Sitcoms sa Telebisyon.
Nakakamiss yung mga sitcoms sa ibat-ibang TV network. Dati araw-araw pa yun eh. Ngayon halatang pilit na lang yung mga palabas nila. Tapos ang masagwa pa doon eh hindi buo ang istorya at minsan idadaan pa sa TEXT PROMO kung ano ang gusto mong ending. Kung mamamatay ba yung bida o hindi? Kung mawawala ba yung diary o hindi? Kung madudulas ba o kung ano pa mang kalokohan na sumisira sa ganda ng mga palabas dati sa telebisyon.
Nakakamiss yung mga palabas na sobrang casual lang. Yung mga Home Along Da Riles dati, Bida si Mister, Bida si Misis, Da de di do du, Beh Bote Nga at marami pang iba. Nawala na yung mga ganitong palabas eh. Yung mga palabas na sobrang simple lang at walang effort kang napapatawa. Yung mga nauusong buhusan ng tubig, hampasan ng diyaryo. Nawala na lahat ito. Nakakalungkot at hindi man lang naabutan ng mga nag uusbungan na mga batang nasa henerasyon ngayon. Hindi nila nakita gaano kaganda at pinag-iisipan ang mga teleserye at palabas sa telebisyon dati.
Anyare?
Naaalala mo pa kaya ang mga ito…

Bayani - palabas “noon” na tungkol historya na nagpapaalala sa mga bayani na nagbuwis buhay o nagbigay kulay sa ating Inang Bayan kung ano man ito ngayon.
Hiraya Manawari at Wansapanataym (old version) - palabas “noon” na may mga iba’t ibang mahihiwagang storya na pinagpupulutan natin ng magagandang asal.
Sineskwela - palabas “noon” na tungkol sa sensya na natututunan din natin sa eskwelahan pero mas naipapaliwanag ng maayos dito.
Epol Apple - palabas “noon” na tungkol sa wikang ingles na matututunan din natin sa eskwelahan pero mas nakakainganyong pag-aralan dito.
Math Tinik - palabas “noon” na tungkol sa mga numero o problemang matematikal na napag-aaralan sa eskwelahan pero mas naipapaliwanag ng maayos dito.
“NOON… anyare na sayo NGAYON?”
Nakaka-miss din pala balikan ang nakaraan.. nakaraang nagbibigay ng magandang impluwensya bilang isang bata. Oh kay sarap balikan na noon, nagigising tayo ng maaga para lamang abangan ang makabuluhang palabas na ito. Dahil sa mga palabas na ito, natuto tayong mag-reflect ng ating pagkakamali o kung anong tama at mali. natuto tayong kilalanin di lang sa pangalan kundi pati narin sa mga nagawa ng ating bayani at kung paano tayo makakatulong sa atin bayan. At dito natuto tayong intindihin pa at mahalin ang mga subjects na Math, Science at English.. dahil mas nauunawaan natin ito sa madaling paraan na hindi maipaliwanag ng ating guro. Ito ang mga palabas na nanghihikayat sa atin na mag-aral at matuto, mahalin ang ating bayan at maging mabuti kabataan. Noon, nakatutok lamang tayo sa telebisyon at naiimpluwensyahan ng maganda subalit…
Ngayon? Bakit ganito na ang henerasyon ngayon? Ang mga bata nagigising na lang para manood ng cartoons.. Dora? Blues Clues? Nakakatanga! Nag-aadapt ng mga anime na puros violence lang naman ang itinuturo. Kung gumuwa man ng remake tulad ng Wansapanataym, hindi parin niya napantayan ang noon. Kung may reality show nga tungkol sa kabataan.. puros naman landian? PBB Teens? Kaya karamihan sa kabataan ngayon ay di na tutok sa telebisyon.. kaya simula paggising hanggang pagtulog.. ayun, tutok lang sa computer.
Aminado naman ako na ganito narin ako ngayon.. nakakadismaya lang. Na imbes maevolve ang panahon for betterment eh kabaliktaran ata ang nangyayari.. it is getting worst. Well, masarap lang balikan ang nakaraan.
Tele--nobela--tubies
Isang madilim na gabi, ang tanging ilaw ng nayon ay ang buwan at mga bitwin lang sa malakanal na asul na kulay ng kalangitan. Ang simoy ng mga ilang-ilang at sampagita sa altar ang nangingibabaw laban sa ulam na tuyo ng mag-anak. Pero ang pinaka nangingibabaw sa lahat ay ang ingay ng kanilang kapitbahay, nakikipagtalo ang bawat miyembro ng pamilya hinggil sa pinapanood na teleserye.
“Dapat ganito, ganyan ang mangyayari”, sabi ng isang anak na lalaki.
“Ay puta, Ampangit ng istorya. Magaling pa ako sa writer na yan, e. Pamperya ang tema, pero puro patayan ang nangyayari. May kengkoy tapos papatay ng matatanda. Gago lang”, sigaw ng nagmamagaling na anak.
“Sige nga, patunayan mo?”, sarkastikong sagot ng ina.
“Mga gago pala kayo e, piksyunal lang yan. Ginagawa lang kayong bata niyang mga palabas na yan. Pinaaasa kayo. Ginogoyo. Pinaniniwala sa maling persepsyon ng buhay.” pabulyaw na sabi ng tatay nila.
“Pati ikaw, Tart. Nabobola ng mga ganyang palabas. May tama ang utak tas tatalino. Unggoy ka ba? Yung inaanak mo nga dalawampu’t limang taon na wala paring pagbabago. Hindi parin nagbi-brief ni hindi nga lumalabas yun e.” dugtong ng padre de pamilya na may kaunting ngiti sa mga labi at halong tawa sa mga mata.
Hindi na bago sa pamilya ang murahang nagaganap pero ganun pa man may kaunting respeto paring naghihihiwalay sa bawat isa. Parang isang larawang iginuguhit, mabura man ang ibang detalye pwede paring dagdagan bagaman hindi na ganun ang magiging kalalabasan. Hindi na rin bago ang pagtatalo ng isa’t isa hinggil sa palabas na napapanood nila, hangga’t magkasama sila at napag-iisa ng mga korni-ng panuorin.
“Ikaw ‘tong mas nakaka-alam, ikaw ‘tong nagsasabing tama ang mali. Umayos ka nga!”. muling dagdag bago humimlay ang mag-asawa sa malambot na kutson kung saan doon nila pagpapatuloy ang paggawa ng tama na mali at mali na tama na sinasabi ng karamihan.
Model
Ilang araw na kong tumatambay sa sofa kakanuod ng ETC sa channel 9 (dahil wala kaming cable). Daming magandang shows, nawaley ang mga dati kong pinapanuod sa syete at dos. May bago na akong kinahuhumalingan ngayon, eto:
1. America’s Next Top Model
2. Top Model Rewind
3. Tyra Banks (Show)
4. Glee
5. The Vampire Diaries
6. House of Glam
at anu-ano pang magandang pinapalabas dun
Masyado na yata akong naaapektuhan ng mga palabas na ‘to kaya kahit sarili ko kinakausap ko na kung minsan. Paanong hindi ko kakausapin ang sarili ko, e ako lang naman mag-isa sa bahay araw-araw pagdating ng mainit na hapon. Char! Pati tuloy pag-iilusyon nagagawa ko na. Minsan paproject-project daw ako sa harap ng salamin nagfifeeling model daw. Hinahanapan ko pa ng angulo yung mukha ko para medyo tama ang mathematics ng light. Natatawa na talaga ako sa sarili ko kasi dapat Plus Size Models ang pinapanuod ko.
Isa pang nakakapagpalala sa akin e ang mga tips at say ni Tyra Banks. Siya na. Siya na talaga ang best model sa lahat, siya pa lang naman ang kilala ko, so far. So ayun, idol ko na ang loka.
Ayun, try mo din magmodel-modelan. Suot ka ng high heels, dress tsaka ang hairdo wag kalimutan. Tapos pagpawisan, tigilan na ang kalokohan, OK?! hahaha
^_^
Pinoy Teleserye
Minsan nakakasawa kasi ang mga teleserye lalo na kung paulit-ulit. Yung mga scenes na napakadaming beses mo nang nakita sa TV. Mga nakakasawang tulad ng:
Drive. Lasing na magdadrive kasi broken hearted, maraming problema sa buhay, stress. Biglang masisinagan ng ilaw ng kotse tapos magpapanic hanggang sa mabunggo na lang sa puno o kaya mahulog sa bangin.
Makukulong. Mapupunta sa elevator tapos masisira o kaya mawawalan ng kuryente. Magkakasama yung dalawang taong hindi nagkakasundo o bitter sa isat-isa. Susubukang tumawag pero walang signal at minsan deadbat.
Kidnap. May mangingidnap. Hihingi ng ransom na napakalaki at sasabihin ng kidnappers na huwag tatawag ng pulis. Syempre mashoshock yung hihingin kasi hindi nila alam kung saan nila makukuha yung ganun kalaking pera. Makakakuha na sila ng pera, ibibigay. Pagkabigay ng pera, makikita ng kidnapper na may kasama silang pulis tapos papatayin yung nagbigay ng pera.
Bala. Magkakaroon ng barilan. Yung target nung kontrabida yung bida. Pag malapit na ang napipintong pagpatay sa bida. Para magpasikat ang hindi bida, tatakbo siya at siya ang magpapatama para maging superhero.
Laki-laki. Syempre bata muna yung mga bida. Pagkatapos ng birthday, pag-swimming lalaki na sila na lagi na lang nauulut sa teleserye.
“Masyado tayong tutok sa mga maliliit na bagay kaya nakakaligtaan nating may mas mahalaga pa palang bagay na dapat sana ay ginawa na bago pinagtuunan ang iba.”
Bababa ba ang demand ng produkto na magiging sanhi ng pagbaba ng presyo ng mga bilihin kung makukuha o makikita ang kanino-ninong SALN? Madadagdagan kaya ang porsyento ng empleo kung ma ma-impeach? Duh? Isa lang ang matatanggal pwede namang itago ang bagay na yan. Walang gagamitan ang isyung yan. Makakain ba ako ng limang beses kung araw-araw na ipalalabas yan o ibabalita. Ewan. Pili ang mga isinasalang sa mga telebisyon, pangmayamang sangkap na lang ang niluluto. Tinapon at pinababayaan na lang mabulok ang pangmahihirap na sangkap.
Dami kong sinat-salitype, Tetris na lang tayo.
Game shows
Sa telebisyon ng mga pinoy, sari’t saring mga game shows ang e-ere sa telebisyon. Maya’t maya meron mga panibagong game shows na susulpot. Iba’t ibang klaseng pa premyo ang nakapaloob dito. Merong showcases, pera, house and lot, at mga sasakyan. Pero ang tanong, nakatutulong nga ba sa mga mamamayang pinoy ang mga palarong instant unlad at instant yaman?
Ito ang ilan sa aking opinyon patungkol sa mga game shows..
- Dahil instant kaginhawaan ang dulot ng mga game shows, mas lalong tumatatak sa mga pinoy na magbaka sakali nalang at pumila ng pagkatagal-tagal sa mga auditions ng game shows, kesa maghanap ng mga permanenteng trabaho. In short (not in long) nagiging buhay ang papel ni Juan Tamad.
- Nagmumukhang tanga at walang respeto ang mga pinoy sa kanilang mga sarili para sa sinasambang pera.
- Nagmumukhang nagkakandarapa ang mga tao sa pera.
- Nagkakaroon ng pera, tapos biglang magbabago ng ugali, kala mo di nagdaan sa kahirapan.
- ‘Yung ibang mga host ng game shows lumalaki ulo, akala nila hawak na nila ang tao. Di nila alam kapag wala ng pera dun, wala ng tao.
- Kumakapal ang mukha ng mga pinoy.
- Nawawala ang pagiging konserbatibo.
Ayos lang naman magbaka sakali na biglang umunlad. Pero tandaan na ang biglaang pag-pasok ay may biglaang kapalit din. ‘Wag lang makuntento sa pagbabakasakali, ito’y isang pansamantalang paraan lamang at mas dapat na bigyan ito ng permanteng solusyon.
Mukha lang akong tanga kanina. Andito ako sa office ng tatay ko. Inopen niya yung tv at tadaaaa! Naamaze ako. Patunay na antagal ko na talagang di nanonood ng tv. Para akong bagong salta sa Maynila na nalula sa naglalakihang mga buildings. The Eff! :))) Andami na palang bagong mga palabas. Good thing there’s Tumblr. Updated ako sa lahat ng bagay. Ganto lagi eksena eh..
Me: Ayy alam ko na yan eh.
Someone: Pano mo nalaman?
Me: Nakita ko sa Tumblahhhhh!(like a boss) >:P
Nakakapikon ang mga palabas sa telebisyon ngayon.
Mga teleserye, anong nagagawa niyan sa isang tao?
Natutulungan ba tayong paunlarin ang pamumuhay natin?
Mga showbiz talk shows, anong nagaga niyan sa isang tao?
Natutulungan ba tayong masagot ang problema sa buhay natin?
Ano kaya kung hindi umunlad ang siyensya at teknolohiya?
Yung tipong walang tv, pc, internet, at cellphone?
Ano kayang mga itsura natin?
Siguro kung wala yun,
pantay-pantay lahat ng tao,
Nagpasya akong maglie-low muna ng ilang buwan. Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa rin alam kung saan tindahan ako bibili ng inspirasyon. Ang dami-daming pumapasok sa utak ko pero karamihan, useless. Wala namang kwenta. Minsan nga naiisip kong maggive up. Tutal parang wala naman yatang patutunguhan ‘tong “talambuhay-in-the-making” ko.
Ang alam ko lang e gusto kong magsulat. Gusto kong ipakita sa buong mundo kung ano ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagsusulat. Ang bawat takatak ng teklado ay katumbas ng mga hinanakit at sama ng loob na nagpupumiglas mula sa kalooban ko.
Bagot na bagot na ako dito sa bahay. Halos araw-araw kasi e pareho lang ang ginagawa ko.
Kain.Tulog.Computer.Computer.
Wala sa oras ang pagligo. Wala sa oras ang pagkain. Wala sa oras ang pagtulog.
Sa totoo lang, bihira lang akong matulog. Kung makakatulog man, mga 3 hanggang 5 oras lang. Sa umaga ako tulog, sa gabi ako gising. Pinipilit ang sarili ko na manood ng mga teleseryeng carried away na carried away ang lahat. Pero hindi ko na masikmura ang paboritong reality show ng lahat. Hindi ko magets-gets kung bakit big deal ang lahat ng kilos at galaw nila. Ultimo pagkamot ng pwet,pangungulangot, at paglalandi sa kapwa e ginagawang big deal.Kaya ayun, nagpasya akong manood na lang sa kabilang channel. Kaso, wala ring kwenta.
“Tapon mo na lang kaya yang Tv mo?”, sabi ng Nanay ko.Puro daw ako reklamo sa lahat ng palabas. Hindi ko na lang siya inintindi. Sus. Kala mo naman siya. Eh minumura pa nga niya yung kontrabida sa “Drama-rama sa hapon” e.
Ang alam ko lang ngayon e gusto kong humanap ng inspirasyon. Gusto kong maayos ang pag-iisip ko. Gusto kong maging okay ang lahat. Gusto kong i-clear ang utak ko.
Bahala na.