12dc

Seventeen Again.

Favorite number mo at bakit?

Alam niyo naman sigurong movie yung title ko para sa entry ko dito sa 12 Day Challenge ko, no? Zac Efron yan! Omo, so hot. :“> He he. Nasingit lang ang ex ko. Anyway, seventeen ang favourite number ko. Since birth, I guess? Lels. OA ata. Osige, ibahin natin. Nung nagka-isip na ko at may nagtanong sakin ng favourite number ko.. Seventeen ang isinisagot ko.

July 17 kasi ang birthday ko. And I think that explains all. Wala rin naman akong balak palitan yan kasi hindi naman magbabago ang birthday ko. Diba? Pero.. Ewan ko. Pakiramdam ko, sobrang swerte ko sa number na yan. Every 17th day of the month, gusto ko, wala talang sisira ng araw ko. Para kasing monthsary ko na rin yan sa sarili ko. Forever alone much lang.

Tsaka kung magpapalit man ako, anong ipapalit ko? Eh wala nga akong boyfran, anong ipapalit ko dyan? 15; First time na nag-text siya sakin, 1; pinagtagpo kami ng destiny, 26; second time na pinagtagpo kami ng destiny? Eek. Di ko feel. Parang kahit na magka-boylet ako or magkaron ng ganyang special date, hindi ko siya magiging favourite. 17 parin ang ilalagay ko sa mga jersey, kapag tinanong ka randomly kung anong magandang number, et cetera.

Ang bango nung niluluto ni Mama. Nakakagutom.

12DC preview;; day one.

Summary: It’s December 13th, exactly twelve days from Christmas. Things are in full swing; the Christmas decorations are up, there’s a constant supply of Mike’s special egg nog at everyone’s place and Spanky has a santa hat. Christmas presents are slowly being bought and poorly wrapped, just like always. AndTay’s definitely not surprised when she hears a knock on the door, but she’s shocked at what’s on her doorstep. 

Keep reading

Bloody days.

Ano ang pinakamadalas na nagiging rason kung bakit ka naiinis?

Refer to the title. Gets niyo na naman siguro no? Haha! Mahirap maging babae. Buwan buwan kang makikipag-cooperate sa dugo mo. Siguro nga kung first time mo, parang araw araw may flag ka ng Japan sa damit mo, eh. Syempre hindi naman maiiwasan yun, eh. First time. Hindi mo alam ang gagawin mo. Ganito, ganyan. Asar!

Minsan, nakakajirits lalo kapag yung mga tao sa school, alam na nga na meron ka, aasarin ka pa lalo. Kulang na lang busalan mo ng napkin sa bibig para tumigil. Feel na feel pa nilang asarin at inisin ka. Tapos pag nagalit ka naman, sila yung todo sorry.

Mahirap maging babae pero hindi ko sinabing hindi masaya. Masayang maging babae. SOBRA. Wag nga lang talagang oover ang Niagara Falls kapag oras na niya.

Real friends see my tears before they fall.

Ayaw na ayaw mong ginagawa ng mga kaibigan mo?

Medyo madami na rin akong absent sa 12-day-ginawang-challenge-pero-hindi-naman-talaga-challenge na ito. Tinamad yata akong sagutan yan eh. Kaya ayun. ~*nO1cUrRs*~ naman kaya wala na rin sigurong nakapansin.

Ano nga bang ayokong ginagawa ng mga kaibigan ko? Sa totoo lang. Hindi ko masyadong na-gets yung tanong. Kung yun ba ay yung kung anong ginagawa ng kaibigan ko na ayaw ko o kung anong ginagawa ng mga kaibigan ko SA AKIN na ayaw ko. Parehas ko nalang sagutin para at least, makabawi rin ako sa absent ko.

Anong ginagawa ng kaibigan ko na ayaw ko? Minsan kasi, dumadating sa point na yung mga kaibigan ko, kahit kaibigan nila, parang sinisiraan or pinaplastik na rin nila. Syempre, napaisip naman ako dun. Kapag ba nakatalikod ako o kaya may nagawa silang hindi ko nagustuhan, ginaganyan na rin nila ako? Kasi kaibigan rin nila ako eh. Tapos kaibigan rin nila yung sinisiraan nila.. Grabe. Nakaka.. Stress isipin.

Anong ginagawa ng mga kaibigan ko SA AKIN na ayaw ko? Ayoko yung gumagala sila, umaalis, or whatever na wala ako. Ayos lang naman kung alam ko at sinabi kong hindi ako pwedeng sumama eh. Pero yung hindi man lang nila sinabi sa akin? Ang sakit kaya sa pakiramdam nun. Kahit naman siguro sila, masasaktan rin kapag ginawa yun sa kanila eh, diba?

Ayoko rin na magbubulungan sila sa harapan ko. Like.. “Hello? Amielle here? Friend here?” Kaibigan ako, hindi ba? Bakit parang ayaw pa nilang ipaalam yung pinaguusapan nila sa akin? Eh ako naman, share talaga kung share.. Unless, ako ang pinag-uusapan nila. Aish, whatever.

Ako kasi yung tao na mabilis magtiwala eh. Pasensya na pero ganun talaga ako. At oo nga pala, medyo irrelevant yung title. Hayaan niyo na. May konek parin naman kahit paano eh. Tama o tama?

Sino bang nagsabi na masaya ako?

Sino nakakapagpasaya sa’yo ngayon?

Hindi ako masaya ngayon. Ang pangit ng nararamdaman ko. Nasasaktan ako. Nawala na yung isa sa mga nagpapasaya sa akin. Wala na. Gets niyo?

Pero isipin nalang natin na nandyan parin siya. Siguro isa siya sa mga isasagot ko. Masaya ako kapag nakakausap ko siya. Text, chat o personal. Lalo na kapag nakikita ko siya. There’s just this you-know-what-feeling, eh. Yung puso ko sasabog sa saya. Naiintindihan niyo naman kung anong tinutukoy ko dito, diba? 

Isa rin sa mga isasagot ko eh ang pamilya ko at friends ko. TOTOO yan! Family.. Uhh, kelangan ko pa bang i-explain? Alam niyo na naman kung bakit, eh. Masaya ako kapag kasama ko sila. At ayokong isipin yung oras na mawawala nalang sila sa tabi ko. That thought makes me sad. Really. I’m afraid of death (Random Fact). Friends, kasi kahit vacation, nakakapaghang out parin kami and it’s happy to think na at least, gumagawa kami ng paraan para makita lang namin ang isa’t isa.

Kung bagay naman.. BALLERS. Omo. March pa lang, na-adik na ako dyan. I’ll post my ballers soon kapag dumating na yung iba kong inorder online. Kahit payat ako, keri lang! Ganda, eh. Kahit na luwag siya sa braso ko at parang palaging mahuhulog, izz okay. Keep calm and carry on.

8

🎁 cortegiania’s 12 days of christmas  

In his own way, cardinal Farnese - whose minor orders forbid marriage- is a monogamous bearing constant affection for the same woman. Nothing in [him] shows a shameless libertinism, but rather the tenderness of a conjugal love, the ignition, even, of a conjugal passion. Illegal, in itself, is his relationship with Silvia Ruffini, but nontheless founded on the earnestness of a lasting affection. Roberto Zapperi x

12-Day Challenge.

Muli, kagaya nung huli kong ginawang challenge, hindi ito talaga challenge. Haha. Ipinost lang ‘to ni Ate Jackie (drunk-dialer) sa blog niya at yun, ginawa kong challenge. Nag-paalam ako sa kanya, don’t worry. :)

  1. Ano ang pinakamadalas na nagiging rason kung bakit ka naiinis?
  2. Ano yung nakakapagpaselos sa’yo?
  3. Favorite number mo at bakit?
  4. Paano ka magalit?
  5. Sino nakakapagpasaya sa’yo ngayon?
  6. Top 5 na kasinungalingan na sinasabi mo?
  7. Pinakamadalas na compliment na nakukuha mo?
  8. Ayaw na ayaw mong ginagawa ng mga kaibigan mo?
  9. Bagay na gustong-gusto mong natatanggap?
  10. Mapili ka ba sa kaibigan?
  11. Eh sa minamahal mapili ka ba?
  12. Usapan na madalas mong hindi natutupad?
Hindi ako selosa.

Ano yung nakakapagpaselos sa’yo?

ATA. Kung pagdating sa family, hindi siguro selos ang tawag dun kundi inggit. Or pwede na ring unfair. Kasi diba nga, ang kapatid ko.. Top 1 palagi. Simula Grade One siya hanggang ngayon. At madali niyang nakukuha ang mga gusto niya kasi matataas ang nakukuha niyang mga grades. Ngayon? Tama na sigurong ma-kontento ako sa DSLR na regalo slash award sakin ni Papa. Usapan kasi naman eh kapag first honor ako. Kaso wala. Hanggang second lang ang kaya ko, eh. Wala na rin naman siyang magagawa kasi nabili na niya. Haha!

Kung sa kaibigan. Kung selos man tong nararamdaman ko kapag may alam sila na hindi ko alam, edi oo. Nagseselos na ako. Yun bang.. May pinag-uusapan sila na parang.. “Hello? Amielle here.” Mga ganun. Ayoko kasi ng na-o'OP ako. Sino ba namang may gusto ng ganun diba?

Sa lalaki naman. Hindi rin ata selos yun, eh. Naaasar pa ako kapag may kausap siyang ibang girlaloo. Or i-revise natin. Kung may kalandian siyang babae. Naiinis ako. Para kasing.. Ugh. Ewan. Feel na feel pa niya. Wala namang sakit sa puso, eh. May kirot pero slight lang. Selos na ba tawag dun?

Ano nga bang nakukuha ko sa ganyan?

Pinakamadalas na compliment na nakukuha mo?

Ang ganda ko. Nyeee~ Syempre joke lang yan. Ano bang madalas na sinasabi nila sa akin na tinatanggap ko as a compliment? Siguro.. Yung pagsasabi nila na maganda daw ang boses ko.

Pwede na ba yan? Hindi ko talaga alam ang ilalagay ko dito. Ayoko namang sabihin na hindi ako nakakatanggap ng compliments dahil hindi natin maiiwasan ang mga close-minded people na iisiping I’m fishing for compliments. Ayoko ring mag-sabi ng kung ano ano pang compliments dahil baka sabihin rin na feel na feel ko yun at masyado kong ibinabrag sa inyo.

Sa totoo lang kase, hindi ko maiwasang mag-isip ng ganyan. Dahil malimit na akong maka-encounter ng mga tao na ganito, ganyan ang iniisip. Magulo nga pala akong kausap. Yun lang.

U Mad?

Paano ka magalit?

May iba’t ibang types ng Amielle ang makikita niyo kapag nagalit siya. Lels. Depende kasi yun sa mood ko bago ako magalit.. Ganito kasi yun.

May mga oras na galit ako pero tahimik lang ako. Kinikimkim ko nalang yung sama ng loob ko. Kapag nasa bahay, magkukulong nalang ako sa kwarto ko. Magbabasa ng libro slash ebook magtetext o kaya magiinternet sa mobile. Kapag nasa school, u-ub'ob nalang ako sa desk at magkukunyaring tulog.

May mga oras na galit ako pero umiiyak ako. Sa sobrang kainisan at kagalitan ko. Malimit, kapag naiinis ako sa sarili ko. Bigla bigla nalang akong mapapaiyak. Parang nagkaroon ako ng sariling reflection or recollection chuchu deep inside me tapos bigla nalang akong maiiyak.

Pero wag ka. May mga oras na galit ako at talagang nagwawala ako. Nyehe~ OA much? Hindi naman yung nagwawala na as in talagang hindi na ma-control. Yun bang sisigawan ko talaga siya, lalo na kapag kapatid ko! Oo, talagang sinisigawan ko sya. Kapag naman sa room ako nagalit bigla, lalabas ako ng room, tapos sa hindi sinasadya (o sinasadya nga yata), napapalakas yung sarado ko ng pintuan. Palabas yun ng room at pabalik sa loob. Kaya napapatingin nalang sila sakin bigla. Tapos hindi mo talaga ako makakausap pag ganun. Wag mo kong kakausapin kung ayaw mong mainis rin ako sayo.

Yan. Ay, nakalimutan ko yung kapag nagagalit ako dahil lang sa nakikita ko sa internet, syempre pupunta agad ako sa Tumblr at sa Weebly account ko at doon maglalabas ng hinanakit. Minsan nga, kung naabutan niyo, napapamura nalang ako eh. Pero syempre, dinedelete ko naman din yung post na yun. At least, kahit papaano, gumaan yung nararamdaman kong galit.