May mga tao talagang parang napadaan lang sa buhay mo. Kakaibiganin ka, unti-unting lalandiin hanggang sa mahulog ka, tapos iiwan ka rin pagdating ng araw. Minsan kasi no choice lang yan or bored kaya ikaw ang natripan. Masakit mang isipin eh sa dinami-dami ng taong pwedeng gawing libangan eh ikaw yung nakita niya. Magiging mahirap at masakit sa una pero may rason din kung bakit sila dumating sa buhay mo. Yun ay para may matutunan ka, at wag nang magpapaloko.
Ganito lang yan ah.
Ginawa ang unfollow button para gamitin, hindi para itabi lang sa dashboard at gawing pang display. Lahat tayo dito may freedom kung anong gusto nating gawin diba? Hindi naman tayo nagpapakealaman.
Ang sakin lang hindi porket inunfollow ka eh galit na sayo yung tao, or may sinasabi na agad na masama sayo o sabihin nalang nating hinuhusgahan ka, sadyang nagawa nya lang yun kasi gusto nya at may karapatan sya diba?. Wag tayong maging OA unfollow lang yan baby oh, hindi ka naman hinoldap at sinaksak ng espada ni juan dela cruz, hindi ka naman sinampal ni Margaux diba?
Sana matuto tayong mag isip matanda, i mean hindi na tayo bata na iiyak kapag hindi binilhan ng larunan o tindang ice cream ni mang toto sa kanto Maging open minded tayo sa lahat ng bagay, kasi sa mundong ito hindi uso ang slow, sige ka mahuhuli ka kapag ganyan ka. Uulitin ko hindi porket nagunfollow sayo eh may sama na ng loob yung tao, at wag mo din sasabihing hinuhusgahan ka kaagad, kasi kapag sinabi mo yan o sinong unang nanghusga? Eh ikaw hinusgahan mo na sya. Grow up baby, Masaya ang buhay ngumiti ka! :)
Happiness is a choice.
Sa panahon ngayon ang daming nagsasabing ang hirap maging masaya, yung tipong nadapuan lang ng konting problema tapos kung maging malungkot sobrang OA na. Alam mo ang pagiging masaya sa buhay nasa sarili mong kamay yan eh hindi mo naman yan pwedeng idepende sa ibang tao, hindi mo yan pwedeng basta nalang iasa sa nakapaligid sayo, hindi porket napapasaya ka ng iba ay sasabihin mo ng masaya ka talaga. Kasi minsan masaya ka pero alam mo sa sarili mong pilit lahat ng tawa at ngiting ginagawa mo diba? Aminin mo na naramdaman mo na yan! Naranasan mo na yan!
Lahat tayo may freedom sa mundong ito, at ang pagiging masaya ay kasama sa freedom na yun. Choice mo naman yan kung anong gusto mong tahakin sa buhay mo diba? Kung gusto mong magpakatanga habang buhay, go lang may freedom ka eh pero ako na nagsasabi sayo mahirap mabuhay sa madilim na mundo na puno ng kasinungalingan at sakit dyan sa puso mo. Pero kung gusto mong maging masaya lang, mas maganda yan, yang pagiging masaya hindi naman yan mawawala eh, minsan nga nagpapapansin na sayo pero hindi mo lang nililingon kasi nakatuon ka sa mga bagay na sa tingin mong makakapagpasaya sayo pero hindi pala.
Alam mo habang maaga palang magisip kana, kasi hindi pa huli ang lahat, Happiness is a choice, and you have a choice!