"An open letter to my Great Love".
What ever happens you will always be my "GREATEST LOVE".
Hindi ko alam kung ano na ang susunod na mangyayare sa pahina ng relasyon natin. Gusto ko lang i take yung opportunity na magpasalamat sa lahat. Magpasalamat sa pagmamahal, sa pag aalaga, pag intindi at higit sa lahat sa pag tanggap sakin sa kabila ng mga kamalian kong nagawa sayo. Salamat sa mga araw at oras na magkasama tayong dalawa. Sa mga problema at pagsubok na nalampasan nating dalawa. Sa mga panahon na andyan ka sa tabi ko pag nanghihina ako, sa mga panahon na andyan ka para damayan ako pati si nay pag kailangan ka namin. Salamat sa laht lahat ng ginawa mo para sakin. Salamat sa lahat ng mga tiniis mong sakit simula nung mahalin mo ako ulit. Marami pa kong dapat ipagpasalamat sayo. Basta salamat ng marami sa lahat lahat.
Alam kong pagod kana, alam kong nasasaktan kana. Alam kong kahit ano gawin ko hindi na mabubura sa isipan mo yung mga bagay na maling nagawa ko. Pinagsisisihan ko yun at ginawa ko lahat ng best ko para maging kaparatdapat para sayo pero siguro nga hindi talaga ako magiging worth it para sayo. Sorry sa mga nagawa ko, sa mga pagkukulang ko, sa mga pain na nabigay ko sayo, sa mga araw na nag aaway tayo. Sa mga araw na natitiis kita at pride ang pinapairal ko. Sa mga araw na napapaiyak kita. Sa mga araw na nababalewala kita. Sorry sa lahat lahat. Alam kong hindi enough yung sorry ko. Sana mapatawad mo ko sa lahat lahat. Pasensya kana kung bumalik pa ko. Pasensya kana kung nagulo ko yung maayos mong mundo nung wala ako. Hindi ko sinasadyang masaktan ka. Hindi ko gustong magkasakitan tayo. Hindi ko gustong maghiwalay tayo. Mahal na mahal kita sa kabila ng mga pagkakamali ko. Pinipilit ko maging better partner sayo pero talaga atang gago ko.
Pero kahit ganito ako mahal na mahal na mahal kita. Sana wag mo nalang kalimutan yung mga masasayang araw na meron tayo. Yung masasayang pinagsamahan nalang natin yung isipin mo. At siguro naman kahit papano nay nagawa naman akong mabuti para sayo. Naparamdam ko naman siguro kung gaano kita kamahal sa sarili kong pamamaraan.
Pasensya kana po sa mga gabing nagdaan na akala mo wala nakong gana sayo. Nagkakataon lang na pagod tayo lagi. Pagod mag deliver, pagod mag drive, pagod kumuha ng stocks,at pagod sa pag aasikaso ng aso. Tapos stress pa po. Kaya minsan pag nahiga at nalapat na yung katawan natin sa kama at pagkatabi na kita napapahinga na ko. Nakakatulog ako agad. Di ibig sabihin nun na wala akong gana o nagsasawa ako. Nagkataon lang na sobrang dami natin pagod nun kaya po pasensya kung nakakatulog ako.
Mahal na mahal kita kahit ayaw mo na at napagod kana. Basta ako Mamahalin lang kita.