Volg in een handomdraai berichten die getagd zijn met #unforgettable nights.
Registrerenunforgettable 2nights!
1st night - NAKILALA KO ANG KANYANG PAMILYA
sumali kasi sya nun sa isang pageant sa kanilang lugar… nakapangako ako sa kanya nun na papanuorin ko sya sa mismong pageant night para suportahan sya at bigyang ng lakas ng loob… DECEMBER 9, 2011 EKSAKTONG 6PM nagsimula na akong tahakin ang landas papunta sa kanila para panuroin sya at suportahan sya… mag-isa lang akong pumunta nun. para akong tanga nun bukod sa sinisigaw ko yung pangalan nya xyempre mag-isa lang ako kaya nakakahiya pero inalis ko lahat ng hiya ko nung gabing yun para maipakita ko sa kanya ang lahat ng suporta na kaya kong ibigay. BTW 2nd placer pala sya di na masama… first time nya lang naman kasing sumali sa ganon ehh..inabot hanggang 11pm yung pageant at wala na akong masakyang jeep pauwe sa dorm o kaya naman sa bahay… kaya ayon napagpasyahang dun nalang ako matulog sa kanila at dun ko na nakilala ang kanyang pamilya… grabe sobrang bait ng parents nya at tsaka nung kuya nya napagkamalan pa nga akong boyfriend nya ihh… (nakakatuwa) ayun nakasundo ko naman lahat… at dahil sa sobrang saya nakalimutan kong may seminar pala kami kinabukasan …. ayun late ako sa meeting place… sa lahat talaga ng kasiyahan may pambawi na di kanais-nais…
2nd night- eto yung gabi ng birthday nya. JANURAY 25,2012 … DAMING hassle nun bago ako makapunta sa kanila .. una dahil ubos na ang budget ko pinambili ko kasi ng regalo para sa kanya… pinoblema ko pa kung saan ako kukuha ng pera nun buti nalang nalang at mayron akong napakabait na karoomate na nagpahiram sakin ng pera… naiintindihan nya daw kasi yung kalagayan ko… 6:30-7:30 travel time… at sa wakas nakarating na ako sa kanila… nagulat ako kasi andameng tao tapos bigla kong nakasalubong si kuya nya at ayun tinuro ako kung nasaan sya busy sya maxado sa pag aasikaso sa mga bisita nya then nakita ako ni ina nya… sinamahan ako sa loob at pinakain pagkatapos akong asikasuhin tinawag naman nya c ano at dun ko binigay ang regalo ko worth 1week kong allowance tapos nagpasalamat sya… haha… super tiring yung 1 hour kong byahe pero nawala lahat ng pagod na yun nung nakita ko sya na nakangiti habang kinakausap ako… and then nagpaalam sya saglit aasikasuhin nya lang daw yung iba nyang bisita then sabi ko “sige lang :))” umalis na sya at dumating naman yung kuya nya at tinawag ako lumapit naman ako at nung nakalapit naman na ako sabay sabi boyfriend nga pala ng kapatid ko … nashock ako at nahiya syempre nandun yung mga kamag-anak nya. sabay sabi kong “hindi po” (pero sa isip-isip ko sana nga kame talaga) (yan ang dahilan kaya unforgettable ang gabing yun) after that tinawag nya ako at sinabing doon kame sa taas tawag daw ako ng tropa nya inuman daw… punta naman ako at nakishot at konting kwentohan narin… pagkatapos unusin yung isang bote nagpasyang nang umuwi yung tropa nya … and then sinamahan ko sya para ihatid yung tropa nya tapos nakasalubong ko yung tatay nya at nakipag-apir sakin … at nung pababa na ng hagdan nakita kane ng kuya nya sabay sabeng “uuwe kna ??? wag ka nang umuwe! dto kna matulog!!! ” “sabi naman nya d pa yan uuwi sasama lang daw sya sa paghatid sa tropa ko” at ayun nakalabas na kame ng gate ng bahay nila tapos nagpaalam na sya sa tropa nya paktapos nyang bumeso ssa mga gerlfrens nya sumigaw yung isa “ikaw huh! may hindi ka sinasabi sa amin!” (napangiti nalang sya) pumasok na kame sa loob ng bahay at ayun dun naman ako sa inuman ng kuya nya nakipag-inuman… grabe nalasing ata ako nun… at napansin ng kuya nya sabay tinawag at at sinabing samahan mo na to sa kwarto mo patulugin mo na! at ayun nga natulog na ako sa itaas ng double-deck nyang kama … sabi ko sa kanya gisingin nya nalang ako may pasok pa kasi kame nun kinabukasan…
*kahit lasing na ako hindi ko maipagkakayla sa aking sarili na sobrang saya ko nung gabeng yun… bukod sa matutulog kame sa isang kwarto (masaya na rin ako kahit di kame magkatabi) naaalala ko yung sinabi ng kanyang kuya na sana totoo nalang!