Sayang.
May sinayang na naman akong pagkakataon. Nandyan na hindi ko pa ginrab ang opportunity. Hay.
Inalok ako ng Prof. namin sa Chem. Lab na maging representative ng class namin sa isang pageant. Take note pageant. Kung saan may talent portion, long gown chenes, creative attire blahblah at iba pang chenelyn. Grabe. Isang privilege ang maalokan ng ganun. Ibig sabihin you have what it takes to join that kind of contest. E di kinilig naman ang pwet ko dun. Napa-shet pa nga ako eh. Tulad nung reaction ko nung tinanong ako kung pwede akong tumakbo bilang vice governor ng college namin. Saya na may halong kaba ang naramdaman ko. Kung umoo man ako sa pagtakbo, humindi naman ako sa pagsali sa pageant kahit na alam kong kasali yung crush ko dun. At hindi lang siya basta kasali dun. After that day na tinanong ako ng prof. ko, dun ko lang nalaman na nag-back-out yung partner niya. PUNYETAAAAAAAAA. Ngayon alam ko na kung bakit inofferan ako ng prof ko. May part sakin na gustong sumigaw ng OO, PAYAG NA PO AKONG SUMALI WITH ALL MY HEART AND SOUL BASTA SIYA ANG PARTNER KO. May part naman sakin na nagsasabi na AYAW KO PO TALAGA EH. NAHIHIYA PO AKO. Pati yung mga kaibigan ko pinipilit nila akong sumali dun. Kasi nga pagkakataon ko nang maging close sa crush ko. At malay mo maging more than friends pa kami. Wahaha! Che! Ambitious much lang. Ayun nga. Nag-isip rin ako. Pero mas nanaig ang hiya sakin. Tsaka, lutang talaga ako pag nakikita ko siya. Yung tipong hindi ko alam yung gagawin ko. Wala sa sarili. Yun ang tamang term. Wahaha! Grabe talaga. Tapos kagabi nalaman ko, kapartner siya ng classmate ko. Hay. Shet men! Ako sana yun oh. Kami sana ang magkakaholding hands, magkakaron ng picture together, magpapalitan ng number lahat na. Shet talaga. Huhuhuhu. But wait. Katulad ng dinadahilan ko sa iba, mas gusto kong makilala niya ako bilang politician at hindi isang beauty queen. Chos! Hahaha. Feeling ko mas may career ako sa politics kaysa sa mga pageant pageant na yan eh. Wahahaha. Basta ayun. Sayang talaga. At kung nasa tabi ako ni crush, sino na ang magchicheer sa kanya? Wala na. Kaya dun na lang ako sa harap ng stage at magsisisigaw. :)
Pero sayang talaga eh. Moment ko na yun with him. Psssh.
