11122012

BAD DAY Part I

Lahat ng kaswertehan yata nasalo ko ngayong araw na ‘to.

Ang saya-saya, promise!

CHAPTER 1

Late akong nagisng… mga 8:30.

Anak ng Time zone naman kasi yung alarm ko. Hindi nag alarm ng 7am.

Pano nga naman siya mag aalram eh wala pang 7am

naiba ko pala yung timezone kagabi habang nag-no-note ako ng schedule ko for today.

Eh ang sarap pa namang matulog, bed weather.

Makulimlim.

Kaya pag gising ko akala ko maaga pa.

Pagtingin ko sa ipod.

 Anak ng… 8:30 na…

Holy sh*t!

May 10:00am meeting ako.

Eh napakakupad ko pa naman kumilos.

Lalo na sa umaga.

Tipong minsan, ako ang pinakaunang nagigising pero pinakahuli pa ring pumapasok.

Karipas ako  para magtimpla ng kape.

Yes.

No matter how late I am, hindi pwedeng hindi ako uminom ng kape pag kagising ko, bago maligo.

My day starts after coffee.

CHAPTER 2

Pagpunta ko sa may kitchen.

May bagong memo/house rule…

Sa lahat ng bumibili ng pagkain sa Fastfood… Huwag na kayong mag take-out ng pagkain dun nyo na kanin huwag ng dalhin dito dahil TUMATAMBAK ang mga BASURA niyo dito…

Like seriously???

You should’ve said that in my face.

May pa notes-notes pa nga!

Eh ako lang naman ang mukhang fastfood sa bahay na ‘to.

Umakyat yata lahat ng dugo ko sa ulo ko.

Tipong magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising na hindi pa nagkakape

Aga-aga, late na nga ako. Tapos yun pa.

Pagbalik ko ng kwarto, sabi ko kay steph….

Pag-isipan namin yung offer ni Sir Ryan na makishare ng apartment.

Nung una kasing sinabi ni steph yun sakin yun.

Tinanong ko muna kung may room ba? Baka kasi studio type eh medyo hindi ako komportable kasi lalaki pa rin yun.

Saka medyo careless ako sa pagdadamit pag nasa loob ng bahay.

Syempre naman nasa loob ka lang naman ng bahay hindi pa komportableng damit ang isusuot mo.

Pero parang mas kaya kong tiisin yun kesa naman sa kabwisitang nararamdaman ko kanina.

Nung medyo nahimasmasan na ang galit ko, teka, isip muna pala ulit.

Kasi nga lalaki pa rin yung magiging housemate namin if ever.

Dahil nahimasmasan na ko, ngumiti pa rin ako at nagpa-alam sa landlady namin bago umalis.

CHAPTER 3

So ayun na nga, 9:30am na ko nakalabas ng bahay.

Magtataxi na ko. Kasi pag nag bus pa ko, malamang lalo akong malate.

Eh anak ng taxi naman talaga. Walang taxi sa paradahan ng taxi sa mall na malapit samin.

Like seriously???

Bakit ngayong araw pa?

Eh pag nadadaan ako dun, parang mga langgam na nakapila lang sila dun.

Ok.

Sige maghihintay na nga lang ako.

Then I noticed this girl, mukhang naghihintay din ng taxi.

Eh nauna siya sakin, so naisip ko kung may dadaan mang taxi, na halos 5minutes na eh wala pa rin, syempre mauuna siya.

The clock is ticking.

Think Bonna, Think.

Sa lahat ng ayoko eh malate at makasayang ng oras ng ibang tao.

Kaya naglakad-lakad ako, opposite kung saan manggaling ang taxi na hinihintay ni girl kasi baka isipin niya inuunahan ko siya…

Anak ng kamalasan talaga…

Halos 10 taxi na ang nadaanan ko, kasi traffic, lahat may sakay… nubeyen.

Lakad ako ulit.

Pa-opposite ng direction sa office, pabalik ng bahay.

Ayun… salamat naman…

May nakita ako, walang sakay, pinara ko agad.

Sabay sakay.

“Manong  sa *insert destination here* po”

“San po ulit mam?” tanong ni manong

“Sa *inulit ko kung saan* po”

“Ahhh… paki-guide na lang po ako, hindi ko po kasi saulado ang Makati"

O_O

“Manong isa pa kong bobo at kalahati sa direksyon, baka makarating tayo ng Bataan pag ako ang nag-guide” pero sa isip ko lang yun.

“Ah ganun po ba? Nagmamadali po kasi ako, baba na lang po ako ah, pasensya na po” sabay baba.

Ahuhuhuh… lakad na naman ako,  nang finally may nakita ako.

Sakay agad kahit nasa gitna siya ng kalye.

Umaambon na kasi.

Eh nasa opposite direction nga ako di ba, kaya pagkasabi ko kay kuya ng destination ko, ewan ko ba kung sinadya niya na magtour kami kasi malapit lang yung pupuntahan ko, less than 100php lang ang magiging bill ko, o talagang feel niya lang magfield trip kanina.

Anak ng … talaga.

Traffic pa. umuulan.

9:57, kahit medyo malayo pa ko sa tower namin. Bumaba na ko.

Takbo kahit naka-skirt.

Buti na lang pagdating ko ng office, wala pa yung 2 ka-meeting namin.

Kaya hindi pa nagsisimula…

Weeew…

Parang extra challenge lang.