13thletter

After a year...

4th year life ko? Ayun medyo dull. Syempre iba pa rin talaga yung mga previous years ko kasi may inspirasyon ako sa pag pasok. Yung tipong may inaabangan ka pagbaba mo sa building. Though nagkaka crush ako sa batchmates namin, iba pa rin talaga pag siya ang nakikita ko. :) Lagi sinasabi ng mga kaibigan ko, “Ano ba yan Karla di pa rin maka move on?” Wala eh, greatest love eh. :)

Kanina galing akong workshop. Dance workshop to be specific. What to expect? Syempre nandun siya. Nalungkot pa ko ng sabihin ng kaibigan ko na di daw sya makakapunta. Pero di naman niya ko matiis, pumunta si pag ibig kong tunay. hihi. Ayun, ang gwapo niya pa din lalo na pag sumasayaw. Kahit na medyo tinitigyawat na siya. Ang pag ibig naman wala sa panlabas eh, nasa pan loob. :)) Masaya ang worshop lalo’t nandyan sya. :) Pero mas masay ang after workshop. Syempre makakasama ko sya! Ang dami kong namiss sa loob ng isang taon. Yung presence nya, yung tawa nya, yung pagka Budoy nya, yung kabagala nya mag salita at higit sa lahat yung boses nyang palaka. Hihi.

Grabe kung ganto every week, hayy sana araw araw ang workshop. :) Isa na lang ang gusto kong gawin sa sarili ko, ang sanayin ang sarili di masyadong maging awkward pag kasama siya. Sayang yung moments kung walang kabuhay buhay. :) Heyy, meron bang libro na How To Be Not So Awkward With Your Crush? Kung meron man bibili talaga ako! Itaga mo sa bato! :’)