Follow posts tagged #pelikula in seconds.
Sign upPelikula dati at Ngayon.
Kapag nanunuod ako ng mga lumang palabas, masasabi ko na magaganda lahat ito. Katulad sa Cinema One, nag umpisa ulit sila maglabas ng mga lumang palabas na magaganda. Ewan ko kung anong kwento nito, basta tungkol sa mga prostitusyon sa bansa ito eh. Mga bagay na pinalabas dati na pinoproblema pa rin hanggang ngayon. Prostitusyon, Batas ng ka Pulisan, at kung gaano kadumi ang buhay sa Maynila.
Nakakatuwa manuod ng mga palabas dati, tipong may aral kang matututunan talaga, may mga ma rerealize ka sa bansa natin, mag kaka idea ka gaano kabaluktot ang sistema ng batas sa atin. Hindi katulad ngayon, puro tungkol sa pag-ibig na lang ang palabas, puro Koreanovela, o kung ano pa mang nobela na galing sa ibang bansa.
Basta nakakatuwa lang, nakakatuwa mag reminisce ng mga palabas dati. Andun pa yung art. Eh business din kasi eh, syempre target market ng mga pelikula ngayon kung ano ang gusto ng mga tao. Kung ano ang huhuli sa mga kiliti ng mga manunuod. Pero nasan na yung art diba? Nasan na yung passion nila sa paggawa ng magagandang pelikula? Bakit hindi nila gawin yung paraan na alam nila? Manunuod at manunuod naman ang mga tao hangga’t may naipapalabas eh.
Ngayon, mga indie films na lang ang magaganda, dahil sa tunay na tunay ang script, hango sa realidad ng buhay, mga pelikulang maliit man ang “Budget”. Pero grabe naman ang mga gustong ipahiwatig. Sana bumalik na ito sa industriya ng pelikula sa Pilipinas. Magagaling naman ang lahat ng Direktor natin eh.
May napansin lang ako sa pelikulang Pinoy dati na wala sa Pelikulang Pinoy ngayon. Yung pagkatapos ng pelikula eh wala na yung mga artista at maraming tao na nag sasayawan, pansin ko puro istorya na lang ngayon. Napansin ko kasi eh, nakapanuod ako ng mga lumang pinoy na pelikula sa Cinema One at natuwa ako sa nakita kong nagsasayawan yung mga artista na may mga makukulit na background music.
Minsan sinasakop nila buong resort, buong kalye, buong mall basta nagsasayaw sila pagkatapos malampasan lahat ng problema.
Wala na ngayon eh, inalis na nila. Ang ganda ganda kaya nun.
Best Movie of all time
- AMERICAN: Our Highest earning movie is "The Avatar", It's a Magnificent film about another world far from Human and tackles environmental issues too, the Avatar is the Highest grossing film Worldwide, A close second is the Titanic, everyone knows the Titanic Movie.
- JAPANESE: Our Highest Earning movie is "the Spirited Away", It is an Animated Film that shows off Our country's Talent in animation and being artful, It Even won an Oscar Award. The first Anime to win an Oscar.
- AMERICAN&JAPANESE: How about The Philippines? What's your Highest Grossing Film?
- FILIPINO: ...........
- FILIPINO: ..........
- FILIPINO: Praybeyt Benjamin
Free Movie this Saturday at MOA!
Yep! You read it right! Free movie!
So, are you guys familiar with the movie, Senior Year?

(Photo from pelikula.tumblr.com)
Kung oo, nice! Kasi ang Yabang Pinoy, magkakaron ng film showing ng Senior Year sa Mall of Asia FOR FREE!
I repeat, FOR FREE! This Saturday na yan. 4PM!
Kaya lang, here’s the thing. Limited slots lang ang pwede kong kunin.
Mga 20 siguro. Pero di pa sure yun. So if you wanna grab this opportunity, all you need to do is Tumblr Ask your,
- Complete Name
- Name of your School
- Name of your School Organization (If you have one)
- or kung kasama ka sa Student Council, put your position
- Email Add
- and lastly, your Contact Number
http://aldenkevinkicks.tumblr.com/ask
At kung wala namang Tumblr ang kaibigan/classmate niyo pero gusto niya ring manuod, kayo na ang mag-Tumblr Ask ng information nila. This is not for Tumblr Users only. :)
Kung umabot kayo sa 20 slots na ibibigay namin, magsesend ako ng confirmation message sa inyo na nagsasabing pasok kayo at wag niyong kalilimutang magdala ng valid ID.
Ang process kasi e parang guestlist. Ililista namin mga pangalan niyo at bago makapasok sa sinehan, kailangan ipakita niyo ang ID niyo. :D
Gets niyo na? Oryt! Napanuod ko na siya, and I assure you, maganda. Kaya ko nga uulitin eh. HAHAHAHA! See you there! :)
PS: Reblog niyo para makita rin ng mga kaibigan niyo. Di niyo ko kailangan ifollow dito sa Tumblr, or sa Twitter. Walang raffle raffle dito. Paunahan makapag-Tumblr Ask. Yun lang. :P
Pinoy Indie Films.
Hindi man ganun kabongga at kalinaw ang mga pelikulang ito, nagkakaroon ako ng hilig sa panonood ng mga pinoy indie film. Don’t get me wrong ha? Hindi naman dahil sa maraming censored scenes dito kaya ko nagustuhan, kundi dahil sa mas nasasalamin ng indie films ang tunay na senaryo na nagaganap sa ating bansa. Yung tipong mas naipapaliwanag nito sa akin ang mga bagay bagay na mahirap kong maintindihan. Sa mga pelikulang ito ko nakikita ang buhay na meron ang bawat tao at grupo ng taong meron sa Pilipinas.
Mahahaba at kakaiba ang mga titulo (Minsa’y medyo malaswa). Isa hanggang dalawa lang ang setting ng pelikula, hindi masyadong kilala ang mga karakter ng kwento, malikot ang kamera at hindi malinis ang pagkakaedit ng bawat pangyayari. Kadalasan bitin din ang ending at magulo ang script. Pero kung pagtutuunan mo ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng mga kaakter, dun mo maririnig ang malalalim na kahulugan na hindi mo gaanong maririnig sa mga mamahalin at sikat na pelikulang napapanood mo sa sinehan. Ang malulupit na bitaw ng mga salita, ang mga mura at mga kasabihang tagos hanggang buto. Madalas, diyan mo maririnig sa mga Indie film.
Ang babae sa septic tank, Serbis, Ligo na U, Lapit na me, Intoy Syokoy ng Kalye Marino, Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros. Ilan lamang yan sa mga pelikulang indie na napanood ko na. Sadyang naghatid sila ng mga aral sa akin kahit hindi man sila napaguusapan sa telebisyon dahil nakahakot sila ng maraming manonood. Ang kagandahan nga naman ay hindi nababase sa bilang ng mga taong nakakapansin sayo, kundi sabilang ng taong nakakita ng totoo mong halaga.