Ang payo ko sa puso ko, at sa inyong lahat
Hindi mo pwedeng sisihin ang Silent Sanctuary dahil lang kinakanta nyo ang mga kanta nila nung masaya pa kayo.
Hindi ka pwedeng malungkot pag ikaw ang nagpa-process ng papers ng kamag anak nya dahil una sa lahat, hindi ka naman nyan kilala. At pangalawa, trabaho mo yan.
Hindi mo pwedeng itapon ang mga damit na nasuot mo nung nagkikita pa kayo.
Hindi mo pwedeng iwasan ang Favorite mong restaurant dahil lang dun kayo naging opisyal na magsyota noon.
Hindi ka pwedeng ma-badtrip kung nakikita mo ang number 10 o kaya yung petsa ng kaarawan nya dahil wala naman silang pakealam kung may issue ka sa mga yan.
Hindi ka pwedeng mabwisit sa mga tao, bagay, hayop, at kalesa sa Vigan dahil lang doon kayo nagbakasyon nung masaya pa kayo.
Hindi ka pwedeng mainis sa mga taong kapangalan nya dahil wala naman silang ginagawang masama sayo.
Magpasalamat ka nalang na naging parte sya ng buhay mo at naging kayo.
Tandaan mong itong mga kinakainisan mo ngayon ay minsan nagpasaya sa'yo.
Pwede kang umiyak, ng umiyak, ng umiyak. Lilipas din yan. Tiwala lang. Isang araw magigising ka nalang, at nakangiti ka na ulit. Maaari pa ring bumalik ang nararamdaman mo pag nagkita kayo.
Maaaring sya rin ganoon. Malay mo sa tamang panahon kayo rin lang pala sa huli. Pero wag ka munang umasa. Pag aralan mong mamuhay ng hindi mo sya nakakausap. Tandaan mo kung ano yung mga bagay na ginagawa mo noong wala pa sya sa buhay mo.
Magdasal ka. Magiging okay din ang lahat.