When to let go?
- Kapag ginawa mo na ang lahat, sinakripisyo mo na pati kaligayahan at mga pangarap mo pero hindi niya pa rin makita yung kahalagahan mo. Huwag kang magpakabayani kasi nagmamahal ka, hindi nakikipagdigma.
- Kapag masyado ng nasasayang yung oras mo sa kakahintay sa sinabi niyang “tamang panahon” para sa inyong dalawa. Puro lang siya salita pero wala naman siyang ginagawa para mangyari ang mga pinangako niya.
- Kapag paulit-ulit na lang ang mga nangyayari. Mag-aaway, magkakaayos, mag-aaway, magkakaayos, mag-aaway ulit. Nakakasawa. Parang hindi kayo natutuo sa mga pagkakamali niyo. Pero mas masakit kapag paulit-ulit nalang kayong nag-aaway sa iisang dahilan.
- Kapag hindi pa talaga ito ang “tamang panahon” para sa inyong dalawa. Hayaan niyo muna ang isa’t isa na mag-grow. Abutin niyo muna ang mga pangarap niyo. Kapag nagtagpo muli ang landas niyo at mahal niyo ang isa’t isa, then go for it.
Ako, aalis? Ako, iiwan ka? Asa ka.
Yung taong kasama mo kahit lakarin mo buong bansa ni hindi mo mararamdaman yung pagod.
(via ang-pinangiti-mo)
Walang mangyayari kung sisimangot ka=)
(via tagalogquotesss)
(via tagalogquotesss)
Lahat naman tayo nagpapakatanga kapag nagmamahal eh, pero gago talaga yung nansasamantala.
"MERON BANG FOREVER?" ( ULTIMATE RANT NG MGA BITTER KAY FOREVER )
BITTER #1
“Ang kasunod ng November, December. Ang sunod sa December January na ulit… and so on. Lintek. Kalendaryo na ang nagsasabi. Walang forever! Marunong ka pa kay Julius Cesar. Kung gusto mong magka-forever, gumawa ka ng sarili mong kalendaryo. Palagyan mo ng forever! ”
BITTER #2
“Ang forever ay parang kagandahan mo. Ilusyon lang. Ang ‘forever’ ay isang literal interpretation lamang ng mga taong nakadroga sa pag-ibig.”
BITTER #3
“YumOLO ka na ng YumOLO tapos maniniwala ka sa forever. Shabu pa?!”
BITTER #4
“Walang forever. Lifetime lang. Oh baka naman gusto lang lumandi ng kaluluwa mo hanggang kabilang buhay?”
BITTER #5
“Walang forever. Porn-ever meron. Nuod pa more!”
BITTER #6
“Walang forever. Dinaig mo pa zombie. Umattend ka ng kasal para malaman mong hanggang ‘Til death do us part lang.”
BITTER #7
“Kahit itanong mo sa corned beef na nasa lata. Walang forever. Lahat may expiration date.”
BITTER #8
“Dapat "I will love you 'til we’re 85.” Hanggang 85 lang. Walang forever! Imortal?!“
BITTER #9
"Walang forever. Pero may happy ending. Ano pa bang gusto?”
BITTER #10
“Hooh! Nilagyan pa talaga ng more yung forever. May 'Forever’s not enough’ pang nalalaman, Patunayan niyo munang aabot ng monthsary.”
KUNWARI HINDI BITTER
“Kung hindi mo naranasan ang forever sa kanya, malay mo sa tamang tao para sa'yo. Kapag sinabi mong walang forever, para mo na ring tinanggap sa sarili mo na walang tatagal sa'yo. Wag mong sirain ang konsepto ng pag-ibig dahil lang sa maling tao ang pinapasok mo sa buhay mo. Kahit anong ingat ang gawin mo, lahat ng bagay ay natatapos. Pero hindi ibig sabihin wala ng forever dun. Ang forever ay sa kung paano niyo na naramdaman sa maikling panahon yung kakaibang saya na “Parang hindi na kayo matatapos”.
Natatakot na ako.
Natatakot ako na balang araw mag sawa ka, Natatakot ako na balang araw bibitawan mo din ako katulad nila, Natatakot ako na baka isang araw magigising ako hindi mo na ako mahal, Natatakot ako na baka hindi mo din kayanin yung ugali ko. Sa totoo lang takot na takot na talaga ako mag mahal, Pero alam mo naging matapang ako para sayo. Sinubukan ko ulit mag tiwala kahit na alam ko mahirap na. Sinubukan ko ulit buksan yung mga mata ko kahit pagod na to sa kakaiyak sa mga maling tao. Kinaya kong harapin lahat ng takot ko para sayo kaya sana lahat ng mga kinakatukatan ko wag na mangyari. Sana wag mo na akong iwan katulad nila, Sana totohanin mo lahat ng sinasabi mo, Sana tupadin mo lahat ng pangako mo…
M.S (via maegandangblogger)
Kahit anong bad boy attitude pa meron ang isang lalake, nawawala yan lalo pagdating sa gusto niyang babae.
Alam niyo yung makulit na relasyon? ‘Yung para ba kayong mga bata na laging nagkukulitan. Tapos pag meron sa inyong isang hindi nag paramdam eh magpapamiss yung isa mag tatampu-tampuhan tapos susuyuin naman nung isa ‘yung nagtatampo. Tapos magkakaayos kayong dalawa dahil lang sa mga kalokokan niyo na kahit hindi maintindihan ng iba eh kayo ay nagkakaintindihan pa din. Ang sarap diba nung feeling ng isang relasyon na cool lang, friends, barkada lang…best ‘yung ganun lang. Mahirap kasi sa relasyon ‘yung sobrang seryoso. ‘Yung everytime na magkaaway kayo kahit pagaaral niyo, trabaho, pamilya at friends ay naapektohan. Masaya magkaron ng isang relasyon na para lang kayong mga bata na kinikilala pa ‘yung bawat isa every moment na magkasama kayo. Kapag ang relasyon niyo ay para lang kayong mga bata mas maeenjoy niyo pa ang mga oras na nagmamahal kayong dalawa.
Ikaw ang blessing ni god na ayaw ko ishare sa iba ♥.♥
♥.♥
re-blog if you're accepting anonymous asks from anyone about anything
ALWAYS ACCEPTING
PLEASE





