Hello!

Tumblr is where tens of millions of creative people around the world share and follow the things they love.

Sign up to find more cool stuff to follow

Kapag umiyak ang babae.

Kung titignan niyo, parang wala lang kapag umiiyak yung babae. Parang walang dating sa inyo, pero kapag umiyak ang babae, totoo yun. Mararamdaman mo naman kapag hindi totoo yung iyak niya. Makikita mo sa mata niya yon. Kasi hindi man siya nagsasalita, pero kapag tinignan mo yung mata niya, don mo makikita lahat ng gusto niyang sabihin. Ang pinakamasakit na iyak ng babae ay yung iyak na siya lang ang nakakarinig. Yung iyak na tinatago niya. Iyak na hindi na niya kayang itago pa kaya nilabas niya nalang. Yung iyak na pinipigil niya yung hagulgol niya kahit na gusto niyang isigaw lahat ng sakit pero wala siyang magawa kaya sa isip niya nalang sinisigaw lahat ng yun. Hindi naman kasi lahat ng babae, gusto na pinapakita yung kahinaan nila sa ibang tao. May mga babae paring tapang-tapangan kahit na nasasaktan na sila. Dumadating sa puntong umiiyak yung babae, pero walang luhang mailabas. Yun yung sign na sobrang nasasaktan na siya. Magaling rin kami magtago ng mga nararamdaman namin tulad niyong mga lalaki. 

Kapag may nawala, may dadating.

Minsan kailangan mong bitawan yung mga taong nagpapalungkot sayo para maging masaya ka. Kahit sabihin mo na mahal mo yan kaya ka masaya sa kanya pero pano ka magiging komportable kung siya rin mismo ang dahilan kung bakit ka nasasaktan? Minsan kailangan mo silang bitawan kasi ikaw lang rin yung nagpapalungkot sa sarili mo. Kahit masakit, isipin mo nalang na marami pa diyang nagpapasaya sayo. Kapag may nawala, paniguradong may dadating na panibago. Maniwala ka don. Kailangan mong gumalaw sa kinatatayuan mo para maging masaya ka. Wag kang matakot na bumitaw kasi para sa ikakagaan ng puso mo rin yun.

I wish my future girlfriend would say this:

You’re ugly. You’re not the best. You’re hated by many people. You don’t possess any talent. You can’t give all your time to me. But, I still love you. You wanna know why? It’s because you’re the one who makes me smile. Not because of your ugly face, but because you’re different from the other guys out there. It’s because you love me as I love you. Unlike those other guys that can’t live without girls chasing them, make them fall and in the end, hurt them.”

Madami tayong mami-miss sa Highschool Life.

  • Syempre yung baon mo araw-araw
  • Yung mga malalakas niyong trip na magba-barkada.
  • Mga barahan ninyong magka-kaklase.
  • Yung burautan ng mga pagkain.
  • Yung hiraman ng mga gamit like 1/4 1/2 1 whole paper, pencil, ballpen, coloring materials, bond paper at kung ano ano pa.
  • Yung maghihilamos kayo sabay sabay, at magto-toothbrush sabay sabay kayong magka-kaklase. Meron pang kasamang ligo kapag sobrang nainitan.
  • Yung ipapahiya ka ng teacher mo sa buong klase.
  • Yung cutting ninyong mga kaklase.
  • Yung male-late ka sa klase dahil mahaba ang pila sa canteen.
  • Yung pangdo-doktor ninyong magkaka-klase.
  • Yung pangongopya mo sa mga matatalino mong kaklase, at pagpapasahan ng mga papel na may sagot.
  • Yung pagva-vandal mo sa mga upuan.
  • Yung pagtapos ng klase, deretso sa dotahan.
  • Pagtapos ng klase deretso sa SM.
  • Yung pagsisinungaling mo na Project, pero lakwatsa.
  • Yung pakikipaglandian mo sa Crush at sa Boyfriend/Girlfriend mo.

Iilan lang yan sa mga bagay na mami-miss mo pag umalis ka na sa Elem./Highscool Days mo. Marami pang mga bagay na maari mong ma-miss pag umalis ka na sa School na pinapasukan mo. Yung mga laughtrip ninyong magkaka-klase. Lahat lahat ng na-share mong memories kasama sila. Walang kahit anong bagay ang katumbas ng mga bagay na na-share mo sa kanila. All those happy memories, and syempre hindi mawawala yung mga away, tampuhan, at mga nakakalungkot na bahagi ng mga buhay niyo. Sobrang saya dahil nakaipon ka din ng mga memories na maari nilang mapagnilayan. 

Pero alam mo ang pinakamasakit? Yung pag-alis mo sa Eskwelahang yun, at ang humingi ng paalam sa mga  kaklase mo. Ilan lang yung mga bagay na yung na mamimiss mo, pero kahit isang bagay o marami man yan. I know for sure na everyone of us will treasure those things even if it is little or big. Alam ko hindi pa dito nagtatapos yung Journey ng bawat isa sa’min, sa totoo lang eto pa lang yung start ng Journey namin papunta sa Successful life. Maaring umalis kami sa paaralang pinapasukan namin, ngunit hindi namin maaaring kalimutan ang bawat isa sa’min. At I know for sure na kapag nagkaroon na ng mga reunions, lahat kami ay successful na. Think positive lang.

Bye HighSchool, Hello College Life. 

Loading more posts...