*mga

Hanggang sa muli, Mahal

Papalubog na naman ang araw. Babalutin na naman ng dilim ang paligid. Kasabay nito’y unti unti akong igugupo ng kalungkutan. Kalungkutang nakaugat sa katotohanang sa kadiliman ko lang mas nakikita nang malinaw. Katotohanang ako na lamang mag-isa at nangungulila sa isang nakaraang di ko na kayang ibalik pa. Sa isang pagbabalik na kailanma'y hindi na mangyayari pa. Kagaya ng guryon na napabayaan sa alapaap na tinatangay ng hangin sa likod ng mga ulap hanggang sa ito'y mawala. Pilitin mo mang hanapin sa kalangita'y ni anino nito hindi mo na masisilayan. Hindi mo na siya muling maidudugtong sa pising minsang humawak sa kanya at ginawa ang lahat hindi lang ito mawalay. 

Lumubog na nga ang araw. Ilang sandali na lang lilitaw na ang mga bituin. Kikislap sa kalangitang malawak. Sa kadilimang madawag. Magniningning kagaya ng dati - mga panahong magkahawak ang ating mga kamay habang gumuguhit ng mga pangarap sa langit gamit ang ating mga daliri. Mula dito hanggang sa dulo na ating tanaw. Pagdudugtungin, kagaya ng pagdugtong ng buhay mo sa buhay ko

Ayan na sila. Kumikislap at kumukutitap na para bang mga alitaptap na naglalaro sa gubat. Guguhit muli ako. Guguhit at magsusulat. 

Guguhit ng mga alaalang malinaw kong nakikita sa aking balintataw na para bang kahapon lamang. 

Magsusulat ako gaya ng isang totoong manunulat na nabubuhay sa tintang dumadaloy sa kanyang pusong umiiyak dahil sa galak, sa lungkot at sa mga emosyong di maipaliwanang ng mga salita. Magsusulat ako sa langit kagaya ng palagi nating ginagawa. Isusulat ko ang isang pangako. Pangakong kagaya ng isang bahaghari pagkatapos ng bagyo. Uumpisahan ko sa ikaw at tatapusin ko sa ako. Pero sisiguraduhin kong sa ikaw at akong yun, may tayo. Tayo hanggang sa wakas. Tayong hanggang sa muling pagkrukrus ng landas. 

Mahal, sa aking paghimlay, baon ko ang pag ibig na ating pinagsaluhan. Pag ibig na nagbunga ng mga alaalang walang tamang salitang pwedeng gamitin upang ikumpara kung gaano ito kahalaga. At sa aking pagpikit, asahan mong pangalan mo pa rin ang ititibok ng aking puso. Kagaya nung umpisa. Bago pa maging dalawa ang tasa sa kusina. Bago pa maging dalawa ang unan sa kama. Bago pa naging tayo ang ikaw at ako. Hindi nagbago kahit ikaw mismo ang naglaho. Patuloy akong iibig. Patuloy kakapit hanggang sa muling paghahawak ng ating mga kamay kagaya nung umpisa. Nung una kang sumulyap mula sa bintana. Nung una kang nagsalita na para bang isang harana. Tandaan mo ang mga salitang ito dahil ito ang totoo. Maghihintay ako. Maghihintay ako sa oras ng pag-uwi mo mula sa isang pag-alis na wala namang kasiguraduhan sa pagbalik. Dito lang ako hanggang dumating ka.

Oo, maghihintay, kahit gaano man yan katagal. Bakit? Dahil mahal kita. Mahal na mahal.

Ang sarap siguro sa feeling na ung taong mahal mo mahal ka rin. Ung tipong sayo nya gagawin ung mga bagay na gusto mong gawin nya sayo. Ung sayo lang nya sasabihin na “mahal kita” Ung ikaw lang ung lalambingin nya pag sinusumpong ka. Ung ikaw lang ung gagawan nya ng long messages. Ikaw lang kausap nya bago sya matulog. 

Kakatapos ko lang makipag videocall kay mama ngayon, tawang-tawa ang mga kapatid ko saken, sabi ni mama “Siguro malungkot ka diyan, kasi mag-isa ka lang diyan sa kwarto mo” tas sumagot ako ng “Hindi ma, sobrang saya ko nga dito eh, (sabay sigaw) WHOOOOO SUPER HAPPY, SUPER ENJOY, SOBRANG SAYA KO NGAYON GRABE HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA” tas nagtawanan yung mga kapatid ko saken HAHAHAHA

Bago talaga matapos 2016 gusto kong lumayo sa magulong mundo na’to kahit isang buong araw o isang buong magdamag lang. Kahit saan nalang mapadpad, basta malabas ko lang lahat ng sama ng loob, hinanakit at malas na dinulot ng 2016 sa akin. Marami parin namang nangyaring maganda pero mas nararamdaman ng puso ko yung mga bagay na mas nakasakit sa akin. Sana pagbigyan ako ni Lord, kahit isang araw lang. 

naiisip mo rin kaya ako paminsan minsan? naiisip mo rin ba kung ano na ang ginagawa ko o kung kamusta na ba ako? naiisip mo rin ba yung mga what ifs na laging sumasagi sa isip ko? alam mo ba iniisip ko pa rin kung naging part ba ako ng buhay mo o kaya mo lang ako kinakausap kasi nasanay ka na kausap ako? nasanay ka lang ba o gusto mo akong kausap kaya ‘to nagtagal? nakakatawa lang isipin na i am the one who chose to end this pero ako yung mas malungkot? para akong lang yung apketado haha ewan ko minsan naiisip ko baka talaga wala lang ako sayo. baka ako lang yung may alam at nag-isip na baka may “tayo”. nakakafrustrate kasi ako lang yung nakakamiss, ako lang yung ganito kasi ikaw okay ka? paano mo ‘yon nagawa hahaha paturo naman ako kasi ayoko na maramdaman to nakakasawa at nakakapagod maging malungkot. minsan feeling ko ang pathetic ko kasi ang lungkot ko, samantalang ikaw parang okay lang na mawala yung satin lol. kapag nakakakita ako ng anime, twenty one pilots related stuffs , things that are branded with the same name as yours, yung mga screen shots i saved, those saved notes i made for you, the letters i didn’t send, the word matic, pasta and pizza because i know how much you love them, game of thrones, league of the legends na palaging mong nilalaro kaya ginagabi ka minsan ng uwi and madami pang mga bagay na nagpapaalala sayo, parang pinipiga yung puso ko haha oa ba pero idk ganon nararamdaman ko at ayoko ng ganito. i know i chose this path pero diba mas masakit kung unti unti natin nararamdaman na lumalayo na ang isa’t-isa kasi wala na yung dating sigla at saya? 

jorzadamos  asked:

To your anon: Bili ka po ng Dalacin C (500 mg) sa mga drug store wag lang sa Mercury Drug kasi hahanapan ka ng reseta, nasa 60 php yun. Tapos ihalo mo yung laman ng capsule sa Eskinol Pimple Fighting 'yung kulay green. Apply mo pagkatapos mo maghilamos tuwing umaga at bago matulog. 1 week lang, malaki na ang pagbabago sa mga pimples mo. Ituloy mo lang hanggang sa tuluyan nang mawala pimples mo. Been there, done that. Good luck! :)

Anon, I’m sure this can help you. Update me ha? Goodluck! Thank you @jorzadamos :)

Can’t wait for 7pm! Charot. Dahil nga walang pasok bukas kaya excited na kong makauwi kaagad haha. May practical quiz pa kasi mamaya sa last subject ko, tapos di ko sigurado kung may quiz ako sa 2-3 at 3-4 classes ko. Kaya nagpapakasipag muna at nagssearch tungkol sa mga topics na napag-usapan hehe. Ay kanina pala yung quiz ko sa chem lab keribels. Feeling ko pasado ako dun sa quiz na yun char hahaha feeling lang tas yung quiz naman nung chem lec, umm yun ang alanganin hahahaa.

Halos kakauwi ko lang. pakshit kasi ng mga taxi drivers eh. Ayaw magpasakay porket maulan tapos traffic sa Pasig. Sa tagal namin naghintay, napalakad kami from Glorietta 5 to Ayala Triangle. Tapos umuulan pa, di uso payong. Ayon, napafx na lang kami. Napagod talaga ko. Pero kahit ganun, okay lang. sobrang ganda kasi talaga ng Moana. Gooooodnight! ❤️

120716
  • Muntik nakong malate.
  • Keribels lang kasi muntik lang naman eh tsaka ano ba.
  • Chill chill pa nung morning
  • kuya president (yung kasama naming madaming plano pag sya naging presidente): “sino crush mo? eto? (sabay turo sakin)” tas tumawa lang yung bwakanangshet na tuod na yun sabay may pahabol pa si kuya dun ako natawa nang bonggang bongga “eto? crush mo? baka sapakin ka lang nyan. kawawa ka.” grabe mukha na ba talaga akong nananapak? Pero yes may point ka kuya. Baka i-choke slam ko lang yung tungak na yun.
  • Nung lunch, oks naman. Laptrip pa din. Mas nagiging close na kami nung kasama ko dun na grabe yung saltik bes. Nahahard ko na din sya. Ako lagi hina-hard eh pota HAHAHAHA.
  • Nung hapon naman oks naman sya hmm tas pag medyo free time patagong nags-scroll hehe tapos ano nagulat nalang ako biglang nagsquel tong kasama ko kinilig bigla I asked her ano meron ayun pala nagstalk pala ng mga account ng mga pogi pagtingin ko anak ng SHOOKT.

Tumawa lang ako “hehe-hehehehe-hehehe” ganun pero schette mars ex ko yan HAHAHAHAHAHA my first evah jowabels. Nung 3rd yr hs pako. Tangina. HAHAHAHAHAHA napaka-yagit ko pa nun mygad i hate drugs.

  • Tapos nung ano na mga around 3?? Or 2?? Dalawang insignificant anthropoid naencounter ko. Yung isa kulang sa iodine yung isa naman sarap sampalin ng mapa. Pero dahil nga wala tayong ibang role kundi ano ipakita na important piece of shit ang mga tungak na to sige keri PERO SCHETTE TALAGA sakit sa brain cells mga reasons nila lalo na yung latter. Kung wala lang ako pinag-aralan sinagot ko yun eh pero syempre smile pa rin kahit pakyu sila tas dito ko nalang ilalabas inis ko. Asan ba kasi utak nyo teh at kuya? Nalunok nyo ba?
  • Pero mabuti nakalma rin ako kasi balik tawa na namin kami dun. Mas malupit tawa sesh na nga yung kaninang hapon eh kasi basta sakit na naman sa tyan.
  • Yung inis ko wala kinwento ko kay mudraks. Tumaas na naman tuloy dugo ko, mas mataas pa sa height mo. Ay ay ay.
  • Gusto ko pa sanang lumamon sa labas (dahil sa inis ko grabe mars sabi sa inyo pag nasstress ako napapagastos ako HAHAHA) mabuti nalang di natuloy kuripot mode dapat ako eh.
  • Ayun lang.
  • Tapos sakit ng puson ko. Tukan?!
SPG HAHAAHAH

Ang gago ko kanina sobra 😞 kasi nagp'practice kame. Sabi ni ramil “sino luluhod sa harap?” Tas walang may gusto. Edi nag- volunteer nalang ako “ako nalang, sanay naman akong lumuhod.” Ang tinutukoy ko dun sa sanay na un, nung last sem kasi nagspeech choir din kami tas nakaluhod ako lagi tas tangina tumawa mga lalake pati si kia huhu dun ko lang narealize na parang ang bastos ng sinabi ko hahahahahaah tas un tawa na lang din ako kasi ang gago ko nga sobra di ko naisip un bago ko sabihin hahahahaahahah ihahanda ko na ung sarili ko na hanggang matapos school year, yun yung iaasar nila saken 😞😞😞

cheers to the flings who dont kiss and tell! ang thankful ko talaga sa mga nakaharutan ko at hindi nila ko nilalaglag sa mga bagay bagay!!!!! hahahaha

Tumblr worthy

Shoutout dun sa mga tumulong sakin sa wellness! Alam ko namang di ako magaling sumayaw huhu pero thank you talaga sa pagtyatyaga niyo sakin! Super naflatter talaga ako kanina lalo na nung tinuruan niyo ko the last minute. Hindi man satisfying ang nakuha kong grade, may natutunan naman talaga ako. Hahaha eto pala yung sinasabi nilang feeling lol. Yung hindi mahalaga yung grade, ang mas mahalaga at mas satisfying na alam mo sa sarili mong natuto ka. Alam niyo na kung sino sino kayo! Thank you ulit! 🤗😚