41413

Summer Wave 2.0

Nagplano talaga kameng magpipinsan ng swimming pagkatapos mamatay yung lola namin. Parang get together lang kasi minsan lang kami nagkakasama-sama. Hindi kame nagsama ng mga magulang, baka kasi maging magulo. Medyo may alitan kasi yung mga tito at tita ko. Basta ang mahalaga, yung relasyon nameng magpipinsan hanggang ngayon ay maayos pa din. Here are some photos captured.

Yung dalawang chikiting namen. Mga pamangkin ko yan.

Syempre pagdating pa lang, nagpapiktyur na agad yung mga kapatid ko at mga pinsan ko. See their vain faces. LoL! XD

Syempre, medyo naghintayan pa kame. Nung dumating kame, grabe! Sobrang dame pa lang naliligo dun. Perstaym kasi nameng magswimming dun. Medyo exclusive sya, kaya mahal pero enjoy naman. Ang gaganda kasi ng mga views dun eh. Sulit ka na sa mga magagandang tanawin. Talagang ang ganda ng pagkakagawa. Yun pala yung ineendorse ni Willie Revillame. Hahaha. Wala lang.

Yung pagpasok namen, si Mr. Bean yung bumungad sa amin. Eh yung kapatid (left side na nakashade) ko fan ata si Mr.Bean kasi lageng nanunuod sa cable ng mga palabas nya. Hahaha. Ang childish. Peace. ;)

Parang Disneyland nga yung lugar na yun. Ang dameng tao at ang dameng mga cartoon characters. Ang gaganda ng mga disenyo at ang ganda ng pagkakaconstruct.

Maya-maya biglang sumunod yung ibang mga pinsan namen kasama yung mga anak nila. Kaya para talagang reunion yung nangyare.

Hindi na siguro mawawala sa isang masayang okasyon ang “Jump Shots.” Look at our happy faces. ;)

Syempre, makakalimutan ba ang Family Picture? Hindi. Ang dame namen diba? Pero sa katotohanan, wala pa yan sa kalahati. Pramis! XD Ang dame naming lahi. Hahaha. 

Yung totoo. Parang mas napagod pa ako sa kakalibot at kakapiktyur. Kaysa sa paglalangoy. Photoshoot at sight seeing lang ata naubos ang oras ko. Pero okay naman, sulit. 2 Thumbs up! Namili din ako ng souvenir. Pinili ko yung Tshirt. Pero ang gusto ko talaga ay mag Zip line at magpaHenna. Wag daw sabe ng ate ko. Mas maganda na daw yung T-shirt kaya, yun na lang. Pero sa totoo, gusto ko talagang maexperience yung mga ganung bagay. Next time, babalikan kita. Pramis!

Grabe. Yung makasama mo lang yung mga taong nagbigay ng malaking bahagi ng saya sa buhay naten ay ayos na. Sana maulit ulit ang mga ganitong pangyayari sa buhay ko. Salamat sa pagbabasa, kaibigan.