
I miss my cousin. I really do. Siya lang kasi yung taong kaya akong pakinggan despite ng lahat ng kaartehan ko sa mundo. She’s my number one listener. My protector. My partner-in-crime. Kumbaga I treat her more than a cousin. Feeling ko nga siya yung kakambal ko e(as if naman na meron talaga akong kakambal diba? haha). We shared the same likes and sometimes dislikes. Lahat ng problema/baho ko alam niya. The same thing goes for me.
Ngayon kasi bihira nalang kami nagkikita e. Partida nasa iisang bahay lang kami niyan a hindi pa nakakapagkita. I’m busy kasi sa summer class ko siya naman sa OJT niya. Last summer halos araw-araw kaming magkasama ngayon naman matagal na yung 5 minutes para makita naman yugn isa’t isa. Wala na tuloy akong mapagsabihan ng mga secrets ko. Wala na akong mapagsumbungan sa mga taong uma-away sakin. HUHUHU
Nararamdaman ko na talaga na tumatanda na kami. Unti- unti na kaming pinaghihiwalay ng tadhana! Hahaha.
I hope maka-usap ko na ulit siya. I miss her a lot!






