Follow posts tagged #school suplies in seconds.
Sign upShopping kuno
Gustong gusto ko ang feeling ng nagshoshopping. Nitong nakaraang araw lang kasi namili na kami ng gamit at tamang tama naman na binigay na sakin ang sweldo ko sa tutor. I bought two lovely shoes and an mp4 player. Yung natira pinangswimming ko.

Black shoes
Meron pa kong black shoes kakabili ko lang din last semester kaso medyo masikip siya kaya kapag sinusuot ko ng matagal sumasakit ang paa ko. So, I decided to buy a new pair of shoes. Nakakapnibago nga e kasi ang bilis ko nakapamili. Ang ganda kasi ng fitting niya sa paa ko ang sexy tignan kaya binili ko na agad.

Navy blue shoes
Everything about the shoes gustong gusto ko. In short na love at first sight ako sa kanya mas lalo na nung sinukat ko. Binili ko na agad kasi naka-sale yung store. Doble kasi ang presyo kapag hindi sale. Super na-cutan ako sa takong saka sa texture niya. Bawal nga lang siya mabasa. Excited na ko isuot to hihi.

Lovely shoes
Ito naman ang binili ng kapatid ko from the same store. Ako talaga ang unang nakakita dyan dapat yan din bibilhin ko kaso hindi bagay sa paa ko kaya tinuro ko sa kanya at nagustuhan naman niya kaya siya nalang ang bumili. Actually may hidden agenda ako kasi halos magkaSize lang kami ng paa kaya pwede ko hiramin HAHA >Bad ko<