Avatar

Sean

@mouthbreathersworld-blog

can speak parseltongue

There's man in my room telling his story all night. It's a secret that I don't wanna hear.

He speaks.

You need to listen.

It can't be sung.

He needs to scream.

He goes in the morning,

He's back in the evening,

I hear him every time before I'm sleeping.

No, I don't sleep. I can't.

Why he is here all night?

He always talk about his failures.

He sings his sad song.

He dances his pain.

Bearing his favorite regret.

I feel guilty.

He wants a second chance.

He wants something new.

The man wants to start again.

He always talk.

He always cry.

He always say "I miss being happy and alive."

July 2, 2019. Unang buwan na mag-isa akong nakatira at maging independent sa ibang lugar, dito sa Iloilo City. Matagal ko na itong gusto eh, na makapunta sa isang lugar na wala kang kilala. Yung ikaw lang mag-isa, bagong mga lugar ang makikita, bagong tao ang makakasalamuha at bagong pananaw sa buhay mo ang madidiskubre. Masaya, malungkot, mamimiss mo yung dati mong ginagawa, dati mong mga kasama. Pero kailangan din naman natin sumubok, sumugal at tumawid sa ibang daan para maka experience ng thrill kahit minsan lang sa buhay. Ika nga, "You only live once" kaya grab na every opportunity, diba?

Gusto Kita

"John Joseph, sabay ka saamin?"
"Hindi na, kasabay ko si Cheska e" sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko.
"As usual, si Cheska na naman" rinig kong sabi ni Paula.
"Sige, una na kami"
"Sige" kumaway naman ako sa kanila.
Nang palabas na ako ng room, nakatanggap ako ng text galing kay Cheska.
"Jojo, saan ka na? malapit ng umulan oh, wala ka pa namang payong"
Napangiti na lang ako sa nabasa ko. Nilagay ko na sa bulsa ang phone saka nagmadali sa room nila Cheska.
Si Cheska ay kapitbahay ko. Magkaibigan na kami simula noong grade 2, dahil doon rin kami unang magkaklase.
Yung pagtingin ko bilang kaibigan sa kanya, parang unting mas lumalalim ito. Sa tuwing may kasama siyang ibang lalaki, parang may kung anong kirot sa puso ko na parang nagsasabi na 'lumayo ka sa kanya dahil sa akin ka lang'.
Nasanay lang siguro ako na nasa akin lang ang atensyon niya.
Gusto ko na sanang sabihin sa kanya itong nararamdaman ko. Pero parang hindi pa ata handa ang lahat. Takot rin ako na iba yung pagtingin niya saakin gaya ng pagtingin ko sa kanya.
Palapit na ako sa room nina Cheska at rinig ko na rin yung mga mala-nakamicrophone nilang boses kahit nakasira yung pinto.
"Oh Cheska, sinong kasabay mo pauwi?" rinig ko sa isang kaklase niya. "Sino pa ba e di si John Joseph" sabi naman ng isa.
"Ayieeeee"
Kakatok na sana ako pero napahinto ako ng narinig ko ang isang gustong gusto kong itanong sa kanya dati pa.
"May gusto ka ba kay Jojo mo?"
Natahimik ang buong paligid. Tanging rinig ko lang ay mga malalayong tunog galing sa ibaba ng building na ito.
"Ano na Cheska? siguro naman sa matagal niyo ng pagkakaibigan, meron naman siguro kahit kaunting pagmamahal DIYAN na higit sa pagakakaibigan para kay John Joseph"
Yung excitement na nararamdaman ko kanina, parang nagbago ito. Parang ayaw kung sagutin niya ang tanong na yan o ayaw kung marinig ang sagot niya. Kinakabahan ako.
Gusto ko na sanang kumatok para matapos ang pinag-uusapan nila....
"Ah eh hehe ano kaba, k-kaibigan lang ang turing ko sa kanya no, s-saka hindi pang boyfriend material ang lalaking iyon. Medyo lampa, immature, hindi magaling sa sports, saka hindi nakakauwi ng bahay kapag siya lang mag-isa"
Parang gumuho yung kinatatayuan ko dahil sa mga naririnig ko galing sa kanya. Parang kung may anong tumusok sa dibdib ko pabaon sa puso ko dahil sa sobrang sakit nito. Gusto ko narin umalis sa harapan ng pintoan na ito pero hindi ako makagalaw.
"Ang hard mo friend... Oo o hindi lang naman ang sagot"
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, hindi ko na alam ang nangyayari... ang sunod ko na lang nalaman ay nasa harapan ko na si Cheska.... nakatulala- pati mga kaibigan niya.
"Jo..."
Mas lalong sumakit yung nararamdaman ko ng makita ko na siya. Hindi ako makapaniwala na ganub ang pagtingin niya saakin. Na sa tuwing nakatalikod ako iba ang takbo ng isip niya, hindi gaya ng ipinapakita niya saakin.
Patakbo akong lumayo sa kanya, rinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi ko iyon pinansin.
Para ano pa diba? Narinig ko ang nasa isip niya. Nasagot na ang matagal na gustong itanong sa kanya.
Ilang araw na ang nagdaan simula ang pangyayaring iyon. Ilang araw na din ang pag-iwas ko sa kanya. Ilang araw na din ang pag reject sa mga tawag niya, pag-aanyaya niya na mag-usap kami.
Ilang araw na din na kumilimlim ang kalangitan pero hindi naman umuulan.
"John Joseph? sama ka ulit saamin?" tawag saakin ni Paula.
"Hindi muna"
"Sige, bukas na lang" tinangoan ko lang sila bilang pagpaalam.
Nang matapos na ako sa pag-ayos ng gamit ko , bumababa na ako ng building. Bigla naman bumuhos ang ulan.
Kinuha ko ang payong ko sa bag. Binuksan ko ito saka lumabas na ng building.
Nang palabas na ako ng school may lumapit bigla saaking babae na basang-basa ng ulan.
Si Cheska.
"Jojo..."
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, pero inaamin ko may kaunting guilt akong naramdaman ng makita siyang ganito na basang-basa sa harapan ko, na halatang kanina pa niya ako hinihintay.
"Sorry.... baliktad ng mga yun talaga ang gusto kong sabihin"
"Hindi mo kailangan mag sinungaling para patawarin kita"
"Hindi ako nagsisinungling"
Sana nga.
"Sorry..." yumuko siya.
"Wag kang mag-alala hindi rin naman kita gusto" pag  sinungaling ko.
Naisip kong mas mabuti na lang na maging kaibigan na lang kami. Atleast kasama namin ang isa't-isa.
"Tara na, umuwi na tayo baka magkasakit pa niyan"
Inangat niya ang tingin niya at nakita kong umaagos ang mga luha niya pero nakangiti na ito.
"Salamat"
Sabi nga, hindi lahat pwedeng ipagpilitan. Dapat marunong tayo makuntento.