Reminiscing my 4 years in Simonatics08
I’m 3rd year Hs (2008) when i join Simonatics.. Uso pa nun yung Friendster . Nagsesearch kasi ako ng mga names ng mga players ng Purefoods nun then nung sinearch ko yung “Peter June Simon” may lumabas na Friendster account then ayun clinick ko tapos may naka post na no. kung want daw sumali sa Simonatics… Kinuha ko kagad yung number yung taong yun ay si Ate Rygine , naghahanap siya ng member para sa Simonatics, sumali ako :) ayun winelcome niya ako..
Maingay dati ang Simonatics, maya’t-maya may nag ggm.. Laging puno yung inbox ko ng mga text nila then makalipas lang ng ilang buwan madaming nagquit, may mga nanggulo pero hindi naging way yun para masira ang Simonatics08 .. Mas naging matatag ang Simonatics08 nung nagsipagalisan sila di naman sila kawalan eh HAHA :))
Then nag try ako na manuod ng Purefoods game nun kasama ko si Tin (Former S08 member) may dala pa kaming cartolina na nakalagay go purefoods :) HAHA! bata pa kami nun walang muang sa mundo.. Ang tanda ko is Purefoods vs. Air21 yun nun tapos Bpg pa si kuya Pj nun, umaabon pa nga nun eh pero si kuya nagpapic pa din samin tapos nagpakilala kami na taga Simonatics08 kami :)
Then nagsunod sunod yung panunuod namin ni Tin, miske sa Cuneta nanunuod kami maaga kami pumupunta nun kung 1st game sila mga 2pm calltime nila, pero kami ni Tin 1pm pa lang nandun na :) Kasi hinihintay namin si Kuya hehe :D tapos pag dumadating si kuya tinatawag kami tapos tinatanong kung may ticket kami sabi namin wala pa tapos bibigyan niya kami pinapasok niya pa kami sa car niya kasi mainit daw. Dun talaga ako na touch sa kanya kasi na appreciate niya yung ginagawa namin sa kanya ni Tin.
Memorable birthday ko naman is nung 2010 kasi ganito yan, maggagabi na wala pa din nag gregreet sakin mangiyak ngiyak na ako kasi wala man lang nakakaalala sakin sa Simonatics then maya maya tumunog na yung cp ko nagtext sila sabay-sabay.. Grabe napaiyak ako tapos si Kuya Pj nagtext din pinakita ko pa kay Mama nun at sinabing tinext ako ni kuya Pj .. Abot langit ngiti ko nun :)Nagpapagalingan pa kami nun dati sa school kasi in the end of class binabati ni kuya yung mga nakakkuha ng grades eh nasama ako sa top nung 3rd year ako hahaha :) binati ako ni kuya nun .. Ang saya lang :D . Pag dating sa basketball kasi nung Hs ako ang Oa ko , maingay, pala kwento sa mga kaklase ko at ng dahil sa basketball marami akong naging kaibigan..
Msg for Peter June Simon
4 years ng nakalipas since na sumali ako, wala pa din nagbabago eto ako supporter mo pa rin, hindi naligaw ng landas, ng dahil sayo nag-aaral ako ng mabuti, ikaw lang ang bisyo ko at suportado ang parents ko dahil alam nilang ikaw ang inspirasyon ko simula nung hs pa ako. Salamat sa lahat kuya, salamat dahil di ka nagbabago samin, salamat dahil lagi mong inaappreciate yung mga ginagawa namin, salamat dahil ikaw ang naging modelo namin .. Sana maging masaya ka lagi, sana mag-asawa kana :) HAHAHA .. SALAMAT SA LAHAT! Maraming taon pa tayo magsasama kuya diba! Wait mo yung sinabi ko sau dati na gagawan kita ng site mo pag marunong na ako unti unti na akong natuto bago ka mag retire for sure tapos na yun! I love you kuya thanks for inspiring me! God Bless.Message for Simonatics08
Hello mga ate/kuya/sisters
Etong family na ito ang naging 2nd family ko dito ako nakaramdam na maging bunso pansamantala, dito nagkaroon ako ng kaibigan, mga tunay na KAIBIGAN, at mga ate na masarap kasama.. Grabe yung saya ko kapag kayo nakakasama ko lalo na yung mga treats ng mga ate :) HAHA salamat po sa inyo , :) forever tayo diba kahit 1o years na makalipas hindi pa din tayo mabubuwag .. aatend pa tau sa mga kasal at binyag ng mga magiging anak natin di ba ? :) kasi we’re family.. SIMON FAMILY no matter what happened i will forever Simonatics08 we love you all.
Maligayang Kaarawan!

Dalawang araw mula ngayon ay ipadiriwang ng aking idolo ang kanyang ika-tatlumpu’t dalawang kaarawan. Ngayon din ang ika-apat na taon, isang buwan at tatlong araw simula ng akin syang idolohin. Naalala ko tuloy kung paano ito nagsimula.. ^_^
Apat na taon na ang nakalipas mula ng mapanood ko ang isang atleta. Napanood ko sya dahil nakalaban ng kanilang koponan ang paborito kong koponan noon. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, ngunit nakuha nya ang aking atensyon sa mga huling laro ng kanilang serye, siguro dahil nakita ko ang kanyang angking galing at ang kanyang pagiging mapagkumbaba (paborito ko kasi ang mga atletang walang ere sa katawan. ^_^). Sya rin ang dahilan kung bakit ako lumipat ng koponan sa sinusuportahan. Yun nga lang sa kasamaang palad ay natalo sila at hindi nakuha ang kampeonato.
Lumipas ang ilang araw matapos ang makasaysayang laro ay napasama sya sa tinatawag na “all star games”, isang event na taon-taong ginaganap sa kanilang liga. Noon ay mas lalo akong humanga sa kanya ng makuha nya ang parangal na Pinakamagaling na Manlalaro (all star MVP). Doon ko rin nasabi na “Sya na nga talaga ang idolo ko!”
Nagdaan pa ang mga araw at mga buwan inaamin kong may mga panahon na nangamba ako na maaring mawala ang kanyang gana at galing sa paglalaro dahil palagi syang nasalikod ng mas sikat nyang mga kasamahan. Ngunit mali ako, lalo kong nakita ang kanyang pagpupursige at dahil doon ay mas lalo ko pa syang hinangaan.
Ngayon ay isa sya sa hinahangan ng marami at pinakakatiwalaan sa kanyang koponan. Natutuwa ako dahil narating nya ang ganitong klaseng lebel ng kasikatan. Hinihiling ko lang ngayong kaarawan nya na sana ay mas lalo pa syang pagpalain at magkaroon ng malusog na pangangatawan. Aminin natin na hindi sya pabata ng pabata kaya sana ay hindi sya magtamo ng anumang karamdaman upang mas tumagal pa sya sa kanyang propesyon, dahil tulad ng libo-libo nyang fans, gusto ko rin na mapanood pa sya ng matagal.
Alam akong walang paraan upang mabigyan ko sya ng materyal na bagay bilang regalo. Kaya sana ay sapat na ang maiksing pagbalik tanaw ko kung paano ko sya hinangaan. Sana ay sapat na ang simple pagbati upang mapangiti ang isang espesyal na tao sa kanyang kaarawan.
MALIGAYANG KAARAWAN KUYA PJS08!
GODBLESS!
Godbless Simonatics08!
credits to miss Clariza Baldoz for the image.
