'Aking Ina'
aking minamahal na ina nawa'y pagdating ng araw, aking matumbasan lahat ng iyong paghihirap. tanging dalangin sa maykapal na ikaw ay gabayan at mawalan ng karamdaman. pangaral mo'y aking dadalhin sa aking mundong tatahakin at ito'y aking susundin. kahit tayo'y pinagbuklod ng mga pagsubok na dumating, nawa'y balang araw ay makasama kang muli. kami'y nananabik sa mga halik mo't yakap na sa ami'y pinagkait ng kahapon na syang dahilan ng iyong pg alis. ang pag alis na kailan man ay di dapat ika-sama ng loob. pag alis na dapat intindihin. alam namin na sa bawat ngiti mo may nakatagong lungkot at takot na di mo magawang ipakita. di ka man namin laging kapiling, di ka man namin laging nahahagkan pero sa puso namin ay nag-iisa ka lang. salamat aking ina at ako'y di pinabayaan bagkus ika'y ngsakripisyo para sa aking kinabukasan. tunay kang isang dakila na dapat tularan ng madla. kaya ina sa araw na ito sana'y maramdaman mo pagmamahal at pasasalamat namin sa iyo. matatamis mong ngiti ang mgpapabalik sa kaligayahan na pinagdamot samin ng kahapon na minsan tayo'y pinagbuklod. para sa kinabukasan namin ika'y umalis at ngaun hinihintay namin ang iyong muling pagbabalik sa ating tahanan na puno ng pagkasabik dahil sa iyong mga yakap at halik muling mapapawi mga lumbay at pighati. "Happy Mother's Day Mom" I Love You
