya. Pero nakakainis kasi para lang sa pag-gu-goodtime nya eh aabsent sya. Hindi naman yata tama yun. Ewan ko, kinakabahan talaga ako sa mangyayari.

Kinabukasan nagising ako sa tawag ng bestfriend ko. Pumasok raw ako ng maaga dahil may biglaan kaming exam sa pinaka-hate kong subject. So nagmadali naman ako kasi last chance ko na yun para makapasa.

Pagdating ko sa school nakatapak ako ng chewing gum sa daan.

Letse nga naman oh, pati ba naman dadaanan ko pinagtitripan ako.

Nung malapit na ako sa gate ng school ko, hinarang ako ng guard.. “Miss, asan id mo?”

Hala ka. Nakalimutan ko yung id ko sa bahay, kakamadali ko kasi.. hayst.

“Kuya, nakalimutan ko po. Pwede bang magsign na lang ako?”

Buti na lang pumayag si manong guard. Akala ko talaga hindi na ako makakapasok. Naglalakad ng ako papunta sa college building namin ng biglang may dalawang loko-lokong estudyante na nagtatakbuhan, nakakainis kasi natapunan nila ako ng chocolate drink na hawak hawak nila.

“Hoy! Ano ba naman yan, natapunan na ko! Ano ng gagawin ko!”

“Sorry miss. Hindi namin sinasadya.”

Bago pa ako makasagot ulit sa kanila nakaalis na silang dalawa. Nakakaasar naman talaga oh. Malas malas ko naman. Mas gusto ko pa yata yung mga trip nya kaysa sa mga kamalasan na naranasan ko ngaun.

Malapit na ako sa room namin ng biglang may humila sa akin at tinakpan ang mga mata ko. Sa sobrang pagkagulat ko, nagpupumiglas ako sa kanya.

“Bitawan mo ko!”

“Easy, wala akong gagawin sayo. Sumama ka na lang ng mahinahon.”

“Mahinahon? Pwes, dalhin mo ako ng maayos!”

Pero kahit anung pwersa ang gawin ko hindi ako nakawala sa kanya. Mga ilang distansya lang naman yung nilakad namin. Hanggang sa nakatakip pa rin ng panyo yung mga mata ko at iniupo nya ako sa hindi ko malamang lugar.

“Hoy. Asan ba tayo? Sino ka ba? Ano bang kailangan mo sakin? Pls, wsg mo kong sasaktan”

Bigla ko na lang nasabi yan nung tumahimik bigla sa paligid.

“Akin na yang wallet mo.”

“Wallet? Magnanakaw ka?!! Oh sige, kunin mo na basta wag mo kong sasaktan ha.”

“Akin na yang cellphone at pera mo, dali!”

“Oo na oo na, eto na … eto na..”

“Good.”

Pagkatapos nun naramdaman kong may kamay na biglang humawak sa pisngi ko.

“Waaaa.. pls, wag..”

“Sssshhh..”

Dahan-dahan nyang tinanggal yung piring sa mga mata ko. At dahan-dahan ko namang binuksan ang mga mata ko.

“Pwede bang akin na lang rin yang puso mo?”

Tanong nya sakin pagkadilat na pagkadilat ko.

“Gulat ka no. Sabi sayo e, umabsent ako para sa pinakabiggest trip ko para sayo. Oh ano? Ibibigay mo na ba yang puso mo? O sasaktan kita?”

Sabay ngumiti sya sakin. Hindi ko alam na yun na pala yung araw na pinakahinihintay ko. Yung araw na akala ko pinakamalas na, yun pala pinakamaswerte na.