Hello!
Tumblr is where tens of millions of creative people around the world share and follow the things they love.
Sign up to find more cool stuff to followWaterproof Students!
CEU Students = Sila yung mga Med Spartans na magaling mag tiis kapag may bagyo. Sila yung last man standing kumbaga. Sila yung aral pa rin kahit may bagyo na. Partida, ung uniform pa nila hindi BAHA Friendly. Dahil madalas eh naka palda sila. Imagine?! White na palda?! Tapos may baha?! Tapos huling school na sinususpend? Partida majority babae ha!
UST Students = Sila yung mga magagaling mag balance sa Tulay na dinadaanan para lang makapila sa Tren. Syempre, dahil dun makakabili na ng Tablet si Kuya na gumawa ng Tulay. Maaring kulubot man ang Paa ng mga UST Students pero hindi mawawala sa puso nila yung Effort nila kapag papasok sila kahit alam nilang babahain sila dahil umuulan. Andun yung puso eh!!
Mapua Institute of Technology - Eto ang pinakamatindi. Nag suspend na ng klase ang mga katabing school. Ang Mapua matibay pa ren!! Wala ng tao sa Lyceum at Arellano. Puno pa rin ang estudyante sa Mapua. Kailangan ata bumalik ang mga kastila para ma suspende ang klase. Tamang abang din ang mga Pedicab Drivers na daig pa ang taxi kung maningil maitawid ka lang sa sakayan.
FEU - Matindi rin ang dinadanas na baha nitong mga to. Parang kanal kasi ang baha dito eh. Syempre, maynila. Alam naman natin ang mga nakapalibot sa eskwelehan na ito. Literal na parang kanal ang baha dun dahil sa mga katabing estero. Kumbaga, Brown dapat ang color ng Baha. Minsan dun black na. Sanay na rin ang mga to sumabak sa baha at tulad ng sa UST. Mas madami ang Piso/Dos per tawid dun.
San Beda College - Eto madadaya tong mga to eh. May sariling tulay to na naka konekta sa LRT eh. Swerte yung mga umuuwi ng Linya eh Santolan at Recto. Walang ka hassle hassle. Maraming namumuong friendship sa bridge na yun. Haha!
AdU - Kailangan marami kang pera sa eskwelahan na ito. Dahil marami ang nagsasabing para i suspend nila eh kailangan maubos ang tinda sa Canteen. Kailangan mag tulong tulong ng estudyante para sa ikakaunlad ng Canteen!
TUP - Sila daw yung mga taong manhid. Kasi as in lahat ng katabi nilang University tulad ng PNU, ADU, sta. isabel etc. eh suspended na. Sila daw may klase pa rin. Napaka inam pala sa paaralan na ito. Napakahilig mag-aral ng mga estudyante. At masisipag mag turo ang mga Professors.
UE Rain Warriors - Matindi rin sa languyan ang mga ito. Parang may Lake din na namumuo kapag nag umpisa ng umulan ng malakas sa Paaralan na ito. Kumbaga yung mga magaganda ngumiti na Dentistry Students dito eh napapalitan ng pangil dahil sa sobrang nakaka stress na baha ang nararanasan nila. Haha!
PUP - ginagawa nilang Barko yung mga upuan na tinatapon ng ibang estudyante dun. Haha!
Ateneo De Manila University - Walang problema mga estudyante dito. May Jetski sila tig iisa. Big time eh. Haha!
Philippine School of Business Administration - Umaambon palang. Wala ng estudyante. PSBA yan ihhh!! Hahahaha!
Ito ang pinaka magandang araw na nangyari sa Pilipinas. Ang makamit ang ating kalayaan. Maaring hindi ganun ka asenso ang Pilipinas. Pero ang mahalaga dito eh nasa atin yung kalayaan. Kaya di ko gets yung sasabihing sana nagpasakop na lang tayo sa Amerika. Huwag kang mangmang at ipagsawalang bahala ang sakripisyo na ginawa ng ating mga Bayani sa ating Bayan. Happy Independence Day Guys :)
Mga Kinikimkim na Reklamo ng mga Matatalinong Estudyante
- Assignment at Projects
Araw-araw ko na kayong pinapakopya ng assignment ko, tapos pagbalik sa’kin ng notebook ko, ano, nabalahura na? Kapag hindi naman ako nagpakopya, madamot na ako, walang pakisama, masama ang ugali.
Hindi ako nakapaglaro ng bahay pagkauwi ko kasi ginawa ko agad ang assignment ko, tapos ano, ma’am? Hindi mo naman pala che-check-an!
Nakalimutang check-an ni ma’am ang assignment, kaya ipinaalala ko. Nagalit ang mga balasubas kong classmate kasi wala silang assignment. Okay, masama na naman ako.
Maraming gabi akong napuyat, at maraming oras ang nilaan ko mahabol lang ang deadline na ibinigay mo, ma’am, pero ano po? Ipo-postpone mo lang pala dahil halos 2/3 ng klase hindi pa nakakatapos. Shit!

- Quiz at Exam
Kapag pinakopya ko kayo at mali ang sagot ko, pupulaan niyo pa ako at sisisihin. Kapag tama naman, ilan lang ba sa inyo ang marunong magsabi ng thank you?
Kapag nagpakopya naman ako ng kaklaseng slow at nakapasa dahil dun, sisisihin ako ni teacher. Charity work na nga ang ginawa ko, masisisi pa rin ako.
Kapag tinakluban ko ang papel ko, sakim na ako sa paningin ng mga kaklase ko. Magdadasal na ang mga ‘yan na sana magkamali ako or worse, bumagsak ako. Sila kasi ang bida, ako ang kontrabida.
Deep inside, ako lang ang may gusto ng quiz at exam, kaya kahit labag sa kalooban ko dahil nagpuyat ako sa pag-aaral, makikisama na lang ako sa mga kaklase kong humihirit na i-postpone ang quiz at exam.

- At Home
Kapag mataas ang grades ko, keep up the good work lang ang natatanggap ko. Pero kapag naka-80 ang kapatid kong medyo slow—wow! Blow out agad, o kaya may reward! ‘Naaay! Bakeeet?
Nag-aaral na nga, dinidistorbo pa sa mga utos na gawaing bahay. Kapag hindi nag-aral, tamad. Kapag hindi naman sumunod sa utos, tamad pa rin. ‘Naaay! Bakeeet?

- Teacher’s Pet
Ako ang favorite ni ma’am at sir, kaya straw ang tawag sa’kin. Sipsip na, plastik pa daw. Kasalanan na kasi ngayon kapag nag-aaral ka ng mabuti, at kapag lahat ng gusto ng teacher mo, nami-meet mo. Nakakasama ng loob.
Kapag wala si teacher, sa’yo ipagkakatiwala ang buong klase. Oh, ‘di ba? Imbis na may nagawa ka pang reviewer o kaya nakipagdaldalan sa mga kaklase mo, nabigyan ka pa ng kargo. Mabigat, ho!
Dahil ako ang pinagkakatiwalaan ng teacher ko, ako ang taga-check ng test papers. Imbis na makapaglaro pa ako o kaya makapanuod ng TV, nadagdagan pa ang trabaho ko—wala namang sweldo. Tapos kapag nagkamali ng check, nananadya na agad. Kapag perfect naman ang score ko, nandadaya daw. Puro na lang inggit mula sa mga kaklase.

- Teacher’s Enemy
Kapag nalampasan mo ‘yung expectation ng teacher mo o ‘yung kaya niyang intindihin, wala na! Kung hindi ka mali sa paningin niya, mayabang ka naman.
Kapag sinalungat mo ang opinyon ng teacher mo, wala kang galang.
Kapag itinama mo ang turo niya, pakialamero ka na, mayabang ka pa.
Kapag hindi ka sumang-ayon sa libro, ikaw na—ikaw na ang magturo.

- Others
Dalawang bagay lang binabantayan sa’yo ng mga kaklase mo: Una, sagot o opinyon mo; pangalawa, kung kailan ka magkakamali. Nakakatuwa naman.
Honor graduate ka kaya nasa unang hanay ka—at dahil nasa unahan ka, 3 oras kang tatayo para maghintay sa pagpasok ng sandamakmak pang graduates. Sabay-sabay daw kasi kayong uupo. Oh, ‘di ba? Honor ka nga, kawawa ka pa rin naman.
Ang dami-daming pag-aaralan! Ang dami-daming gawain! Ang dami-daming dapat pag-isipan! Patulugin niyo naman ako!

- By Category
Reklamo ng 20 Uri ng mga Matatalinong Estudyante
-
Mataba: Bakit wala sa libro ang tanong na ito ni ma’am? Hindi ko ‘to nabasa. Madaya. May mali sa exam! Paano ko ‘to sasagutan? Anong akala ni teacher may himala? Walang HIMALA!
- Pilosopo: Puro kayo tanong. Napapagod din akong mag-isip. Try niyo namang gamitin ang utak niyo, please lang! Ano ba ‘yang mga utak niyo, TINIMBANG NGUNIT KULANG?
- Sadya: Huwag kayong umasang alam ko ang lahat. Tamad din ako gaya niyo. Nagkataon lang na sadyang matalino ako. At lalong huwag niyo akong tinatanong ng, “BATA, BATA, PAANO KA GINAWA?” dahil baka bigla ko kayong pakitaan, matuwa pa kayo.
- Mekaniko: Bakit hindi sinabing may exam? Hindi tuloy ako nakapag-aral. Edi, sana perfect score ako. Bakit ba ang hilig nila sa surprise quiz? Anonng akala ng mga teacher sa atin, mga astronomers na iniaasa ang mga sagot sa mga BITUING WALANG NINGNING?
- Prince/Princess: Napapagod na ako sa contest. Kinakabahan na rin ako sa mga stalkers. Gamit na gamit na ang utak at alindog ko. Exposed na exposed na ako masyado. Gusto ko na ng pahinga at privacy. Hindi na ako makapaghintay ng BUKAS dahil gusto ko ngayon na—hayaan niyo nang ngayon LUMUHOD ANG TALA.
"Manong para!! Bababa na lang ako!"
Pasukan na naman at malamang, sumasakay ka na naman sa mga pampublikong sasakyan. Di maiiwasan lalo na kung hindi ka naman “rich kid”. At mas lalong hindi maiiwasang mangyari sayo na gusto mo na lang sumigaw ng “Manong para!! Bababa na lang ako!” lalo na kapa ganito mga katabi mo
- Masamang amoy. Yung tipong kahit huminga ka gamit ang bibig mo nalalasahan mo pa rin yung amoy nya. Kadiri diba? Umaga pa lang, amoy basura na? Ano ba naman yan fren. Ligo din pag may time.
- Masyadong maingay. Yung lahat na lang sinabi at wag ka, malakas ang volume. Parang naka speaker. Naka headset ka na nadidinig mo pa. Lupet.
- Malikot. Parang kiti-kiti. Dudukot ng pamasahe tapos mamaya cellphone naman. Kung ano anong ginagawa. Nasiko ka na, dedma lang. Teh, Sorry ha. lol
- Lumilipad ang buhok. Yung makakain mo na yung buhok nya. Ayaw hawakan. Pumipilantik sa mukha mo. Sakit kaya. Alam kong nag shampoo ka pero pwede huwag mong ipaamoy sa ganyang paraan?
- Tamad. Ayaw mag abot ng bayad/sukli. Pero kapag sya, gusto iabot bayad nya. Kapal ha. Dapat nag bus ka at hindi ka nag jeep, maselan ka pala.
- Magnanakaw. Biglang hablot. O kaya kapag tulog ka na, yari ka. Hindi sila holdaper, malikot lang talaga ang kamay. Pakshet.
- Manyak. Malikot ang kamay. Hindi ka naman nanakawan, yun nga lang, hihipuan ka. Malibog pa sa itik ang gago. Sarap sapakin nung mga ganito. Psh.
- PDA. Mga magsyotang naglilingkisan. Di na nahiya. May batang nakakapanood tapos kung mag kiss, may dila pa. Taena. Bakit di kaya bumaba tapos manggilid kayo. Di yang nasa harap kayo ng mga tao. Ano to live porn?
- Soundtrip ang trip. Hindi makuntento sa earphones, naka speaker ang loko. Kala mo nasa party ka. Bibingihin ka sa Pusong Bato at Gentlemen nyang kanta. Argh!
- FC. Yung bigla ka na lang kakausapin. Ni hindi mo magawang matulog kasi kinakausap ka. Minsan naman sya makakatulog tapos hihiga sa balikat mo. Ayos ah? Syota kita?
Kung naranasan mo na yan, malas mo. At kung ganyan ka, magbago ka hoy! Kung di mo kaya, magdala ka ng sarili mong sasakyan. Nakakaperwisyo ka men.
PROUD PINOY, proud ba talaga?
Araw ng kalayaan, marka ng ating kasarinlan. Masarap pakinggan, hindi dahil Independence Day ngayon kung hindi dahil walang pasok? Gara.
Proud Pinoy ka kamo, proud ka ba talaga?
- Gustong pumuti. Lahat gagawin mawala lang ang likas na kulay Pinoy. Handang uminom ng isandamakmak na Gluta, magmukha lang amerikana.
- Retokada. Ipinabago ang paa, tuhod, balikat hanggang ulo. Kulang na lang pati kuko. Nasan na yung ilong ni Juan Dela Cruz?
- English dito, english jan. Kahit wrong grammar pa yan. Magmukha lang sosyal na banyaga. Halos ikahiya ang sariling salita. Pinalitan ang pambansang hayop, Carabao english na.
- Magsusuot ng flag ng ibang bansa. Makikiuso pa sa bag na UK at USA flag ang tatak. Kapag kulay asul at pula na may kasamang tatlong bituin at isang araw, ayaw.
- Imported na pagkain. Dapat may tatak kahit hindi gusto ang lasa. Ang mahalaga, mapicturan at mapost sa instagram.
- Gustong libutin ang buong mundo, maliban sa Pinas. Kung saan-saan nakarating, ngunit hindi natangkilik ang sariling atin. Kawawang Pinas.
- Proud pa yan kapag may dugong banyaga. Kahit 1/8 lang na halo, ipagyayabang pa.
- Soundtrip ba kamo? Kahit hindi maintindihan ang lyrics, hindi dahil bulol ang nagsasalita kung hindi dahil banyaga ang wika. Kawawang OPM.
Sana kung paano natin ipaglaban at ipagmalaki ang ating bansa at ating pagka Pilipino sa ibang tao, sana’y ganon natin ito napapakita sa gawa.
PROUD PINOY IS PROUD PINOY.
Independence
The Philippines celebrated its 115th Independence Day last June 12. And as expected, there were the usual pronouncements of doubt and mockery whether country was really free or not. Some even went on to entertain revisionist views on the actual date of independence saying that the date is meaningless since the country was only left on its own by the Americans on July 4, 1946.
As someone old enough to have lived at a time when the two biggest American military bases outside the United States were in the country, I find it both odd and funny, that the question on the country’s independence are being noisily raised online by those born after the US bases were booted out of the country.
While I cannot blame these younger Filipinos’ having a revisionist view of history, I cannot understand why they are capable of raising issues on the independence day’s verity and yet they are incapable of understanding the significance of June 12 in the continuing struggle for the country’s independence.
I am of the opinion that those who constantly raise the question whether the country today is independent or not are under the influence of those who fail to understand and appreciate the sacrifices made by those who died in the battles against the Spanish, the Americans, the Japanese and even against fellow Filipinos belonging to various sides of political persuasions. And I do think that those who latch on to this view relied only on the perspective of their cynical Philippine history teachers without even trying to understand the country’s history on their own.
A country’s independence day is remembered because it was the day when the people of that territory declared themselves free from oppression of a foreign power. It is a characteristic of state which is reserved only for colonized, enslaved or oppressed nations. But more often than not, that day of declaration of independence marks not the end of the struggle for freedom, but only the beginning. As such it is misleading, as it is wrong to view independence day as the day when freedom from oppression was achieved.
![]()
The Mataray.
Lahat naman ng school siguro meron ganitong teacher. Yung ang sarap nang patayin na akala mo kung sino siyang may sobrang karapatan na nakakaewan. Alam niyo na yun.
Wala naman tayong ginagawa ang sama ng tingin niya saatin. Kahit tayo na nga ang inaabala nya siya pa ang galit. Kahit lahat na nagawa natin para sakanya hindi mo parin makitang ngumiti siya. Ano po ba problema niyo? Kelangan niyo ba ng makasex para marelax kayo? Kulang na ba ng aray ang inyong buhay?
Sana naman po kahit papaano sumakay naman kayo sa trip ng mga kasama niyo. Minsan hindi masamang ngumiti kahit gano pa kataas ang position niyo. Masarap kaya ang different positions napapasmile tayo. hahah
