NAKNAMPUTA MUNTIK NA KONG MANAKAWAN SA BACLARAN!
May 20, 2013 — Napadaan ako sa Baclaran kani-kanina lang para mag window shopping, at sa di inaasahang pagkakataon, muntik pa kong manakawan.
Habang naglalakad ako, napansin kong may sumusunod na lalake sakeng medyo moreno, matangkad, malaki ang tiyan, at nakabukas ang mga butones ng polo sa may bandang dibdib — for short, mukhang kontrabida sa mga action movies.
Napapalapit na siya sa likod ko nung mga oras na yun at ramdam kong parang nakadikit na siya sa backpack ko.. Narinig kong medyo bumukas yung zipper ng bag ko kaya huminto ako sa paglalakad..
BUONG TAPANG KO SIYANG NILINGON WITH MATCHING TIGER LOOK AT CROSS FINGERS.. PINIPILIT KO SIYANG SINDAKIN KAHIT NA ALAM KONG DEEP INSIDE HINDI KATAKOT TAKOT ANG HITSURA KO..
Napalayo siya saken, at ako naman eh kumaripas ng takbo.. Hurray ang galing mo Dan! Ang galing galing mo BWAHAHAHA!
Goodnight. Wow. Himala ito maaga akong nag-goodnight. De Mukang mapapaaga ang pagtulog ko ngayon, bukas na kasi kami magpapa-enroll. 7 a.m ako gigising. Ayoko naman malate kasi baka maiwan nila ako sa pagpapasection. Kaya makatulog na. Sasanayin ko na rin sarili kong maaga matulog para hindi na maninibago ‘pag nagpasukan na. Ang fail ko nga lang, magpapasection na ako kahit wala pa naman akong pang-tuition. Pwede naman yun e. Ang mahalaga makapagpasection muna. Haixt.
Tinatamad pa ako pumunta sa school bukas, ayoko pa makita mga kaklase ko. Haha mga kaklase kong wala kwentang kasusap -_- Seriously, nakakasura talaga. Kapag nagtatanong ako, puro one word ang sagot. Wala man lang kaemo-emosyon! Ay takte. Wag na lang magtanong kung hindi naman bukal sa loob ang pagsagot. Kabarino lamang. Ang titibay, hindi talaga mangangausap hanggat hindi ikaw una mangusap. Axar diba? Kapag hindi nagreply, seenzoned ampotek. 2months lang kami hindi nagkasama-sama e. Kasama ng labas.(hindi ng loob) Dejoke okay lang naman sila. Talagang hindi muna ako nakiki-sali sa kanila at busy na busy ako sa tumblr.. Sila padota-dota, shopping shopping, food trip food trip. Ako patumblr-tumblr lang solve na, walang pera e.. Aba mas gusto ko na yun, walang gastos! \m/ Takte ang dami ko nang sinabi. E maaga lang naman ako matutulog ngayon. Hindi pala maaga matutulog, maaga lang maga-out. Manonood na lang ako ng kung ano-ano o kaya makapag wattpad. Ha ha ha. joke lang. maglalaro na lang ako, para mabilis antukin. So yun. Good night frens!
Smart o Globe?
Gusto ko ng mamili sa dalawa na yan eh. Nahihirapan na ako. Kapag aalis ako di ko alam kung globe o smart yung dadalin ko. Pag magloload ako di ko alam kung globe o smart yung loloadan ko. Pag matutulog ako di ko alam kung globe o smart yung itatabi ko. Pag bumabagyo di ko alam kung globe o smart yung ichacharge ko. HAHA.
Sa viber smart yung gamit ko. Sa wechat globe yung gamit ko. H@iXt. Pero ngayon pareho silang useless. Parehong walang load. Parehong walang nagteteks. Nagagamit ko na lang sa tumblr, twitter etc. Diba kasi parang tanga lang yung problema ko. Hahahahah eh wala eh. Hirap mamili eh.
Thy Sched and Subjects
Now I’m on my third year as a Banking and Finance student I checked my Students Information System account to see my new subjects and the schedules and luckily I don’t know if I’ll be happy or sad because of the 3 Days sched. Gaaaad no lunch break on Wednesday :(
- Bank Accounting - T 3:00PM to 6:00PM
- Laws on Obligations and Contracts - T 6:00PM to 9:00PM
- Software Packages - W 7:30AM to 10:30AM
- Retorika (Masining na Pagpapahayag) - W 10:30AM to 1:30PM
- Ecology - W 1:30PM to 4:30PM
- Financial Controllership, P-1 - S 7:30AM to 10:30AM
- Financial Analysis and Forecasting - S 1:30PM to 4:30PM
Dear Lord, hope to pass all this subjects and get good proffesors and also wishing to be in Dean’s list again…
Yung feeling na ang haba na ng tinype ko, tapos ni-close ko lang. Odiba abnormal ako hahahaha. Para kasing hindi sapat na hindi ko maintindihan, pero ayos lang naman sakin, malay ko baka bukas ko matype ulit yun kapag medyo seryoso na ako. Para kasi akong kalog ngayon eh kumbaga may saltik na ewan. Hirap talaga kapag walang nakakausap ng inperson or kahit sa chat or pm man lang dito. Minsan kinakausap ko yung sarili ko pero sa utak, hindi yung mag sasalita baka kasi sugudin ako ng nanay ko sa mental mahirap na hahahaha okay medyo Oa. Pero talaga hay buhay nga naman parang life hahahaha.
RF
Mabilis ako magpatawad. Pero di ako nakakalimot. Madali din akong magalit pero madali din akong lambingin. Hindi kasi ako tulad ng ibang babae na halos kumain ka na ng bubog eh galit parin. Ako kasi, konting suyo o lambing lang, ok na. Ayos na ulit. Yung ikiss mo lang ako okaya ihug. Tapos makarinig lang ako ng “sorry baby” okaya “i love you” ok na ko. Mapapangiti na ko tapos back to normal na. Hindi ako sanay magalit ng matagal.