100 pesos lang

Sa may mga pasok bukas.

Sa may mga pasok bukas. Enjoyin niyo yung pagpasok. Pumasok kayo sa first day at maghanap ng magandang pwesto ng upuan. Huwag tumapat sa Aircon dahil aantukin ka lang. Maghanap ng matinong katabi Yun ang magsasabi sayo ng future mo sa semester na yan. Kapag matino ang katabi mo eh siguradong matino ang grades mo. At kung ang katabi mo naman ay kakilala mo na matagal na dahil friends kayo or parehas kayong nagkopyahan kaya sabay kayo pumasa at parang block seatmate mo siya. Goodluck!! Goodluck talaga ulet!

Tandaan na swerte ka kasi nakakapag-aral ka. Lalo na kung hindi ikaw ang nagpapa aral sa sarili mo. Tandaan mo na hindi biro ang pera na kinikita ng magulang tapos ipang tu tution sayo tapos lalandi ka lang sa loob ng silid aralan? Nope hindi ganun yun. Inenroll ka ng magulang mo para matuto at hindi na para lumandi. May oras lahat para dyan.

Tips sa mga freshmen! Siguradong mag tetren ang karamihan sa inyo. Bili ka agad ng Stored Value Ticket 100 pesos lang yun. Tapos para never mo maranasan ang mahabang pila buong school year. Bago maubos eh bumili ka na ulet kapag nakita mong walang bumibili sa bilihan ticket. Mahirap ma late sa school. Nakakatamad.

Tips sa mga incoming 4th Year Highschool. Dapat ngayon palang alam mo na kurso mo. Napakahirap ng huling taon mo sa pagiging hayskul eh wala ka pa ring pangarap paglaki. Piliin mo yung kursong gusto mo. Hindi yung kursong akala mo eh magiging cool ka pero hindi mo naman gusto. Hindi ganun yun. Katangahan yun. Pag aakasaya ng oras at pera yun. Kapag ayaw ng magulang ang napiling kurso. Hindi masamang subukan. Gawin pa rin ang best at wag mo isabotahe at magpabaya lang. Tandaan mong swerte ka kasi may pampaaral sayo at mataas ang pangarap sayo ng magulang mo.

Magdala ng Index Card at Yellow Paper. May mga pinapagawa ang mga professor sa first day ng klase. Pangalan, Address, Dating School, who’s your crush at marami pang iba. Magdala ng lapis at ballpen. Nakakahiya unang araw ng pasukan eh nagpapakilala kang buraot sa loob ng klase.

At huli sa lahat.

SMILE at tipirin ang baon. Para kapag nakaipon? May pambili ka na ng concert ticket ng One Direction.