Hello!

Tumblr is where tens of millions of creative people around the world share and follow the things they love.

Sign up to find more cool stuff to follow

Para sa mga haters.

image

 Incoming Freshman ka ba sa UST? Sa Beato Angelico ba building mo? CFAD-Advertising Arts ba ang kinuha mo? Kung ang sagot mo ay oo sa lahat ng tanong na yan, YAY! Para sa’yo ang post na to.

 Naaalala ko noon ganitong panahon yung pagkuha ng mga echas sa Beato. Kasama na dun yung schedule. Sa schedule mo malalaman kung ilang oras ka mababaliw sa school. Alam niyo na yun. Nung nakita ko siya, napamura ako. Hahaha! Kasi siyempre nung high school mga 40-50 minutes lang yung isang subject, kung minsan sige 60 na rin. Nagulat ako kasi yung nakalagay sa akin, 3-5 hours bawat subject. So ayun, yung sa iba naman ganun rin pero sa ibang college, di ganyan ka brutal. Nalaman ko na lang na okay lang pala siya kasi yung mga subject na yan may kinalaman sa hands-on activities. So it’s really time consuming. Di kasya ang 1 or 2 hours.

May mga subjects din na first time ko nakita. Tapos nakakainis kasi naka-acronym pa sila. So di ko talaga alam. Ayun, i-dedescribe ko sila at kung ano yung naranasan ko sakanila dati. :)

FIL 1

   So eto yung pinaka ayokong subject, Filosophy. De joke lang, alam niyo na kung ano yan. So dito, medyo parang balik high school. Yung prof ko dito si Sir Sanchez. Mabait siya kapag nakikinig ka sa discussions niya at kung hindi ka maingay at kung di ka rin bastos. Haha! Masaya sa klase niya kasi may sense of humor siya tapos may mga activities siyang pinapagawa tapos related sa course natin.     

ENG 1

English. Ayun ganun din, baka pagawin kayo ng research paper. Kami kasi pinagawa tapos yun yung finals namin for first semester. Di na namin siya prof nung second sem. Share ko lang. Di ko maalala kung sino prof ko dito e. Pero may nagsabe sakin na taga ibang block na mukha daw siyang cartoon. Yung sa Shrek daw, si Fiona. Nung naging color green na siya. Ayun nakakatawa rin siya, kaso eto parang galing sa Sitcom show.

PHC

Philippine History and Culture yata to e. Or PHilippine Culture. Pero sure ako yung una ata. Ayun, medyo petiks kami dito. Kaso badtrip Saturday natapat. Tapos naalala ko sabi ng mga blockmates ko, yung prof namin dito puro burger sinasabe. Di ko maalala name niya. Tapos okay lang sakanya na di makinig. Nakakaawa nga e, minsan nahihiya ako kaya parang pag tumitingin siya sakin todo nod ako. Para kunware  interesado ako sa sinasabi niya.

VP

   Visual Perspective. Sketching, drawing, painting mga ganyan pinaggagagawa. Si Ma’am Zacarias prof namin dito, mabait siya pero habang tumatagal bumababa siya magbigay ng grades. Naglelesson siya muna at naka powerpoint pa tapos sa class kayo gagawa ng plates. Kaya ayun, gamit na gamit yung 5 hours. May ibang prof naman na nagpapagawa sa bahay kaya pagbigay ng plate, uwian na. Kaya swerte niyo pag ganun! Haha   

MAT 1

Materials. Sculpting and shit. Dito mo makikilala si Plaster na pag nabasa nag-iinit at tumitigas. Dito ka mapapaputang ina. Kasi sobrang matrabaho tong subject na to. Nung una akala ko Math to. Pero hindi. Mas malala pa siya sa Math. Sorry kung tinatakot ko kayo pero malay niyo petiks pala kayo dito tapos kagaguhan mga sinabe ko. Pero ayun yung na-experience ko e. Prof pala namin dito si Sir Z. Tae nakalimutan ko name niya kinailangan ko pang pumunta dito. Ayun, wag na wag niyong gagaguhin to kasi pag yan nabanas sayo maalala niya yan habang buhay. Mahilig rin yan magpahabol. Nananakot tapos kunware late ka, absent, kupal. Di niya tatanggapin plate mo. Lalaitin niya rin tapos kung maganda ka, try mong magpacute kasi gusto niya yun. Hahahaha! Sabi rin ng mga higher batch na naging prof to, medyo mahilig to sa chicks at kadalasan sila yung gusto niya pahabulin. Kaya good luck sayo, magandang dilag. Magpagoodshot ka na lang para di ka na humabol habol. Ipakita mo rin na hirap na hirap ka sa ginagawa mo kahit pangit. Wag ka rin magpakita sakanya na petiks ka kasi GG ka ser.  

MDRPERS

Mechanical Drawing and Perspective. Parang drafting nung high school. Tawag ko dito, MADERPAKERS. Ito yung naging problema ng 1AD4 noon. Kupal kasi yung Prof namin dito e. Sosyal siyang bakla pero ewan ko nakakadiri kasi naman may stalker akong blockmate na nakakita sa mga porn niya ay, almost bold niyang photos sa Facebook. Grabe lang e, nung nakita namin yun. Nag-iba tingin ko sakanya, medyo di ko siya matignan ng ilang weeks tapos ayun nasanay rin. Nung una siyang nagpakilala samin, nakataas pa yung kwelyo niya. Inaasar nga namin e, tinataas din namin kwelyo namin. Nung wala na siya hahahaha. Para siyang si Boy Abunda kaso nga lang may buhok. Tapos di mo alam kung nakatingin siya sayo o sa kisame o sa classmate mo o sa ibang bagay kasi banlag yata siya. Hahahaha! Pinagawa niya pa kami ng “EGG MODULE”. Ito yung box na gawa sa manipis na board na tinatawag na Bristol Board. Gawa lang dapat ito sa isang Bristol Board at sa loob nito may itlog. Ibabagsak ang box na to sa galing sa Grandstand at pag nabasag to, singko kaagad. TANGINA DIBA? Wala man lang, “O eto, tres dahil sa effort mo.” “O eto, tres para sa itlog na pinatigas mo. Gamit ng nail polish. or iba pang pampatigas.” “O eto, tres para sa pagpasok ng itlog sa loob ng kahon mo” WAT. Pero wala e, automatic singko. Umulan nga ng singko nun e. Ang daming basag na itlog. Ang sakit pakinggan no? ITLOG MO BA NAMAN BASAGIN. SISINGKOHAN KA PA. So ayun, sa block ko pala medyo madaming itlog na nakasurvive. Ehe ehe. Proud blockmate lang. Haha! Ayun, kelangan pala malinis gawa mo sa mga plate mo dito, tapos kailangan sakto yung measurements. May tinatawag na CHAMPEKTIB ba yun? di ko alam, basta yun yung huhulaan mo ung measurements tapos basta magmukhang pantay or ewan pero chinicheck kasi talaga niya e. Unless nalang nabanlag yung banlag niyang mata tapos nakatakas ka edi yehey! Magpakabait kayo sakanya at kahit kupal siya wag kayong manguulol kasi kayo madadali niyan.

ARTHIST 1

   Art History. Artists at ang evolution ng art ang pinaguusapan dito. Heeeee. Sir Malihan :”) Crush ko si Sir kasi di ko alam. Hahaha basta gusto ko siya pag ngumingiti kasi medyo bihira lang. Tapos parang pag nakikita mo siya parang malulungkot ka. Di ko alam pero ganun din nararamdaman ng mga blockmates ko. Naaawa yung iba. Ganun.. Mabait to sobra! Sana maging prof ko siya uli kahit medyo boring yung class niya ayos lang!! Kilala niya nga ako e. Hehehe dati, lagi niya ko tinatawag sa class. Hahaha! Tapos isang beses tinawag niya ko tapos tinakpan ko ng kamay ko yung mukha ko tapos di niya ko nakita tapos nagtanong siya “Nag-CR ba?” tapos nagtawag na siya ng iba. Nasa 2nd row nga pala ako nun. I’m so ninjuuuuuh! Ayun, papagreportin niya kayo at nagpapagawa rin siya ng mga hands-on stuff :)

TECH 1 

Techniques. Ayun, di ka tuturuan dito. Sasabihin lang kung ano yung ipapadrawing, mostly puro tungkol sa UST. So asahan mong maumay kay Benavides, Main Building, at Arch of The Centuries. Hahaha! Petiks yung prof namin dito kasi magpapadrawing siya tapos iiwan ka niya tapos minsan pwede ka na umalis basta konchabahin mo yung taga-attendance tapos yung isang plate minsan umaabot ng 2 weeks or 3. Tapos mataas pa siya magbigay ng grade basta may background hahaha. Diba, ang bait niya. Nakakaappreciate siya ng effort di gaya nung prof ko sa MADERPAKERS. Ayun nung second sem kasi yung prof namin sa MADERPAKERS naging prof namin sa Tech. Kaya ayun, petiks days are over.. :( 

THY 1

Theology. Alam niyo na to, parang Christian Living lang. Ayun, medyo petiks din kami noon dito. Mabait yung prof namin sobra. Tapos galing pa niya mag-guitar saka kumanta! Pwedeng pwede pa mangopya dito. I mean, basta wag lang sobrang obvious hahaha! Grabe no, Theology pa talaga e. Sorry Lord, naiintindihan niyo naman po siguro kung bakit namin nagawa yun :( Di siya ganun ka higpit.

PE 1

   Depende sa nakuha niyo. Sepak Takrush yung nakuha kong P.E noon at sobrang miss ko na to. :( Masaya siya at sa una talaga nangangaen to pero habang tumatagal makukuha mo rin sumipa ng tama.

Okay ang dami kong sinabe. Hahaha feeling ko may mga nakalimutan ako sabihin. Sana kahit papano nakatulong yung pag-share ko hahahaha! 6 am na, finally inaantok na rin ako! :)) Bye! See you in Beato!

  Also, you might want to check out my blockmate’s blog post about the things you should know about Advertising Arts. YAY!

Aanhin mo ang iyong medyas, kung masmabaho naman ang iyong kepyas?

"Hindi ako tatawa, hindi ako matatawa, hindi ako tatawa!!!"

image

Mag post ako ng TTH ko kahit friday na.

Bat andameng bitter sa mga PAASA??

dahil ba umasa sila sa wala??

Pero baka naman meron talagang aasahan pero hininto lang ng umaasa ang umasa dahil matagal mangyare yung inaasahan nila?

HAHA

Bakit ba nagpapaasa ang mga tao?

Siguro para sa mga umaasa, para may asahan sila.. HAHA

Pero sana kung hindi kayang ibigay ang inaasahan sa kanila.. Sabihan nila agad yung mga taong tatanga tanga na basta basta na lang umaasa, nag aasume o nag eexpect.

xD

Dapat umasa lang tayo sa mga bagay na tingin naten e mangyayare o magkakatotoo, kung tingin naten e imposible ang mga sinasabe sa’tin, wag tayo basta basta aasa o maniniwaala.

xD

Tayo din mismo ang NAGPAPAASA sa sarili naten, tayo ang may kasalanan kung UMASA man tayo sa wala..

masakit yun, hindi mo kayang tanggapin na umasa ka sa wala.. kaya binubunton mo ang sisi sa ibang tao. na sa tingin ko ay HINDI TAMA!

Hindi dapat naten sisihin yung ibang tao at sabihan silang PAASA.

xD

Ikaw ang UMASA at NAGPAASA sa sarili mo. yun lang yun

Imbis na magbitter at magtawag ng ibang tao ng paasa.. Magingat na lang tayo at huwag basta basta paasahin ang sarili naten sa mga bagay bagay..xD

PAASA KA, PAASA AKO, PAASA TAYONG LAHAT!

BOW!

DB or RB ? :]

ano gusto nyo? [3 lang yung DB ha. the rest RB na :**** : i’ll post this kapag sinipag ako =)]

Bisita nalang ako sa mga blogs niyo, nyeta! Wala ako magawa eh.

when you get a text.

From your friend

image

From your crush.

image

Kapag malapit nang magunaw ang mundo....

Sinong cartoon/anime character/s ang tatawagin ninyo to save our planet?

(Ako, si Sailor Moon at ang Sailor Scouts, Mask Man, Gundam at Ultra Man. Sama ko na rin si Princess Sarah baka kailangan may i-alay siya na lang. ~LOL!)

Eh IKAW? SINO TATAWAGIN MO?!

Ang CUP NOODLES ba pag sinalin sa mangko. Cup noodles padin tawag? :D

Tatawanan ko nalang kayo.

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Magmahal ng taong minahal mo ng buong buo, binigay lahat ng pagmamahal mo sa isang tao dahil mahal mo siya hanggang sa wala ka ng tinira para sa sarili mo. Yung tipong gagawa ka talaga ng paraan para di siya magalit sayo, para di siya mawala sayo. Lahat ng gusto at kahilingan niya binigay mo para mapasaya lang siya. Pinatunayan mo sakanyang mahal mo siya at siya lang. Pero sa lahat ng ginawa mo, sa tingin mo nabalik lahat ng yun? Nalaman mong di pala siya ganung kaseryoso sayo. Ngayon, nawala siya sayo. Nakipaghiwalay sayo. Hirap na hirap kang mag move on, dahil kahit isang pagmamahal sa sarili mo di ka nag tira. Ano ka ngayon? Nagmumukmok sa isang sulok, umiiyak at sinusuyo parin siya kahit sa tingin mong wala ng pag asa. Pero siguro di talaga siya yung deserving para sayo, ibigay mo yung pagmamahal mo sa taong nararapat at lahat ng pagkakamali ay naiitatama. 

Loading more posts...