Hello!

Tumblr is where tens of millions of creative people around the world share and follow the things they love.

Sign up to find more cool stuff to follow

For those wondering, the outfit Mike is wearing in the pic we just posted is from what he refers to as his PLV (personal Las Vegas) phase, and he calls that outfit his “Indian shaman/ski instructor” outfit. True story.

BSAccountancy in Pamantasan Ng Lungsod Ng Valenzuela

Nagulat ako nung mabasa ko yung isang post sa group namin sa facebook which is JPIA-PLV, the official group for BSA students in Pamantasan Ng Lungsod Ng Valenzuela (PLV).

Aware na ako sa 1.75-Policy sa amin, ibig sabihin yung grade mo dapat sa major subjects mo ay 1.75 para makapasa ka bilang BSA pa next sem at para naman sa minors hanggang 2.25 pero ang General Weighted Average (GWA) mo dapat ay hindi baba sa 2.00.

Actually napatupad yang policy na yan last year lang! Kalagitnaan pa ng 1st sem namin nalaman yan (2nd yr-1st sem ko) at masyado kaming nagulantang sa balitang yan. Akala nga namin joke lang eh kaso seryoso pala talaga at hindi lang yan 60-40 ang computation ng grade namin ibig sabihin ang computation ng grade namin ay times 60% plus 40, for example sa quiz, score divide by the number of items multiply to 60% then add 40 (75/100 = nx60% + 40 = percentage) tapos yung total pa niyan dapat 85% pataas kundi bagsak ka!

Actually yung sakop lang ng 1.75-Policy pati yung 60-40 computation ay nagsimula sa batch namin (incoming 3rd year and lower years). May 2 warnings yan, pag nakakuha ka na ng dalawang 2.00 pababa sa major subjects mo, bye BSA ka na at hello BSAT. Yung BSAT (Accounting Technology) naman, ganun din ang pag-aaralan, same curriculum with the BSA kaso 4 years lang at bawal kang mag-board kasi hindi ka papayagan ng school, hindi ka daw nila bibigyan ng certificate eklavu nila.

Sa mga incoming 4th years naman, naririnig ko lang sa mga prof namin na sinasabihan kaming, ‘masuwerte pa nga kayo kesa sa mga 3rd year ngayon eh’ (2nd year pa lang kasi ako nung nauso yung line na yan ng mga prof). Kung tatanungin mo sila kung bakit naman, feeling kasi namin aping-api na talaga kaming mga 2nd year nun, ilang beses na kami muntik magbigte, joke.

Zero-base sila, 75 and up ang grade na pasado hindi ko alam kung 50-50 yung gamit nila sa computation eh pero parusa naman masyado kung 60-40 din diba. Akala namin mas okay yun pero napagtanto ko na hindi, mas ‘masuwerte’ talaga kami. Kapag bumagsak ka sa grade policy nila you have option, ang generous diba? Kaso ang option it’s either you will receive a warning (di ko alam kung ilang warning basta binabase din yan sa grade mo sa major subject) or you will shift. Eto kinagulat ko, shift na! Walang BSAT chuvaness unlike us.

Naisip ko na mas mahirap sa kanila bukod sa pumanget T.O.R nila dahil zero-base sila ay ang parusa pa pag bumagsak ka ay mag-shi-shift ka ng ibang course. Pano na lang yung pinag-aralan nila? Diba torture! Para ka naring bumalik sa first year kasi may ibang subject ka na hindi kailangan mong makuha na required sa lilipatan mong course at ang mas masakit pa dun ay dadating pa din sa point na kukuha ka ulit ng mga subjects na nakuha mo na before dahil maaring magkaiba yun ng unit kesa sa unit ng BSA kaya magkaiba dapat ang computation. Sakit diba?

Sa mga incoming 5th year naman, dahil sila ang Pioneer ng BSA sa PLV, congrats dahil gagraduate na sila at sana maraming makapasa sa board exam para naman magtiwala si Sir ********* na kaya talaga ng school namin na mag-produce ng CPA kahit may naging BSAT na din sa kanila at muling naibalik sa BSA. Saka para hindi na sila masyadong mahigpit.

Kawawa kami nuh? Nakakaiyak yung mga sitwasyon na ganyan kaya ayaw kong mag-aral eh bukod sa naligaw ka lang sa kursong to, eh ang higpit pa masyado. Huhuhu :( Kawawa kaming hindi talaga gusto yung course na to, yung napilitan lang, go with the flow na lang. Sana wag silang masyadong mahigpit although naiintindihan ko sila kung bakit sila ganun, it’s for the sake of the university, kaso baka someday mawala na yung course na BSA. hindi dahil pinatanggal ng CHED kundi dahil madami ng nadi-discourage dahil sa grade policy at may possibility na wala ng ma-produce na CPA dahil lahat BSAT na dahil mahirap i-maintain yung policy at lahat bumagsak na. Parang ang dali kasi ng Accounting heno! Hahaha :D

Loading more posts...