*jmv

  • Aminin mo, dumating rin sa punto na naghintay ka o inabangan mong maghiwalay yung taong mahal mo at yung taong mahal niya. Yung tipo na sana maghiwalay na sila agad. Yung sana kayong dalawa naman. Yung tipo na sana may salitang "TAYO" sa inyong dalawa. Yung hindi ka lang panyo sa oras na umiiyak siya o balikat na kayang dumamay sa oras na malungkot siya. Yung hindi lang "one call away" pag may problema lang. Yung hindi lang "HANGGANG KAIBIGAN LANG" ang turingan. Yung sana hindi ka lang umaasa, yung sana may pag asa talagang maging kayo.