5th sas

Sya yung taong perstaym ko nakausap sa selepono habang nagjajakol, unang nakameet up ko na blogger, unang nakayakap ko na 5 hrs ko palang nakakasama sa personal.HAHAHA Happy 5th motmot bes. Salamat sa lahat at sa pagtitiis sakin. Cheers to 5 months nang pagiging bespren ko sa tumblr. ayiee haha laplap jk miss you big time

6 months na tayo baby girl :)

Ilan lang to sa mga memories natin. At alam ko na mas marami pang memories ang makukuha natin:


First monthsary, EK/Tagaytay.

Sobrang saya nun, kasi yun yung lahat ng first natin. Yung akala natin na magiging awkward tayo sa isa’t isa. Hindi nangyari. Masaya lang. Sobrang saya. Yung hindi pa tayo nakakauwe, pero gusto ko ng planuhin kung kelan tayo ulit magkikita.Sobrang bait mo.  Sobrang ganda mo pa. Simpleng simple lang suot mo, pero ang ganda kasi, nakakainis. HAHA! Hiyang hiya ka pa sa kilay mo.

2nd monthsary, Video Call.

Nagpaint ako for us. Hindi tayo nakapagkita nun, pero nagvideo call tayo, tapos iyak ka ng iyak kasi nga hindi mo akalain na may regalo ako. After 2 days nagkita tayo, nagpunta tayo sa Venice dito sa Taguig. Sobrang saya mo kahit na may problema nun, kasi matagal mo na ako hinihiritan na mag-Venice tayo. So yun. Happy, kasi dun ko binigay yung ring sa'yo. :)

3rd monthsary, Baguio.

Pinagluto mo ako, kumain ako for the first time sa tupperware habang naglalakad, kasi sobrang gutom na ako. Happy syempre, ako naman yung first time na magpunta ng Baguio, ewan ko, di ko talaga trip noon eh. Pero nag-enjoy ako, kasi hawak ko yung kamay mo the whole time. Binigyan mo ako ng Jar of Love nun. Sobrang suprise yun, pero di mo alam na may naghihintay na surprise sa'yo pagdating nga Valentines day.

4th monthsary, Tondaligan.

Simpleng kulitan lang ‘to. And yes, pinagluto mo ako ulit. :) Madaling araw palang nasa beach na tayo, tapos naghihintay ng sunrise pero di ko nakita kasi nasa kabilang side. Eto yung time na pinagluto mo ako ng chicken, tapos naglaro lang ako sa dagat habang binabantayan mo (parang bata lang). Tambay lang tayo sa Calasiao.

5th monthsary, Surprise visit sa School.

Sira na kasi yung phone niya matagal na, so bumili ako ng bagong phone niya. Pero hindi niya alam. Hindi niya alam na nagbyahe ako papunta sa San Carlos ng madaling araw para lang maabutan siya sa class. Kinuntsaba ko lang yung kaklase niya para iabot sa kanya yung regalo ko. Panatag na ako na hindi na mapuputol yung communication natin. And happy ako, kasi nasurprise na naman kita.

6th monthsary.
Eto na nga. REGULAR NA AKOOOO! Woooohhh!
Nagpapasalamat ako na umabot tayo ng kalahating taon. Wala akong balak magresign at regular na ako sa trabaho ko bilang asawa mo. Hindi ako magsasawa na mahalin ka, alagaan, intindihin at pasayahin. Kasi mahal na mahal kita, at wala na akong mahihiling pa talaga.

Masaya ako na nalagpasan na naman natin ang isa sa mga problema. Alam ko na binibigay naman natin pareho yung best natin para magwork ang relasyon na ito. Marami mang intriga, marami pang naninira, wala naman silang magagawa kung hindi tayo bibitaw di ba? May mga kasalanan ako, may mga kasalanan ka, pero at the end of the day ang importante lang, ay hindi naman natin kayang wala ang isa’t isa, kaya walang sense na mag-away pa. Hindi importante kung sino ang tama, at sino ang mali, ang mahalaga, mas mahal natin ang isa’t isa kesa sa pride natin. Mahirap man na magkalayo tayo, yung hindi natin basta mayakap ang isa’t isa kapag may problema, sa maikling panahon ng relasyon natin, natutunan kong tanggapin ang lahat ng mga problema. Mas lalo kitang minamahal sa paglipas ng panahon. Natutunan kong magpakumbaba, natutunan kong magpatawad, natutunan kong mangarap na kasama ka, at makasama ka sa habang panahon. Natutunan kong ngumiti ng totoo, natutunan kong mag-appreciate kahit na sobrang liit na bagay. Nagdadasal ako na sana wala ng ibang manira pa, at wala ng paalam sa ating dalawa. Kahit na anong away ang dumating, hinding hindi tayo bibitiw ha? Mahal na mahal kasi kita, at sa'yo ko naramdaman ang tunay na pagmamahal.

Napatunayan natin sa maikling panahon na kaya natin ang mga problema. Kaya nating ngumiti sa harap ng pagkakalayo natin sa isa’t isa. Kaya nating umintindi kapag mahina ang isa. Kaya nating to habang buhay ha?

Ang pagmamahal na to ang kasiyahan ko, at pangako hindi ko ito ipagpapalit sa kahit na ano o sino. Ikaw ang katuparan ng pangarap ko. Mahal kita, mahal kita talaga ng totoo.

Happy 5th year sa Tumblr ko! Whooooa! 5 years na pala kong nagdadrama sa tumblr. Hahaha. Nung una kaya ako gumawa ng blog dahil gusto ko lang na may malabasan ako ng mga sama ng loob ko sa buhay, heart breaks, hugot keme, etc. Hanggang sa parang naging part na siya ng daily life ko, at hindi na puro hugot ang laman kasi dahil sa tumblr nalagpasan ko lahat. Haha. Sarap kaya magpost lalo na kung walang wala ka talagang makausap. I can’t imagine kung wala akong tumblr. Baka nabaliw na ko kakakimkim ng mga sakit sa buhay. Haha. Sobrang thankful ako kay tumblr na naging Public Diary ko. Haha. Since konti lang naman or bilang lang naman ang nakakakilala sa totoo kong anyo at pagkatao, kaya ayos lang. Haha. Sooo, happy birthday sa blog ko. More blogs to come! 💕

anonymous asked:

Fav blogs?

@revetreschere @keshmeshak @fatima-naqvi @tsamthepoet @q8i-sayood @mylifeinalink @aazizam @asfa-riyaz @coco–elle @zanabism @khatmal @zezeinwonderland @corruptyoungminds @ya3asooola @yallahbushroor @13553km @wondersoffdunyaa @kvrdin @thelanternofthepath @gordo10bx @chupreh-idc @faramosh @shiaposts @synchronicity-world @feathersforthesoul @eshgemann @badamak @ourdive @a-ghariba @chador-lover @lovemorocco @rani-kaur @soul-metamorphosis @afflic-ti0n @sahrawia @prayingwarrior @sayr-wa-suluk @kaagazkalam @3linaturabi @andaaz-e-junoon @zaiiinabbbb @wanderingwithinmyself @5th-avenue-nyc @princessiris @sa-reza @thegreaterjihad @theladyinblackk @theinqilaabwithin @gokyuzumunhalleri @gom-gashtah @mirzamur @khani-dow @laanat @halalness  @halwaa @aa-vi @chadna @mushirsayed @jay-walden @zweeena @halalgirlfriend @3reesus @tangledhijab @hurriyeh@deenbeforedunya @muslame @313thelastshininghopeofislam @chandigarhwaliye @hah-deel @antisleep @palestinianrockthrower @arizonaxtears @3v3rythingsucks @ya-bani-hashim @the-studentlife @thatgirlhxna @shia-prince @marooxo @labbaikyahussain @yamnairfan @ya-fatimah @ya-mahdii @ya–ali @freshbintofbelair @aphroniya @saradesert @thebookblr @fhaider7 @khvled @loveforahlulbayt @srirachazmi @artapparent @partytilfajr @poetaaj @baarish-ki-dua @naseeeb @aabbiidd @lakhnavi @scattredthoughts @deenasthussain @thelamentingsoul @m-313 @aliofbabylon @kufiyah AND SO MANY MORE 

PARA SA AKING FUTURE 'ME'

5 years from now, kung wala ka pang amnesia, maaalala mo na sinulat mo ang blogpost na ito. Ito na yung tinatawag mong ‘future me’. Ito na yung “5 years after” na sinasabi mo. 

Tanda mo pa ba nung sinusulat mo 'to? Kagagaling mo lang nun sa trabaho, 12 hours duty ka nun. Halos mag-isa ka sa field. Yung mga kagrupo mo may kanya-kanya ding trabaho. Akyat-baba ka ng hagdan. Punta dito, punta doon. Area Monitoring. Magsusulat ng logsheet. Sampling every 2 hours. Magkakarga pa ng additives sa 5th floor. Daig mo pa kargador. Yung pinapaisolate na valve, ipapaline-up din mamaya. May tatawag na naman sa radyo mo at no choice ka kundi sumagot ng, “Copy”, “Roger po.”

Tanda mo ba nung nagchacharge ka ng additives? Ang init-init dun tapos naka charging suit ka. Halos masinghot mo lahat ng alikabok at kemikal sa loob kahit naka respirator ka. Ni pagpapahid nga ng pawis hindi mo magawa dahil ang dumi-dumi ng kamay mo. Pinagkaitan ka ng karapatang magpahid ng pawis. Kelangan mo pang bilisan yung kilos mo dahil may oras silang hinahabol. Yung pawis mo sa noo tumutulo na sa mata mo. Ang hapdi tangina. Halos wala ka ng makita. Ni hindi mo mapunasan yung tumutulong sipon mo na halos kumayat na sa pisngi at leeg mo. Tapos may magraradyo, “Okay na ba kayo sa charging?” At sasagot ka lang ng, “Roger po.” Yung tipong parang di ka napagod. Maghuhubad ka ng charging suit na parang naligo sa pawis. Walang simile, methapor o kahit anong figure of speech dun. Naligo ka talaga sa pawis.  Literal mong pinipiga yung towel at brip mo dahil wala ka ng ibang gagamitin. Para ka ng nasa langit pag nakainom ka ng malamig na tubig. Yung lunch mong pang 11:30AM naging 3:30PM. Gustong gusto mong umabsent kinabukasan dahil sa sobrang pagod at sakit ng katawan pero hindi pwede. Tang-ina. Hindi pwede.

Gustong gusto mo ng sumuko di ba? Tanda ko pa nga, nakaupo ka dun sa hagdan ng extruder, naghihintay kung kelan kukuha ng sample, akala mo pawis pa rin yung tumutulo sa mata mo, luha na pala. Pagod na pagod ka na kasi. Pero hindi mo pa rin magawang punasan dahil andumi ng gloves mo. Kaya hinayaan mo na lang tumulo. Kahit kelan naman walang nakaalam ng pagkakaiba ng luha sa pawis kapag tumulo na. Para sa kanila at para sa iba, simpleng tubig lang yun na inilabas ng katawan. Hindi lang nila alam ang katumbas na hirap nun bago tumulo yun.

Pero andiyan ka na ngayon, binabasa itong blogpost na ginawa mo 5 years ago. Hindi ko alam kung nasaan ka na, kung narating mo ba yung gusto mong marating o ano. Pero isa lang ang alam ko, masaya ka ngayon sa kung anong meron ka. =)