Hello!

Tumblr is where tens of millions of creative people around the world share and follow the things they love.

Sign up to find more cool stuff to follow

HIrap mong Espelengin!

 Di ko alam kung mahal mo talaga ako o sadyang trip mo lang akong kalandian . di ko alam kung nagbibiro ka or Seryoso ka . kainiss ka! bakeet ka ba ganyan!?? Buseet kang lalake ka!

Seryoso ka ba?

Buti pa rito, may handang makinig sa mga seryosong bagay na sinasabi ko.

Di ko alam kung sadyang immature lang ang ilan sa mga kaibigan ko, kaya hindi nila magawang seryosohin ang bawa’t salitang bibigkasin ko sa tuwing hindi na ako nagbibiro. Kahit alam kong niloloko lang nila ako, masakit parin kasing isipin sa kabila ng pag-intindi at pagtitiis mo sa mga ugali nila, ni respeto sa pamamagitan ng pakikinig at pagresponde ng maayos ay hindi nila maibigay.

Kaso, naiisip ko rin na siguro kailangan kong bumaba sa kanilang sitwasyon para maintindihan ko ang dahilan sa likod ng ganitong pag-uugali nila. Pero, bakit parati nalang ako dapat ang mag ubos ng oras? Bakit ako nalang parati ang nagbibigay? Nakakapagod na kaya. Nakakapagod nang maghintay sa panahong masusuklian nila ang mga ginawa mong mabuti para sa kanilang kapakanan. 

Pero kung iisipin mo ng mas mabuti, ang dahilan ba kung bakit ka nakipagkaibigan ay para maghintay ng kapalit? Diba dapat ang dahilan kung bakit ka nakikipagkaibigan ay para may kasabay ka sa paglaki mo sa bawa’t aspeto ng buhay mo? 

Nakakapagod, pero kung malinaw para sa’yo ang dahilan kung bakit mo ginagawa ang iba’t ibang bagay, makakatulong ito para maibsan ang bigat ng dinadala mo. Bakit? Masarap kasing isipin na alam mong may pupuntahan o kapupuntahan ka.

seryoso ka ba?

  • PAG PINAKILALA KA NIYA SA PARETNS NIYA. syempre gusto niyang maging legal kayo.
  • PAG INTERESADO SIYA SA LAHAT NG BAGAY TUNGKOL SAYO (family backgrounds, favorite, etc) yung tipong gusto niyang malaman ang lahat tungkol sayo para alam niya kung ano ang gusto at ayaw mo
  • TINATAWAGAN, TINETEXT KA NIYA ARAW-ARAW. yung tipong kahit busy kayo pareho may oras pa din kayo sa isa’t-isa. yung gusto niya na may communication pa din kau lagi
  • GUSTO NIYA YUNG FRIENDS MO AT GANUN KA DIN SA FRIENDS NIYA. yung tipong nakakasabay kayo sa trip ng bawat barkada niyo nkikisama siya kasi kaibigan mo yun at ganun ka din sa kaibigan niya
  • KAPAG NAGKUKWENTO KA, NAKATINGIN SIYA SAYO AT NAKIKINIG. yung tipong alam mong focus na focus siya sayo. yung buong atensyon niya para sayo lang, nakikinig siya kahit kung ano-ano lang ang kinukwento mo :)
  • PAG SWEET SIYA SAYO. yung tipong lagi kang nilalambing, lging nag-aalala.
  • PAG OPEN SIYA SAYO SA LAHAT NG BAGAY. yung problema niya sinasabi niya sayo, at gnun ka din sa kanya. mga SECRETS niyo sinasabi niyo sa isa’t-isa. bkit? kasi kung talagang seryoso kayo, wala kayong itatago sa isa’t-isa :) 
  • PINAPLANO NIYA ANG FUTURE NIYA na kasama ka. sa bawat plano niya ikaw ang kasama niya dahil hindi siya mabubuhay ng wala ka.

 

Loading more posts...