6.23.11

06.23.11

Kamusta naman ang experience ko kahapon?

6:00pm: Lumabas sa SM Manila para suuingin ang ulan. Lumakad sa onting baha at naghintay ng bus saglit. Sabay naawa sa black shoes ko kaya bumalik ulit ng SM Manila para bumili ng tsinelas.

*muntik pang mag-swimming sa baha. :D

6:45pm: Lumabas na ulit ng SM Manila suot ang bagong tsinelas *red toeberries*, sobrang lakas ng hangin at ulan, as in. At yung baha hanggang tuhod na. O.o Nagbalak mag-lrt kaso feeling ko sobrang daming tao, eh parang ganun na nga talaga. So, nag-decide nalang kami ni Pinsan na maglakad along Taft Avenue kahit na baha.

8:00pm: THANK GOD. Nakakita ng bus ns SM Fairview na hindi pa puno! :)) Grabe yung feeling ko pagkaupo ko sa bus eh. Tagumpay talaga! Haha.Kahit nanginginig ako sa sobrang lamig. Basa buong katawan ko, tapos anlakas pa ng aircon. :((

*at hindi na umandar ang bus. haha. usad pagong po.

Grabe yung byahe mula Taft Avenue hanggang España. 3 hours. Oh kamusta naman yun?Grabe talaga. Napanood ko na sa bus lahat ng palabas hanggang balita. Haha.

And finally.. Nakalampas na din kami ng España. ;)) Super saya lang kasi wala na masyadogn sasakyan, ambilis na ng byahe. At si Manong Driver super hataw, tumatagilid na yugn bus namin. Haha.

11:30pm: Thank God we finally reached SM Fairview! Ayun. Sobrang relief. Kahit anlamig pagababa namin kasi malakas yung hangin. =)

12:00pm: Eksaktong nasa bahay na. Naligo with hot water. Uminom ng coffee. at kumain ng dinner.

Gutom sa byahe ng 6hrs. Basang-basa sa ulan. Nilalamig sa aircon bus. Sobra sakit ng katawan. First time maglakad sa baha. =)

Anyways, thank God at naka-uwi ako ng safe. =)