Expectation/Reality ngayong Pasko.
Expectations:
- Pupunta sa mga Ninong at Ninang para humingi ng aginaldo.
- Maiingay na tugtugan ng Christmas Carols.
- Maraming pagkain.
- Masayang kapiligiran.
- Maraming tao sa paligid mo, nagkakasiyahan ang lahat.
- Aayain kang lumabas ng mga barkada mo.
- Buong tropa mo ay pupunta sa Mall para magsaya.
- Magagandang Regalo galing sa Magulang mo.
- Hindi mo maiisip ang anumang lumbay sa isip mo.
Reality:
- Tahimik ang kapaligiran, para bang mag-isa ka lang.
- Wala kang naririnig na tunog, sobrang tahimik, ang tanging naririnig mo lang eh ang ugong ng aircon o ang motor ng electric fan.
- Hindi umabot sa Quota na limandaan ang napamaskuhan mo.
- Walang tropang nag-ayang lumabas sayo.
- Hindi ka makapunta ng mall dahil sa wala kang pera at alam mong maraming tao.
- Wala kang regalong natanggap sa magulang mo.
- Halos hindi nagluto ang magulang at umorder na lang ng pagkain sa Mcdo, Jolibee, Bucket Meal sa KFC. Pero ang gusto mo talaga eh Queso De Bola at Hamonado.
- Nalulungkot ka dahil sa araw mo ng Pasko naramdaman ang lumbay na hindi mo nararamdaman noon.
Tuwing December
Yes! Nakapagsimba din sa wakas :) Mag-isa lang ako naglakwatsa kanina. As in mag-isa lang. Medyo na badtrip lang ako sa konduktor ng bus kanina na nasakyan ko. Hindi niya kasi binago yung ticket ko kaya ganun pa rin ang bayad. Dapat kasi Commonwealth ako bababa, e ako rin pala tanga SM Fairview lang pala ako bababa. SAYANG ang sobra.
Pagkatapos ng misa dumiretso na’ko kagad sa Robinson. Don, may tyangge, Ang daming tao! Ultimo parang nasa Divisoria ako. Bunggo dito, bunggo dun. Muntikan na nga kong mauntog sa bumbilya! Sa kakaikot ko dun nakabili ako bag worth 180 na sana e tumagal saken hahaha.
Natapos ang araw ko na masaya at excited.
Masaya, dahil ang dami kong sinukang tawa sa Gandang Gabi Vice, (buti naabutan ko pagdating ng bahay!)
Excited, dahil parating na ang Ate ko galing Singapore. Hinihintay ko kasi yung ibibigay nya sakin at yung napakasaraaaap na NUTELLA!
Hanggang ngayon problemado pa din ako sa mga assignments ko. Bukod sa mahirap ng gawin, nakakatamad pa! Pare-pareho kami ng mga classmate ko na wala pang nagagawa. Hell.
Pasko Noon at Ngayon
- Noon: Nung bata ka, marami kang regalong binubuksan sa ilalim ng
- Christmas tree.
- Ngayon: Halos wala ka nang mabuksang regalo kasi wala pang
- Pasko binuksan mo na.
- Noon: Pwedeng pwede kang mamasko sa iba't ibang bahay kahit
- hindi mo kakilala.
- Ngayon: May hiya ka na kaya hindi mo na nagagawang mamasko.
- Noon: Kahit ano na lang binibigay sa iyo.
- Ngayon: May wishlist na.

Wag nang malungkot ngayong kapaskuhan. dahil maraming pang bagay ang ating dapat pasalamatan.

mga mumunting bagay na binigay nya, hindi lang natin napapansin. pero ito’y may dalang liwanag at kutitap para sa atin.

kaya’t tayo’y magalak sa pag dating ng Messiah!

mga natanggap nating biyaya’y ishare sa iba! 8-)

balutan natin ng papel ng pagmamahal at palamutian ng laso ng pag-asa.

simple man itong ating regalo…

Pero para sa kanila, ito’y extra-ordinaryo!
*from the album “gunting at papel”.

